BAKIT KA NALULUNGKOT?


sad paintingPara palang hindi-mapigilang utot ang kalungkutan no? tiisin mo man o iwasan ang dagundong na maaring ilikha nito mararamdaman at mararamdaman mo pa rin ito. Sana pala tulad na lang ng isang kulangot ang lungkot no? sa isang sungkit at kalikot, pwede mo na lang basta ipunas sa kung saan o kaya’y  pitikin ayon sa trip mo, tapos… –wala na!

Ang kaso napakahirap talagang iwasan ang lungkot. Para syang isang pag-aalburoto ng tiyan sa hindi mo inaasahang pagkakataon at hindi mo mawari kung saan mo pwedeng mailalabas para makaraos.

Masayahin naman akong tao. Alam n’yo yan! Oo dati emo pero dati pa yun! Lels.😛 Minsan lang talaga bigla na lang sumusulpot ‘yang pakiramdam na ‘yan dahil normal tayong tao. Pero minsan ba naiisip n’yo kung saan o kung bakit tayo nalulungkot? (feeling abnormal lang ang peg.)

Madali lang namang maintindihan ang lungkot na may kinalaman sa pag-ibig, sa pamilya, sa kaibigan, sa pera at sa kung anu-ano pa di ba?. Pero minsan may mga kalungkutan na mahirap talagang maintindihan kung saan ba tayo nalulungkot. Sighs*

Kagabi alam ko sa sarili ko na nakakaramdam ako ng kalungkutan. Nakakapagtaka lang dahil noong nakaraang gabi ay masaya naman akong nakasama ang pinaka-malapit kong kaibigan, may bonus pa dahil naka daop palad pa namin ang isa pang kaibigan na minsan ko lang makita.

Kaya kinabukasan hindi ko talaga maintindihan ang biglaang pagsumpong nito.

Pilit akong nag-aanalisa at iniisip na baka dahil lang ito sa mga exes ko (naks daming ex! lels) na masasaya na ang buhay ngayon ayon sa Facebook. O baka dahil lang ito sa wala akong mapaglibangan gaano –nganga!

Minsan iniisip ko na baka nga bunga lang ito ng pagkainggit. Alam kong kasama ang pagiging mainggitin sa seven deadly sins.

  1. Kapalaluan o kahambugan
  2. Inggit
  3. Katakawan o kasibaan sa pagkain at inumin
  4. Kahalayan o kalibugan
  5. Poot o Galit
  6. Pagkaganid
  7. Katamaran o pagkabatugan

Yun na nga siguro! Yung pakiramdam na wala ka namang ginagawang masama pero nakakagawa ka na pala ng masama dahil sa Inggit.

Sabi nila may dalawang uri naman daw ng pagkainggit. (ilang beses ko na ata ‘tong nasabi sa blog ko pero uulitin ko uli) Ika nga,  good and bad side daw. Halimbawa daw si Charice idol na idol mo pero sasabihan mo ng “wow ang galing ni charice! Sana malunok nya yung mic” –bad side. Ang good naman daw ay tulad ng: “wow ang galing ni charice! Sana ako din” –parang paghanga at inspirasyon.

E paano kung maiinggit ka sa ganitong sinaryo. “wow si ex may bago na! tang-ina maghihiwalay din ‘yan!”– bad side! Ang good side naman daw ay ganito: “wow si ex may bago na! sana panghabang buhay na sila, alam ko may nakalaan din sakin love love love!” –less bitter na with best wishes pa at higit sa lahat hopia (hope)!.  Ang kaso hindi naman yan tulad sa pag-kanta na pwede mong i-practice hanggang kagiliwan mo at mapasayo. Ang love hindi pinapractice, hindi din tulad ng Candy Crush na pwede mong pagpuyatan para maakalis sa level 54, 55 at 56 at mas lalong hindi pwedeng paglimusan at i-request ng buhay kapag out of lives ka na. Ang love kusang dumadating mas lalong hindi hinihintay (pero pwede din siguro wait ka lang).

Shet! Sabi na e! alam ko naman talaga ang kinalulungkot ko. Nahihiya lang talaga akong aminin at tanggapin sa sarili ko na iyon ang kinalulungkot ko.

Baliktarin ko man ang mundo,  babagsak at babagsak pa rin pala ako sa iisang dahilan –ang kalungkutan ng pakiramdan na para kang nag-iisa.
aw!😥

____

Photo Credit: Google

►►►

Maraming Salamat sa mga  bago kong Subscribers/Followers:

foobarph
http://foobar.ph
mrbeancent
http://mrbeancentdblogger.wordpress.com
rsmacbright
http://rsmacbright.wordpress.com
Sey
http://14thstreetblog.wordpress.com
Lory Lee
email follower

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP”Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

7 thoughts on “BAKIT KA NALULUNGKOT?”

  1. bakit mo kasi iniisip na nagiisa ka.. alam ko na ang kahinaan mo, sabihin ko pag nagkita tayo.. magisa ka man,ienjoy mo, gayahin mo ako, sanay na magisa… kelangan mo lang matutunan ienjoy ang pagiging mapagisa.🙂

  2. Ang kalungkutan nati’y dumadaan lamang, ngunit ang mga natutunan natin gawa ng mga kalungkutang ito ay s’yang ating pundasyon hubang humubog muli ng isang bagong pagkatao na mas matibay at mas matatag na lumalaban sa bawat dagok ng buhay.

  3. ikaw na mraming exesssss .. haha🙂

    may pag ka emo din ako minsan yung mlulungkot ng walang dahilan kaya wala akong krapatang magbigay ng payo sayo dito. hahaa

  4. Ako pano ko malalaman ung dahilan bakit ako nalulungkot kasi di ko alam kung bakit…? Minsan lang ako maging masaya kapag nagiisip ako ng mga bagay bgay na di nman totoo ung pag muni muni lang dun lang ako nagiging ok pero after nun feel ko malungkot nanaman ako minsan nga parang ayaw ko na kumilos kahit di nman ako pagod at tinatamad, feeling ko napagiiwanan na ko ng panahon kahit bata pa ako. Sana matukoy mo kung anu dahilan bakit ako nalungkot sounds funny pero totoo to parang naiwan ko ata ung sarili ko sa bus feel ko e nagbyabyahe ako ng walang tiyak na paroroonan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s