IMG_20140222_223358

RM #4 : BAGONG PAHINA


Patuloy pa ring sumasang-ayon sa akin ang panahon, lahat ng plano ko mukhang nasa tamang direksyon pa rin. May isang plano lang talaga ang mahirap tuparin, ang magpost dito sa blog ko tuwing sasapit ang ikalawang lunes😀 haha.  Pero dahil inhenyero at artista ako ng sarili kong buhay dapat lahat ng plano tinutupad. Tinatapos.

Ika nga, mas mabuti ng ma-late kaysa umabsent😀 Kung hindi mo nagawa sa tamang oras, kung may chance pa naman, bakit hindi mo na lang tapusin kahit pa wala na itong saysay. Mas mainam na yun kaysa nganga ka di ba? Habang buhay may hope!😀

Naalala ko lang kasi yung mga pagkakataon na sobrang tinatakwil ko na ang mga plano ko dahil sa umpisa palang, failed na!. Tulad noong nag-uumpisa na akong mangarap, tumupad, magplano at umasa na sa mga gagawin ko sa buong taon ng 2014. Nandoon yung sure na sure ka na sa mangyayari sa buhay mo pero hindi pa pala! Oo, tinutukoy ko ang pinangako sa aking trabaho noong January tapos hindi pa pala. hahaha. Napahiya ako noon, kaya nawalan na ako ng gana. #ArteLang

SENIOR ASSOCIATE PAGINATOR02/17/2014
Malay ko bang nag i-insist pa rin ang “Good News, Bad News” o vice versa. Mabuti na lang mas nauna ang badnews. So ang Goodnews ngayon, nag start na ako sa bagong work ko.🙂 Saya! feel na feel ko ang bagong title ko.😀

Kaso first day palang may 1 minute late na ako agad. Hahaha.

UP-AyalaLand Technohub Diliman
Ito ang UP-AyalaLand Technohub. Maganda ang lugar na ito. Ideal sya sa mga pang-opisina dahil madaming kainan, may time zone pa nga e. Normal ka ng makakakita ng mga taong naglalakad na nagtetext at may suot na ID. I belong!😀

Kung nakapunta kana sa UP-AyalaLand Technohub mauunawaan mo ako. Bago ka kasi makatuntong sa mismong opisina na pupuntahan mo kinakailangan mo munang pumunta/dumaan sa (parang main) building ng compound para makakuha ka ng gate pass o guest ID. tapos yung ID na yun ang ibibigay mo sa receptionist ng company. Ang siste, uubos din pala ng ilang minuto  yung pagpila o pagla-log mo doon, kaya ayun! late ako.😀 hahhaa. Kung may ID lang sana ako agad hindi ako male-late! (Big issue talaga sakin) haha.

Ayos naman ang dalawang linggong training ko, makikinig ka lang, gagawa ng task mo sa layouting, kakain, uuwi. May pagkakaton mapapahiya ka sa sarili mo kasi hindi mo alam yung isasagot sa tinatanong sayo kahit pinag-aaralan nyo naman. Mga layout na hindi mo natatapos at kung anu-ano pa. Isama mo pa ang pakikisama sa mga taong hindi mo pa kilala. Ang hirap mag approach o magpakilala man lang. Ito yung problema sa akin e. -mahiyain!

Sa susunod na lunes sasabak na ako sa floor sana hindi na ako mangapa.

Hindi ko pa masabi kung ito na ba ang dream job ko dahil hindi pa nga ako totally nagsisimula. Ang masasabi ko lang, masaya akong nagagawa at nasusundan ang mga plano ko sa buhay.

ANDREW IS BACK! | 02/22/2014
Kung mapapatanong kayo kung sino si Andrew, sya ang laptop ko! Ang weird di ba? Hahaha. Nasira kasi yung keyboard nya noong umuwi ako sa Cavite last December. Ang hirap pala kapag nasira keyboard ng laptop mo! Kinailangan ko pang pumunta sa Service Center ng Acer tapos 1 buwan pa ang hihintayin bago dumating yung order mo. Ikaw pa magpa-follow-up sa kanila kasi wala kang aasahan sa tawag nila. Tapos noong nagkaroon na ng available na parts, ibang kulay naman.

Dahil kailangan ko si Andrew sa hanap-buhay ko, tinanggap ko na. Blue si Andrew, Silver ang keyboard. hahaha pwede na kaysa wala!😀 Hindi ko ipagpapalit si Andrew, Hindi na rin ako uli bibili ng Acer products, pero tatanggap ako basta bigay. Lels.

ANOTHER SB PLANNER| 02/11/2014
February 17 daw dadating ang pinareserve na Starbucks Planner para sa mga naubusan. Feb 11 palang tinext na ako para i-claim ito. Pero dahil may ibang  SB Planner na ako, hindi ko na ito binuksan . Baka gusto nyo, mura lang,  -P1,500!😀 Hahaha

STARBUCKS PLANNER 2014 MAGENTA
STARBUCKS PLANNER 2014: FOR SALE! Bagong-bago hindi pa nabubukasan. Pang collectible Items🙂
Sad Moment of the Week
Kinagat si Mama ng pusa noong Huwebes 02/13. Kakalungkot kasi kapag nagkakasakit ako sinahamahan nya ako magpa-ospital samantalang sya hindi ko man lang masahaman. :(

-
Funny Moment of the Week
Sa kadahilanang hindi pa ako nakakapag turn over sa trabaho matapos mag resign, kasalukuyan pa ring akong pumapasok. Highblood ata ang boss namin, sinabayan pa ng pamali-maling layout ng Motoring ng kasama ko kaya ako na tumapos at ipinakita sa kanya. Hindi man literal na nagpasalamat, dama kong gusto nyang sabihin na "Okay na yan" At dahil walang sistema sa opisina na nagmimistulang editor ang writer na gustong sa kanya ang last approval. nabanggit ko tuloy na "Ma'am hindi ko na po ito ipapakita kay (name of the writer)". Nagulat na lang ako ng.. "Bullshit! I'm the boss!" Hindi ko alam kung matatawa ako, magugulat o haharipas ng takbo palabas pero pinamalita ko iyon pagkatapos. 
Minsan ang sarap din pala sa pakiramdam kapag gumaganon ang presidente sa harap mo. Para akong nasa totoong corporate world! ang kewl ng warla-warlahan:P \m/ lels.


–oOo–

Salamat sa bago kong follower:

thefickleyuppie 
http://turninghapones.wordpress.com

Kung nais mo ding mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP” Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap at i follow sa twitter:

2 thoughts on “RM #4 : BAGONG PAHINA”

    1. hahhaha oo nga e, hindi pa binibigay sakin. kasi pinag aaply ko din sa office hahaha..

      ang daming vacancies samin sako puro artist kailangan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s