cape bojeador lighthouse

GABAY-TANGLAW NG BURGOS


cape bojeador lighthouse2

7thKung may ilang bagay man akong naaalala noon tungkol sa paglalakbay na ito, ito ang TV ad ng Department of Tourism (DOT) kung saan si Regine Velasques ang kanilang endorser. Nakakatuwa lang, kasi 2006 pa iyon pero nananatili pa rin sya sa alaala ko. Matapos kong mapanood iyon, sabi ko noon sa sarili na makakapunta din ako dito. At ngayon nga, masayang sabihin na nandito na ‘ko. Saya!😛

ILOCOS NORTE
DAY 2 (South Tour) PART 3/3

Nakaraan:

Gagayahin ko nga din sana yung hand gestures ni Regine dito habang kinakanta ang ♪♪ ♫♫♪ “Makisaya, biyahe tayo, kilalanin ng husto ng kakaibang… PILIPINASssss!!” ♪♪ ♫♫♪ kaso hindi yata bagay! hahahaha

ito yun oh!

11:30 Pagkatapos namin puntahan ang Kapurpuran Rock Formation sinunod na rin namin ang huling destinasyon ng South Tour namin sa Pagudpud -ang Cape Bojeador Lighthouse. Mabilis na lang ang biyahe sakay ng tricycle dahil kungkreto naman ang kalsada.

Dahil sa taas ng lugar, malayo palang matatanaw mo na agad ang Parola. Kakasabik!

DSC_4748

Matatagpuan ang Cape Bojeador Lighthouse sa bayan pa rin ng Burgos sa burol Vigia de Nagparitan. Kilala ito hindi lang dahil sa ito ang pinakamataas na Parola sa buong Filipinas (sa taas na 65 talampakan) kundi ito rin ang pinakamatanda. Ginawa ito noong 1892 at nakatutuwang hanggang ngayon ay gumagana pa rin sya sa tulong ng Philippine Coast Guard.

DSC_4749

Idinisenyo ni Engr. Magin Pers y Pers ang parola noong 1887 at muling binalangkas at tinapos ni Engr. Gullermo Brockman noong 1890 sa disensyong pa-oktagonal. (ilang side meron ang octagon?) lels😛

DSC_4750

Sa pag-akyat pa lamang sa mga baitang papasok ng parola mababakas na agad ang kalumaan nito, bahagya na kasi itong lumulubog  dahil na rin sa ilang libong pag-ulan na ang naranasan nito. Pero hindi din, maiksi lang siguro ang paghakbang ko hahaha. (Kayo na may mahabang binti! )😛

DSC_4753

Pinaka-magandang puwesto daw para magpa picture ay sa bandang hagdan, kita kasi halos dito ang kabuan ng Parola kaya picture-picture agad! Medyo natagalan lang kami ng kaunti dahil may iba ding turista na nagpapapicture dito. Syempre iba pa rin kung kayu-kayo lang ang nasa litrato. Hindi nyo naman pwedeng paalis sila dahil kapwa mo lang din naman sila turista, lalo na’t ang Parola ng Burgos ang pinaka sikat na Puntahin ng  mga turista sa buong Pilipinas.

DSC_4754

Walang entrance fee na kailangan bayaran dito.

Sa itaas ng ibaba ng parola.( ano daw?) haha basta! sa parola ay mayroon ding maliit na Museo pag-akyat mo, kaso nakasara ito noong puntahan namin, hindi ko lang sigurado kung binubuksan pa ito.

Sa Itaas makikita mo ang kalumaan ng lugar pero ang kalumaang iyon ang magdadala sayo sa bagong karanasan. Napakasarap sa mata nang makakita ng mapulang mga bricks, at hindi lang basta bricks, orihinal na mga bricks. Medyo nakakainis lang minsan kasi hanggang dito sinisundan pa rin sila ng mga bandalismo.

DSC_4765

DSC_4798

DSC_4770

DSC_4800

Hindi maaring pasukin mismo ang loob ng parola dahil bukod sa restricted area ito upang mapanatili ang kaayusan, ay mayroon din itong high voltage ayon sa mga karatulang nakasulat o nakalagay dito.

Makakalikasan ang parola dahil gumagamit ito ng solar panel.

DSC_4773

Pero hindi nyo na naman kailangan mapasok ang pinaka puso ng parola. Sa paligid lang nito mararamdaman nyo na ang kasaysayan nito at masasaksihan ang napakagandang tanawin na pinagkakaloob nito. Mayroon itong verandah na pwede nyong tigilan pandalian at iba pa.

DSC_4777

DSC_4782

Pwede din nyong akyatin ang parola at mula sa tuktok nito ay pwede na kayo mag bongee jump tulad ng ginawa ko! hahhahaa

DSC_4785

Joke lang! Jumpshot lang yan. Astig no? para akong nagmula sa itaas.

Kung gusto nyong ma achieve ang shot na yan, sundan lang ang pilapil doon, mag-ingat lang baka bumulusok kayo pababa. haha.

Maliit lang ang espasyo sa lugar na iyon. Salamat sa official photographer kong si Jid Albin.

DSC_4791

DSC_4796

Napakagandang karanasan ang makarating sa Cape Bojeador Lighthouse. Kumbaga kasi sa isang ninuno, para mo na ring nakilala ang malayong kamag-anak mo kapag nakarating ka dito. Alam mo yun? Matutuklasan mo na naging malaking ambag pala ito sa Kasaysayan ng Bayan mo bilang gabay ng mga mandaragat mapakapwa Pilipino mo man o dayo.

Nakasisiguro akong hindi na lang ito basta o literal gabay-tanglaw sa atin. Isa na itong bagay na nagbibigay sa atin ng tanglaw para sa nakaraan.

parola

Ang mga larawan sa itaas ay pagmamay-ari at kuha ni Jed.

–oOo–

Maraming salamat sa mga bago kong tagasunod😀

itsmejulieanne
http://itsmejulieanne.wordpress.com
Steph
http://curiouspawn.wordpress.com
angelykaarca
http://angelykaarca.wordpress.com
Tet Pablo
http://litterthoughts.wordpress.com
Yom
http://offthefootypitch.wordpress.com
loadplus
http://loadplus.wordpress.com
Dredd Cabelin
http://dreddishere.wordpress.com
querisss
http://qivb052097.wordpress.com
anotherchronicle
http://anotherchronicle.wordpress.com

Kung nais mo ding mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP” Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

Pwede din akong i-follow sa twitter! :D lels.

One thought on “GABAY-TANGLAW NG BURGOS”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s