GROTTO BORACAY

DAY 1 BORACAY: BAKASYON GRANDE!


philippine boracay map

Paalis na lang ako may mga pahabol pang trabaho at gawain, hindi na tuloy ako nakatulog para sa 8:00 am flight ko papuntang Boracay. Pero ganoon naman talaga di ba? Kailangan mo munang mapagod, magsikap at maghirap bago mo masabing “natutupad ang mga pangarap mo dahil sa mga paghihirap na ‘yan” ganoon din para mabigyan mo ng reward ang sarili mo.

———-ooOoo———-

#MEMA  Ayon kay pareng wikipedia, ganoon din sa mapa, Lels😛 matatagpuan ang Isla Boracay sa itaas na bahagi ng Isla ng Panay. Sakop ito ng Probinsya ng Aklan at bahagi ng Munisipyo ng Malay. Mayroon itong tatlong barangay: ang Manoc-Manoc, Balabag at Yapak.

Alam na naman ng lahat na kilala ang Boracay sa mga natatamo nitong parangal  mula sa maraming lathalain sa iba’t ibang bansa dahil sa angking ganda nito at dahil na rin sa iba’t iba aktibidad nito sa isla. Pero alam n’yo ba kung saan nagmula ang katawagang “Boracay”? Anila, madami daw itong pinagmulan. Ang isa ay mula daw sa lokal na salitang “borac,” na ang ibig sabihin ay “bulak,” na maihahambing sa kulay at makinis nitong pinong-puting buhangin ng isla. At ang isa naman ay mula pa rin sa lokal na salitang “bora,” na ang ibig sabihin ay “bula” at “bocay,” na ang ibig sabihin naman ay “puti”. Maaari din daw nagsimula pa at nagmula pa noong panahon ng kastila sa salitang “sagay,” ang katawagan para sa mga kabibi At “boray,” na katawagan naman para sa mga buto ng halaman ang katawagang “Boracay”.

———-ooOoo———-

Kalahating taon na rin ang nakararaan noong makapagpabook kami papuntang Boracay. Abot-kamay na nga kung tutuusin kasi may  mga ticket na kami at takeoff na lang ang kulang. Pero dahil peak season ang aming paglalakbay medyo napahiwalay ako ng flight. Mauuna sila ng dalawang oras sa akin (isang oras nga lang dapat kaso nag change flight yung airline). Hindi na naman masama dahil hihintayin naman daw nila ako sa Kalibo para sabay-sabay bumayahe papuntang Caticlan. Isa pa sabay-sabay na naman kami sa pagbalik sa Kamaynilaan, kaya hindi na talaga masama.

Ninoy Aquino Interntional Airport Terminal 3
Ninoy Aquino Interntional Airport Terminal 3 5:00 AM

Medyo hindi lang makatarungan ang sitwasyon  ko. haha😀 Paano kung nagkataong bumagsak yung eroplano nila tapos hindi ako kasama, edi parang bida-bida lang ako nun dahil ako lang ang nag-iisang survivor ng grupo😛 lels. O kaya kung nagkataong eroplano ko naman yung bumagsak edi hindi na lang ako bida-bida nun kundi ako na mismo ang bida dahil ako lang ang nag-iisang sinawing palad sa grupo at malamang, -ang nag-iisang pinaglalamayan sa Ublog hahaha lels.😛

Kahit 8:00 AM pa nga ang flight ko, kinailangan ko na agad pumunta sa airport dahil na kay Bino yung ticket at credit card na syang ginamit sa pagpapabook, required daw kasi yun ng airlines alam mo namang madaming manggogoyo sa Credit Card.

Check in Counter PAL Express
Check in Counter PAL Express

Mapalad ko naman silang naabutan. Kaya pagkabigay na pagkabigay sa akin ng ticket, pumunta na rin sila sa Gate number nila.

Bago sila mag boarding, naabutan ko muli sila sa Gate 313.

Fefe & Tete
Fefe & Tete na mga may biyaheng pa-Caticlan Airport
Kurog, Berl, Xander, Iyah & Bino
Kurog, Berl, Xander, Iyah & Bino

Tatlong oras ko tuloy nilibang ang sarili ko sa pag-ikot sa buong NAIA 3. Nagawa ko pa ngang mag-apply ng credit card Lels😛

———-00Ooo———-

#MEMA: Hindi na pala naniningil ng P200 na terminal fee (domestic) sa NAIA dahil kasama na daw  ito sa ticket. buti naman!😀 Sakop daw nito ang mga nakapagpabook na nang ticket mula noong August 1, 2012. So kung nakabali ka ng ticket before August 1 kailangan mo pa ring magbayad ng Airport terminal fee.

———-00Ooo———-

PAL EXPRESS Airplane
Heksayted na ako sakyan ang tulad nitong eroplano na may logo ng PAL😀

First time kong sasakay ng eroplano ng Philippine Airlines, pero hindi din dahil pinalitan lang naman nila ang pangalan.

———-00Ooo———-

#MEMA: Wala na pong airphilexpress ginawa na nilang PAL express na same ng logo ng Philippine Airlines.

———-00Ooo———-

PAL EXPRESS
Now Boarding PAL Express yeebee!!😀

Medyo nalungkot lang ako ng kaunti dahil ang unang lipad ko ay nangyari sa airphilexpress😦 (hahahaa share lang). Pero masaya na rin dahil nasubukan ko iyong sakyan kahit isang beses lang bago mawala.

PAL EXPRESS Window
Syempre dapat laging tabi ng bintana. Hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa nakaimbento ng eroplano.

Habang nasa ere nagsimula nang maglako ng mga makakain yung mga starwardess. Noong una akala ko nagbabenta kaya medyo isnabero lang ako, hindi ko alam na free snacks pala yun with coffee. Ang bango tuloy sa loob ng eroplano, parang nasa SB lang, amoy coffee! yaaaaaam-mie!:D

Free Snacks PAL Express
may Free Snacks sa PAL Express naks!

Sandali lang kami nanatili sa kalangitan (45 minutes Manila-Kalibo) parang mas matagal pa yung tinigil namin sa kalupaan dahil daw sa air traffic.

TOUCH DOWN

Nakakatuwa dahil nakaapak na naman ako sa bagong lugar -ang lalawigan ng AKLAN medyo dissapointed lang ako dahil pangmahirap yung airport naturingang international pa naman hahaha lels. peace*

KALIBO AERIAL
Ang ganda ng Kalibo Aklan mula sa ere, Airport lang talaga ang hindi hahaha lels.

Dalawang oras din nila akong hinintay sa loob ng kainan sa tabi ng airport.

Agad na rin kaming pumunta sa mga nakaparadang mga van, at doon na rin nagtanong. Hindi naman mahirap maghanap dahil sila na mismo ang lalapit sa inyo. May tawaran portion as usual.

P250 per person ang sinisingil sa amin, yung iba naman kasama na daw ang bangka pagtawid mula sa Caticlan  Jetty Port papuntang Boracay o Cagban Jetty Port. Syempre tumawad kami kaya naging P220 per person na lang.

VAN KALIBO TO CATICLAN
Sa loob ng Van papuntang Caticlan mulasa KIA. L-R: Xander, Kurog, Otep, Iyah (susan enriquez lels😛 ) at Bino.

Isa’t kalahati hanggang dalawang oras ang biyahe mula sa Kalibo papuntang Caticlan. Hindi naman nakakaboring ang biyahe dahil sa madalas na paglitaw ng bughaw na dagat at mala-chocolate hills na mga kabundukan.

CATICLAN

Pagdating namin sa Caticlan nandoon na sila Fefe at Tete (mga katulong ni Kurog) haha lels😛 Ganoon din sa Kuya Bernard na mga kapwa nag biyahe ng NAIA to Caticlan Airport. Nandoon na rin si Ate Mel na nagmula pa sa Iloilo.

Medyo nakakairita lang sa Caticlan Jetty Port ang daming dapat bayaran. Yung tuwa ko sa NAIA dahil hindi na nga naniningil ng terminal fee, dito naman ang daming fees hahahaa.

  • P   75 Environmental Fee
  • P 100 Terminal Fee
  • P  25  Boat Fee
  • P 200 Total Fees
Caticlan Jetty Port
Caticlan Jetty Port

Sana sa Environment talaga napupunta yung 75 pesos na environmental fee. Pero infairness naman sa kanila may nakikita akong naglilinis ng sa tubig  yung parang sa swimming pool. Malinis at malinaw naman ang tubig sa Port.

BOAT TO BORACAY
Sa loob ng Bangka. Mahigpit sila sa life vest kailangan daw mag-suot ang lahat pero apat lang ata kami nag-suot. Kalaunan, ako na lang meron haha.

Noong nakarating na kami sa Cagban Jetty Port ng Boracay medyo napaisip ako kasi parang wala namang kakaiba. haha

Cagban Jetty Port
Cagban Jetty Port

Mula doon naghihintay na ang aming naka uniform na driver naks! Shuttle service iyon ng tutuluyan naming hotel na PANGMAYAMAN! Lels.😛

ALTA VISTA DE BORACAY

Matatagpuan ang Alta Vista de Boracay sa dulong bahagi ng isla pa norte. Ilang minuto lang mula sa Cagaban Jetty Port kung saan kami sinundo ng shuttle service.

Sobrang ganda ng hotel namin! Pagbaba palang namin sa sasakyan may welcome drink na agad! (‘yun yung kinaganda doon) Lels.😛

WELCOME DRINK
Welcome Drink ni Xander😀

Infinity pool na agad ang bubungad sayo kasama ang napakagandang view, hindi mo aakalaing nasa boracay ka dahil nasa taas ka ng burol. ‘ika nga namin ito yung Tagaytay version ng Boracay, hayup sa View! napakaganda🙂

Infinity Pool, Alta Vista De Boracay
Infinity Pool, Alta Vista De Boracay

Ilang sandali lang binigay na sa amin ang susi ng kuwarto kaya kara-karaka kaming pumanik! Akala ko yung view at infinity pool lang ang supresa ng hotel meron pa pala -ang kuwarto! Palung-palo! ang room namin! up and down (Loft Suite) At ang balkunahe pang mayaman! Kita mo pa rin ang napakagandang view🙂

Illinisa Building, Alta Vista De Boracay
Illiniza Building, Alta Vista De Boracay

Illiniza yung binigay sa aming Building kung saan kabilang ang kuwarto namin.

———-00Ooo———-

#MEMA Ayon pa rin kay pareng Wikipedia ang Illiniza daw ay isang pares ng volcanic mountain na matatagpuan sa Equador. Nakatayo ang Alta Vista de Boracay sa mataas na bahagi ng isla na sakop ng Brgy Yapak kaya marahil naging tema ng bawat gusali doon ay ang iba’t ibang bundok sa mundo tulad ng Fuji ng Japan, Apo ng Pilipinas at iba pa. Nakanang!😀

———-00Ooo———-

Loft Suite Alta Vista De Boracay
Loft Suite Alta Vista De Boracay
Living Room (Loft Suite Alta Vista De Boracay)
Living Room (Loft Suite Alta Vista De Boracay)
Living Room 2nd Floor (Loft Suite Alta Vista De Boracay)
Living Room 2nd Floor (Loft Suite)
ALTA VISTA DE BORACAY ROOM 3
Banyo King hahaha lels
BathRoom with Bathtub (Loft Suite Alta Vista De Boracay)
Bathroom with Bathtub (Loft Suite Alta Vista De Boracay)
Balcony/Lanai/Terrace Alta Vista de Boracay
Balcony/Lanai/Terrace Alta Vista de Boracay; Berl, Bino, Kurog & Bernard
view from balcony Alta Vista de Boracay
View from balcony

Nagpahinga lang kami sandali at bumaba na rin kami papuntang D*Mall (Station 2) para mag tanghalian. Syempre may shuttel service pa rin. (mayaman e!)😀

GROUP PIC 3
Xander, Iyah, Mel, Fefe, Tete, Kurog, Otep, Berl, Bino & Kuya Blue
DMALL
D* Mall Boracay (Station 2)
DMALL 2
D*Mall Boracay Souvenir Shops (pare-pareho lang ang may-ari) lels.

May karamihan ang tao sa Boracay kaya medyo mahirap makahanap ng makakainan na mura at masarap  kaya nauwi kami sa Andoks. Sulit naman dahil nabusog ang lahat sa mga inorder namin na mala-fiesta😀

Matapos naming kumain pumunta na kami sa tabing-dagat na napakaganda hindi lang dahil sa white sand kundi dahil na rin sa mga katawang naggagandahan hahaha lels😛

White Sand Beach
White Sand Beach with White People na gustong maging tan lels😛

Nilakad namin ang kahabaan  ng Station 2 papuntang Station 1 sa Grotto.

———-00Ooo———-

#MEMA Malumot daw talaga ang Boracay white beach (station 1-3) kapag mga ganitong buwan o summer kaya mas maganda daw pumunta kapag tag-ulan o December. Pero hindi naman lahat ng beach sa Boracay ay malumot tulad sa Puka Shell Beach at Tulubhan Beach na napakaganda.

———-00Ooo———-

Doon sa isang kainan/Inuman napagpasyahan ng grupo na tumambay habang hinihintay ang napakatagal na paglubog na araw. Heksayted lang!😛

Vinta ng Boracay
Ang mga Vinta ng Boracay

Ang dami nilang pinag-uusapan may iyakan pa nga hahaha😀, malamang tungkol yun sa pag-ibig kaya hindi ako makarelate lels😛

BORACAY 4
Ang meeting. lels. First line L-R: Tete, Fefe, Iyah, Mel, Xander; Second LIne L-R: Xander, Alex, Bernard, Berl, Kumagcow & Bino.

Maya-maya pa unti-unti nang lumulubog ang araw. Noong una, parang wala namang kakaiba sa nakikita ko sa Manila bay. Pero namangha talaga ako sa mga sumunod na pangyayari nang bumuga na nang liwanag ang kalangitan matapos ang paglubog ng araw.

silhouette of Grotto Boracay
Silhouette ng Grotto

Dito ko nakita yung sinasabi nilang natatanging sunset, kung bakit iba talaga ang Boracay.

Madilim na noong napagpasyahan ng grupo na magbalikan muna sa hotel at magkita-kita na lang muli para sa binabalak nilang pagba-bar.

Muli kaming bumalik sa bukana ng D*Mall kung saan doon na rin ang terminal ng mga shuttle services ng iba’t ibang hotel sa Boracay.

Pagbalik namin sa Hotel kanya-kanya muna kaming pahinga. Wala na dapat talaga akong balak bumaba noon para sumama sa bar. Pero noong naramdaman kong parang ako na lang tao sa kuwarto dahil sa nakakabinging katahimikan, doon na ako biglang napatayo.

Agad akong tumawag kay Bino para sabihing sasama ako. Akala ko kasi may maiiwan bukod sa akin.

Tiis-antok at pagod ang ginawa ko dahil halos 2 araw na akong walang tulog. Iniisip ko na lang na minsan lang naman ito kaya bawal magreklamo.🙂

Mula muli sa D*Mall sa station 2 nilakad naman namin ang papuntang Station 3 o pa- south kung saan matatagpuan ang madami pang mga bar.

Napadpad kami sa isang bar na napakaingay at puno ng mga ilaw. Juice yata pangalan noon.

Inaantok man, pinipilit kong mabuhay! Hahaha.

Juice Bar Boracay
Ang saya nila! haha. L-R: Xander, Iyah, Leah at Fefe @Juice Bar

Sabi ko noon iinom ako sa Boracay! minsan lang naman. Pero hindi ko pa rin nagawa dahil tinatamad talaga ako sa kaantukan. Maya-maya pa habang humahaba ang gabi madami na akong nakikitang mga kalalakihang hindi naman kagandahan ang katawan pero halos magsasayaw na sa itaas ng upuan. Doon ko na lang naisip na Gay Bar ata an gaming napasukan haha.😛 (Malay ba nila)

Masaya namang natapos ang gabing iyon at saka bumalik sa aming pangmayaman na tuluyan. Kumain sandali at saka tinapos ang unang araw at gabi sa Boracay.🙂 Bukas uli!

►►►

Maraming Salamat sa mga  bago kong Subscribers/Followers:

Ang blogger daw na si Iskahttp://parangpagibig.wordpress.com
TAJ.http://nangsiakoaymagreact.wordpress.com
Nanay’s lunches with Lovehttp://deslabii.wordpress.com
tontopotatohttp://tontongpotato.wordpress.com
2 email followers CLIARE & CINDY

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP”Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

4 thoughts on “DAY 1 BORACAY: BAKASYON GRANDE!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s