Konsepto ng Kaibigan 2

KONSEPTO


konsepto ng kaibiganHindi ito ang unang pagkakataon na magsusulat ako patungkol sa isang kaibigan, pagkakaroon ng isang kaibigan, at pakikipagkaibigan. Sadyang mahina lang talaga ang loob ko sa paghawak ng mga ganitong usapin at saloobin. Pero hindi rin siguro, sadya lang talaga akong madamdamin.

Bata palang ako alam ko na sarili ko kung sino ang dapat pakibagayan sa hindi. Alam ko din kung sino ang mga dapat kong pakisamahan sa dapat iwasan. Sa madaling sabi, –ako na choosy! Haha.

Pero sa lahat ng gusto kong pakisamahan, sila iyong… alam kong nasasakyan ang lahat biro ko. ‘Yung tipong alam mong nanlalait ka pero ayos lang sa mga kapwa mo laitero. Syempre, mas masarap pa rin pakisamahan ang mga tsismoso! :D

Ang kaso lang, hindi ka naman panghabang buhay na bata o estudyante. Hindi naman laging masasaya, kulitan at tsismisan na lang. Dadaan at mapapadpad ka sa pinakamalulungkot at pinaka bigo mong sandali sa buhay. Ang tanong, lagi pa rin ba silang nandyan?

Noong natapos na ako sa pag-aaral at nagkaroon ng hindi man kagandang trabaho pero masasabi kong hanap-buhay, nabuo ang konsepto ko sa pagkakaroon ng isang kaibigan. Siguro nabuo at magsimula iyon noong unti-unti nang  nagkakalayo ang mga pinaka-malalapit kong kamag-aral at kaibigan, at sa sandaling halos wala ka ng matakbuhan.

KONSEPTO NG KAIBIGAN AYON KAY OTEP

  • Maasahan – Hindi lang sa utangan pero alam mong kapag kailangan na kailangan mo, makakagawa ng paraan.

-“Walang-wala din ako, ibugaw mo ko dali!”
-“kill me na lang!”

  • Laging Nandiyan – Hindi ka iiwanan, iwanan ka man pero alam mong babalik ka pa rin ‘yan. Isang tawag lang darating na, labag man sa loob n’ya pero pupuntahan ka pa rin, mumurahin ka nga lang

-“Kapag hindi importante yang sasabihin mo, babatukan talaga kita!”
-“Nanalo ako sa ending! yey!”

  • Lakas-Trip! – Hindi lang sa kalokohan pero laging sumasakay sa kung ano man ang naisipan, mapaliteral man o katang-isip lang.

-“Gala tayo!”
-“tsongki na lang!”

  • Malihim – Hindi sa isa’t isa, pero alam mong kapwa kayo may sekreto na kayo lang ang nakakaalam

-“May Tulo ako!” :(
-“Belat!” :P

  • Totoo – Hindi dahil sa nagsasabi lang sya ng katotohanan kundi dahil ayaw nyang lumaki ang ulo mo.

-“Wow seryoso ikaw gumawa nito!? Weh? Di nga?”
-“Lul!”

  • Palakwento – Hindi lang puro bibig pero alam mong may tengang handang makinig.

-“May kwento ako daliiii… (kinikilig)… ay wala pala” hahaha.
-“Pakyu!”

Higit sa lahat,

  • Karamay – Hindi dahil sa namatayan ka lang, kundi dahil alam mong kailangan mo ng makakausap sa oras na halos hindi ka na makahinga sa bigat ng nakapatong sayo na problema, buhay pag-ibig, pamilya, trabaho, kinamumuhiang tao at ipa pa.

-“Ang tanga-tanga mo kasing hayop ka!”
-“hayop ka din! thank you ha!”

Mahirap sa tulad ko na madami ka ngang ituturing na kaibigan pero dumadating sa punto na wala kang maituring na ‘pinaka’ sa kanila dahil wala naman talagang pekpektong kaibigan. Pero ang pinaka mabigat na katanungan, itinuturing ka rin ba nila?

Ilang taon na rin ang nakararaan noong makakilala ako ng isang kaibigan. Ayos naman ang samahan namin at ayos din naman sya. Maihahambing ko sya sa isang magaling na manunula, mahahalina ka sa bawat salitang binibigkas nya lalo na’t kabundot ng bawat salitang iyon ay ang Diyos. Sa mas malalim na paghahambing para syang hindi makabasag-pinggan.

Hindi man sa pagkakataon o pananadya, nakilala nya din ang mga kaibigan ko. Doon nakaramdam ako ng selos hindi dahil sa hindi na ako napapansin kundi sa katotohanang wala talaga silang balak isama ako sa buhay nila. Hindi ko lang maintindihan na sa kabila ng turingan namin bilang magkakaibigan ay parang pinaglilihiman ka.

Parang sa isang pagkikita-kita ng mga akala mong kaibigan/katropa, sa sitwasyong makakakita ka ng mga group picture nila sa faceboook tapos ikaw lang pala ang hindi inimbita hahaha. Ang sakit nun men! Wawa.! Kaya mapalad ka kung hindi mo pa iyon nararansan.

Ganoon din sa mga tinuturing mong mga kaibigan na dapat ay nagkukwento sayo ng mga buhay-buhay nila (kahit hindi mo naman pinagkukwento) pero halos gusto mo na silang yugyugin at sabihing “magkwento ka!” pero hindi naman pwedeng ganun. At sa panahong nagkukwento na nga sila ay parang wala ng sustansya.

Sa oras naman na gusto mong magbahagi ng buhay-buhay mo, bigla mo na lang mararamdaman na hindi naman sila interesadong marinig ang kwento mo.

Kaya ako, hindi ko na iyon ginagawa sa ngayon. Napatunayan ko kasi na kung matalik ka talagang kaibigan, magkukusang magbahagi ‘yon. Hindi naman sa obligasyon pero alam kong bahagi yun ng konsepto ng pakikipagkaibigan.

Meron ka ngang kaibigan, laging naman nandiyan, napagkukwentuhan mo, napaprangka ka, napapagalitan ka, napupuri ka, lahat ng katangian ng isang kaibigang nasa konsepto mo ay nasa kanya na maliban sa isa –ang presensya. Iba pa rin talaga kapag personal mong nakakausap yung taong iyon. Ganoon pa man magpapasalamat ka pa rin, kasi kahit alam mong sa cellphone at internet lang kayo nagkakausap alam mong may nagpapaka-totoo at totoo sayo.

May pagkakataon namang may mga bagay na susubok sa pagkakaibigan nyo, isasalba mo iyon, magtatagumpay ka, muling mabibigo pero ipaglalaban mo pa rin dahil alam mong naging aral sa inyo ang mga kaganapang iyon. Sana nga hanggang huli na. sigh*

Pero may mga bagay na kahit sa kinahaba-haba na nang taon ang nakararaan hindi mo na talaga kayang ibalik yung dati. Mapapatawad mo s’ya pero hindi mo na sya matatawag na kaibigan.

Ganyan ang buhay-kaibigan sa akin, may mababaw may malalim. Ang konsepto ng pagkakaroon ng kaibigan ko ay nananatiling konsepto. Pero hindi ibig sabihin noon ay may mananatili at babatay na lang ako/tayo sa mga konsepto. Sadyang hindi lang talaga tayo pwedeng mamili. Sabi ko nga dati, na kung nakabibili nga lang sana ng best friend kahit napakamahal pa, handa akong mag-ipon at mabaon sa utang magkaroon lang ng kahit isa.

Ang pagpili ng kaibigan ay hindi lang sa paraan tulad ng pagpili ng kulay na nais mong ilapat sa isang papel o canvas, ang pagkakaroon ng isang kaibigan ay sa paraan tulad din ng kung paano mo ilalapat ng tama ang pangkulay. Sa ganoon, sa sandaling magkamali ka ng hagod, alam mo pa rin kung paano mo ito maisasaayos o mapapaganda, sa anyong napakakulay na tila may buhay ang iyong ipinipinta.

*Photo mula kay Pareng Google

–oOo–

Maraming Salamat sa mga  bago kong Subscribers/Followers:

zioncampo
http://www.unsayuso.com
4 na email followers

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP”

Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

11 thoughts on “KONSEPTO”

  1. andito lang naman ako, alam mo yan.. hahaha… tandaan mo lang ito, me mga pagkakataon na wala ka sa larawan pero hindi iyon ang batayan. me mga panahon na mararamdaman mong hindi ka kabilang, pero hindi din iyon ang sukatan, ang pakikipagkaibigan hindi naman laging sa masaya iyan, mas malalaman mo ito sa panahon ng kagipitan sa buhay.. kung sa iyo ay “konsepto” me batas din ako jan, ang disiplina sa pakikipagkaibigan lels… love it. nakarelate ako.

  2. Pero bakit ganun? may mga kaibigan na minsan dahil sa pag-ibig
    handang kalimutan ang lahat . yung tipong kahit hindi ka naman nagsasawang makinig pero ikaw nalang lagi ang naiipit kakapakinig sa kanila, yung tipong handa ka namang makinig pero hinusgahan kana agad na may kina kampihan ka . tapos ikaw pa tong parang may dinadalang napakabigat dahil lang sa pag aakalang mas pinapapaburan
    mo yung isa sa kanila . isa pa naman sa pinakasakit sa lahat ay ang
    mawala ng kaibigan . tao lang tayo, nagkakamali din ^_^ .
    ~anyway . nagustuhan ko nga pala yung bnlog mo .

  3. nalungkot naman ako sa post na toh. at nakarelate ako sa mga klase ng kaibigan. Totoo. Meron naman mga kaibigan na kahit gaano kayo katagal di nagkikita, once na nagkita kayo.. boom sabog kayong dalawa. Hehehehe… at mahirap nga humanap ng totoong kaibigan. Madami kang makikilala.. i-aadd mo sa facebook, pero konti pa rin yung magiging importante talaga,.

  4. And I felt guilty after reading this😥 Miss you pre ♥ Sa susunod gandahan mo pa ha… lels.

    Sige labas tayo one of these days, bago man lang ako mag-50th bday. charaught!

    You know naman, kahit di tayo nag-uusap, nandito lang ako. Masyado ka lang madrama… charaught lang ulit! Baka magtampo. lels. Basta, andito lang naman ako e. I’ll be happy to hear from you, ket ano pa yan. Basta alam mo na yun. PREship pa rin tayo no matter what😉

  5. napaisip tuloy ako… naalala ko lang kasi na iilan lang ang prends ko noon… lalo na nung nag aaral pa lamang ako…..

    pwedeng magkaroon ng maraming barkada pero ung tapat at tunay na kaibigan parang mahirap mahanap….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s