PUKA SHELL BEACH


HPIM0183Magandang alon! – (“goodmorning” in sea world) lels. 😛

Ito lang yung mahirap kapag galing ka sa halos dalawang araw na walang tulog, makatulog ka man ng tatlo hanggang apat na oras, napaka hirap paring gumising. Ginusto ko ‘to eh! Kaya bangon agad para sa aming pangmayan na buffet breakfast ng Alta Vista De Boracay.

Nalula ako sa dami ng pagkain sa kanilang restaurant. Lahat na yata ng klase ng almusal nandun na! pancakes, bread, pastas pati cereals at iba pa. Bagay dito ang mga patay gutom at sugapa kasi eat-all-you-can nga! hahaha lels. 😀

HPIM0137 

Syempre dahil mayaman nga ako mula sa pamilya ng mga alta de syudad sa maynila hahaha, (kaya bagay na bagay talaga ako dito sa Alta Vista e! lakas maka Alta hahhaa lels) kaunti lang ang  kinuha ko, pero ang totoo n’yan tinatamad lang talaga ako kumain sa antok. Pero hindi din, ayaw ko lang talaga lumaki tiyan ko kasi nga magbe-beach na kami maya-maya. 😀 lels.

HPIM0138

Kumagcow: Otep, kapag mayaman juice ang iniinom sa umaga?
Otep: Tomoh!

Mga bandang 9:00 ng umaga nang bumaba kami papuntang Puka Shell Beach malapit lang naman sya kung tutuusin mula sa hotel, kayang-kaya ngang lakarin. Pero dahil ganun sila magmahal sa mga guests nila isama mo pa ang factor na mayayaman kami syempre may shuttle service! haha lels. (Take note: Hatid-sundo, magpapa-sked ka lang kung kailan kayo babalik ng hotel)

HPIM0185

Dala ang aming mga kanya-kanyang beach towel mula sa hotel, (share lang! iba pa yun sa towel sa room, ang rich lang talaga 😀 sagana lang sa tuwalya? haha).

Makulimlim na Puka Shell Beach ang sumalubong sa’min. Mapang-akit agad ang dagat lalo na ang buhangin. Hindi gaanong mapulbos ang buhangin dito hindi tulad sa Station 1-3 ng boracay, pero yun nga ang maganda dito makakatikim ka ng kakaibang buhangin. Pinkish ang kulay nya na tila pinulbos na mga shell kaya marahil tinawag itong Puka Shell Beach.

HPIM0174

HPIM0169

Bukod doon, kakaunti lang ang tao dito, siguro dahil nasa north ito o dulong bahagi ng isla. Kaya kung gusto mo ang peaceful na lugar  sa Boracay, ito na yun.

HPIM0180

Sinalubong kami ng mga staff ng Alta Vista dito, astig lang ng feeling! peg na peg namin ang pagiging baksyonista. Meron din kasing cottage dito ang tinutuluyan naming hotel, plus! may mga higaan din na upuan, ano ba sa tawag o sa english yun? hmmm… “HIPUAN” na nga lang! HI-gaan + uPUAN = HIPUAN hahahaa ang korni!

Yun na nga, tinulungan pa kami ng mga staff ng Alta Vista na dalhil ang mga “hipuan” malapit sa dagat.

At dahil sabik ako sa mga picture para dito sa blog ko, Picture agad! Kaso nakalimutan ko yung sinabi ni Chyng Reyes nung nasa Apo Reef kami na huwag magshu-shoot kapag maulap. Ayan tuloy ang papangit ng shots ko.

HPIM0145

HPIM0184

Sandali lang naman nagtago ang araw , maya-maya lumabas din  ito, kaya kami naman ang nagtago. haha. 😀 Mahirap ng umitim. A-abay pa ako sa kasal next week. lels.

Sa mga puno’t halaman kami sumilong, mas presko kasi doon. Nakakatuwa talaga yung staff kasi dinalhan pa ako uli ng panibagong “HIPUAN”

HPIM0176

HPIM0181

HPIM0182

HPIM0177

Sobrang ganda talaga ng Boracay habang pinagmamasdan. Doon ko nga narealize na ito pala yung lugar na madalas kong makita sa mga postcard at mga brochure. At kung hindi din ako nagkakamali dito shinoot yung intro ng Miss Earth 2009 na nakita sa buong mundo.

Ang galing talaga! Habang nagmumuni-muni, bigla kong naisip na napupuntahan ko na pala yung mga lugar na sa print at tv ko lang nakikita. Hanggang sa……. nakatulog ako zzzz…

Nagising ako bigla nang may sumingit na liwanag sa mga dahon kung saan sa lilim ako nito natutulog.

HPIM0178

Munu-muni sandali nang nangtanong yung staff:

“Sir tatawag na ba ako ng sundo nyo?” –natuwa talaga ako! ang rich lang pakinggan habang binabanggit yun kay kuya Bernard 😀

Dahil sa katamaran at pangambang mangitim, hindi ako naligo sa dagat. Pero pagbalik namin sa hotel, mapang-akit talaga ang infinity pool ng Alta Vista kaya naligo na rin ako, di bali nang umitim!

HPIM0193

HPIM0188

HPIM0196

Weeee!!! ang sarap talaga maligo sa pangmayaman at umaagos na infinity pool. Nakadadagdag pa sa kasiyahan dahil kaming lima lang nila fefe, tete, iyah at kuya bernard ang naliligo. Ang lakas maka private pool! 😛 Isama mo pa ang napakagandang views na pinaghalong dagat at kabundukan.

Matapos noon, naghalu-halo pa kami sa halagang P200 na nakalagay sa buko, pero dahil walang buko sa hotel noong mga oras na iyon 120 na lang! 😀 wala namang pinagkaiba kahit hindi nakalagay sa buko, pangmayaman pa rin naman ang lasa! hahaha.

Pagbalik ko sa boys’ room nagpapahinga na ang ilan, pero dahil nakatulog nga ako sa Puka Beach medyo natagalan bago ako nakatulog uli. Pero nakatulog din ako agad. #Ansabe? haha 😀

Gabi na nang nagising ako, hindi pa kami nag di-dinner ng ilan sa roommates ko kaya napagpasyahan naming bumaba sa D*Mall para kumain.
Pagbaba namin ng building, naliligo na pala ang lahat sa infinity pool maliban sa amin na bababa sa D*Mall. Nainggit ako syempre pero mas nagugutom ako kaya mas pipiliin kong kumain kaysa maligo.

HPIM0199

Kung hindi ako nagkakami, hanggang alas-10:00 ng gabi ang shuttle service pababa ng D*Mall mula hotel at hanggang alas 12:00 ng gabi naman ang pabalik. So kung babalik ka nang past 12:00mn malamang mag ta-tricycle ka.

HPIM0202

Ito yung maganda sa Alta Vista e, pati bubungan ng waiting area bongga! Haha.

HPIM0204

Napili naming kainan ang BIG MOUTH tabi yun ng Andok’s at sa harap malapit sa Mang Inasal. Sa halagang 150-200 pesos busog ka na. Okay naman dito medyo matamis nga lang ang ice tea. (hindi to review! share lungs!) 😀

Pagkatapos naming kumain hinintay naming makababa muna ang buong grupo sa D*Mall. Gulat much kami! kasi nakabihis na naman ang mga kepyas naming kasama! Ready na naman sila mag dirty dance sa gay bar. lels. 😛 (Pero seryoso bumalik uli sila d’on sa bar na pang halamang dagat haha #NagustuhanNila)

Ito yung gusto ko kay Kurog e! hindi lang ako yung nagmumukhang tamad, ayaw ko na kasi sumama sa bar hopping nila kaya bumalik na lang kami sa hotel kasama si Bino at doon nagpaka fanatic ni ate guy habang nanonood ng “Walang……. Himala!” “Tayo ang gumagawa ng himala, tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos, walang himala!”

Hinintay lang naming makabalik sila sa hotel bago natulog mga bandang alas 4 ng umaga. Doon natapos ang ikalawang araw namin dito sa Boracay 😀

Bukas uli!

P.S. Joke lang po na mayaman ako haha.

►►►

Maraming Salamat sa mga  bago kong Subscribers/Followers:

-babetski-
http://iambabetski.wordpress.com
Maricor
http://pilyangutak.wordpress.com

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP”Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

BAKIT KA NALULUNGKOT?


Para palang hindi-mapigilang utot ang kalungkutan no? tiisin mo man o iwasan ang dagundong na maaring ilikha nito mararamdaman at mararamdaman mo pa rin ito. Sana pala tulad na lang ng isang kulangot ang lungkot no? sa isang sungkit at kalikot, pwede mo na lang basta ipunas sa kung saan o kaya’y  pitikin ayon sa trip mo, tapos… –wala na!

Ang kaso napakahirap talagang iwasan ang lungkot. Para syang isang pag-aalburoto ng tiyan sa hindi mo inaasahang pagkakataon at hindi mo mawari kung saan mo pwedeng mailalabas para makaraos.

Masayahin naman akong tao. Alam n’yo yan! Oo dati emo pero dati pa yun! Lels. 😛 Minsan lang talaga bigla na lang sumusulpot ‘yang pakiramdam na ‘yan dahil normal tayong tao. Pero minsan ba naiisip n’yo kung saan o kung bakit tayo nalulungkot? (feeling abnormal lang ang peg.)

Madali lang namang maintindihan ang lungkot na may kinalaman sa pag-ibig, sa pamilya, sa kaibigan, sa pera at sa kung anu-ano pa di ba?. Pero minsan may mga kalungkutan na mahirap talagang maintindihan kung saan ba tayo nalulungkot. Sighs*

Kagabi alam ko sa sarili ko na nakakaramdam ako ng kalungkutan. Nakakapagtaka lang dahil noong nakaraang gabi ay masaya naman akong nakasama ang pinaka-malapit kong kaibigan, may bonus pa dahil naka daop palad pa namin ang isa pang kaibigan na minsan ko lang makita.

Kaya kinabukasan hindi ko talaga maintindihan ang biglaang pagsumpong nito.

Pilit akong nag-aanalisa at iniisip na baka dahil lang ito sa mga exes ko (naks daming ex! lels) na masasaya na ang buhay ngayon ayon sa Facebook. O baka dahil lang ito sa wala akong mapaglibangan gaano –nganga!

Minsan iniisip ko na baka nga bunga lang ito ng pagkainggit. Alam kong kasama ang pagiging mainggitin sa seven deadly sins.

  1. Kapalaluan o kahambugan
  2. Inggit
  3. Katakawan o kasibaan sa pagkain at inumin
  4. Kahalayan o kalibugan
  5. Poot o Galit
  6. Pagkaganid
  7. Katamaran o pagkabatugan

Yun na nga siguro! Yung pakiramdam na wala ka namang ginagawang masama pero nakakagawa ka na pala ng masama dahil sa Inggit.

Sabi nila may dalawang uri naman daw ng pagkainggit. (ilang beses ko na ata ‘tong nasabi sa blog ko pero uulitin ko uli) Ika nga,  good and bad side daw. Halimbawa daw si Charice idol na idol mo pero sasabihan mo ng “wow ang galing ni charice! Sana malunok nya yung mic” –bad side. Ang good naman daw ay tulad ng: “wow ang galing ni charice! Sana ako din” –parang paghanga at inspirasyon.

E paano kung maiinggit ka sa ganitong sinaryo. “wow si ex may bago na! tang-ina maghihiwalay din ‘yan!”– bad side! Ang good side naman daw ay ganito: “wow si ex may bago na! sana panghabang buhay na sila, alam ko may nakalaan din sakin love love love!” –less bitter na with best wishes pa at higit sa lahat hopia (hope)!.  Ang kaso hindi naman yan tulad sa pag-kanta na pwede mong i-practice hanggang kagiliwan mo at mapasayo. Ang love hindi pinapractice, hindi din tulad ng Candy Crush na pwede mong pagpuyatan para maakalis sa level 54, 55 at 56 at mas lalong hindi pwedeng paglimusan at i-request ng buhay kapag out of lives ka na. Ang love kusang dumadating mas lalong hindi hinihintay (pero pwede din siguro wait ka lang).

Shet! Sabi na e! alam ko naman talaga ang kinalulungkot ko. Nahihiya lang talaga akong aminin at tanggapin sa sarili ko na iyon ang kinalulungkot ko.

Baliktarin ko man ang mundo,  babagsak at babagsak pa rin pala ako sa iisang dahilan –ang kalungkutan ng pakiramdan na para kang nag-iisa.
aw! 😥

____

Photo Credit: Google

►►►

Maraming Salamat sa mga  bago kong Subscribers/Followers:

foobarph
http://foobar.ph
mrbeancent
http://mrbeancentdblogger.wordpress.com
rsmacbright
http://rsmacbright.wordpress.com
Sey
http://14thstreetblog.wordpress.com
Lory Lee
email follower

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP”Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap