DSC_4849

SA HANGGANAN NG ISLA NG LUZON


DSC_4862

7thBago ko isulat ito, binalikan ko muna ang mga larawan na nakikita n’yo dito. Sa ilang sandali lang, tila nandoon na naman ako sa parehong lugar. Nakangiti. Nakatindig. At tila nahihiwagaan sa kalayuan. Ganito pala ang pakiramdam kapag madami ka na ring napupuntahan, mapapatingin ka sa malayo at mula doon mapapatanong ka na naman sa sarili kung ano kaya ang makikita sa banda roon.


ILOCOS NORTE
DAY 2 (North Tour) Part 2/3 

Nakaraan:

3:30 Matapos manggaling sa Kabigan falls muling umarangkada ang sinasakyan naming trike. At habang umaandar, napansin ko na lang ang puting kalsada. Nakakatawa pero parang nagpanic ako na tila gusto ko nang tumalon agad sa sinasakyan namin. Pamilyar na kasi yung nakikita ko. Akala ko kasi dadaan lang kami dito, kasama naman pala sa itinerary namin ‘to at naghahanap lang ng magandang pwesto ang driver namin. #HeksyatedLang.

19

Ito na yun! -ang Patapat Viaduct, ang makapigil-hiningang tulay na nagdudugtong sa dalawang probinsya ng Ilocos Norte at Cagayan.

Ayon sa driver namin, “bigkis” daw ang katumbas na salita sa tagalog ng “patapat”. Na s’yang nag-uugnay nga sa dalawang probinsya.

Ano bang espesyal sa tulay na ito? siguro yung mismong lugar kung saan ito nakatayo. Napakaganda kasi ng tanawin dito, kung papalarin ka pa nga daw kapag walang gaanong ulap matatanaw na dito ang ilan sa mga isla ng batanes. Sa ibang sabi, ito na daw kasi ang hangganan, hindi man ng buong kapuluan ng Luzon pero ng buong isla mismo ng Luzon. At dahil nga dito, mas lalo akong nanabik para marating ang mga isla sa likod ng mga ulap na iyon. (Batanes! kailan kaya yun? lels.)

9

Bibihira lang ang nagdadaan na sasakyan dito. Hindi ko alam kung dahil lang ito sa araw o oras ng pagkakadaan namin o sadyang ganito lang ang dalang ng mga nagdadaan dito. Kaya magagawa mo lahat ng gusto mong gawin sa isang tulay,

Tulad ng :

Patapat Viaduct 7
MAG YOGA
Papata Viaduct
MAUPO SA GITNA NG KALSADA😀
Patapat Viaduct
HUMILATA
Papat Viaduct Jumpshot
MAG-JUMPSHOT!
Patapat Viaduct Magpahangin
MAGPAHANGIN
Patapat Viaduct Magpacute
MAGPA-CUTE hahaha Lels😛
Patapat Viaduct Picture
Higit sa lahat, MAGPAPICTURE!

May habang 1.3 kilometro ang kongkretong tulay na ito na may taas na 102 na talampakan mula sa dagat. Ika-apat ito sa pinakamahabang tulay sa buong Pilipinas.

DSC_48622

Tumagal lang kami dito ng may 10-15 minuto dahil marami pa kaming pupuntahan.

Iba talaga ang pakiramdam kapag nararating mo yung mga lugar na dati’y sa mga larawan mo lang nakikita🙂

Ibang hangganan naman sana ang maraming ko sa susunod. Pero ayaw ko pang matapos ang mga paglalakbay na ito🙂

——-

Ang mga larawan sa itaas ay pagmamay-ari at kuha ni Jed.

–oOo–

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP” Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

Pwede din akong i-follow sa twitter! :D lels.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s