kabigan falls

ANG TALON SA GITNA NG PAGUDPUD


kabigan

7thSabi nila maraming bagay at surpresa ang mundo, ang gagawin mo lang ay lakbayin at tuklasin ito. Walang bagay ang nakukuha sa isang kisap-mata lang lalo na kung ang hinahanap mo ay nasa gitna ng kagubatan.😀

ILOCOS NORTE
DAY 2 (North Tour) Part 1/3 

Nakaraan:

Halos tanghaling tapat na noon nang matapos namin ang South Tour. Nakapapagod na! kung tutuusin pero nangangalahati pa lang ang araw para sa amin.

Saan Pwedeng Mananghalian?

12:30 Sa tulad naming nakakontrata sa trike madali na lang magpahatid sa isang malapit kainan. Inihatid kami nito sa isang kainan katabi ng kalsada. Sabay-sabay kaming kumain kasama ang driver. Sulit naman pagkain sabayan mo lang ng coke. Masarap talagang kumain kapag pagod!

Mula sa kinainan namin, humigit kumulang 30 kilometres pa daw ang lalakbayin namin papuntang Kabigan Falls. Ito ang una naming pupuntahan sa pagsisimula ng North Tour namin. Katumbas iyon ng isang paglalakbay mula Maynila hanggang Alabang. At kung ang Manila-Alabang ay tumatagal ng 30-45 minutes sakay ng bus, asahan na ang isa  hanggang isa’t kalahating oras na biyahe sakay ng trike.

250px-Ph_locator_ilocos_norte_pagudpud
mula sa google

Pagkadating namin doon, derecho kami sa information para magparegister, ganoon din para magbayad ng P10.00 per person bilang preservation at entrance fee at P100.00 para naman sa tour guide.

Huwag na kayong manghinayang sa P100.00 para sa tour guide. Tulong na rin iyon para sa kumunidad nila lalo na’t pawang mga may-bahay ang mga tour guide dito. Kahit na kayang-kaya naman magtungo doon ng walang kasamang tour guide.

Nag-arkila din kami ng payong sa halagang P20.00. Mahirap nang maulanan at mabasa ang camera namin.

3

Nagsimula agad ang aming paglalakad habang sinusundan si tour guide (nakalimutan ko ang name nya). Pero tingin ko guide lang dapat ang itawag dahil wala namang tour na na nagaganap hahaha. lels. Ang bilis n’ya mag lakad, lawit na dila namin.

7

2

Tinatayang may layong isa’t kalahating kilometro ang Kaibigan Falls mula sa entrance. At pwedeng abutin ng humigit kalahating oras ang paglalakas depende sa laki ng hakbang mo.😛

1

Hindi ka mababato sa paglalakad dahil sari-sari naman ang madadaan mo; palayan, sapa, ilog pati na rin ang mga mayayabong na puno. Yung Guide lang ata yung nababato samin kasi hindi kami kinakausap hahaha. lels😛

8

Habang papalapit sa talon, makakarinig ka ng mga tilamsik at malakas na pagdausdos ng tubig. Isang hudyat na nalalapit na nga kayo sa pakay nyo. Gaya ng unang karanasan ko noong makarating ako sa Bumod-Ok falls sa Sagada ibang pananabik talaga ang hatid kapag nasisilayan mo na ito ng paunti-unti.

At sa wakas! nagsalita na si Guide!😀

Nasa tinatayang isang daan at dalawampung talampakan daw ang taas nito (120 feet). Kinumpara ko tuloy sa Bomod-ok falls na nasa 200 talampakan, pero mukhang mas mataas pa rin ang sa Kabigan Falls.

5

Ayos sa kwento nagmula daw talaga sa salitang “Kaibigan” ang “Kabigan Falls”. Sinasabing magkaibigan daw kasi ang talon at tubig sa ilog nito. (ang korni pero ayun daw ang kwento ayon sa mga nabasa ko)

4

kabigan3

Gaya ng madaming Talon sa Pilipinas, napakalamig din ng tubig dito, at maari din daw inumin. Sayang nga at wala kaming dalang pamalit at damit kaya hindi kami nakaligo at nakuntento na lang sa pagbababad ng paa.
DSC_4424 copy

Nakakagutom ang paglalakbay na iyon, kaya mainam pa ring may dalang tubig at pagkain. Huwag nating basta-bastahin ang 1.5k na paglalakad nakakapagod din kaya!.

6

DSC_4424b copy

Hindi na rin kami nagtagal dahil first stop palang ito ng North Tour namin.

Habang pabalik na, muli naming nadaan ang mga nagtitinda ng Karyoka at Buko Juice. Dito ko natikman ang Pure Buko Juice kasi sabaw talaga ng buko.

Nakakatuwa din ang mga nagtitinda dito kasi share-share sila sa customer. Tatlo ang nagtitinda ng buko dito, at dahil tatlo din kaming iinom kasama ang Guide namin, sa bawat isa talaga nagmula ang iinumin naming tatlo.

Pagdating naman sa Karyoka sa iisang tindera lang nagmula.

Noong magbabayad na kami, bigla akong na turn off kasi parang naglakas ng bosses yung isa sabi

“Sayo madaming nabili, tapos sakin mo ipapasukli!”

Mas natawa ako noong sumagot naman itong is Jid

“‘Wag na po kayong mag-away” hahaha. Patola lang sa matatanda.

Ang dami kong tawa, hindi ko kasi alam kung nagagalit sila o ganoon lang talaga ang tono ng mga ilokano.

Natapos ang paglalakbay na iyon na may dalang bagong imahe sa isipan ko ang ganda ng Kabigan falls.

Dali-dali din kaming bumalik sa driver namin para sa susunod na paglalakbay -ang Patapat Viaduct.

Ang mga larawan sa itaas ay kuha at pagmamay-ari ni Jid

——oOo——

4 thoughts on “ANG TALON SA GITNA NG PAGUDPUD”

  1. Ang sarap titigan nun falls. Di pa kasi ako nakakakita ng real falls kaya namamangha talaga ako. Super linis pang tingnan at yung mga palayan ang gagamda ng kuha. Nakakarelax.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s