1061661_10203386331407309_91875367_n2

RM #2 : BITTER, BETTER WEEK


Maraming mapait na nangyari sa akin ngayong linggo. Mabuti na lang talaga dahil nababalanse ko pa rin naman lahat. At nasasabi pa rin sa sarili na “move on na otep!”

1. ANG ASSUMING AT ANG LATECOMER.

time card
Hindi na ko late🙂

Minsan iniisip ko tuloy ang salitang “professional” kung saan ko ba ito huhugutin. Mahirap ba sabihin para sa isang kumpanya kung tanggap o hindi ang isa nilang aplikante lalo na’t nanghihingi ito ng feedback? At Lalo na’t naging pang-apat na linggo na ang dapat ay isa lang ayon sa pangako nila?

Siguro makakarelate kayo sakin kung sabihin kong naging normal, maayos, presentable at naging matapat ka naman noong humarap ka sa kanila pero bakit hindi natin nakukuha yung parehong trato sa pagkakataong ito. Namuhunan ka din naman ng lakas ng loob, oras, pamasahe pero kung maka snob sila sa tulad mong simpleng nagpa-follow-up lang naman hindi pa magawa. sigh*

Sana hindi muna ako nagpaka-kampante. Alam n’yo dahil sa sobrang kasiguraduhan ko, nagawa kong magpakalate ng bonggang-bongga sa opisina. Ayan tuloy! hahaha. Yung tipong…. papasok ka palang nag-uuwian na silang lahat sa opisina.

Nanghihinayang din kasi akong pumasok ng maaga sa opisina sa totoo lang. Lalo na’t iisipin mo ang katotohanang hindi mo na din naman makukuha ang sweldo mo sakaling magresign ka na. Kaya nagpaka late na ako! haha. Kaya lang ayun nga! nganga ako nito next month dahil puro late ako😀

Mabuti na lang talaga at hindi pa ako nakakapag resign. lels.😛

Sa ngayon, habang wala pa akong bagong inaapplyan na trabaho balik muna ako sa normal. Kaya ngayong nakamove-on na ako sa job application ko na hindi na nagparamdam sakin, susubukan ko na ang #9, #10 at #11 sa LABING-APAT NA PARAAN PARA MASAYA MONG IPAGPATULOY ANG 2014. Yep! magbibigay ako ng katuparan sa dalawa kong officemates kapag nagkaroon ako ng late sa loob ng isang cutoff.

Yung unang officemate na si Ms. Hannah bibigyan ko ng Pabango at kung magkaroon naman ako uli ng ika-lawang late kay Ms. Rose naman na nagwish ng original na Panyo (isama ko pa nga daw sya kapag bibili na ako hahaha). At ang reward ko naman sa sarili sakali ngang wala akong late, ay isang PANTALON!🙂

2. STARBUCKS CARDS AT PLANNER

New Starbucks Card Designs
New Starbucks Card Designs

BADNEWS: out-of-stock na ang mga planner.

GOODNEWS: Magkakaroon pa naman sa February 17. Nagkaroon pa nga ako ng libreng coupon na pwedeng pang-any drink at any size! (naredeem ko na matapos magpa reserve, kapalit ng complete sticker card ko)

Mayroon na rin palang bagong starbucks cards na may design na Chinese (Lunar) New Year at Valentine’s Day. Kung hindi ako nagkakamali naging available ito noong January 20. Nadagdagan na naman tuloy ang collection ko. Saya!😀 . So far, kumpleto ko pa ang anim na designs ng starbucks Philippines. Iwas na iwas akong magasgasan sila kaya isa lang ang ginagamit ko.

Parte pa rin ito ng LABING-APAT NA PARAAN PARA MASAYA MONG IPAGPATULOY ANG 2014 #13ang simpleng bisyo na nagpapaligaya sayo.🙂

3. BLOGGERS GET TOGETHER

amici
Mula sa Instagram ni Bino.
Upper: Tonton, Nixon, Ako at si Jason
Lower: Jason, Nixon, Bino at Tonton

Ito ang ikalawang pagkakataon sa loob ng isang buwan na nakita ko sila. Nagpunta kami sa Mega Mall para kumain. Ang mahal ng kinain ko sa halagang P300! hahaha pero ayos lang minsan lang naman. Hindi sya mukhang masarap sa picture pero masarap naman sya. (kaya hindi ko na ipapakita dito). Firstime ko kumain sa Amici.

Parte pa rin ito ng LABING-APAT NA PARAAN PARA  MASAYA MONG IPAGPATULOY ANG 2014, #4Ang Kumain!

Matapos namin kumain, nag-inuman pa kami. Technically, sila lang pala! hahaha (hindi ako marunong uminom).

Hanggang sa susunod na pagkikita!

4. GUSTO KO MAG-ARAL ULI!

1k
1k Promotion

Dahil sa sobrang pananad-yang ma-late sa opisina, sobra din akong tinamad. Naging boring tuloy ang mga sumunod na linggo ko.

Hanggang makita ko na lang ang FB post na ito
————————->

Yep! Sa halagang 1k pwede na uli akong mag-aral ng English. Noong nag-aral kasi ako ng Basic sa ILAM (International Language Academy Manila) OK  naman ang turo kaso medyo namahaan ako sa 15k / 60 hours na natapos ko ng kulang-kulang dalawang buwan din.

Kaya nagpunta ako agad sa Makati para i-avail yun. Kaso epic! Dahil kailangan ko palang mag refer ng isang student na mag aavail ng full tuition fee para makuha ko ang Free Tuition sa halagang 1k. Syempre nakakadisappoint kasi sana sinabi na lang nila yun sa post nila sa FB ang complete details para hindi na ako nagpunta.

At dahil dissapointed nga ako, nag comment ako sa post nito sa FB. Makalipas ang ilang araw, sinagot naman nila yung comment ko.

American Institute3
1k Conversation

Sana tawagan. Sayang e! dami kong bakanteng oras sa umaga.

5. BASA-BASA DIN KAPAG MAY TIME

At dahil nga sa mga bakanteng oras na yan nitong nakaraang linggo, Natapos ko nang basahin ang libro ni Glentot na Unag Putok sa loob ng apat na oras. Hindi ko alam kung mabilis na ba yun (na pag-ihi lang o break) o sadyang kapag nabasa ko na kailangan ko nang tapusin or else, hindi ko na ito matatapos basahin.

Trip to Quiapo by Ricky Lee Cover
Trip to Quiapo by Ricky Lee Cover

Noong natapos ko nga iyon, parang gusto ko tuloy magbasa ng magbasa kaya bumili ako uli. Kaso comics pala yung nabili ko at hindi nobela.😀 Dinala ko nga sya sa office. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nababasa at nauna pa ang mga officemates ko.

Gusto ko talagang basahin yung makakapal kaya bumili ako uli kahapon 01/26/14 ng libro ni Ricky Lee -TRIP TO QUIAPO.

Naalala ko kasi noong college ako, noong wala pa akong pera, gustung-gusto ko itong bilhin. Ngayon ko lang uli sya nakita sa mga bookshelf kaya binili ko. Sana matapos ko syang basahin kapag nasimulan ko na.

Sad Moment of the Week:
Noong January 23, maaga akong nagising. Maya-maya nakarinig na lang ako ng isang babae sa harap ng apartment ko na umiiyak. Syempre nagpuntahan ang mga kapitbahay namin. Hindi ko man nakita pero narinig ko ang mga malalakas nilang yapak papunta doon. Natumba daw kasi yung asawa nya at duguan na ang ulo. Mayroon na atang sakit 'yun at iyon nga ang naging dahilan nang pagkabaksak nya. Nagulat na lang ako kinabukasan sa parehong oras, nang ibalita sakin ni Mama na namatay na yung asawa ng babae.😦 Naalala ko tuloy noong nawala si Papa. Ganoon din! kadadala lang sa opistal ngayon, tapos kinabukasan wala na sya. #sigh*
Funny Moment of the Week:
Noong Jananuary 15, late akong pumasok. Wala naman kasing dahilan para magmadali kaya nag-jeep ako. Meron namang bus pero laging standing ovation tapos traffic pa kaya pinili ko na lang ang ibang way. 

Noong nasa Padre Faura corner Taft na ako, may anim na babae na sumakay na may mga dalang malalaking maleta at kargahin. That time ako na lang  ang pasahero.

Pagsakay nila napansin ng driver na ang dami nilang dala (nakasakay ako noon sa harap sa tabi ng driver kaya dinig na dinig ko mag pinagsasabi nya.

DRIVER: Dami nyong dala ha, saan kayo pupunta?
BABAE 1: Sa Singapore po. 

Medyo nairita na pala yung driver sa sagot ng babae kaya sabi nya na lang. 

DRIVER:  (mala vice ganda) O sige mag seatbelt na kayo mag titake-off na tayo! 

Pero walang nakarinig sa kanya dahil busy sila sa pakikipag kwentuhan sa bawat isa. Sa iisip-isip ko, tama naman kasi yung sagot ng babae. Pinagsabay n'ya kasi ang reaksyon at tanong kaya nagkaganoon. 

Maya-maya noong nakausad na ang jeep nagtanong uli ang Driver.

DRIVER: Saan kayo pupunta? 
BABAE 1: Sa Singapore po. (inulit n'ya akala nya kasi hindi lang narinig ng driver kanina) 

Noong magbabayad na sila 

BABAE 2: Manong bayad po.
DRIVER: Saan kayo pupunta? (sabay rephrase) Saan kayo bababa? 
BABAE 2: Sa Mabini po.
DRIVER: Ay akala ko sa Singapore e! Out of line tayo. hihi
MGA BABAE: hehe (plastik ng tawa)

Na gets ko naman si Manong bakit sya nagtatanong ng ganun. May short-cut kasi sa Adriatico Street para hindi na sya mapadpad sa Del Pilar Street. Noong malaman na n'ya ng sa Mabini sila bababa at pwede na syang mag short cut tinanong nya na rin ako.

DRIVER: Ikaw boy san ka pupunta? 
(e nagkataong sa mabini din ako bababa.)
OTEP: Sa Singapore din po! (Sabay hagik-gik)

Natawa yung mga nasa likuran ko, sabay baling ako sa driver, kaso hindi pala sya natuwa kaya bumaba na ako! Haha

Hindi naman nakakatawa pero tawang-tawa ako kasi naasar na si manong. #Waley hahhaha😛

–oOo–

Salamat sa mga bago kong Blogger Followers:

bicolanoako
http://bicolanoako.wordpress.com
Clarenze Nixon
http://CN21.wordpress.com

Email Followers:

shallowzero*******@laposte.net
m7.****@gmail.com
jlr******@yahoo.com.ph
leam*******@gmail.com
am***@klimatyzacjanaraty.pl
aa***@klimatyzacjaraty.pl

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP” Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

Pwede din akong i-follow sa twitter! :D lels.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s