travel

PUTRAJAYA


putrajaya
Seri Wawasan Bridge (nag-iiba-iba kulay nyan)🙂

MALAYSIA
DAY 3 Part 4/4

Nakaraan:

Petronas Twin Towers to Putrajaya
Petronas Twin Towers to Putrajaya

KLCC to PUTRAJAYA

Ito yung maganda sa Malaysia sobrang accessible ng mga lugar o tourist spots nila dahil sa mga tren. Mula sa Petronas Twin Towers o KLCC station muli kaming sumakay ng RapidKL  (Kelana Jaya Line) pabalik ng KL Sentral. Mula sa KL Sentral sumakay kami ng KTM Komuter papuntang  Serdang Station (Rawang-Sungai Gabut line).

Fare:  KLCC Station to KL Sentral Station = RM1.60 (PhP 20.80)*

KL Sentral Station to Serdang Station = RM1.70 (PhP21.10)*

Siguraduhin lang ang sasakyang tren. Mainam na tingnan ang oras at  basahin ang mga digital signages sa mga istasyon ganoon din mismo sa tren kung ayaw nyong mamali ng sakay.😀

Kung balak nyo namang unahin itong puntahan sa unang tuntong nyo sa Malaysia maaari n’yong sakyan ang mala-bullet train nila na Express Rail Link (ERL) o KLIA Transit -ito ang speed train nila na bumabagtas mula KL Internationl Airport hanggang KL Sentral vice versa. Sigurahin lang na normal KLIA Transit ang sasakyan at hindi ang KLIA Express dahil hindi iyon tumitigil sa Putrajaya.

Kung galing naman kayo sa LCCT Airport ( Low Cost Carrier Terminal) Kinakilangan nyo pang sumakay ng bus papuntang Salak Tinggi Station para sumakay ng KLIA Transit at bumaba sa Putrajaya & Cyberjaya Station.

At Kung galing naman kayo sa Petronas Twin towers pwede pa ring sumakay ng KLIA Transit sa KL Sentral papuntang Putrajaya & Cyberjaya Station. (3 stations yun na malalayo ang pagitana, speed train naman kaya okay lang). Nagkataon lang na pupunta kami sa South City Plaza (Mall) kaya sumakay kami KTM Komuter papuntang Serdang. Pagkababa namin ng tren sumakay kami ng Taxi kung saan marami na rin naman doong naghihintay.

Fare: Taxi RM6.00 (PhP 78.00)*

Sa South City Plaza na rin  kami susunduin ni Diana (Kaibigan ni Yhen) na may car para dalhin kami sa Putrajaya.

Best time daw kasing pumunta doon ng gabi kung saan makikita nyo ang mga ilaw ng mga gusali at tulay nilang mala-Sao Paolo Brazil!

Mas mainam na rin kung may sasakyan kayo kung balak nyong magpagabi kahit na may mga biyahe pa ng tren hanggang 11pm/12mn. Kaya maghanap na kayo ng kaibigan na may car KL lels😛

Ano bang meron sa Putrajaya?

Kung fan kayo ng tandem nila John Lloyd at Bea, dito lang naman sila nagshoot ng pelikulang Miss You Like Crazy nooong 2010.

——-

Muli kaming pumunta sa Old Town Coffee. Bumili sila ng pasalubong na kape.

Hindi ko na sana uli ito ikukwento pero parang kada bagong lugar na lang na pupuntahan ko napoo-poo ako.😀 Oo, nag gebs ako sa mall! hahahaha. Nakakasira kasi ng gala kapag alam mong kakaiba ng timpla ng tiyan mo kaya wala ng hiya-hiya!😀 hahaha

aIMG_0066

Habang naghihintay si Diana, kumain muna kami sa Auliah Bistro (Indian Restaurant) sa labas ng South City Plaza.

Pinatikim sa amin nila Rye ang Teh Tarik, isa syang drink na pwedeng mainit at malamig (tinikman pareho ni Bino). Para syang inumin na magata. Basta iyon na iyon.

Hot Teh Tarik
Hot Teh Tarik
cold Teh Tarik
Cold Teh Tarik

Maya-maya inihain na rin sa amin ang Murtabak – kilalang Malaysian/Indian food na may iba’t ibang sawsawan tulad ng curry gravy, pipino na may sibuyas at tomato sauce at iba pa. Meron din ganito sa ibang bansa tulad ng Saudi Arabia, Thailand, Singapore, Indonesia at iba pa. Isa din kasi itong Halal Food na gawa sa lamp, itlog, bawang at iba pa. Tikman n’yo ito doon, ayos naman!😀

Murtabak
Murtabak

Food :  Auliah Bistro = RM10.00 (Php 130.00)* 

—–

Mula sa mga pinagsamang salita ang Putrajaya na ang ibig sabihin sa salitang ingles ay “princes’ (putra) success (jaya)”. Hindi ko na ikukwento ang kasaysayan at lawak ng lupain nito basta malawak sya at maganda! (Kasing ganda ng boses ni Jaya! lels)😛

Ang Putrajaya ay ang Federal Administrative Capital ng Malaysia. Nakatayo dito ang mga straktura at gusali ng gobyerno nila. (Sana nga ganito na lang sa Pilipinas sama-sama na lang mga government offices)

Perdana Putra at Night
Prime Minister’s Office, Perdana Putra
Putra Mosque / Pink Mosque
Putra Mosque / Pink Mosque
Perbadanan government complex
Perbadanan government complex
Putrajay Skyline at Night
Putrajay Skyline at Night

Sayang nga e! Kung hindi lang shaky ang kamay at marunong ako gumamit ng DSLR magaganda at madami sana ang shots ko😀

Sobrang daming nangyari sa Day 3 ko sa Malaysia kung tutuusin ang dami pa nga naming hindi napuntahan.

Sakay sa Car ni Diana hinatid kami nito sa Bukit Jalil may kalayuan pala kapag naka 4-wheel ka, ibang-iba pa rin kapag nakatren.

Sobra kaming nagpasalamat sa paghatid. Sobrang nag enjoy talaga kami.

Pagkauwi namin pinanood naman ang Miss You Like Crazy bago matulog. Hindi man namin ito nakita ng may liwanag, dito nakita namin sya ng may araw. Pero mas maganda pa rin sa akin ang gabi dahil sa mga tulay😀

Bukas babalik na kami sa Manila dala ang kwento at katuparan sa punta dito😀 Apir!

______________

*RM1.00 = Php 13.oo

►►►

Maraming Salamat sa mga  bago kong Subscriber(s)/Follower(s):

ristinw
http://weeklyristinw.wordpress.com

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP”Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

One thought on “PUTRAJAYA”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s