DSC_9460

RM #3: ANG SWERTE AT ANG GOODKARMA


Ang bilis! pangatlong Random Mondays (RM) ko na ito. At sa tingin ko maganda talaga syang gawing regular blogpost tuwing sasapit ang ikalawang lunes. Alam mo yun? Sa tulad kong blogger na busy-busihan sa buhay na hindi naman pwedeng araw-arawin ang pagbablog, maganda na rin pala itong gawing isang bagsakan na lang. Napapagmuni-munihan mo na ang nakaraan, mayroon ka pang napupulot na aral.  Ansabe?

At ngayon ngang naisusulat ko na ito, unang tanong na pumasok sa isip ko ay kung naging kapaki-pakinabang ba akong tao ngayong linggo? Naging makabuluhan ba ang bawat araw ko? at sa huli, kung may natutuhan nga ba ako?😀

SAYANG ANG EFFORT | January 30, 2014

Bisperas ng Chinese New Year. Nakapula ako. oo! chu-ma-chinese ang peg ko. Pampaswerte.😛

chinese new year2

May problema sa office. (btw, sabi nila hindi dapat binablog ang trabaho o opisina kaya fyi, yung sitwasyon yung gusto kong ipunto dito.)

Ganito iyon: Kinailangan namin magmeeting. Same issue pa rin, mga wrong ads at ang endless erratum sa newspaper namin. At dahil hindi naman ito ang first time, umisip na ako ng paraan para kahit paano hindi man mawala ang paulit-ulit na kamalian mabawasan man lang.

Anim na taon na ako sa opisina syempre alam ko kung ano ang problema -ang kawalan ng sistema.

So, gumawa nga ako ng flow chart namin. Effort ako sa pag crop ng mga pictures ng buong staff ng advertising at ni-layout, i-pinirint at inihandang ipakita sa kanila.

Ang main reason ko doon ay para mabigyan ng task ang bawat isa sa amin, para hindi na kailangan makisuyo o umutos pa ng gawain tulad na pagpoproofread o pag-i-encoding.

Sa tulad ko na niluma na ng panahon sa opisina namin, nahihiya pa rin akong mag utos sa kanina dahil pare-pareho lang naman kami ng sinasahod, walang ranking samin bukod sa supervisor at manager ko.

Nagsimula ang meeting namin habang hawak ng boss ko yung papel na ginawa ko. Ang dami n’ya sinabi na tingin ko ay dating nasabi na. Hanggang natapos ang mala-flash report na meeting na hindi man ako tinanong kung ano o para saan yung hawak nyang papel. At ang huling kataga nyang nabanggit ay “Mag-usap kayo” (reffering sa officemate ko). Haaaysss😦

Napatanong ako. Anyare? wala namang naging kungklusyon o resolusyon sa meeting na yun para maibsan yung totoong isyu.

Sa ngayon. nakasisiguro akong mauulit at mauulit ang ganoong senaryo. Ganoon pala ang pakiramdam kapag gusto mong mag suggest o tumulong pero hindi pa man nakikita, rejected na agad😀

Buti na lang supported mga officemates ko pero bahala na.

KUNG HEI FAT CHOI | January 31, 2014

First time ko mag new year-countdown sa mismong chinatown.

chinese new year

Kasama ang mga business parners ni Jid. Una kaming pumunta sa Sta Cruz Plaza, sa fountain sa harap ng Simbahan. May event doon, live ang Banana Split ng ABS-CBN kung saan naganap ang Xian Lim – Bea Binene isyu. Pero umalis din kami agad kasi sobrang dami ng tao. Sayang!😀

Nilakad namin mula ang Sta. Cruz hanggang Binondo at mula doon dumerecho kami sa Lucky Chinatown Mall.

Ganito pala ang feeling sa Lucky Chinatown Mall, feel na feel mo na may celebration talaga. Next year sana makapunta ako uli dito. Nakakawala ng negative vibes at sama ng loob sa opisina hahaha.

PINOY BLOGGER OUTREACH (PBO) | February 2, 2014

Hindi ko first time makasama ang PBO. Hindi ko rin first time mag outreach. Pero first time ko mag outreach kasama sila at makapunta sa Home for the Aged.🙂

pbo outreach

Sobrang dami namin, nasa 50! At masasabi kong organize ang event na ito, mula sa mga tee, programme, volunteers at iba. Sobrang heart felt yung mga lolo at Lola at masayang isipin na meron pa rin palang ganito na kumakalinga sa kanila.

Minsan mapapatanong din tayo kung bakit may mga lolo at lola na kailangang abandunahin ng mga pamilya nila. Pero wala din naman tayo sa lugar para husgahan agad ang kanina-kanilang pamilya.

Noong nagkaroon na ng chance ang mga volunteers para kausapin ang mga lolo at lola na nakatoka sa kanila, na asign samin ni Jid si Lola Vangie. Sa maikling kwento kung paano sya napunta doon, ay sa kadahilang hindi na sya nakapag-asawa o nakabuo ng pamilya. Namasukan sya bilang kasambahay at nag-alaga ng mga anak ng amo nya. At dahil sa malalaki na at may kanya-kanya ng pamilya ang mga inalagaan nito, (dahil na rin sa katandaan) kinailangan na syang dalhin dito para sya naman ang maalagaan. Ang nakatutuwa lang, kada buwan patuloy pa rin daw syang dinadalaw ng tinuturing nya at tinuturing syang tunay na kapamilya.🙂

Doon ko napatunayan na kapag binigyan mo ng isang kabutihan ang isang tao, hindi nito makakalimutan ang kabutihang iyon at susuklian ka pa nito ng isa pang kabutihan.

Salamat PBO!

outreach tarp
Btw, natuwa ako sa Tarp! pakiramdam ko may naambag ako kahit katiting.🙂

FINAL INTERVIEW. FOR REAL!? | February 3, 2014

Matapos ang outreach, na hindi ko alam kung may naitulong ba talaga ako. hahaha lels😛 . Isang Good Karma agad ang natanggap ko.

Kung nabasa nyo ang RM #2 ko, super bitter ako sa Job application ko. Noong last interview ko kasi, sabi tatawagan ako “this week” pero dumaan na ang pang 4th week hindi pa rin ako tinatawagan. Kaya napagpasyahan kong i-follow-up. Kaso hindi din ako sinagot kung hindi ba ako tanggap o on-going pa ang application ko. Kaya tinanggap ko na sa sarli ko na wala na, at nag himutok na nasayang lang ang oras ko! Inaamin ko na SOBRANG SAMA NG LOOB KO! Pakiramdam ko PAASA SILA! Grrrr.. Lels.😛

Anyway, matapos nga ang outreach, nag ring si Jepjep (name ng tablet ko #arte!😀 ) Pamilyar na pangalan yung lumabas. Nanginginig ko itong sinagot. BINGO! Pasok ako sa final interview, na akala ko noon na final interview na. semi palang pala.

ANG MAHIWAGANG BALLPEN | February 9, 2014

Hindi ko na sense kung bakit ilang araw na akong naghahanap ng matinong ballpen. may specific pa akong “point” o kapal ng tinta na hinahanap e sa simple at ordinaryo ko lang naman gagamitin.

Hanggang dumating ang Job Interview. At natapos. (agad-agad) hahaha. Matapos noon, maghintay daw ako uli ng 1-3 days bago tawagan. Sabi ko tuloy sa sarili ko “ayan na naman” hahaha kaya nagkwento tuloy ako sa manager na nag interview sakin. Sabi ko “Last interview kasi sakin dito, tatawagan daw ako nung linggong iyon tapos naka apat na weeks na, hindi naman ako tinawagan” “pero just in case naman po still connected pa rin naman po ako sa work ko, nag try lang din po ako” oo! gumanon ako para hindi ako masaktan sa result.

Pauwi na ako noong pinigilan ako ng Guard mag hintay daw ako sa isa pang interview. so may Final-final interview pa pala. hahaha.😀

Mula 1:30 – 2:00 at mula 2:00-3:30 ako pinaghintay. Hindi ko inexpect na contrata na pala hinintay ko😀

Inilabas ko ang sarili kong ballpen, tinitigan ko sya ng ilang segundo at bigla kong sinabi sa kanya “hmmm.. para ka pala dito.”

MAKAHAYUP, MAKAPECHAY!😀 | February 8, 2014

Basta walang sched, sige lang ng sige! Kaya noong nainvite ako ni Nixon para sa isang media event na invited lang din naman sya😀 sama ako agad.

lettus farm

Yep! nagpunta kami sa Paradizoo at Residence Inn (aka Tagaygay Zoo) para mamasyal at mafeature ito dito. (Hindi pa ako nakakapagblog baka pagtapos na lang nito).

Super saya! Aside pala sa Tagaytay Zoo ay meron pang isa na malapit lang dito. First time ko lang dumayo dito sa Paradizoo.

ostrich

Ang nakakatuwa lang dito, (para sakin) hindi sya ordinary Zoo na puro Kahayupan lang. Themed zoo ito o Zoo-farm na aside sa mga hayop na inaalagaan ay meron ding inaalagaang mga halaman at gulay. Astig ang Paradizoo na matatagpuan sa Mendez, isang tambling lang sa Tagaytay. First time ko makakita ng Camel🙂 Ang dami ding activity  sa loob ng Paradizoo (kwento ko next time).

camel

Sa Vegetable Farm, dito ako makakita ng mga Lettus na nakatanim pa! ang iba ay may kulay pa. Makakita ka din dito ng mga pechay na bukang-buka! Yung mga nakikita kasi natin sa palengke na pengay naka tali na, dito para syang bulaklak na nakabuka😀 . Iba pala talaga kapag may lupa-lupa pa ang pechay.🙂

HAPPY BIRTHDAY RON! | February 8, 2014

ron mijia

Pagkatapos ng Tagaytay next agad ang Birthday Celebration ni Ron sa MOA. Kumain at derecho sa Music Bank sa Macapagal Blvd. wala lang nakwento ko lang. Hahahaha

Badtrip & Funny Moment of the week:

Noong PBO Outreach, hindi ko kinain yung KFC ko ganun din ang apat na iba pa, kaya tinake-out na lang namin. At dahil nasa isa kaming outreach nahihiya kaming kumain. Noong pauwi na, hindi namin sinasadya na nagkatipon-tipon kaming apat. Kahit hindi namin aminin, dama namin na nagugutom na kami. (hindi kaya kami naglunch!). Tutal nandun lang naman ang KFC sa gawing iyon, alam namin sa sarili na gusto namin iyong kuhain. Pero dahil sa nahihiya kami, parang tiis-gutom na lang. Nagulat na lang ako na may ibang kumuha at inuwi pa! grrrr.. hahaha
Asar Moment of the week:

Alam ng lahat na mahaba talaga ang pila ng NBI kaya para daw maibsan kahit papaano nilunsad nila ang Online. At dahil nagkukumpleto na ako ng pre-employment requirements ko kailangan kong makakuha nito. Gumamit ako ng online. Pagpunta ko doon parang useless naman! kasi alternate din ang pila ng online saka ng  regular lane. Nagkakatalo lang dahil for encoding pa yung regular applicants. Pero tingin ko ganun din e, kami-kami din magkikita sa payment at biometrics. natapos ko naman sya matapos ang Limang (5) oras. Kaasar lang dahil mahigit dalawang linggo ko pa sya bago makuha😦

–oOo–

Salamat sa bago kong email follower:

matet_******@yahoo.com

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP” Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

Pwede din akong i-follow sa twitter! :D lels.

3 thoughts on “RM #3: ANG SWERTE AT ANG GOODKARMA”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s