img_9704

MERDEKA SQUARE


merdeka square2
Sultan Abdul Samad Building | Clock Tower

MALAYSIA
DAY 3 PART 1/4

Nakaraan

Inamag na ‘to sa baul ko at hindi ko na sana ipo-poste pa pero bigla kong namiss ang Malaysia🙂 pero hindi din, namiss ko lang siguro gumala.😀

Kl Sentral to Merdeka Square
KL Sentral to Merdeka ? Bukit Jalil to Merdeka Square

DAY 3 Malaysia: ika-21 ng Nobyembre 2012. Sa mga nagmamahal sa akin malamang alam nyo na birthday ko yan! Masaya ako dahil naregaluhan ko ang sarili ko ng bonggang bakasyon para sa ika -dalawamput….(nevermind mah age! hahaha) na kaaarawan ko.

Oo ambisyoso talaga sya dahil sa Kuala Lumpur ‘ko pa ito naisipang ipagdiwang. Medyo malungkot lang dahil hindi ‘to naalala ng natatangi kong kalandiaan noong mga panahong iyon. Naka-roaming naman ako! -lels😛

Nagsimula ang araw na ito sa papungas-pungas na umaga. Ayos lang ang gising namin dahil wala kaming hinahabol na oras o sasakyang may schedule hindi tulad ng Day 2 namin papuntang Genting.

Salamat sa hinaing almusal at pangmayaman na palaman ni Rye.😀

Agad din kaming umalis at naglakad pumunta sa Bukit Jalil Station ng RapidKL (Sri Petaling Line – Sentul Timur) kung saan kami sasakay patungong Masjid Jamek Station.

Fare = Bukit Jalil Station to Masjid Jamek Station RM 1.90 (PhP24.7)*

Kung balak nyo namang unang puntahan ang Merdeka Square, tatlong istasyon lang ito mula sa KL Sentral (Kelana Jaya Line).

Kapansin-pansin pa rin ang mga mababasa sa paligid na halos katulad lang din ng salita natin, tulad ng nasa ibaba.

IMG_9635

Madami talagang pagkakahawig ang Malaysia at Pilipinas, ang malaking pagkakaiba lang -ang kalsada. Tingnan nyo na lang ang susunod na larawan sa ibaba, walang katraffic-traffic ang mga daan. Partida! naka red light pa yan.🙂

IMG_9634

Nakatutuwa din ang mga nagkalat na watawat ng sa paligid. Kahit naman siguro ako, kung bansa ko ang Malaysia pagmamalaki ko din ito sa pamamagitan ng Bandila.

Malaysian Flag
Malaysian Flag

MERDEKA SQUARE

Pagdating namin sa Masjid Jamek Station, sa itaas palang ng LRT makikita na agad ang magagandang gusali. Sabi ko nga para syang intramuros sa atin, hindi naman ganoon kaluma pero mababakas mo yung magandang pagkahulma at mga desenyo. Matatanaw doon ang napakagandang Jamek Mosque kaya marahin doon na rin pinangalan ang LRT Station.

Ilang lakad lang, pagkadating na pagkadating namin sa Merdeka Square picture agad!

Ang lakas nilang maka bodyguard! haha
Ang lakas nilang maka bodyguard! haha

IMG_9644

Sultan Abdul Samad Side
Sultan Abdul Samad Side
Sultan Abdul Samad Building
Sultan Abdul Samad Building

Ang Merdeka Square sa kanila ay parang Luneta o Quirino Grand Stand sa atin. Dito rin ginaganap ang mga importanteng okasyon sa kanila.

Royal Selangor Club @ my back
Royal Selangor Club @ my back
Royal Selangor Club, Merdeka Square
Royal Selangor Club, Merdeka Square

Hindi naman nagkakalayo ang temperatura natin sa kanila, pero sadyang napakainit talaga noong mga oras na iyon.

KUALA LUMPUR CITY GALLERY

Sa tabi na rin nito matatagpuan ang KL Gallery. Para na rin syang museum na kakikitaan ng kanilang mga kasaysayan, mga prototype ng mga importanteng gusali pati na rin yung nakakamanghang mini city nila na naka audio at visual presentation pa -Pangmayaman!😀

Kuala Lumpur City Gallery
Kuala Lumpur City Gallery

IMG_9741

Jamek Mosque
Jamek Mosque

IMG_9694

IMG_9709

Audio Visual Presentations
Audio Visual Presentations
Ang lakas maka turista! :D
Ang lakas maka turista!😀

Sa loob ng gallery o bago lumabas mayroon na ring souvernir shop kung saan makakabali ng pasalubong katulad ng t-shirt, keychain at mismong twin towers na hand made talaga ang pagkakagawa at marami oang iba.

Walang entrance fee sa KL City Gallery (sa pilipinas lang naman uso yun lels😛 ) Siguro sapat na yung kinikita ng shop para hindi na sila manghingi pa ng fees sa mga turista.

IMG_9722

Monster in the City :P
Monster in the City😛

Pagkatapos namin sa Gallery naglibot-libot pa kami ng sandali bago kumain. Ang gaganda talaga ng mga gusali nila.

National Textile Museum
National Textile Museum

IMG_9686

Pwede na rin sigurong ma i-tip sa inyo dito na huwag magpunta ng masyado nang late o tangahali, dahil napakanit talaga. (hahaha #mema tip lang)

Tanghalian na noon, wala kaming maisip na ibang makainan kaya nag Mcdonalds na lang kami.

Sa Mcdo nila dito, hindi binibili ang Coca-cola Glass, kasama na sa value meal. Hindi ko nga inexpect na meron pala nun hahaha (nagka souvernir tuloy ako ng de oras). Ang coke float dito, monster float agad! at regular softdrinks nila, medium size!. Halos pareho lang naman ang presyo ng Mcdonalds nila dito tulad sa atin nasa 70-150 pesos per meal o RM6.00  – RM12.00. Nakakatuwa lang kasi kapag lunch o dinner bagsak presyo ang mga value meal nila, nasa mahigit RM5.95 na lang.

Sa Pilipinas McSavers ang tawag, sa kanila McValue pero di hamak naman na mas mukhang pagkain ito dito sa Malaysia kaysa sa chiken fillet ng Pilipinas lels😛.

Malas lang dahil hindi uso ang gravy dito para sa fried chicken ganoon din ang rice. Ang uso sa kanila ay ketchap na ubod ng anghang o Sambal.

Lunch =Mcdonalds RM5.59 (77.35)*

IMG_9766

Nabusog naman kami infairness! Pahabol pala! ang coke dito refillable!😀 haha.

Pahinga lang kaunti ay pupunta naman kami sa next destination -Batu Caves!

Abangan ang Part 2/4! lels😛

_____________
*RM1.00 = PhP 13.00
(In picture) Mali po ang watermarks date ko 2012 po dapat yun.

►►►

Maraming Salamat sa bago kong Subscriber(s)/Follower(s):

hayding
http://haydiing.wordpress.com

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP”Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

3 thoughts on “MERDEKA SQUARE”

  1. Malaysia Truly Asia! Bongga ang free entrance at bongga ng mga #mema tips. Aliw. at lalo akong na-aliw dahil basta Pinoy, gravy talga ang hanap sa fastfood, kahit na hindi KFC. Haha. At napansin ko na advanced and date sa watermarks ng photos? Nov. 2013. Napansin ko lang naman.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s