DSC_9169

RM #1: ANG 15-MINUTE GRACE PERIOD


Random Monday (RM) -nakita ko lang ito sa ilan sa mga post ni Bino (isang celebrity blogger) Lels😛 Naisip ko lang na kaysa magmistula itong isang tren na nagdaraan sa harap ko, bakit hindi ko na nga lang itala ang mga nangyayari makalipas ang isang buong linggo. Pero baka magsawa naman ako kung linggo-linggo o tuwing lunes ako magpopost ng ganito. Kaya naisip ko na pwede ding pagkatapos na lang ng ikalawa at ika-apat na lunes. Ibig sabihin, dalawang random monday posts sa isang buwan. (subukan ko lang)🙂

Hindi nyo naman ikagagalak basahin ‘to lalo na’t isa itong purong pansariling kwento. Maliban na lang kung may pagnanasa kayo sakin kaya gusto n’yo malaman ang bawat nangyayari sa buhay ko (nandiri ako sa sinabi ko) hahaha lels.😛

Isa rin sa dahilan kung bakit gusto kong gawin ito ay sa kadahilanang madalas naiisip ko na parang walang nangyayari sa buhay ko, pero ang totoo madami naman talaga, hindi lang natin nababalikan at napagmuni-munihan.

Umpisahan na natin!

1. SOUTH BLOGGERS 01/01/14.

new years bonding
HAPPY FIESTA! Bino, Nixon, Tonton (mark), Jason at poging Ako lels.
Photo by Bino

Yep! unang araw ng taon at unang araw ng pagtitipon ng ilan sa mga close blogger friends ko. Nagkataon kasing pawang mga nasa south kami nitong bagong taon. Pero sa lahat ng nagkataon ang fiesta kina bino ang the best!

Astig no? Bagong taon tapos Fiesta, isang handaan na lang.

Magandang simulain ngayong taon ang hindi ko pagkaka-late 1:00PM ang usapan sa SM Muntinlupa at 1:05 PM ako nakarating. Dapat nga 1:03PM yun hinanap pa kasi namin sila. Pasok sa grace period ika- nga na may alloted na 15 minutes bago maconsider na late ahahaha😀

Ano pa bang ginagawa kapag fiesta? edi maglaro. Kaso modern na talaga ang panahon ngayon kaya imbles na Palo Sebo, Agawan-buko, Paunahang makahuli ng biik sa putik at Basagan-Palayok, Video Games ang nilaro namin -Marvel vs. Capcom. Hmp! mga no match naman sila! hahaha Lels.😛

Nag-umpisa at natapos iyon sa walang humpay na kainan.

Sabi pala ni bino kami ang mga kauna-unahang mga bloggers na nakarating sa bahay nila.

At dahil may pamahiing kung sino ang nakasama mo sa unang araw ng taon, sila din ang makakasama mo sa buong taon. #TignanNatin.

Thanks Bino!

2. IKALAWANG AKYAT 01/03/14

mt manabu
Malaking Krus Station. Mt. Manabu’s Peak, Sto. Tomas, Batangas.

Ito ang ikalawang akyat ko ng bundok -Mt. Manabu sa Batangas. Hindi ko naisip na mangyayari ito sa araw na ito. Kinabihan lang kasi ako nasabihan ni Jid. At kahit may pasok yun, choosy pa ba ako? pwede naman umabsent.

Nakasama din namin sa pag-akyat si Jam (college friend ni Jid).

Hindi ko pa nabablog ang unang akyat ko sa Mt. Gulugud-Baboy noong nakaraang taon. Kaya hindi ko na inaasahan na mabablog ko din ito agad-agad. Ito na muna parang pang-preview lels.😛

3. MEETING @MOA | RON’s WEDDING 01/04/14 

ron's wedding
Sa kanang Larawan: Ang Mag-asawang si Charina at Ron.
Ako, Tonton, Charmie, Kevin at Nixon.

Kaliwang Larawan: Si Charmie at Ako.

Noong araw na ito pakiramdam ko ako si Spiderman, na sa pamamagitan lang ng ilang pag-pisiiiit! ng sapot mula sa kamay ay mararating ko na ang gusali gaano man ito kalayo.

Feelancer ako. At bilang freelancer dapat ikaw ang nag-aadjust sa client at hindi sila sayo. Kaya wala na akong magawa kundi makipagkita sa kliyente ko sa kabila ng may aabayan pa akong kasal.

10:00 AM ang usapan namin pero dahil nahirapan akong makahanap ng taxi 10:10AM na ako nakarating ng MOA. Pasok pa rin naman sa grace period. Hahhaa lels.😛

Maayos ko namang na submit ang CD na project ko at nabayaran na rin ako🙂 yey! #BambayadUtang.

Salamat pala kay PinoyAdventurista.com na syang nag inform sakin tungkol sa project na to.

Agad din akong sumakay ng taxi papunta sa Simbahan sa Malacanang. Pakiramdam ko late na late na ako dahil usad pagong ang mga sasakyan sa Nagtahan. Noong dumating ako sa simbahan sarado na ang pinto! Nanlumo ako at nahiya sa kasuotan kong pang abay. Pero lakas loob pa rin akong pumasok. Laking pasasalamat ko at hindi pa pala nagsisimula. Gusto kong suntukin ang pintuan ng simbahan na yun at sabihing “Na goyo mo ako!” (joke lang yun suntukin, takot ko lang kay Lord😀 ). Isa lang napatunayan ko na hindi porke’t sarado na ang pinto nag-uumpisa na ang kasal.

Salamat at pasok na naman ako sa grace period! hahaha Lels.😛

Sa totoo lang magastos ang umabay. Biruin mo bumili ako ng barong sa halagang P1,300, Sapatos sa halagang P1299, Pantalon na nabili ko sa sale na P549.00 at pang regalo sa halagang P700 (hindi nya naman mababasa ‘to) hahaha.

Ang pagiging abay daw ay tulad din ng pagkuha sayo bilang isang ninong sa binyag. Blessings yun! Kaya dapat matanggap ako sa trabahong ina-applyan ko! kundi ipapa-reimberse o to kay Manong Ron! Hahaha Lels.😛

4. JOB INTERVIEW. 01/06/14

up-ayala-land-technohub
UP-Ayala Land Technohub.
Larawan mula sa Google*

Hindi ko alam kung swerte ang Malaking Krus sa peak ng Mt. Manabu o sadyang swerte  ako sa pagiging abay sa kasal. Nakatanggap kasi ako ng text na nakapasa ako technical exam sa inaapplyan ko noon sa technohub (Yep! may signal sa bundok). Ibig sabihin nasa 2nd step na ako -ang job interview.

Hindi ako madalas sa Quezon city kaya nangangapa ako kung paano makarating doon. Noong unang punta ko sibukan ko ang LRT Line 2 to Cubao. Tapos from cubao sumakay ako ng Taxi to Technohub mismo. Kaso ang layo din pala ng iniikutan sa Commonwealth. Bukod doon mahal ang pamasahe. Kaya nitong araw na ito sinubukan ko ang Fairview na FX mula sa Taft (Salamat kay Charmie). Kaso ang layo pala. pero inexpect ko na yun kaya nag-alot ako ng 2 hours para sa biyahe. Ang traffic pala sa Espana! Salamat sa Diyos at saktong 4pm akong nakarating doon. Kaso hinarang ako ng Guard, kailangan ko pa daw pumunta sa main building (nakalimutan ko name ng building basta kung saan kumukuha ng gate pass na hindi ko naman naranasan noong una).

4:08 na tuloy ako nakatuntong sa mismong company na inaapplyan ko. (pasok pa rin naman sa 15-minute grace period Lels :P)

Sa interview, natural lang ang kabahan pero napapansin ko nagtatagalog naman yung interviewer ko, pero ako ito si english ng english pa rin kahit pakiramdam ko may mali. Ni-mind set ko kasi ang sarili na pure english dapat. Ayun.

Sa huli, edge ko naman daw na nanggaling ako sa newspaper kaya nasa short list na ako. Normally daw 2 weeks bago malaman ang feedback kung tanggap ka. At dahil nga daw sa status ko, anytime within this week daw tatawagan na ako, kaya pwede na akong mag assume.😀 hahaha lels.

After 7 days to be exact, hindi pa rin ako tinatawagan. Toink! hahaha Hindi pa naman tapos ang 2-week so kaunting assume pa!😀

5. PAY DAY 01/07/14

Sb bonding
OFFICEMATES: Mark, Ako, Ms. Hannah at Ms. Rose.

Still connected pa rin naman aman ako sa company namin kaya nakakasahod pa ko. Minsan lang ang pangyayari ‘to na makapag SB kami kasama ang mga officemates kong hampaslupa. Hahaha. Ang Lakas namin mag picture sa SB kaya I condiser them as hampaslupa. #MamimissKoSila Lels😛

Wala lang, walang kwenta.

Lesson of the week:
Pumunta ako kina Jid noong sabado 01/11/14 para manghiram ng mga magazine para kumuha ng bagong idea sa layouting. Nang nilapitan ako ng pusa nila at nilambing ang paa ko. Kaya binuhat ko ito. Ayun kakaiba sya maglambing, KINAGAT ako sa kamay.😦

Mukhang wala naman akong rabbies, matapos kasi ang dalawang araw wala naman akong nararamdaman kaya nga naibablog ko pa 'to.

Hindi na ako hihimas ng pusa! promise.😦 hugs*
Sad momment of the week:
Umuwi ako kagabi galing sa simbahan. Dumerecho ako sa kusina para magtimpla ng kape. Nagulat na lang ako nang makita ko ang paborito kong mug sa lababo na mayroong dalawang bagay na nakababad dito.

Isa na ito sa kahindik-hindik na kaganapan sa buhay ko.😦

Binabaran ng PUSTISO ang favorite mug ko!😦 Hindi ko na gagamitin yun at maghahanap na lang bagong favorite mug😦

Ang lungkot sobra! huhu.😦

–oOo–

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP” Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

Pwede din akong i-follow sa twitter! :D lels.

15 thoughts on “RM #1: ANG 15-MINUTE GRACE PERIOD”

    1. Sa ngayon yung bigay mo muna sakin ang gagamitin ko. Madami akong regular na mug pero gusto ko kasi mas madaming nalalagyan ng tubig kaysa sa relugar-size mug.😦 nakakalungkot talaga.

  1. hala ung cat bite, ang totoo delikado, hmmm, lalo kung wala pang anti rabies vaccine yung pusa. di kasi agad-agad mag manifest ang symptoms/effect ng rabies. safer kung mag bakuna ang nakagat – at least walang aalalahanin in the future.

          1. ako rin, pero kailangan. pahabol, sabi pala ng doktor, karamihan daw sa mga pasyente di nila alam na infected na pala sila ng rabies, nalalaman na lang kapag biglang nag-manifest, iyun yung time na huli na ang lahat. di ako nag warn ha, hangad ko lang din ang kaligtasan mo at nating lahat.🙂

  2. haha.. ang sosyal mo naman.. puro taxi at fx.. mas mura kapag mrt.. mula mrt taft pa mrt sa north/trinoma 20 petot.. pagbaba meron dun mga terminal ng fx at dyip deretcho na sa philcoa 8 pesos lang.. dun malapit na yung technohub.. laking qc nga pala ako.. tahaha.. welelengs..🙂

    at umaakyat ka rin pala ng bundok.. ako din pero newbie palng din like you.. ako impluwensya lang ng boypren ko.. da best yun! Maganda ba dun sa MT. Manabu?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s