kapurpurawan rock formation

WOW ANG PURAW


kapurpurawan rock formation2

7thMay mga bagay at pangyayari talaga na wala pa man, alam mo na agad na magiging masaya ito! pero may mga bagay at pangyayari din na nasa sitwasyon ka na mismo, pero mas nagiging mas masaya pa pala! Ayos di ba!? Parang “expect the unexpected” lang sa english! Lels.😛 Ganyan ang naramdaman ko noong nakarating ako sa Kapurpurawan Rock Formation o kilala din sa tawag na White Rock Formation (in-english lang naman ang Kapurpurawan, dahil ang salitang “puraw” ay “white” o “puti” sa mga Ilocano) Sobrang amazed talaga ako!

ILOCOS NORTE
DAY 2 (South Tour) PART 2/3

Nakaraan:

BURGOS

Map of Burgos Ilocos Norte
Mula sa Google

Dalawang tourist attractions ang matatagpuan sa bayan ng Burgos, ang kilalang Parola ng Cape Bojeador at ang Kapurpurawan Rock Formation –ang una naming pakay.

Mula sa bayan ng Bangui o Windmills muli kaming sumakay sa inarkilahan naming tricycle ng buong araw. Ilang minuto lang, nakarating na rin kami agad sa kalapit-bayan nito, –ang Burgos.

Matatagpuan ang Kapurpurawan Rock Formation sa hilagang-kanluran ng Ilocos Norte. Nakatapat ito sa West Philippine Sea o Bangui Bay.

11:00 Pagkarating namin doon, binaba kami sa kumpulan ng mga tricycle. Kinailangan pa pala naming sumakay ng panibago. Sa ibang sabi, hindi pala kasama sa package na babayaran namin, ang tour sa Burgos. Doon na namin nalaman na bawal (na) palang pumasok doon ang ibang tricycle na hindi tagaroon para mapagbigyan din naman daw ang ibang driver na kumita sa sarili nilang lugar.

Php300.00 ang tour para sa dalawang tourist destinations, infairness naman sa driver namin tour guide talaga sya. Hindi tulad sa kinuha naming tour package na naging “service” na lang. Lels. 😛 Bukod sa Php300.00 kinakailangan n’yo din magbayad ng entrance fee sa halagang Php15.00. ‘Di na rin masama para din naman sa maintenance ng lugar.

Kung may sasakyan kayong dala mas okay dahil entrance na lang per person ang babayaran.

Tatlong kilometro pa na under construction na kalsada ang lalakbayin nyo para makarating sa Rock Formation. Sigurado akong pagpunta n’yo dito ay gawa na ito at sobrang bilis na lang ng 3 kilometro.

Tricycle Driver
Sya ang driver namin, tawagin na lang natin sya sa alyas na “Tour Guide” hahha sensya na nakalimutan ko. Mabait yan!

Matapos noon pagdating sa pinaka entrance, nagtangka kaming iwanan na lang sana sa tricycle driver ang dala naming gamit, kaso kasama nga pala namin sya, mabuti na lang may tindahan pala doon ang asawa nya kaya doon na lang naming iniwanan. (hindi naman big deal nakuwento ko lang. hahaha😀 )

KAPURPURAWAN ROCK FORMATION

Maganda ang pagtanggap samin ng kapagiliran, ramdam ko iyon pagbaba namin sa sementadong hagdan pagpasok sa mala mini-gubat na entrance. Naastigan lang ako parang may pa-suspense pa kasing nalalaman.😀

Malinis ang lugar, nakatulong marahil ang nakahandang tapunan ng basura sa madadaanan at malilim syempre dahil sa mala-bubungang mga puno’t halaman. Pagkalagpas namin sa tinagurian kong mini-gubat tumambad na sa amin ang napakagandang landscape at karagatan.

Tip #8 best time na pumunta dito ng umaga kung saan kakaunti palang ang mga turista pero tingin ko mas maganda din pumunta kung saan patirik na ang araw para mas maramdaman mo ang kaputian ng lugar. Sigurahin mo lang na may dala kayong pananggalang sa init tulad ng sumbrelo o payong. Kung wala naman kayong dala, mayrpon naman doong nagpapaarkila na sinasabi nilang parang “donation” nyo na rin.

E.. Ilocano kami noon, kaya nagkuripot kami hahahaa. Bahala na si Batman kung matutong kami sa init.

Kung tamarin ka namang tao o sabihin na rin nating susyaling nilalang, maari din kayong sumakay sa kabayo at ma-feel na isa kayong haciendero’t haciendera sa halagang Php100.00, balikan na yun. Pero kung gusto mo, pwede din naman daw na papunta o palalik lang sa kalahating presyo.

Mas maayos na maayos na ang lugar, salamat kay Governor Imee Marcos dahil isa na itong mgandang landscape. Napakaganda ng lugar dahil sa mga halamang tinanim doon na tila natural lang na tumubo. Ganoon din sa daanan na hindi naman sementado pero alam mong naaayon pa rin sa lugar at maayos.

LAM-ANG 

Una naming tinigilan ang rebulto ni Lam-Ang habang nakikipaglaban sa isang Buwaya. Kung hindi nyo kilala si Lam-Ang malamang hindi ko din alam! Joke lang! si Lam-Ang ay kilalang epiko na nagmula sa Ilocos Norte sa panulat ni Pedro Bucaneg na isa ding Ilocono. Nilagay sya dito para na rin maging maalam ang publiko sa mga kwentong epiko na mayroong kinalaman sa maganda nating Kasaysayan bilang Pilipino.

DSC_4575

Sa maiksing paglalahad, ang kwento ni Lam-Ang o Biag ni Lam-Ang ay umiikot sa paghahanap nya sa ng kanyang ama na si Don Juan. Doon sa kanyang paghahanap isa marahin ang Buwayang iyan sa kanyang nakatapat. Huli na nang malaman n’ya na ang kanyang ama pala ay kinitil ng isang grupo ng mga Igorot.

DSC_4581

VIEWDECK

Sinunod namin ang mala-bansang Greece na viewdeck kung saan magandang makikita ang Rock Formation. Marahil ginawa ito upang dito na lang pumirmi ang mga tao at hindi na pumunta pa sa mismong rock formation.

DSC_4595

DSC_4596

DSC_4600

Pinagbabawal na kasing lapitan o akyatin ang pinaka rock formation nito para maiwasan ang bandalismo ganoon din upang hindi masira magandang pustura na hinulma pa panahon.

Sabi nga ng tour guide namin dati daw mas malaki iyon pero dahil sa natural na kadahilan tulad ng hangin at bagyo, isama pa ang tao unti-unti na daw itong lumiliit. Lalo na’t dumadami pa ang mga taong nakakapunta dito. Sayang naman kapag nagkataon.

Sensitibo kasi ang mga bato doon, sabi ko nga para syang pinatigas na pulburon na kapag inipit mo ng mga daliri ito ay madudurog. Sa ibang paghahambing naman, para lang syang pinatigas na puting buhangin ang ilang bahagi.

DSC_4725

Huli naman naming pinuntahan ang likod ng burol (ang unang burol na makikita nyo pagpasok) na sa unang tingin ay parang wala naming kakaiba. May mga halaman kang makikitang nakatanim dito. Hindi ko inakala na parang… sa ganito din nagmula ang rock formation, dahil ang burol na iyon ay may natatagong kaputian (hahaha natawa ako sa “kaputian” parang “kasamaan” lang sa kabiktaran) Pero literal na kaputian ang tinutukoy ko.🙂

DSC_4730

Habang papalapit kami ng papalapit, unti-unti ng lumilitaw ang likod na bahagi ng nasabing burol. Nakakamangha talaga ang kaputian nya.

DSC_4624

Sa sobrang pagkamangha pakiramdam ko nasa ibang bansa ako, mapapaisip ka tuloy na mayroon palang ganito sa Pilipinas! Sobrang puti.

Syempre picture-picture muna!😀

DSC_4636

DSC_4675

DSC_4676

DSC_4629  DSC_4632

DSC_4686

DSC_4690

DSC_4691

DSC_4692

DSC_4648

May mga anyo dito na tila isang slice ng cake sa pagkakahati, meron din ditong tila sa mga kweba mo lang makikita tulad ng Stalactites at Stalagmites na minsa’y may patusok at meron din namang makikinis.

DSC_4642

DSC_4643

DSC_4662

DSC_4733

DSC_4674

Ang mga batong ito ay hindi umiinit kahit pa tirik na tirik  naang araw. Nagawa ko pa ngang magtapak at nagawa ko ring humiga sa lilim. (wala lang maexperience lang! Lels)😛

DSC_4672

Para ka talagang nasa Europe! na sa ilang sandali maaaring magpakita sa iyo ang mga goddess of Greek Mythology tulad ni Hercules o kaya ni Oceanus sa tuwing matatapat ka sa sa bughaw na Karagatan ng west Philippine Sea.. Haaaaaaaaaaaaay Ang sarap talaga mabuhay!

DSC_4646

DSC_4699

DSC_4721

Sa Parteng ito makikita mo ng side view ang rock formation, mas malapit ng di hamak sa viewdeck. Parang nahawakan mo na rin naman kapag nandito ka.

DSC_4718

DSC_4724

May mga lugar din doon sa di kalayuan na may potensyal na maging pasyalan kaso pinagbabawal na ring puntahan iyon, marahil dahil na rin sa mga matatalim na dalampasigan.

DSC_4729

Sabi ko nga, kung wala lang siguro ang mga nakakasugat na bato dito, siguro isa itong magandang resort. Kaso iyon nga, imblis na buhangin, mga bato ang nandirito.

DSC_4622

Sapat na siguro ang 20-30 minutes na pamamasyal dito at maaari na ring pumunta sa next destination ang Parola ng Burgos.

DSC_4669

Tip #9 Siguraduhing may dalang pera sa pamamasyal sa Rock Formation, para hindi nakakahiyang mangutang sa driver kapag may nakita kang nagbebenta ng Ice Candy! Hahaha. Pero seryoso baka kasi may magustuhan kayong bilhin doon o pangrenta ng payong at kabayo, mabuti na yung may pambayad kayo agad😀 (iniwan kasi namin pera namin)

DSC_4711

Hindi pa natatapos ang kalahating araw, at mas lalong hindi pa natatapos ang South Tour namin, meron pang isa!

Ang mga larawan sa itaas ay pagmamay-ari at kuha ni Jed.

—oOo–

Kung nais mo ding mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP” Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

Pwede din akong i-follow sa twitter! :D lels.

5 thoughts on “WOW ANG PURAW”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s