PAL EXPRESS 4

T. I. T. E. (TRABAHO- IPON-TRAVEL-ENJOY)


Isang taon na naman ang nalagas sa buhay ko, kasabay noon ang karagdagang pang-uudyok sa sarili na kayang-kaya ko pa ‘to! (Pwede pa kayong humabol ng regalo lels😛 ) Nakakapanabik na may kasamang katanungan tuloy kung mararating o mapupuntahan ko pa ba ang mga lugar, ganoon din ang estado ng buhay na pinapangarap ko.

Salamat na lang at may mga kaibigan at inspirasyon ako. Nagagawa kong paghandaan ang hinaharap sa tulong nila ganoon din para makapag-isip sa mga bagay na dapat kong gawin para sa mas siguradong pagkamit nito.

Pero minsan ba tulad nyo din ako? Yung biglang mapapatanong na lang sa sarili kung bakit pauulit-ulit na lang ang nangyayari sa buhay natin, kaya nauuwi tayo sa katamaran? Minsan ko na ring nasagot yan, at napag-alaman ko na kulang lang tayo sa misyon sa buhay para gumanyak.

Hanggang naisipan kong gayahin ang motto ni  Joey de Leon. Noong nalaman ko ‘to sa totoo lang, napa-“Oo nga ‘no!” na lang ako. Trabaho-Ipon-Travel-Enjoy – (TITE for short) Ganoon ka-simple! Kailangan pa bang ipaliwanag ‘yon?🙂

Sa tulad kong ambisyoso na halos parangarapin na lahat pati ang pagiging bilyonaryo, mauuwi ako sa katotohanang mukhang hanggang pangarap na lang ‘yon kaya mas hahanapin ko ang realidad na pwedeng-pwedeng mangyari sa totoong buhay.

Madali lang naman  intindihin ang kasabihang iyan, para lang s’yang isang cycle. Umiikot, pabalik-balik, pauulit-ulit, pero may twist!

Sa tulad ko ding halos pambayad utang lang ang sweldo, puwede pa rin namang humabol. Bayaran mo! At pagkatapos noon makakaipon ka na. Bukod sa pang ipong pang emergeny kasama na din dapat d’yan ang ipon para sa pang travel (syempre bukod pa rin dyan ang obligasyon sa buhay). At kapag may sapat na ipon ka na. Lustayin mo! At kapag naranasan mo ang sarap ng walang iniintindi dahil pinaghandaan mo ito, magiging maganda mo itong bisyo. Masarap pa rin magtanggal stressed pagkatapos mo mastressed sa trabaho. Kaysa stressed ka na nga sa opisina, stressed ka pag uwi mo dahil hindi ka naghanda sa kaligayahan mo, dahil wala kang motivation pang laban dito.

Halos lahat ng tao pinangarap mag travel para makita ang buong mundo dahil hindi tayo forever dito. Kaya kung kabilang ka sa napakaliit na porsyente ng tao na hindi man pinangarap ang maglakbay, isip ka na lang ng ibang motto (Pang retoke mo halimbawa hahaha). O kaya hanapan mo ng acronym ang P.U. K. E. hahahaha. Pero seryoso ginamit ko na yang motto na yan dati (Para-sa-Utang-Ko-Enjoy!) Hindi talaga effective e! Lels.

Dati, ipon lang ako ng ipon pang travel. Iba pa rin pala kung bukod sa pang travel ay nag iipon ka rin o savings.

At dahil kabi-birthday ko lang narito ang nilakbay ko makalipas ang isa ko na mang taon.

MALAYSIA (November 2012)

Last year ito ang engrandeng regalo ko sa sarili ko -ang makalabas ng bansa. Pero ang totoo para maka-iwas lang yan sa pakain lels. Salamat kay Rye at Bino para sa katuparang ito.

malaysia

MANILA (January 2013)

Sa Maynila lang naman ako tumutuloy  (second home ko na ito matapos ang Cavite) pero masarap pa rin ang pakiramdam kapag namamasyal ka dito at nagiging tour guide din ng mga kaibigan at inakaala mong kaibigan mo. lels.

manila

PAMPANGA (FEBRUARY 2013)

Last year nagpunta din ako sa Hot Air Baloon Fiesta, nagpunta ako uli ngayong taon at sana sa susunod uling taon🙂

pampanga

BORACAY (MARCH 2013)

Taun-taon may lakad ang United Bloggers (Bloggers’ Group Page sa FB) at napapasama ako dito. Malaking bahagi sila ng mga katuparan ng mga napupuntahan ko. Super enjoy nilang kasama. Sana makabalik ako uli dito.

boracay otep
LAGUNA / QUEZON PROVINCE (APRIL 2013)

Sa lahat ng weekend getaway ko, ito yata ang pinaka mura at sulit. Dalawang probinsya sa isang weekend. Samahan pa ng makukulit na kasama. Kaya gusto kong pasalamatan sina Manong Ron, Nixon, Tonton at Mar. Sana may part 2.

laguna

quezon

ILOCOS NORTE / SUR (JULY 2013)

Sa lahat ng memorable ito ang pinaka. Sobrang nakaka amaze kasing makita ng personal yung mga nakikita mo lang sa internet at TV tulad ng mga windmills, lumang simbahan ng Paoay, Kapurpurawan rock formation, Lighthouse ng Burgos, Vigan at ang pakiramdam na nasa dulo ka ng isla ng Luzon. Sa loob ng ilang araw parang isang buwan kang naglakbay dahil iba-iba ang tanawin na nakikita mo sa dalawang probinsyang ito. Salamat kay Jed sa pagtupad ng pangarap kong ito.

ilocos norte

ilocos sur

BATANGAS (NOVEMBER 2013)

Bago ako mag birthday, may humahol pang isang katuparan. Ito ang kauna-unahan kong pag-akyat sa isang bundok. Ganoon pala ang pakiramdam kapag hinahabol ka ng hininga. Yung mabilis na pagtibok ng puso mo, nararamdaman hanggang sa ugat ng sintido mo. hahaha ang kewl. Sana marami pa akong maakyat na bundok. Salamat kina Jed at sa mga kaibigan nitong sina Al at Romeo, ganoon din kay tonton.

batangas otep

Hindi ako nakagala ngayong birthday ko dahil inalipin ako sa opisina. Masakit mas sa kalooban mainam paring may trabaho kaysa sa wala. Sana ngayong nadagdagan na naman ako ng taon, mas marami pa akong mapuntahan, nang sobra kong maenjoy ang buhay ko. Sana kayo din ha!🙂

P.S.
Ang sarap magblog kapag naka dot com ka na😀 hahaha
Salamat sa regalong dotcom.

otepzablan.com

——oOo——

Salamat din sa mga bago kong followers/Subscribers:

N. http://pedxingboy.wordpress.com
mhailine16 http://mhailine16.wordpress.com
badoodles http://badoodles.wordpress.com
mykwento021 http://jvpatilan.wordpress.com
tetrara http://tetrara.wordpress.com

Kung nais mo ding mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP” Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

Pwede din akong i-follow sa twitter! :D lels.

9 thoughts on “T. I. T. E. (TRABAHO- IPON-TRAVEL-ENJOY)”

  1. yomon! next time, sana, magkasama tayo sa travel. La lungs. I miss the old times. Next time, sana, akyat tayong bundok. Mt. Pulag~🙂🙂🙂

  2. naks, daming gala! congrats Otep, sana mas marami pang travel ngayon taon at sa mga susunod na taon pa, happy birthday, belated!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s