PAOAY CHURCH

KAWAY SA PAOAY!


PAOAY CHURCH2

7th blogoversary

Wooot!! Nakatutuwang isipin na naka-pitong taon na pala ako dito! Biruin nyo dahil sa blog nasubaybayan ko kung saan ako nagsimulang mangarap at kung paano ko ito unti-unting natutupad, kasama na rin syempre dito ang mga literal na ninais kong marating na akala ko noon ay hanggang panaginip na lang. Medyo nakakainis lang sa ibang banda dahil kasabay ng pagbibilang mo ng taon dito, e hindi mo na rin talaga maitatago ang katotohanang tumatanda ka na. haha😛 lels. Biruin nyo naman kasi, first year college ko pa ito ginawa at limang taon na rin akong nagtatrabaho. Pinagpapalagay ko na lang na sa bawat pagtanda e mas nalalapit tayo sa mga katuparan.😀

ILOCOS NORTE
DAY 1 PART 1/2

Katulad noong nakaraang taon sa parehong petsa, nagtungo ako sa Lungsod ng Davao at side trip na rin sa katabi nitong isla sa Samal para sa ipagdiriwang ang 6th year blogoversary ko. Iyon na ang pinakamalayo kong narating sa talambuhay ko dito sa Pilipinas -Mindanao yun men! sobrang nakakatuwa kasi nakatuntong na ko sa LuzViMin. Ngayong taon, sa dulong bahagi pa rin ako ng Pilipinas pumunta pero sa norte naman! -Ang Ilocos!

Wala namang espesyal sa blog post na ito, naging special lang sya kasi nga anniversary ng blog ko. hahaha (Bawal ang epling!)😀

DAY 0 – July 17 | Miyerkules

jidalbin
si Jed ng Jidalbin.com

19:00 : Nagkita kami ni Jed sa Buendia para sabay na rin kaming pumunta sa Partas Transportation Company sa Pasay. Mag i-eroplano sana kami kaso dalawang linggong preparasyon lang ito, ibig sabihin mahal na ang makukuha naming tiket kung nagkataon. Kaya napagpasyahan na lang namin na mag-bus, tutal maganda din naman magbiyahe sa mga panahong ito -bakit? wala lang mas feel mo ang travel kapag naka-bus ka. lels.

21:00 : Alas 9:00 na ng gabi ang nakuha naming bus trip schedule sa Partas at natapat sa amin ang deluxe sa halagang Php 985.00. Kumportable ang bus na may dalawahan at isahang upuan lang sa bawat helera, kumpara sa ordinaryong bus na may dalawahan at tatluhang magkakatabi. In short, maluwag ang bus at sulit naman ang binayad mo sa halaga ng ticket.

Pero ayos din naman sana kung nakapag-eroplano, 50 minutes lang kasi ang layo ng Laoag City sa Manila. Kumpara sa 10-12 hours na biyahe sa umaga sa mga bus, at 7-8 hours naman sa gabi kung may sarili kang sasakyan. Pero kahit gabi o madaling araw na kami bumiyahe inabot pa rin kami ng humigit-kumulang labing isang oras (11 hours) sa biyahe dahil na rin siguro sa mga stop over sa Tarlac, La Union, Vigan at iba pa..

06:00 : May liwanag na nang mag stop over kami sa Lungsod ng Vigan, bungad pa lang ng syudad ay nakakapanabik ng mamasyal. Kaso sa Day 3 at 4 pa kami mamasyal dito. May layong kulang-kulang dalawang oras pa ang layo ng Vigan sa Laoag. Ganoon pa man kung ihahambing sa pagkain ang pagkakataong iyon, ito ay isang appetizer o pampagana sa aming paglalakbay.

08:00 : Magandang panahon ang sumalubong sa amin sa Lungsod ng Laoag -ang kapitolyo ng Ilocos Norte sa kabila ng Bagyong “Isang” na kasalukuyang binabaybay ang hilagang bahagi ng Luzon.

Tip #1 Isa sa mga tip na natutuhan ko sa mga travel blogger ay ang alamin ang lagay ng panahon na sakop ng lugar ng paglalakbayan ninyo. Mabuting alamin at least 3-day weather forecast ng pupuntahan nyo, iba pa rin ang handa para makapag desisyon agad kayo kaysa mabalewala ang paglalakbay nyo. Sa lagay kasi namin ayon sa forecast ng bagyong “Isang” ng panahong iyon e lalabas na din naman sya sa PAR o Philippine Area of Responsibility ng araw na yun. Mabuti na lang talaga at napaaga sya ng labas kaya sinalubong kami ng ganda ng panahon😀

Sa Terminal ng Partas sa Laoag City may mga tricycle na nag-aabang at nag-aalok ng Tour Package. Sa ginawa naming Itinerary nasa Php 600.00 ang budget namin para sa first day tour, kasama ang mga tourist attractions sa Batac, Paoay at Laoag, kaso dahil nagtaas na daw sila kaya naging Php 700.00 na. Noong una nag-aalangan pa kami kung buong package ba (sa buong lugar ang kukuhain namin) o yung Package lang na Paoay at Batac sa halagang P300.00. Iniisip kasi namin na kung kukuhain namin ang Package na Paoay at Batac lang, baka mahirapan kami sa pamamasyal sa Laoag City lalo na sa pagpunta sa Terminal ng bus pa-Pagudpud.

Tip # 2 Mas makakatipid kung Tour Package lang na Batac at Paoay sa halagang P300.00 ang kukuhain, dahil dakit-dikit naman ang mga sites na pupunta sa Laoag City lalo na ang Terminal papuntang Pagudpud (malapit lang pala sa Ilocos Museum). Pero kung madami kayong dalang gamit at ayaw nyo mabigatan sa paglilibot sa mga pupuntahan, mas mabuting kuhain ang whole Package dahil may maiiwanan kayo ng gamit.

08:30 : Matapos naming makontrata ang tricycle driver sa halagang Php700.00 nagsimula na ang aming paglalakbay.

Mayroong apat na major tourist attractions sa Paoay:

Mula sa google
Mula sa google

1 PAOAY SAND DUNES

Kung mahilig ka sa adventure tamang-tama sa’yo ‘to dahil pwede kang sumakay sa 4×4 habang nilalakbay ang may 88km na lawak na tinaguriang disyerto sa Pilipinas. Mayroon lang kamahalan sa halagang Php2,500 o Php500.00 kada tao, so kung mas marami kayo mas makakamura kayo lalo na’t lima naman ang kayang isakay ng 4×4. Kasama na rin sa package ang sandboarding.

Nagtitipid lang kami at naghahabol ng oras kaya di na naman sinubukan ang 4×4 kaya yung tablet ko na lang ang ginamit naming pang sandboarding lels.😛 hahaha


DSC_3995

Alam naman ng lahat na tag-ulan ang buwan na ito, kaya makikita nyo sa mga larawan ko na madamo/mahalaman ang ilang bahagi ng mga Dunes kaya best time talaga na pumunta dito tuwing summer kung gusto nyo talaga maranasan ang pagkatigang! pagkatuyot! at init ng disyerto! haha

DSC_4128

Sa lugar na ito madami na rin daw ang pinag-ganapan ng mga pelikula kasama na nga dito ang “Panday” at kung hindi ako nagkakamali ang “Walang Himala” hinanap ko nga kung saan ba banda dito hinalay si Nora. lels.😛

DSC_3990

Sa mga hindi nakakaalam tulad ko kung ano ba ang Dune, ito ay mga mala-burol na mga buhangin na hinulma ng maaring hangin at tubig. Sa kalagayan ng Paoay Sand Dunes malamang dahil yan sa dalawang elemento dahil nakaharap sa Suba Beach ang disyerto.

DSC_3988

Sulit naman ang pagpunta namin dito kahit hindi namin natry ang adventure, may summer pa naman lels.

2 PAOAY LAKE

Ayon daw sa mga kuwento-kwento na narinig lang ng driver namin mula sa isang kwento na kinuwento lang sa amin hahaha lels, Mayroon daw isang bayan ang nakatirik sa lugar na yan bago pa man nalubog at naging Lawa ng Paoay.

Hindi naman naging creepy sakin ang kwento bagkus nasabi ko sa sarili ko na ito na ang pinaka magandang lawa na nakita ko. Ang peaceful lang kasi!, kumbaga sa retirement, ito ang perfect place, it reminds me nga ng pelikulang “The Notebook” ang ganda siguro ng takip-silim dito.

DSC_4011

DSC_4009

DSC_4001

3 PAOAY CHURCH

Kilala ang Paoay Church (San Agustine Church) hindi lang sa Pilipinas ganoon din sa buong mundo bilang isa sa mga natatanging straktura, desinyo ganoon sa kasaysayan na nakapalood dito. May mga pelikula nating na shoot dito, isa na nga ang tambalang Mario Maurer at Erich Gonzales sa pelikulang “Suddenly it’s Magic”

Sabi ko nga best time magpunta dito sa hapon o gabi. Hapon dahil ang sunset dito ay sa harap ng simbahan; Sa gabi naman ay dahil sa mga foot lights.

DSC_4055

DSC_4032

Noong pumasok na kami sa simbahan, medyo nalungkot lang ako ng kaunti dahil yero na lang pala ang bubungan nito. Pero kung titignan mo sa labas ay kamangha-mangha talaga dahil nananatili pa rin itong nakatindig sa kabila tagal ng panahon.

Malalaki at matataba kasi ang mga poste o haligi nito. Ito ata yung tinatawag na Buttress na nagiging proteksyon para hindi mabuwag ang haligi. Kamangha-mahangha talaga!

DSC_4068

DSC_4084

Sa gilid ng mga Buttress mababakas yung disenyo na curly na binansagan ko ngang ensaymada😀 (wala lang paikot kasi sya o gutom lang ako) haha

Kung nagagawi kayo sa Ilocos norte, mapapansin nyo na may mga ganitong desenyo din sa mga welcome arch nila.

DSC_4078

DSC_4085

DSC_4096

DSC_4097

DSC_4101

May nakita na rin akong ganito sa San Agustin Church sa Intramuros (Larawan sa itaas). Minsan na rin akong nakakita ng ganito sa isang pelikula -“Rizal” dito tumutuntong yung pari kapag nagsesermon sya. Doon ko naisip na wala pa nga palang sound system noong mga panahong iyon kaya kailangan nilang pumunta sa bandang itaas o gitna ng simbahan para mas marinig ng lahat ang sermon ng pari.

DSC_4131

Ilan lamang ang simbahan ng Paoay sa mga nabigyan ng pagkilala ng UNESCO o United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization sa Pilipinas. Kaya naman dapat natin itong alagaan at ipagmalaki!🙂

DSC_4045

Naging makasaysayan naman ang pagpunta ko dito, nakaramdam ako ng pagmamalaki bilang isang pilipino, ganoon din ang pakiramdam na pinoy ako kasi personal kong nakita at nahawakan ang simbahang ito kaya dapat makita mo din ito ng personal!.

4 MALACANANG OF THE NORTH

Ilan lamang sa marami pang naging tirahan ng pamilyang Marcos ang Malacanang of the North o kilala din bilang Malacañang ti Amianan sa lokal na katawagan. Simple lang naman ang dahilan kung bakit ito ang naging ngalan ng lugar, dahil ito ang naging tirahan ng dating Pangulong Marcos kapag wala sila sa Kamaynilaan.

Bukas ito Martes hanggang Linggo kaya wag su-shunga-shungang pumunta ng Lunes dito hahhaa. May entrace fee dito na 20 pesos at 10 pesos naman sa mga bata. Hindi tinatanggap ang senior citizens discount dito hahhaa lels. (may nagrereklamo kasi nang pumunta kami dito😀 )

DSC_4197

DSC_4203

Tindig palang ng lugar alam mo na agad ang naghihintay sayo sa loob, pero mas nasabik ako sa likod-bahay nito, kaya doon kami dumerecho.

Mala-golf course ang likod nito na may napakagandang tanawin ng Paoay Lake, hindi na nakakapagtaka kung bakit ninanais manatili din dito ng mga Marcos.

DSC_4198

May dalawang palapag ang mansyon na ito. Sa unang palapag nandoon ang kusina at pati na rin syempre ang hapag kainan, na kung saan may mabibili na ngayong empanda.🙂

Sa unang palapag na din makikita ang ilan sa mga silid tulugan na maaring natugan ng mga anak ng mag-asawang Mascos na sina Irene, Imee at Bongbong.

Sa ikalawang palabag naman matatagpuan ang napakaraming mesa at upuan, marahin doon din madalas pagganapan ang ilang pagpupulong. Nandoon din ang malaking silid tulugan na ngayon ay isa na ngang museum. Kakikitaan dito ang ilan sa mga personal na gamit ni dating first lady Imelda Marcos ganoon din ang kanyang mga napagawa tulad na CCP o Cultural Center of the Philippines.

DSC_4249

DSC_4255

DSC_4219

DSC_4243

DSC_4251

Nakakagutom ang paglalakbay na ito sa Paoay, take note! nakaka-kalahating araw na palang kami. Bilang panawid gutom, dadalhin na muna kami ni Manong driver sa mga bilihan ng empanda sa Batac!🙂

Masaya akong nakakaway sa Paoay! Kinakawayan na rin kayo nito bilang paanyaya na magpunta na din kayo dito.

Kaya abangan ang Day 1 part 2😀

——-

Ang mga larawan sa itaas ay pagmamay-ari at kuha ni Jed.

–oOo–

Maraming Salamat sa mga bago kong Subscriber(s)/Follower(s):

loadplus
http://loadplus.wordpress.com
Dredd Cabelin
http://dreddishere.wordpress.com
querisss
http://qivb052097.wordpress.com
anotherchronicle
http://anotherchronicle.wordpress.com

Kung nais mo ding mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP” Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

Pwede din akong i-follow sa twitter!😀 lels.

6 thoughts on “KAWAY SA PAOAY!”

  1. kumakaway na nga ata sa ‘kin ang IN, hehe. happy 7th Libre Lang Mangarap, congrats sa 7 years Otep, sana may susunod pang pitong tig-pipitong taon ang blog mo. Congrats!!🙂

  2. Ganda ng shots mo!! And as always, sobrang detailed mo pa rin magkuwento!🙂

    Haha anyway hope you could link me up again! Balik na ulit ako sa blogging world!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s