taxi_librelangmangarap

MGA KWENTONG DE METRO


Late na!, Kailangan ka na sa opisina!, At taeng-tae ka na! -ilan lang yan sa mga dahilan kung bakit malimit akong magtaxi.

1 #SUCCESS!

Tandang-tanda ko pa noong nanggaling ako mula sa isang simpleng pakikipagkwentuhan sa isang kapihan (ang sagwa parang lamay lang!) sige na nga, -sa starbucks! lels.😛

Matapos noon nakadama na lang ako ng isang pag-aaklas mula sa kaibuturan ng bahay-tae ko. Oo para silang nagwewelga sa Mendiola, ang kinaibahan lang mas gusto nilang makalabas kaysa makapasok.

Wala na akong choice noon kundi sumakay ng taxi para maibigay ang kagustuhan ng mga kritiko ko.

Malas lang at kinukumpuni pala ang Nagtahan Bridge kaya umabot sa dulo ng Quirino Extension ang traffic. Wala akong magawa kundi magtayuan ang mga balahibong pusa’t ko’t maramdaman ang kakaibang lagkit ng pawis ko.

Marami akong naiisip noon, tulad ng bumaba na lang sa taxi kapag hindi na talaga kaya. Pero maiisip mo din bigla, ang mga pwedeng mangyari katulad na lang ng pagbulusok ng isang halimuyak na hindi mo inakala. Ganoon din ang mga maaaring tumulo sa sapatos mo. Yak!. Mahirap naman sigurong paniwalain ang sarili, na baka nakaapak ka lang😀

Erase! Kinaya ko yun! Hindi ko man nabutan ang kubeta at least narating ko naman ang kusina! haaaaaaaaaaaay. Nakuha naman sya sa babad. hahahaha lels.😛



2 #KARMA

Nasa NAIA 3 naman ako noon mula sa Boracay. Dahil sa pagtitipid, magbu-bus na lang sana ako papuntang EDSA-Taft. Ang kaso sabi ni Lady guard wala na daw yung mga bus doon sa arrival area, ilang buwan na din ang nakararaan. Dahil no choice na napilitan na lang ako mag-taxi. e ang haba ng pila sa Departure Area, kaya nagpunta ako sa dulo (siguro tapat yun ng Gate 1) Inabangan ko yung magbababa ng pasahero. Timing! tuwang-tuwa ako at nakasakay ako agad-agad. Dinaanan ko pa ang mala-block buster na pila na nag-aabang ng taxi.

Doon, nakita ko pa nga mga kasama kong nakapila din, sabay wave ako with big smile na tila nangungutya! “Baahhh-bye!”😀

nang biglang….

Manong: “Plus P50 tayo ha.”

Otep: “Huh!?”

3 #LINTIK LANG WALANG GANTI

Buhat ng madukutan ako, tinanim ko na sa isipan ko na kaysa hindi mo mapakinabangan ang pera mo sa pagkakataong maholdap at madukutan ka, mas mabuting i-taxi mo na lang ito. Lalo na kung magtatatlong sakay ka pa para makauwi.

Kaya nitong nakaraang linggo mula sa bandang Cubao mas pinili ko na lang mag taxi.

Hindi naman ako choosy sa taxi pero simula ng maimpluwensyahan ako ng mga mayayaman kong blogger friends pumipili na rin ako ng magandang taxi na masasakyan. Ang kaso noong mga oras na iyon walang matinong nagdadaan, kung mayroon naman lalagpasan ka nito o sa kadahilanang may sakay.

Sa tagal ko na ring naghihintay at pangambang bigla na lang may magtrip sayo sa paligid, napasakay ako ng de oras sa taxing medyo may kalumaan, pero hindi din! -luma talaga.

Habang bumabiyahe, mura ng mura yung driver as in “P.I.”.

Lahat napapansin. Pero napansin ko din ang metro nya. Bawat dalawa o tatlong kanto na nadadaanan namin sa kahabaan ng Aurora Boulevard gumagalaw ang metro nya. Higit pa doon, kahit naka-stop kami sa traffic light na hindi naman tumitigil ng dalawang minuto ay gumagalaw pa rin ang metro nya.

Madalas kong napapansin ito sa mga lumang taxi. Kaya iyon na rin siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit dapat tangkilikin ang mga bago (Pero hindi ko naman sinsabing huwag ng tangkilikin ang luma). Pero ang metro talagang ito ay kakaiba. Kumbaga sa isang babae sya ang bukod na pinagpala! Wagas magbilang ng pera!

Noong nasa Nagtahan na ako, confirmed! may milagro talagang nagaganap!. Inabot ako ng mahigit P200.00 na inaabot lang dapat ng 100-120 mula Cubao hanggang Nagtahan.

Kinuha ko syempre ang plate number, kahit alam kong wala naman akong mapapala kahit magsumbong ako sa LTFRB textt hotline na 0921-4487777. Noong pababa na ako at nakabayad na, hindi ko mabuksan ang pinto! Si kuya medyo tumataas ang boses na hilain ko daw yung lock sabay tulak. Natataranta ako syempre. Hanggang sya na gumawa ng pagtulak. Biglang bumukas ang pinto sa pagkakatulak nya! Ang kaso naiwan sa kamay ko yung itaas na bahagi na hawakan. napa- “ay sorry!” na lang ako pero deep in side natatawa ako.

Natakot na rin ako syempre baka pagbayarin ako. Naibalik ko naman sya. Kaya pagkababa ko, sarado agad ng pinto at tawid sa kabilang kanto.

Itetext ko pa sana ang LTFRB hotline dahil depektibong metro ang gamit nya pero dahil sa pagkakatanggal ng handle ng pintuan nya hindi ko na ginawa.😀

4. #SAYANG

Isang araw bago maganap ang #5 ko, nagdadalawang isip ako kung magtataxi ba ako o hindi. Tutal hindi na naman ako aabot sa grace period sa opisina at nagtitipid na rin naman ako, binalik ko na lang sa bulsa yung P100.00 na dapat ay pamasahe ko.

Noong pauwi na ako binalak kong magtaxi, pero nawawala na yung P100.00 na nasa bulsa ko. #share lang. hahahaha. Naiinis kasi ako! Hahaha. Sa susunod follow your instinct.!

5. BEKS!

Kapag umaalis ako ng bahay kailangan 30 minutes nakasakay ka na ng Bus papuntang UN-Taft. Maliban na lang kung thursday o friday  dahil puno ang kahabaan ng UN Avenue ng mga truck. Yun na nga! nagkataong thursday noon kaya siguradong male-late ako kung di ako magtataxi.

Sakto may lumalabas na taxi sa Caritas Manila. Naka-Para ako.

Manong: “May naamoy ka!? Ikaw ba yun!?

Otep: “Huh?” (pakiramdam ko nakaapak ako ng tae)

Manong: “Ang bango e!”

Otep: (inhale… with big smile)

Manong: “Bench yan no!”

Dinadaan ko na lang sa ngiti hindi kasi ako madalas makipag usap sa mga taxi driver e. Kaya nga ayaw ko tumabi sa driver. Pero simula noong mapahiya ako nang minsang nakasakay ako sa likod at magsalita yung driver na “Tang ina ka! San ka ba!?” sumagot naman ako ng “Saaahh… Mabini po…. corner Kaaalaw” with nginig factor! doon ko nalaman na may kausap pala sya sa cellphone.😦 Kinabahan ako dun!

Yun na nga! kaya nauupo na rin ako sa tabi ng driver.

(balik sa main story)

Muling nagtanong si Kuya, pero ang tanong nya hindi mo pwedeng sagutin ng pag-iling o ngiti dahil specific ang tanong nya.

Manong: “Anong pangalan ng BENCH na yan?”

Hindi ko sana sasagutin kasi nahihiya ako sa mumurahin kong pabango, wala lang. nakwento ko na rin ito dati dito. Ito kasi yung pabango ni ex, na kapag naaamoy ko ay naiinis ako. Naaalala ko yung pagkabitter ko kaya ginamit ko na lang para masanay.

Otep:  “Yung Indian Summer po yung dilaw”

Manong: “Sabi ko na nga ba! ganyan din pabango dati e! Minsan nga gusto ko gamitin si Willie! -yung pabango nya.”

babarahin ko sana at sabihing “Ay hindi pala! -yung Blue” kaso baka ma hurt.

Otep: nag-ehe!” (ngiting aso na lang ako)

Manong: “Oi! Pasensya ka na ha, hindi ako naka drugs ganito lang talaga ako”

Sabay kanta sya. Sinasabayan nya yung Greatest Love Of All sa radyo. Pagkatapos ng kantang iyon, kumanta uli si Whitney Houston. (doon ako nag ka hint na puro whitney paka ang pinapatugtog). Kaso natawa ako nang biglang nag open sya uli ng topic. Pinapahulaan nya sa akin kung sino daw yung kumakanta. Sya rin sumagot pero mali ang hula nya, e puro Whitney nga diba? Tanga lang?. (Hindi ko lang alam kung anung istasyon ng radyo iyon na nagpapatugtog ng hit songs ng isang singer tuwing tangaling tapat) Syempre dahil ayaw ko syang magmukhang tanga sinabi ko na lang ang sagot sa pahula nya.

Otep: “Hindi po ata, si Whitney po yan!”

Napangiti sya.

Maya-maya may babae kaming nadaanan na naghahantay ng masasakyan.

Manong: ” oy ang ganda nun ha!” Kahit hindi naman (manyak-manyakan), o ganun lang talaga taste nya.

Palangiti lang ako pero hindi ako pala-imik, hanggang nagsabi na lang sya sa akin na ituro ko na lang ang daan since iniwasan namin ang traffic. Ako naman si turo. “kanan po tayo tapos kaliwa sa Faura”

Minsan nakakatawa na lang ang katangahan ng tanong nya kaya sinasagot ko na rin.

“May asawa ka na?”; “Ilan taon ka na?”; “San ka nagtatrabaho?”; “Call center ka ba? ganyan kasi bag ng mga pasahero ko, parang ang daming papeles” etc.

Ako naman si Sagot dito, sagot doon. Yung mga sagot na period na walang follow-up question pero kwento pa rin sya.

“Alam mo kung di lang ako nag-asawa siguro mayaman na ako”; “Naku kung ako, ikaw.. kung ako sayo habang binata ka mag negosyo ka na lang kung may pang puhunan ka” blah blah blah..

Maya-maya pa uli napadaan kami sa stop light.

Manong: “Teka, lock mo yung pinto madami dung nanghahablot dito, alam mo yung sa C-5? nakabukas lang ng kaunti ang bintana napasok na agad ang kamay at nakuha ang Cellphone” blah blah blah..

e sentitive ako sa mga kwentong nakawan kaya ako naman si kwento din.

Otep: “Ako nga po nadukutan sa Recto pag-akyan ng LRT e”

Manong: “Ay! siguro nasa likod bag mo ‘no?”

Otep: “Opo, pero po mabilis po ang pangyayari e, kasi kababa ko lang naman nu’n sa jeep”

Medyo kakairita lang, kasi ang iksi ng kwento ko pero ang haba ng kwento nya.

Manong: “Ako nga noong nasa baclaran ako nun, naramdaman ko na lang yung zipper ng bag ko na bumubukas. Oo rinig na rinig ko! yung biglang (sounds effect) yung nasa dulo na agad yung zipper ng bag mo. Nakita ko na lang tumatakbo yung lalakeng nasa likod ko ang bilis talaga! tapos…” blahh blahh blahh

Ilang minuto nya din siguro kinuwento iyon, ng paikot-ikot kaya nagtanong na rin ako.

Otep: “Nadukutan din po ba kayo?, may nakuha ba?”

Manong “Wala.”

Taragis! na yan! gusto ko sanang mapatambling!

Manong: “Alam mo kapag ganyang may nararamdaman ka na, hawakan mo agad ang kamay!”

Otep: “e wala na nga po akong naramdam, kaya hindi ko din po alam na nadukutan na pala ako”

Kinilabutan na lang ako sa mga sumunod na pangyayari.

Manong: “Sa susunod. kapag naramdaman mo na may kamay sa likod mo, hawakan mo agad! Huwag yung buong braso ah, yung balat  lang parang kakalmutin mo para hindi makapalag….”

(Sabay hawak sa braso ko)

Shet! kinilabutan ako! sa braso ko pa talaga sya nag demo, kaya alam ko iba na ‘to!

Nasa pakiramdam ko naman na hindi sya masamang tao, pero damang-dama ko ang aura nya! Hahaha😀

May mga pagkakataong nasisingitan kami ng mga sasakyan sa unahan kaka-kwento nya. Taragis talaga!

Hanggang inopen nya na nga na silahis sya! Napatingin tuloy ako sa itsura nya. (sagwa!)😀

Noong una kaya pala nagpapahaging sya sa mga nadadaanan namin “ang daming kano dito ha! (sa ermita) ang lalake ng burat nyan!” “mas napansin ko yung asawa nya kaysa sa babae Joke lang ehe!”

Sa isip-isip ko “Diyos ko! sana makarating na kami sa Kalaw”.

Noong nakarating na ako sa patutunguhan ko may pahabol pa sya.

“Ingat ha! yung bag mo lagi mong iingatan!”

gusto ko sanang sabihing “Opo manong! nyeta ka!” hahaha

Pag-akyat ko sa 9th floor, 1:20pm na! 5 minutes na lang sana pasok na sana grace period!

Ngayon, anong aral ang mayroon sa mga kwentong ito?😛

►►►

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ni Otep, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP” Maaari ding i-like ang facebook page nya sa www.facebook.com/librelangmangarap

6 thoughts on “MGA KWENTONG DE METRO”

  1. hahahhahaa… saktong sakto.. nagtaxi ako kanina… haha.. kakarelate.. amp ^^. in 10months stay sa IBM.. never pa naman ako nalate, except nung DST sa america, hindi ako nainform ng TL na nagbago na sked ko, galing ako VL nun taz off, 4 days wala sa office kaya pagdating ko sa ofis akala ko 30mins early ako, un pala 30 mins na ako late.. amp talaga. un pa lang late ko.. ahe :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s