kamay ni hesus quezon

ANG HINDI KABASA-BASANG THROWBACK 2013


SALAMAT 2013!

Isa sa pinakamagandang nangyari sa akin nitong nakaraang taon (bukod sa nakilala kita ayiiii.. Lels)😛 ay ang magbalik-loob sa Diyos! Naks!. Oo, maniwala man kayo’t sa hindi nagsisimba na ako. hahaha! Pakiramdam ko kasi sobrang dami kong dapat ipasalamat. Siguro nasa ratio ng 1:4 ang hindi kagandahan sa magagandang nangyari sa buhay ko. Pero minsan yung mga hindi kagandahang iyan ay ipinagpapasalamat ko na din, dahil kung hindi dahil sa mga “HINDI” malamang hindi na rin naging buo ang “KAGANDAHAN”. #ansabe? 

Siguro nagmantsa lang sa isipan ko yung pinaka magandang sermon ng pari na narinig ko nitong nakaraang taon -ang magbilang ng blessings!

grande
Ang unang blessing ng 2013, Ang manalo ng Grade sa SB😀

Habang patuloy kong naiisip ang ‘pagbibilang’ na sinabi nga ng pari, patuloy ko ding naituturing na blessings ang lahat ng bagay gaano man ito kalaki o kaliit! Katulad noong nanalo ako sa online game app sa FB ng Starbucks kahit isang Grande lang yun ang saya-saya na! (feeling ko di na ko weak sa mga online raffles lels😛 ) At nang manalo din ako ng movie tickets sa Inquirer Libre. Noong una malas dahil hindi ko magamit, pero nanaig pa rin ang swerte dahil pinalitan naman ang mga tickets ko.

Ganoon pa man, mahirap talagang kalimutan yung mga bagay na nagbigay sa atin ng problema, isama na rin natin dyan yung mga bagay-bagay na nakasakit sa atin. Tawagin pa naman akong “ASSUMING!?” siguro nga, dahil kung hindi naman totoo yun, bakit ako nasasaktan?

nawalang cellphone
Ang nadukot kong Cellphone sa Recto.

Naniniwala pa rin naman ako na kapag may nawala, may mga mananatili pa rin sayo at mas lalong may mga iba pang dadating.

Naalala ko tuloy noong nadukutan ako sa Recto, nawala yung cellphone ko (na tatlong buwan palang ata nasa akin buhat ng binili ko) kasama ang kabuuan ng wallet ko. Nakakakaba! Pero matapos naman noon nagkaroon naman ako ng bagong tablet -si Jepjep🙂

katawan ni otep
Ang katawan kong pinagnasaan sa Boracay! lels.

Mas lalong naging mabunga naman ang nakaraang taon ko pagdating sa gala. Kasama dyan ang simpleng pagkakape at susyal na staycation sa ALABANG kasama ang mga blogger friends ko.

Nakarating ako uli CLARK para sa Hot Air Baloon Fiesta. Magkasunod na araw para sa LAGUNA at QUEZON. Ang pangarap kong makatuntong sa white-sand beach ng BORACAY. At ang malupet kong paglalakbay sa lalawigan ng ILOCOS SUR at ILOCOS NORTE! Sarap buhay!.

unang akyat
Ang unang akyat ko sa Mt Gulugod-Baboy

Natupad na rin ang Pangarap kong maka-akyat ng Bundok na naganap sa BATANGAS. At bago matapos ang taon, nakabalik pa ako sa TAGAYTAY.🙂

Hindi ko man natupad ang panata kong makaakyat ng BAGUIO kada-taon, ayos lang! sobrang dami ko pa ring dapat ipasalamat.

Bago ko pala makalimutan, nagawa ko rin palang makatapos ng at least 2-month ENGLISH course, hindi ko man na-aapply pa sa pagbablog ko at least kahit papaano may muwang na ako kung tama ba o mali ang english grammar ko.  hahaha😀

Isa din sa hindi ko dapat makalimutan ang pagiging DOTCOM ng blog na ito yey!😀

ILAM Class
Mga Classmate ko sa ILAM: Kana, Lyn, Asiz at Huase’

Kung iisipin, mga simpleng bagay lang naman talaga ang nangyari sa buhay ko sa nakaraang taon, pero gaya nga ng sinabi ko, lahat ng ‘yan ay dapat ipasalamat!

Sa Next post ko, susubukan ko namang ilista ang mga bagay na gusto kong tuparin sa kasalukyang taon!

heksayting!🙂

Ang picture sa taas ng pamagat ay kuha sa Kamay ni Hesus na matatagpuan sa Lucban, Quezon.

——oOo——

Salamat sa mga bagong tagasunod ko😀

potsquared
http://potsquared.wordpress.com
Filipina Wanderer
http://filipinawanderer.wordpress.com/
herdailydigest
http://herdailydigest.wordpress.com
abbypacliwan26
http://abbypacliwan26.wordpress.com

Kung nais mo ding mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP” Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

Pwede din akong i-follow sa twitter! :D lels.

7 thoughts on “ANG HINDI KABASA-BASANG THROWBACK 2013”

  1. me kwenta naman basahin. lels. at nagalak ako, sa wakas nalagay mo ko sa blogroll mo, di mo nakalimutan. it made my day.Magbago ka din ngayong 2014, di na kita malalayo sa bago mong kaibigan pero ingats lang. I mean it. Im just here, ps matagal ko nang sinabi sa iyo na masakit sa mata ang layout mo. sa iba ka pa nakinig.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s