bangui windmills2

ANG MGA GIANT ELECTRIC FAN!


bagui windmills2

7thMay mga pagkakataong nagnanais ka na sana sa pagbukas ng iyong mga mata, isang katuparan na agad ang iyong makikita. Kaso mahirap namang mangyari yun! May mga bagay talaga na hindi nakukuha sa isang tulugan lang at mas lalong hindi sa paghiling o wish lang. Madalas, ilang kalawakan, henerasyon at imahinasyon pa ang dapat mong lakbayin bago mo ito tuluyang makamtan. Kaya naman isang araw sa pagkagising ko, walang paglagyan ang tuwa ko nang masilayan ang noo’y sa panaginip ko lang nararating. Minsan pala ang sarap ding maging isip-bata kaja-jump shot na tila isang pagkakataong napagbibigyan ka ng Nanay mo na makakain sa Jollibee! Lels😀

ILOCOS NORTE 
DAY 2 PART 1/3 (south tour)

Nakaraan:

Ika-19 ng Hunyo | Biyernes

08:00 Bago kami matulog kagabi kinausap muna namin ang guide/driver namin na alas-8:00 kami ng umaga makapagsisimula sa aming paglalakbay, sakto daw iyon sa South Tour namin!. Kaso alas-8:00 na nag-aayos palang kami at kakain ng almusal. Kaya mag-aalas-9:00 na kami nakaalis sa Saud.

TIP # 5 Siguraduhing may charge  o battery ang camera mo, hindi tulad ko shunga! magdamag kong chinarge di pa rin pala nakargahan😀

DSC_4452

Pagudpud Map
Mula sa Google

Ngayong araw, mahahati ang tour namin sa dalawa. (pero hindi naman ibig sabihin nito na maghihiwalay kami ng landas ng kasama ko hahaha😀 ) Dalawa, kasi nahahati sa dalawang kategorya ang tour namin, ito ay ang South at North tour ng Pagudpud.

Sa South Tour, kasama dito ang ibang bayan sa Ilocos Norte tulad ng Bangui kung saan matatagpuan ang Windmills o kilala din sa tawag Bangui Wind Farm. At bayan ng Burgos kung saan naman makikita ang Kapurpurawan (white) Rock Formations at Parola ng Cape Bojeador.

Sa North Tour naman, ang mismong buong bayan ng  Pagudpud tulad ng Kabigan Falls na nakatutulala talaga ang ganda, Patapat Viaduct, Aqua Grande, Paraiso ni Anton, Bantay Abot Cave, Timmangang Rock, Blue Lagoon, at ang tinutuluyan naman sa Saud Beach.

PAGUDPUD WELCOME ARCH

Ang bayan ng Pagudpud ay ang dulong bahagi ng isla ng Luzon at malamang, ang dulong bahagi din probinsya ng Ilocos Norte. Tanaw na din dito ang mga isla ng Batanes pero swertehan din na magpakita sila kapag walang gaanong ulap. O di ba? parang nakapag-Batanes ka na rin! lels.😛

DSC_4433

Kahapon habang papasok kami ng bayan ng Pagudpud sakay ng bus, halos mag buwis buhay ako makuhaan lang ang welcome arch ng Pagudpud mula sa labas ng bintana (naalala ko lang kasi shot ng kaibigang Donnie Ray). Ang epic lang! may pagkakataon naman palang mag stop over dito para sa picture-picture. haha

Lesson learned: wag masyadong heksyayted! lels.😛

DSC_4442

#1 “sorry Jed” -May jump shot ako dito sa welcome arch, pero nahiya naman ako sa may ari ng camera kasi hindi ko talaga mataymingan ang pag-jumpshot nya, kaya para fair wag na lang i-post! haha.

DSC_4435

Napakaganda ng bayan ng Pagudgud, ito ang masasabi mong probinsya talaga. Mabundok, mapuno at malilinis ang tubig mula sa dagat at ilog. Walang nightlife o gimikan dito pero wag kang mag-alala dahil sigurado akong kapag nandito ka sa ayaw at gusto mo ay matutulog ka dahil sa layo ng biyahe at pagod sa gagawin nyong paglalakbay. Kung hindi dun, malamang tulog ka dahil sa sobrang busog! (sarap buhay! lels😛 )

DSC_4445

DSC_4447

DSC_4448 - Copy

Katabing bayan lang ng Pagudpud ang bayan ng Bangui kaya matapos ang ilang minuto o 30 minutes (estimated) narating na namin ang unang pakay namin dito.

Bangui Map
Mula sa google

BANGUI WINDMILLS (WIND FARM)

09:30 Papasok palang kami sa hindi pa sementadong daan,  tanaw na agad namin ang mga windmills na buhay na buhay sa pag-ikot nito. Hindi naman sa pagka-OA pero nakakakabog pala sya ng dibdib dahil habang unti-unti kaming lumalapit, unti-unti din syang lumalaki.😀 wower!!

Tila sila mga malalaking electric fan na nawalan ng mga proteksyong-harang. Ang pinagkaiba lang, hindi sila pinapatakbo ng kuryente,  bagkus, sila pa mismo ang nagbibigay.😀 kewl!

Nagsisigaw ang mga windmills sa katahimikan nito habang umiikot. At higit sa lahat, nagsisigaw sila sa laki!! parang malalaki pa sila sa eroplano na may taas na pitumpung metro (70 meter), hindi pa kasama ang haba ng blade na may apat naput-isa (41 meter). Katumbas ito ng labing limang palabag na gusali (15-storey building). yay! taas no!?

DSC_4466

Pagkaapak na pagkaapak ko sa mala-batong buhangin na makikinis (na nakikita ko lang sa palitada ng terrace)  hindi ko na naiwasang mag jumpshot sa tuwa!!

#2 “sorry Jed” Hindi ko din sana ipopost ang jumpshot ko sa itaas pero ang ganda ng pagkakakuha sakin dito! Thanks Jed! Maganda pa rin kuha mo kahit napagod ka katatalon sakin ay wala kang napala. hahaha peace*😀

DSC_4458copy

Tunay ngang nakakabighani ang lugar na ito, ang mga windmills, ang Bangui bay, ang mga bundok ng Ilocos at hangin ay mga elementong nagsama-sama kaya nabuo ang napakagandang lugar na ito. #perfect!

DSC_4489

May kabuang bilang na dalawampung (20) Wind Turbines ang Farm. Ang unang yugto nito ay natapos noong 2005 sa bilang na labing lima (15) at nadagdagan na lang muli ng lima pa (5) noong natapos ang ikalawang yugto taong 2008.

Ang magandang balita, hindi na lang bayan ng Bangui ang magkakaroon nito sa mga susunod na taon. dahil ginagawa/gagawin na ang ilang proyekto pa nito sa Bayan ng Burgos. Ganoon din sa Isla ng Mindoro sa bahagi ng Puerta Gallera sa Probinsya ng Oriental Mindoro.

Natanong ko nga sa sarili na bakit hindi na lang lagyan ang buong Pilipinas ng mga windmills, ako na rin sumagot dahil hindi naman lahat ng lugar may sapat na lakas na hangin para paikutin ang mga wind turbines. lels.

DSC_4460

Hindi ako nagmamarunong para sabihin kung ilang porsyento ba ang naseserbisyuhan ng wind farm😀. pero ayon sa nabasa ko limanpung pursyento daw o 50% ng buong kabahayan ng Hilagang Ilocos Norte ang nasusuplayan nito. Hindi ko lang tiyak kung anong sakop o tinutukoy ng hilagang Ilocos Norte😀

DSC_4499

Open-door-policy ang Bangui Farm na may humigit-kumulang na lawak at habang siyam na kilometro na nakaharap sa Bangui Bay na nasasakupan naman ng siyam na barangay. Walang entrance fee dito kaya sulit na sulit! Wala lang sisihan kapag nakuryente ka dito! Hahha Joke lang.😀

DSC_4506

Sobrang safe ng mga windmills dito! at hindi lang safe para sa tao kundi sa buong kalikasan dahil renewable energy ito na tumutulong para mabawasan ang greenhouse gases na sanhi ng global warming!

DSC_4497

Napansin ko lang habang nakatayo kami sa isa sa mga windmills, napakalayo ng pagitan nila sa isa’t isa at hindi mo iisipin na pantay-pantay pala ang pagitan nila sa layong 236-metre. #amazing!😀

DSC_4522

Sobrang laki ng naitutulong ng windmills na ito hindi lang sa kalikasan pati na rin sa turismo! Kaya kung di ka pa nakakapunta dito huwag na huwag ka munang mamamatay dahil kulang ang pagkatao mo kung hindi mo ito makikita ng Live!! lels.

DSC_4532

Hindi nauubusan ng magagandang parte ang kahabaan ng Bangui Bay, mayroon doong parte na hangganan ng ilog papuntang dagat kung saan marami ding nanghuhuli ng isda. Ang sarap nilang pagmasyan, hindi lang nahagip ng camera.

DSC_4538

Habang naglalakad pala kami sa dalampasigan, hindi ko maiwasang mamulot ng makikinis na bato at ilang shells, magandang pang souvenir na pwedeng pangpatong sa papel para hindi liparin. Siguro mga sampu ata ang nakuha ko. (mabigat sya)

Kwento ko na rin: Habang pauwi na kami sa Manila, nilagay ko iyon sa side pocket ng North Face bag ko na sya namang nilagay namin sa itaas ng bus (hahaha sinabi talaga ang brand fake naman lels😛 ). Habang bumabiyahe kami, unti-unti na pala itong naglalaglagan. (e tulog ako nun) Nagising na lang ako sa mga mormor! pero ang totoo nagtulug-tulugan na ako noon nang malaman ko. Nakakahiya kasi! as in sobrang nakakahiya!

Sobrang kaba ko kasi akala ko may nalaglagan na sa ulo. Nagtanungan tuloy sila kung saan galing. May nagreact pa nga na “galing langit” nakakatawa lang kasi imblis na “galing taas” ang ginamit hahaha!. Kanya-kanya na silang espikulasyon kung saan ba galing talaga yung mga solid na batong iyob. Akala nga nila sa labas na at may nambabato, ganoong ang lakas kasi ng pagkakahulog na tumama pa sa mga bakal-bakal sa ilalim ng upuan hanggang napunta sa unahan ng kunduktor.

Noong di na ako makatiis at di na rin makatulog sa mga posible pang malaglag. Lakas-loob nrin akong tumayo at naabutan ang isa pang bato pa na palaglag na! hahaha.

Lesson learned: Huwag maglalagay ng kung ano sa side pocket ng bag lalo na kung ilalagay ito sa taas ng bus. Mahirap mamatay sa kahihiyan. At mas mahirap kapag may namatay dahil sa bukol! hahaha.

DSC_4559

Anyway (lels), best time pa rin magpunta dito ng hapon para masaksihan ang namumulang kalangitan pagdating ng sunset. Pero madami pa kaming pupuntahan at hindi naman lahat ng oras sunset kaya larga agad!

TIP #6: Laging magdala ng inumin dahil nakauuhaw talaga, kung may pagkain much better!

DSC_4552

Madaming natitinda ng souvenir items dito, magaganda ang kalidad ng t-shirt dito sa halatang P180.00 pero nakuha namin ng Php170.00 dahil apat naman ang kinuha namin. Bumili din ako ng maliit na windmills o tila prototype nito na umiikot din sa tuwing nahahanginan.

TIP #7 : Kung bibili kayo ng souvenir items, dito sa Viewdeck ng Bangui Willmills ang pinakamagandang bilhan. May mabibilhan din naman sa Burgos at Agua Grande pero mas maraming pagpipilian at pagbibilhan dito, ibig sabihin kung mas marami sila, mas maganda din ang kumpetisyon :)  #TheoryKoLang hahaha!!

Souvenir Items = Php 780.00

DSC_4544

Hindi namin namalayan na halos isang oras na pala kaming nagpalibot-libot sa mga Windmills, at doon sa huling tanaw tila nagkukusa ang puso ko sa magpasalamat sa isang katuparan at saya na idinulot sakin nito.🙂

Umalis na din kami agad para naman pumunta sa susunod na bayan at destinasyon namin -ang..

KAPURPURAWAN (WHITE) ROCK FORMATIONS sa BURGOS.

——-

Ang mga larawan sa itaas ay pagmamay-ari at kuha ni Jed.

–oOo–

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP” Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

Pwede din akong i-follow sa twitter! :D lels.

6 thoughts on “ANG MGA GIANT ELECTRIC FAN!”

  1. ang dami kung gusto i comment pero ito na lang haha

    sinu yang gwapong kasama mo na yan haha parang sa mga pictures nya nafocus ang buong atensyon ko sa pagbabasa ng blog mo na ito haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s