ANG T.I.T.E. KO NOONG 2014


Namiss ko mag sulat. Ay! mag type pala. Nakakahiya na hindi ko napanindigan ang Random Mondays ko, kaya ito magmumukha na syang Random 2014.

Ganoon pa man, okay na rin ito para mabalikan o tignan kung nasunod ko ba ang motto ko na T.I.T.E (Trabaho, Ipon, Travel, Enjoy)

ENERO ang isa sa pinaka busy na buwan para sakin. Sa unang Linggo pa nga lang, ang dami na agad nangyari. Nariyan ang pag attend ko sa kasal ni Ron (Isa ring blogger). Grabe! hindi ko makakalimutan yung pagkanta nya habang naglalakad papuntang altar yung mapapangasawa nya! Magkasamang kilig, pangingilid ng luha at kahihiyan ang nararamdaman ko noon hahaha. Infairness! gusto ko yung high note! “angggg….. mahaliiiiin aaaaaaayyyyy IkaaaaaaaaawWW!!” lol  Peace!

ron
Ako, Tonton, Charm, Kevin, Nixon at Mag-asawang Mia

Noong linggo ding iyon nang maakyat ako sa Mt. Manabu sa Batangas. Sabi ko noon sa sarili, magandang simulain ito, dahil gusto kong maka tatlo-hanggang apat na bundok ngayong taon. Nakakota ba ko?

mt manabu 2014
Mt. Manabu Summit

Sa unang araw din ng buwan, nakasama ko ang ilan sa pinaka malalapit kong kaibigan sa blogosphere sabi nila, dahil nagkasama-sama kami sa unang araw ng taon magkakasama na rin kami sa buong 2014. Parang hindi naman. Kaya kung sasabihin n’yong malas kayo sa unang araw ng taon, buong taon na rin kayo magiging malas. Wag kayo maniwala hindi yan totoo! proven na! Nyahahaha. 😀

new years bonding
Mga kaibigan: Bino, Nixon, Tonton, Jason at Ako

FEBRERO nang naranasan ko makaatend sa isang outreach ng PBO (Pinoy Bloggers Outreach) Magandang experience sya para pagmuni-munihan ang buhay mo at buhay din ng ibang tao sa kalagayan nilang iyon. Okay syang repleksyon sa sarili, na hindi lahat ng buhay pare-pareho, hindi lahat swerte (pero hindi ko naman sinasabing malas sila) ang totoo n’yan nakakahanga sila lalo na kung maririnig mo ang mga kwento nila.

pbo 2014
PBO Bloggers and Elders

Syempre para swerte din ang buong taon, Nagcelebrate ako ng Chinese New Year sa China Town. Astig doon! Gusto ko syang ulitin.

chinese 2014
Chinese New Year’s Eve @ Lucky China Town Mall -Hong kong lol.

TRABAHO

Mukhang swerte naman talaga ang 2014 sakin. Biruin nyo natanggap ako sa trabaho. Nakakakilig nga ang title ko e. Senior Associate Paginator. Dito ko naramdaman na tunay akong empleyado. Kumpleto ako sa benefits, kumikita ako ng sapat, wear your ID lagi, higit sa lahat may Memo! Naka-dalawa na nga ko e yey! lol. hahaha 😀

affinity
Affinity X Editorial Services Department.

Ang trabaho kong ito ang nagpatigil sakin sa pagbablog. Ang hirap pala! yung tipong kahit sa panaginip mo sinusundan ka ng trabaho mo? ang dami mong iniisip.

Hindi nga ako nakasama sa Mt. Pulag dahil sa bagong trabahong ito. Nakakahiya naman mag leave kasi kabago-bago.

Bago ako sumabak sa bagong trabaho, naranasan ko pa rin namang makapagbakasyon kahit kulang-kulang isang araw lang sa Tagaytay. Salamat sa Paradizoo at Residence Inn kahit hindi ko kayo na feature gaano sa blog ko. Marami naman ako na post na picture sa Instagram ko. At para naman makabawi ako, gusto kong sabihin sa mga masusugid kong readers na “PUNTA KAYO!” 😀

paradizoo 2014
Paradizoo Farm

IPON

Natapos na ang unang Quarter ng taon ng nagising ako sa katotohanan na hindi pa rin ako nakakaipon? Totoo pala na kapag lumalaki ang kinikita mo, lumalaki din ang pinagkakagastuhan mo. Kaya naisipan kong pumasok sa isang bagay na walang kasiguruhan kung mapapanindigan ko ba, pero itinuloy ko pa rin.

Hindi ko sana ito sasabihin kasi baka mapahiya na naman ako kung hindi ko mabubuo ang downpayment, pero sige na rin, naka-mahigit kalahating taon na rin naman ako na walang palya sa pagbabayad. Naks.

parkview 2014
Suntrust Parkview

Kumuha ako ng Unit sa Suntrust Parkview. Gustung-gusto ko kasi yung location sa SM Manila. Ayos kasi yung location kaya ang bilis din maubos ng mga unit, pero ang totoo nauto lang ako kaya napapirma ako ng de oras. hahaha. Joke! lels

Hopefully sa katapusan ng 2016 maka move in na ko.

Wala akong ipon pero may pinag-iipunan naman, pwede na ‘yun! -investment.

TRAVEL

Sa kabila ng paiba-ibang schedule sa trabaho, naisisingit ko pa rin naman ang travel.

pangasinan
Governor’s Island, Alaminos, Pangasinan (Hundred Islands)

Kahit papaano naka dalawang malaking bakasyon naman ako sa Pangasinan at sa Mt. Pulag. Sayang nga e hindi ko na nakwento pero dalawa silang naging magandang experience. Hindi ko na lang sila nakikita sa mga babasahin at TV ngayon!

pulag 2014
Mt Pulag Summit

ENJOY

Bukod sa travel, maganda ding gawing activity ang staycation o yung pananatili lang sa isang hotel kasama yung mga mahal mo sa buhay at kaibigan. Hindi mo na kailangan pumunta sa malayong lugar para makapagpahinga o mag enjoy. Nagkalat naman ang magaganda o murang hotel sa Metro Manila.

heritage
Heritage Hotel

Sabi ko noon dati sa ‘2014 to do list’ ko, isang hotel sa isang buwan, kaso hindi ko din napanindigan. hahaha. Ganoon pa man narito ang mga napuntahan kong hotel

  • Traders Hotel – Pasay City
  • Parque Espana – Muntinlupa, Alabang
  • Heritage Hotel – Pasay City
  • Lotus Garden – Manila.

4/12! pwede na yan! hahaha

Wala pa akong plano this year, dahil gusto kong pagtuunan ngayon ang pagtitipid para makatakas na sa Credit Card. Happy New Year!!

Namiss ko kayo 😀

P.S. Balik na po ako sa url na otep.wordpress.com dahil na expired na ang otepzablan.com