2014

LABING-APAT NA PARAAN PARA MASAYA MONG IPAGPATULOY ANG 2014


Tapos na ako sa pagbabalik-tanaw nitong nakaraang taon at panahon naman para maglista ng mga bagay para magkaroon ka ng dahilan at inspirasyon para hindi mo masabi sa sarili mo na “pauulit-ulit na lang ang nangyayari sa buhay ko!” tse!😀

Sa pangarap naman talaga nagmumula ang lahat, pagkatapos noon isusunod mo lang ang gawa. Ang tanong, paano mo sisimulan ang pagtupad o paggawa’?

Narito ang fresh na fresh na listahan at ideya mula inspirado kong diwa: (may mapulot ka nawa)😛

14. TRABAHO Ngayong Enero marami sa mga kakilala ko ay naghahanap ng bagong trabaho.

Bagong trabaho, kung saan kikita ka ng mas mataas kaysa sa kasalukuyan mong sweldo. In short, magkakaroon ka ng panggastos bukod sa mga obligasyon mo.

Kung hindi naman, trabaho kung saan masaya mong malulustay ang mga pinaghirapan mo. Naranasan ko na kasi yan! yung alam mong may pera ka nga pero hindi mo naman ma-enjoy dahil wala kang oras dahil sa tawag ng trabaho mo! doon ko napatunayan na minsan hindi lang pera ang magpapasaya sa atin, minsan oras din.

Isa rin sa dahilan kung bakit madaming naghahanap ng bagong trabaho ngayong Enero ay para kumpleto ang makukuhang nilang year end bonus o 13th month pay sa pagtatapos ng taon.

Sa sitwasyon ko kasi, iniisip ko na kapag umabot na naman ako sa kalagitnaan ng taon manghihinayang na naman akong magresign dahil hindi ko na makukuha yung kalahating taon na pinundar ko para sa mga bonuses na yan. #SayangNaman.😦

Sa ngayon, nararamdaman ko naman na makakapagsimula na ako sa bagong trabaho ko ngayong Enero #Kilig!🙂

13. BISYO – Ngayong may matino ka ng trabaho o nananatili ka pa rin sa parehong hanap-buhay mo, maghanap ka ng matinong bisyo. Matinong bisyo, ibig sabihin ke-namamahalan ka man o sa tingin mo ay hindi makatao at least alam mo na nagbenefit ka dito at naging masaya ka! kahit one day millionaire pa ang peg mo. Hindi mo na napapabayaan ang kalusugan mo, wala ka pang naaapakang tao.

Maniwala ka sa kasabihang, walang katumbas na halaga ang kasiyahan ng tao! lels.😛

Guilty pleasure ata tawag dun?.🙂 Maraming bagay ang pagpipilian para dyan, depende yan sa trip mo. Pwedeng bumili ka ng mga mamahaling bagay na parang magiging collectible items mo. Pwede ding magpa-spa o kung anu-ano pa.

Ang naisip ko nga dyan ay maghotel kada-buwan! Susyal di ba? Labing-dalawang hotel yun sa loob ng isang taon. Kahit hindi naman sa mamahalin na hotel, o kahit mamahalin may agoda.com naman😀

Ilan sa mga napili ko na ngang hotel ay ang mga sumusunod.

  1. Luneta Hotel (hindi pa bukas)
  2. Diamond Hotel
  3. Sofitel
  4. Bayview Hotel
  5. Manila Pavilion
  6. Midas hotel
  7. Century Park Hotel
  8. The Bayleaf Intramuros
  9. Traders Hotel
  10. Pan Pacific Manila
  11. (Pinag-iisipan pa)
  12. (pinag-iisipan pa)

Ang dami sigurong mapapataas ang kilay dahil dito, pero kung iisipin mo, sa loob pa naman ng isang taon yan! ang dami pang pwedeng mangyari.

12. MAG-IPON. Hindi naman ibig sabihin ng post na ito ay gagastos ka ng gagastos. Masarap pa rin sa pakiramdam na sa pagtatapos ng taon ay may makikita kang ipon. Marami akong nakikita sa internet ngayon na may kinalaman sa pag-iipon. Tulad ng pag-iipon kada linggo, at sa bawat linggo na magdadaan ay  madadagdagan pa iyon.

see this : 52 WEEK MONEY CHALLENGE: THE KURIPOT PINAY VERSION 

Magandang ideya ito kung tutuusin lalo na sa may business. Kaso hindi naman ako kada linggo magkakapera kaya saan ko kukuhain yun? Kaya mainam pa rin na kada sweldo ay magtabi para sa Savings, Health at Pang-travel mo.

Kung nabasa nyo ang bagong motto ko na TITE mauunawaan nyo ko lalo.

11. BAWAL ANG LATE. Noong mga nakaraang taon, ito talaga ang madalas na new years resolution ko, hindi lang sa work ganoon din sa mga simpleng meeting ng mga kaibigan ko.

Umuubra naman sya mula sa unang buwan hanggang ika-apat pero babalik din uli sa umpisa. Bakit? Kasi nawawala yung dahilan kung bakit mo nga ba ginagawa iyon.

Ngayong naisusulat ko ito at alam ko kung ano ang kagustuhan ko, siguro magagawa ko na naman ito ngayon.

Maganda pa rin itong simulan sa mga kaibigan lalo’t may Philippine Standard Time na😀

10. REWARD! Yeah! bigyan ng reward ang sarili sa tuwing alam mong may nagawa kang katuparan sa pangako mo. Halimbawa, ngayong buwan nangako kang hindi magkakaroon ng late sa opisina. At sakaling matupad mo iyon, bibilhan mo ang sarili ng isang bagay na minsan ay pinanghihinayangan mong bilhin pero deep-in-side e gustung-gusto mo pa din #Meganun? Sa ganoon, panghihinayangan mo din ito kapag hindi mo nakuha.

Ngayong taon, Gusto kong magkaroon ng mga bagong damit at pantalon na makikita mong magandang nakasalansan sa aparador mo ayon sa kulay! At sapatos na rin, kasama ang iba pang gadgets -yan ang mga pangrereward ko! #LakasMangarap!

9. PARUSAHAN ANG SARILI/BIGAY-KATUPARAN SA IBA. May ganito din. Sa tuwing hindi mo matutupad ang pangako mo sa sarili (isang halimbawa nga ang pagkakaroon ng late sa opisina) ay bigyan mo ng isang katuparan o offer ang isa sa mga kakilala mo.

Halimbawa: “ililibre kita sa starbucks kapag nagkaroon ako ng late ngayong cutoff!”😀 Sa ganoon madadagdagan din ang eagerness mo para makuha mo ang reward sa sarili🙂

8. OBLIGASYONG PANG ISPIRITWAL. Kung importante sayo ang kalusugan mo dapat importante din sayo ang pagkaing pang-ispiritwal.

Hindi ‘to joke, pero malayo talaga ang loob ko sa Diyos. Maraming beses sa unang tatlong buwan ko sa pagsisimba, para akong nagsisimba sa wala, dahil hindi ko ‘to maramdaman. Matapos noon, sa bawat sermon ng pari unti-unti na tong pumapasok sa sikmura ko at patuloy na itong inaabsorb ng katawan ko.

Hindi naman ako sa relehiyoso, pero iba pa rin kapag alam mong may Diyos kang malalapitan kapag alam mong zero ka na.

7. SHARE. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin yung pakiramdaman ng unang outreach ko sa bahay-ampunan. Kung naranasan mo iyon, masasabi mo sa sarili mo na napaka-swerte mo sa kabila ng kakulangan mo din naman sa buhay. Hindi awa ang mararamdaman mo sa kanila kundi realization. ‘Yung alam mong sa ilang sandali napasaya mo sila, pero doble, triple o sobra-sobra pa yung aral at sayang naibalik nila sayo.

Kaya maghanap ka ng masasamahan o masasalihang outreach program. Maari ding magbigay ng donation sa isang organization.

6. TRAVEL. Wala akong kilalang tao na ayaw sa gala kaya mabuti nang paghandaan ito. Pero hindi naman tayo mayayaman lahat kahit sabihin mong budget traveler ka pa, maiman na alam mo pa rin ang mga balak mo.

philippines map

Balak ko nga ngayong taon ay apat (4) na major travel. Paanong major? ibig sabihin malalayo at medyo expensive na gala with airfare. At dahil apat nga iyan maganda na yang itaon every quarter. Pwedeng mapaaga, pwedeng ma-late. Importante maka-kota ka ngayong taon.

Ilan nga sa gusto kong puntahan o balikan ngayong taon ay ang mga sumusunod:

  • Sagada -paboritong lugar ko pa rin ito.
  • Baguio -tuloy pa rin ang panata.
  • Pangasinan – Heksyated ako sa Hundred Islands.
  • Legazpi Albay – gusto ko nang makita ang Mt. Mayon
  • El Nido, Palawan – nasa dreamlist ko pa rin.
  • Batanes – Malabo, pero nas pangarap ko pa rin din.
  • Cebu- Kilala pero curious pa rin ako.
  • CDO – Gusto ko mag white rafting
  • Bukidnon – Gusto ko makita yung farm at makapag bundgee jumping.

Kapag pinalad, sana makalabas uli ng ibang bansa.

  • South Korea

5. UMAKYAT NG BUNDOK. Kung naranasan nyo na ang umakyat ng bundok mauunawaan nyo kung bakit nais ko pang makaayat sa iba pa. Iba kasi ang pakiramdam e. Naroon yung feeling na nakikipag sex ka sa kalikasan hahaha.😀 Hahabulin mo ang hininga mo, na tila nasa rurok ka na! Patibayan ng tuhod! At kapag narating mo tuktok parang nag climax ka! hahaha.😀

Balak kong maka-apat na bundok din bago matapos ang taon. Ilan nga sa mga gusto kong akyatin ang mga sumusunod:

  • Pico De Loro
  • Mt. Manabu
  • Mt. Pulag
  • Mt. Maculot
  • Mt. Halcon
  • Mt. Apo
  • at iba pa.

Kung mapapansin nyo bakit nakahiwalay ito sa #6 o TRAVEL kasi maliit na gastos lang naman ang kailangan dito, minsan pamasahe nga lang. Unless sobrang layo na kaya pwede nyo na rin syang isama sa Quarterly na gala n’yo.

4. KUMAIN. Madalas kong sinasabi sa iba na “KAYA TAYO NAGTATRABAHO AY PARA KUMAIN AT HINDI MAGPAKAGUTOM”, kaya walang dahilan para ipagpaliban o ipag-mamaya pa ang pagkain sa tuwing nagtatrabaho tayo. Kaya ugaliin nating i-enjoy ang sarili sa pagkain ng masasarap. Maghanap ng mga masasarap o bagong pagkain/kainan. Subukan din ang mga dayong pagkain mula sa ibang bansa. #SarapBuhayPagGanun!🙂

3. TSISMIS. Umiwas at huwag gumawa ng tsismis. Aminado ako dyan! hindi man ako gumagawa ng tsismis pero minsan nagagawa ko ding ipagsabi ang mga naririnig ko sa iba lalo na sa mga pinagkakatiwalaan kong tao. Ang siste nga lang, ang taong pinagkakatiwalaan ko ay meron din palang pinagkakatiwalaang tao! hahaha ang epic no? ayun, sanga-sanga! may nasisirang tao tuloy. kaya para iwas-makasakit ng damdamin ng iba, matuto tayong tumanggap ng sabi-sabi pero huwag na lang nating i-share sa iba.🙂

2. IWAS AWAY | PAMILYA | LOVE. Marami sa atin kaya hindi maka move on sa nakalipas na taon ay dahil sa pagkakaroon ng kasamaan ng loob. Alam ko na mahirap ng habulin yun kaya madalas pinapalipas na lang natin. Kaya mainaman pa rin na ngayong 2014 ay iwasan na natin ‘yan. Maging mapagpakumbaba tayo.

Unang prioridad pa rin syempre ang pamilya dahil sa huli sila pa rin ang una’t huli nating matatakbuhan.

Maging mabuti tayong kasintahan/asawa sa mga kapareha natin. Ganoon din syempre sa kapwa at kaibigan. Hindi naman natin mababago agad-agad ang mundo sa isang iglapan lang, pero pwede nating simulang baguhin yan sa sarili natin🙂

1. At ang pinaka magandang paraan para masaya mong masulit ang 2014 ay bumuo ng PLANO tulad nito. Mabuting alam mo kung anong gusto mong mangyari sa buhay mo sa loob ng taong ito at ganoon din sa hinaharap.

Mainam na may listahan o Dreamlist ka! sa ganoon wala ka mang inspirasyon tulad ng isang espesyal na tao, alam mong may plano ka na pwede mo ring gawing inspirasyon para maging makatuturan ang buhay mo. Iwas emo pa!😀

Sana magawa ko! at kayo din:)

–oOo–

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP” Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

Pwede din akong i-follow sa twitter! :D lels.

8 thoughts on “LABING-APAT NA PARAAN PARA MASAYA MONG IPAGPATULOY ANG 2014”

  1. Sa #14, hindi naman sana sa tuwing Enero eh lilipat ng trabaho. mas okay pa rin ‘pag nasa pangmatagalang career.

    Sa # 13, hindi mamahalin pero kasama ang Sofitel? Pero tama ka, makakamura sa Agoda!

    Sa #12, Isang malaking gudlak sa pag-iipon. Malaki ang respeto ko sa mga taong ta;lented mag-ipon.

    Sa #11, Haaaayyyyy… hindi ka lang naman sa work late. You really have to work on this. Nakakairita kayang maghintay! Argh!

    Sa #10, Try mong mas maging maselan sa spacing. Proof read, u want? hehehe

    Sa #9, Hmmmnnn… okay! Gawing game show ang self improvement. Maganda ‘yan!

    Sa #8, I SUPER AGREE. I used to feel empty kahit I almost have everything but when I reconnected with God, ‘yun ang kumumpleto. Very Good ‘yan!

    Sa #7, awww… Very PBO and its advocacy!!!

    Sa #6, Hindi priority ang travel. Go for staycation! Pero gudlak na lang sa future travels mo this year!

    Sa #5, Skip!

    Sa #4, Apir! EAT EAT EAT! and EAT again!

    Sa #3, HINDI AKO MAKA-RELATE! PASS!

    Sa #2, Awwww…. ang mushy lang pero nakaka-good vibes!

    Sa #1, Ikaw na ang organized at may direksyon! Sana maging successful ka sa pagtudap ng mga ito!

    WOW, ikaw na ang may back-to-back post!
    Pasensya sa mahabang komento. Minsan lang naman!

    1. Hahaha pasensya na Senyor hindi pwedeng puyat lang kaya maling baybay? lels, natawa ako sa mga hindi mo magets hahha.

      Keri ko yan! sasabihin ko pag may offer ako sayo. Takot ko lang pa di ko nabigay gusto mo lels.

  2. hanep sa list ah, approve! nakaka-relate ako sa iba esp sa una.

    tama ka na hindi lamang pera talaga ang sukatan para magtagal sa trabaho at hindi rin naman puwedeng magtagal ka sa trabaho na yun at yun lang ang kinikita mo. in short,

    magtrabaho ka sa gusto mo at kung saan ka maggo-grow. yoyoyoyoy!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s