aimg_9802

BATU CAVES


Statue of Murugan Batu Caves
Statue of Murugan

MALAYSIA
DAY 3 PART 2/4

Nakaraan:

merdeka to batu cavesTanghaling tapat na nang matapos kaming magtanghalin sa Mcdonalds. Nagtungo na kami agad sa LRT para pumunta sa next destination namin -ang Batu Caves.

Tatlong Stations lang ng tren ang dapat tandaan papunta sa Batu Caves mula sa Merdeka Square. Una ang Masjid Jamek Station (Kelana Jaya Line) kung saan kayo sasakay ng RapidKL (LRT) papuntang KL Sentral. Pangalawa ang KL Sentral Station kung saan magtatransfer naman kayo sa KTM Komuter o (parang) PNR sa atin, nasa ibaba lang kasi sya. Pangatlo ang Batu Caves Station (Pork Klang -Batu Caves Line) kung saan kayo bababa. Yun na yun!🙂

Masjid Jamek Station to KL Sentral Station = RM 1.30 (Php 16.90)*

Gaya ng dati hindi ko pa rin mahulaan kung saan manggagaling ang tren, kung sa kanan ba o kaliwa. Pero hindi ko rin nahulaan kung nasaan ba nakalagay tren. hahahaa😀 May harang kasi ang mga istasyon dito (Kelan Jaya Line).

Noong bumukas na at nakasakay na kami hindi ko na namalayan kung pakanan ba o pakaliwa ang andar. (hindi na yun importe)😀

Pero nakuha ko ang importansya ng pagkakaroon ng harang sa platform sa LRT na ito. Ito ang kailangan ng mga tren natin dito sa Pilipinas para maiwasan ang tangka at pagkakamatay ng mga tao.

RapidKL Masjid Jasmek Station
RapidKL (Kelan Jaya Line) Masjid Jamek Station

Hindi pa high-speed train ang sinakyan namin pero napakabilis naming narating ang KL Sentral Station. (tatlong stations mula sa Masjid Jasmek Station)

Pagkarating namin doon bumili na rin kami agad ng ticket papuntang Batu Caves.

KL Sentral Station to Batu Caves Station = RM 1.00 (Php 13.00)*

Hindi naman subway ang KTM Komuter pero literal na pababa ang ginawa namin para mapuntahan ang tren.

Tama nga ang sinabi ni Rye may kabagalan ang tren na ito gawa marahil ng ginagawang sistema ng riles dito (bago). Napakaganda ng tren nila at napakaluwag hindi dahil kaunti lang ang mga pasahero pero sadyang maluwag sya. Ang helera ng mga upuan ay nasa anyong ordinaryong pahaba at mayroon ding tulad sa bus na dalawahan. Ang astig nga e!

KTM Komuter KL Sentral Station
KTM Komuter KL Sentral Station

Sa loob ng mga tren, may mga paunawa at babala tulad ng nasa ibaba.

Oo, kunserbatibo ang mga Malaysian kaya pinagbabawalan ang PDA! o Public Display of Affections. Kaya kung mag jowa kayong mamamasyal sa Malaysia, ubusin nyo muna ang labing-labing nyo sa hotel😀 hahaha

Bawal ang PDA sa Malaysia
Bawal ang PDA sa Malaysia
Inside KTM Komuter Train
Sa loob ng KTM Komuter Train

Bago pa man kayo makarating sa huling istasyon ng tren o Batu Caves Station, matatanaw nyo na agad ang mga burol o limestone hill kung saan matatagpuan ang pakay nyo. Medyo matatanaw nyo na rin ang rebulto ni Lord Murugan ang sentro ng atraksyon doon.

Batu Caves Limestone Hill
Batu Caves Limestones Hill

Pagpasok palang ng Batu Caves may mga temple ka ng makikita.

Bilang paggalang na rin, mas mainam na magpaka-behave ka muna! lalo na’t madaming nagdarasal.

Hanuman Temple
Hanuman Temple

Hahanga ka agad  sa makikita mong rebulto ni Hanuman na may taas ng limampung talampakan (50 feet). Siya yung mukhang unggoy na tao ang pagkakatindig, habang pinapakita ang laman ng puso nya. Sya ang sikat na karakter sa epikong  “Ramayana” ng mga Indian.

Hanuman Statue
Hanuman Statue

Deboto daw kasi ni Hanuman si Rama -ang seventh God Vishnu sa hindu (naku ang hirap magpaliwanag kung sino si Rama click nyo na lang ITO ) hahaha.

Hanuman Statue Rama Heart
Hanuman Statue & Rama

Napakainit ng mga panahong iyon kaya huwag na huwag kalimutang magdala ng sumbrelo o payong, lalo na’t kung babalakin nyong akyatin ang loob ng kweba.

Batu Caves Entrance Shrine
Batu Caves Entrance Shrine

Napakaganda ng Batu Caves sobrang kakaiba sya kaya mafe-feel mo na nasa ibang bansa ka talaga! -Ang lakas makaturista!😀

Doves in Batu Caves
Mga kalapati sa Batu Caves

Isa ang Batu Caves sa pinaka kilalang dambana ng mga hindu sa labas ng India. Mayroon itong 272 steps, kaya siguraduhing may dala kang bottled water at pamunas sa pawis mo, pag-akyat.

Batu Caves Entrance
Batu Caves Entrance

Maihahalintulad ko ang Batu Caves sa Kamay ni Hesus ng Lucban, Quezon. Isa ring religious shrine na mayroon namang 298 steps. Ang astig di ba!? mas unique lang sa kanila kasi nga nasa kweba😀

Batu Caves 272 steps!
272 steps!!!

Noong una, akala ko yung pinaka Batu Caves o dulo lang ng hagdan ang kweba. Sa kanang bahagi pa pala nito ay mayroon pang isa na tinatawag na Dark Cave marahil dahil napakadilim nito at napakalamig. Mayroon nga lang bayad. Pero ang entrance sa Batu caves pati na rin ang pag-akyat ay walang entrance fee. Parang Kamay ni Hesus din walang bayad.

Dark Cave Bino
Emo-emo din kapag may time Bino.

Sa sobrang pagod namin ni Bino sa pag-akyat, nagpahangin muna kami sa Dark Cave habang pinagmamasdan ang Skyline ng Kuala Lumpur (tanaw dito ang KL tower at Petronas twin towers) ganoon na rin ang ilang hakbang pa papasok sa Batu Caves.

Malayang nabubuhay at nakakagalaw dito ang mga unggoy, medyo nakakatakot lang kapag nilabas na nila ang mga ngipin. Pinagbabawal silang pakainin dito ng mga turista. Katulad din sa India o sa mga hindu, mataas ang respeto nila at paggalang sa mga hayop lalo na sa mga unggoy.

Batu Caves
Batu Caves

Hanggang narating na nga namin ang bukana ng kweba. Malamig din dito katulad sa Dark Cave, gawa na rin marahil ng mga pumapatak o tumutulong tubig mula sa mga limestones.

aIMG_9852

Nakakatuwa ang mga indians dito todo national attires talaga sila, naging instant photographer tuloy si Bino🙂

aIMG_9864

Sa mga curious kung ano ang nasa loob nito, ito na yun!

Maganda ang dala kong DSLR hindi lang ako marunong gumamit pasensyahan nyo na yan hahaha.

Maraming temple sa loob ng Batu Caves, may mga parteng paaakyat-baba, medyo madulas kaya kaunting ingat.

Sa loob mararamdaman mo yung pagkarelihiyoso ng lugar. Napakalawak nito sa loob. At sa dulo nito ay mayroong butas sa itaas kung saan pumapasok ang liwanag. Higit sa lahat napakaraming Unggoy sa loob🙂

aIMG_9877

aIMG_9878

aIMG_9883

Sa totoo lang mas madali naman talagang bumaba kaysa umakyat pero nakakapagod pa din.

aIMG_9896

Statue of Murugan
Statue of Murugan

Pagkababa namin sinalubong kami ni Rye na napakadayang hindi umakyat. Nakaakyat na daw kasi sya dito noon.😀

Dito mas napagmasdan ko si Murugan ng malapitan na may taas na isang daan at apatnapung talampakan (140 feet), ang pinaka mataas na rebulto ni Murugan sa buong mundo. Nagkakahalaga daw ito ng 24 million rupees, gawa sa 1550 cubic metres ng concrete, 250 tonnes ng bakal at 300 na litro ng gold paint mula Thailand -ayon yan sa Wikipedia.

aIMG_9901
Nagawa ko! Galing ako sa Taas!!

Katulad sa mga kasabihan na kapag may mga sakripisyong kang nagawa tulad ng pag-akyat na ginawa namin (parang sa mga groto sa atin) ay pwede ka din daw mag wish. Nag wish ata ako nun pero nakalimutan ko kung ano ba yung hiniling ko. Pero kung ano man yun sigurado akong matutupad🙂

Pero sigurado naman ako na nagpasalamat ako noong mga oras na iyon dahil nakatuntong ako dito at nabigyan ng pagkakataong mapuntahan ito minsan sa buhay ko.

Batu Caves Station
Batu Caves Station

Pagtapos ng dalawang oras bumalik na din kami sa Batu Caves station papuntang KL Sentral para naman sa next destination namin ang KLCC. Sa KLCC matatagpuan ang Petronas twin towers -ang pinakamataas ng twin towers sa buong mundo! Heksayting😀

Nakakapagtaka lang sa tren kasi mas mura ang papunta sa Batu Caves kaysa sa Pabalik😀

Batu Caves Station to KL Sentral Station = RM 2.00 (Php 26.00)*

Abangan ang ang Part 3 ng Day 3 ko sa Malaysia🙂

_________________

* RM1.00 = Php 13.00

►►►

Maraming Salamat sa mga  bago kong Subscribers/Followers:

Daphne Paragas
http://the-ecdysis.wordpress.com
Mc Panganiban

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP”Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

3 thoughts on “BATU CAVES”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s