aimg_9935

PETRONAS TWIN TOWERS


petronas twin towers

MALAYSIA
DAY 3 PART 3/4

Nakaraan:

Pababa na kami sa platform ng Batu Caves station ng umalis ang tren, agad-agad! may oras nga pala.🙂 kaya naghintay na lang kami ng next train.

Sa Part 2 ng Day 3 ko dito sa Malaysia hinalintulad ko ang KTM Komuter sa PNR natin dito sa Pilipinas dahil sa ibaba lang ito umaandaar, hindi sya elevated. Pero hanggang doon ko lang sya dapat ihalintulad dahil super hightech ng train na ito.😀

Bago ang mga train nila (hindi second hand mula sa Japan lels😛 ). Electric train ito o gumagana katulad din sa mga LRT. Mayroon itong mga LCD information display, Dynamic Route Map o yung makikitang mong umiilaw sa mapa para malaman mo kung nasaang station ka na, higit sa lahat may CCTV at iba pa.😀

KLM Komuter LCD information display
KLM Komuter, LCD information display

Napagod kami ng sobra! samahan pa ng init ng panahon kaya hindi nyo na maitatanong kung bakit ganito na ang itsura namin sa loob ng tren😀

Rye at Bino sa KTM Komuter
Rye at Bino sa KTM Komuter
batu caves to twin towers
Batu Caves to Twin Towers| KL Sentral to Twin Towers

BATU CAVES TO  PETRONAS TWIN TOWERS

Tulad ng papuntang Batu Caves mula sa Merdeka Square tatlong train stations lang din ang tatandaan para makapunta sa Petronas twin towers: ang Batu Caves, KL Sentral at KLCC stations.

Mula sa Batu Caves muli kayong sasakay ng KTM Komuter papuntang KL Sentral (bumalik lang). Siyam (9) na istasyon ang babagtasin ninyo.  Pagkababa ng KL Sentral, magtatransfer kayo sa LRT (RapilKL) papuntang KLCC Station. Anim (6) na istasyon naman sa pagkakataon ito at madadaaan din ang Masjid Jamek Station kung saan naroon ang Merdeka Square (kung saan naman kami unang nanggaling).

Fare: KL Sentral Station to KLCC Station =RM1.60 (PhP 20.80)*

Kung nagbabalak kayong mapuntahan agad ang Petronas twin towers sa unang tuntong nyo sa Malaysia, itong ruta din ng tren ang gagamitin nyo (Kelana Jaya line).

Sa KL Sentral naman kasi ang baba ng mga bus na sinasakyan mula sa Airport o LCCT (Low Cost Carrier Terminal).

– – – –

Pagkaba namin sa KLCC Station o Kuala Lumpur City Centre, nag escalator at naghagdan lang kami hindi ko namalayan na nasa loob na pala kami agad ng Petronas twin towers. Ang saya lang! Hindi ko inexpect na shopping mall pala ang ilang palapag ng Petronas.

Medyo kakaiba ang pakiramdam ng tiyan ko ng mga oras na iyon. Hindi ko na sana ito ikukwento pero aaminin kong nagpoo-poo ako sa isa sa mga kubeta doon hahaha.😀 At pinagmamalaki kong sabihin na nagawa ko iyon sa susyal at pangmayaman na lugar na ito! Bongga! hahaha.

Medyo ka-culture shock lang ang dating sa akin ng ilang CR nila dito, kasi ang inodoro nila ay parang sa mga Janapanese na mabababa? so, imblis na upo ang gagawin mo e naka squating position ka. Pero hindi naman lahat ng inodoro ganoon, madami namang ordinaryong inidoro, nagkataon lang sa akin. Naisakatuparan ko naman iyon. I-pa-flush ko na sana kaso hindi ko mahanap ang pintudan kaya pagtayo ko biglang nag-flush! napa- “wow hightech!” na lang ako hahaha.😀

Paglabas ko ng CR hinanap na namin agad si Yhen. Si Yhen ay isa ring blogger na nakadaop palad na rin namin ng makailang ulit sa Pilipinas. Dito na sya sa Malaysia nag-aaral -isa pang susyal!😀

Natouch ako ng sobra kasi may gift sya sa akin, dahil birthday ko nga.

Beso-beso at shake hands, naalala ko kaka-CR ko lang nun! lels.😛 mabuti na lang nakapag-sabon ako. hahaha.😀

May kasama si Yhen noong oras na iyo, si Diana isang Malaysian, chi-chikahin ko sana naalala ko english speaking pala yun -nosebleed.😛

Nagkamustahan kami sandali. Nagkataon namang may pasok pa pala si Diana kaya hindi na namin sya nakasama kita-kits na lang daw mamaya. Nagsimula na kaming mag shopping apat. Ay! Sila lang pala, hindi ako namili kasi pakiramdam ko wala namang pagkakaiba sa presyo dito kaysa sa Manila.

Wala akong picture sa loob ng shopping mall, mahirap ng malatayan kaya hindi na ako nag buwis-buhay. Bawal daw kasing mag picture sa loob.😀

Blogger Friends
Bino, Yhen, Me & Rye
Bino, Rye, Diana and Me
Bino, Rye, Diana and Me

Naglakad-lakad kami at nilibot ang paligid ng KLCC Park. Hindi na kami nagtangkang umakyat sa twin towers kasi may bayad na daw. Sa pagtingin ko nga sa website ng Petronas Twin Towers umaabot din ng RM80.00 o Php 1,040.00* ang entrance ticket. Saka na lang kapag mayaman na kami. hahaha😛

KLCC Park Fountain
KLCC Park Fountain
Petronas Twin Towers
Petronas Twin Towers

Best time daw na pumunta sa KLCC o Petronas mga bandang hapon kung saan may liwanag pa at malapit ng magdilim para masilayan mo ang pagbubukas ng mga ilaw ng twin towers.

Kaya nagpasya na lang muna kaming magkape at lumabas na lang ng Petronas kapag maggagabi na.

Dahil birthday ko nga ng araw na  iyon, ako ang naging taya. Nilibre ko sila sa OldTime White Coffee na parang Starbucks sa kanila sa kasikatan. May starbucks din sa loob ng twin towers nakabili pa nga ng mug/tumbler si Bino.

Coffee: OldTown (4) –  RM20.00 (Php 260.00)

Yhen & I @ OldTown White Coffee inside Petronas Twin towers Mall
Yhen & I @ OldTown White Coffee inside Petronas Twin towers Mall

Sa loob ng twin towers may lumapit sa aming matandang babae na nanghihingi ng kung ano, syempre hindi namin binigyan kasi mukha pa syang mayaman sa amin. Natuwa lang ako kasi isa syang susyal na manlilimos, biruin mo sa loob talaga ng famous building na ito! Susyal na beggar!

Sakto ang paglabas namin sa building, dumidilim na sya mga bandang Alas-7:00 ng gabi. (ganito kasi sa Malaysia gabi na maliwanag pa pero parehong oras lang sa atin).

Bukod sa babaeng nanlilimos sa loob ng building, uso din sa kanila yung mga nagbebenta ng iPhone4s sa labas.😀 Hindi ko sure kung galing yun sa nakaw pero parang ganun na nga. RM700.00 (P9,100.00)* nya ibinebenta yun. bagsak presyo!

[Paunawa: hindi ko po intensyong manlait o magbigay na kasiraan sa mga hindi kagandahan na aking nakikita. Gusto ko lang magkwento at sabihing kahit anong rang’ya o saang lugar mayroon talagang mga ganitong senaryo. Kung sa New York City nga di ba maraming ding nanlilimos?]😀

KLCC Skyline
KLCC Skyline

Hanggang unti-unti na ngang dumilim at nagliwanag ang buong paligid dahil sa ilaw mula sa mga gusali.

Pati ang mga ilaw ng Petronas unti-unti na ring nag bukasan at kitang-kita ko iyon!. Totoo nga nakakamangha sya, ibang-iba sa umaga.

Samahan pa ng mga ilaw na kumukislap na tila tulad sa mga tala. astig!

Kuala Lumpur City Centre
Kuala Lumpur City Centre
aIMG_0055
Eksena ‘tong building na ito sobrang liwanag!

Matapos noon, muli na rin kaming pumasok sa Petronas twin towers napansin ko ang mga race car kaya nagpapicture na rin ako para may kaunting ideya kung ano ang nasa loob nito bukod sa mall. Ang Petronas Twin Towers kasi ay headquarter ng Petronas isa sa pinaka malaking kumpanya ng langis at gaas sa buong Timog Silangang Asya kaya siguro may mga naka display na race car dito kung saan sila ang sponsor at sila na rin ang nag kukrudo.

Iniisip ko tuloy na ang yaman-yaman din siguro ng Pilipinas kung meron din tayong namiminang gaas! well, libre pa ring mangarap! -BUNGKALIN ang SPRATLYS!!! lels.😛

Petronas Twin Towers Entrance
Petronas Twin Towers Entrance
Petronas Chandelier
Petronas Chandelier
Inside Petronas Twin Towers Entrance
Inside Petronas Twin Towers Entrance

Nakakatuwang isipin na nakatuntong na ako sa pinakamataas na twin towers sa buong mundo na may taas na 452m o walumpu’t walong palapag (88-storey each building) kahit hindi ko naman naakyat ang tuktok nito.

Sa totoo lang, ang sarap nyang maging inspirasyon para sa hinaharap ng Pilipinas.🙂

Abangan ang last part ng Day 4 ko sa Putra Jaya! lels.😛

___________________

*RM1.00 = Php 13.00

►►►

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP”Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

One thought on “PETRONAS TWIN TOWERS”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s