where to broken hearts go

WHERE DO BROKEN HEARTS GO?


PAANO BA MAG MOVE ON?

Tanong ko din yan. Akala madali. Ang hirap pala. Yung tipong ang sakit sakit na Basha! Lol😛 #DramaLang.

Sabi nila magpakalayu-layo daw ako. Sumakto naman sa change shift ko. Kaya ayun, nagpabook ako ng round trip papuntang Mindanao. Pakalayo daw di ba? Apat na araw ako doon.

Gusto ko din sana mag Sagada kaso ayaw ko magpaka bandwagon effect dahil sa pelikulang That Thing Called Tadhana. Saka naniniwala akong, hindi naman nakukuha sa Pagsigaw-sigaw sa bundok at Pag-iyak lang para makapag move on. Isa pa lagi ko kasi syang niyayaya doon, kaso di matuloy-tuloy. Baka maalala ko lang sya at mas lalong di maka move on.

Gumastos ako ng 6k para sa pamasahe sa eroplano at 4k para sa dalawang hotel na tutuluyan ko. Wala pa dyan ang gagastusin ko doon. Doon ko napatunayan na bukod sa sakit na raramdaman ko matapos maiwanan, masakit din pala talaga sa bulsa ang mag move on.

Wala akong itinerary bukod sa lugar na pupuntahan ko -Samal. Parang gusto ko na lang maglaho sa mundo kaya hindi ko na rin naisip kung mawawala pa ko doon.

Dumating ang araw ng pag-alis ko. Parang ordinaryong araw lang. Sumakay ng taxi. Pumunta sa airport. Ayun! Late! haha

Tanong ko lang. Bakit kapag na late ka ng ilang minuto sa flight mo, kahit hindi pa naman nakakaalis ang eroplano, at pwedeng-pwede ka pa namang makahabol, pagbabayarin ka nila. Pero kapag sila ang na late, nganga?

Parang pag-ibig lang: Hindi ka na nga nya kayang mahalin, sasaktan ka pa. #Hugot. #MemaKonekLang lol😛

Ang masaklap pa, naturingan express counter, iisa lang ang tao? talagang malelate ka, ayun rebook.😛

Nagbayad ako uli ng kulang-kulang 3k. Stressed!

Pero alam nyo yung kagandahan ng nangyari sa airport? kahit ilang saglit lang, nakalimutan ko sya. #StressedInGoodWay

Habang nasa kaulapan at nagmamasid sa bintana, nakita ko kung gaaano kalaki at kalawak ang Pilipinas (Natanaw ko pa nga ang Mt. Mayon, e ang layo nun). Napaisip ako. Sa isang bansang mayroong isang daang milyong katao bakit sa iisang tao ako nagpapakalugmok ng ganito?

Day 062. from the airspace of Visayas Islands… my next destination🙂 Can you see that? haha nakita ko pa yun! #MtMayon #cebupacific #philippines #ph

A photo posted by 🌳🌲🌳 Usef Trillanes🌲🌳🌲 (@usef_trillanes) on

Maganda ang naidulot sakin ng dalawang oras na pananalagi ko sa loob ng eroplano.

Pagdating doon, nagpakabusog ako. Natulog. Naligo. Nag tooooooot* (hindi ako nagkipag sex. toot lang talaga #WagGreen). Nag-isip. Nag-isip uli. At Nag-isip Ulit.

Umuwi ako sa Maynila na sagad ang bulsa pero baon ko ang mga salitang “Move on na ko”.

AFTER 2 DAYS…

Bago ako umalis papuntang Mindanao noon, sinigurado kong wala na akong magiging kumunikasyon kay ex. Yung tipong naka blocked na sya sa lahat. At ayaw ko ng makabalita sa kanya. Ang pag-alis na yun ay pakuhulugan na rin na aalisin ko na rin sya sa buhay ko.

May poot ang mga huling mensahe na iniwan ko sa kanya noon. Alam kong magkahalong normal at hindi normal iyon dahil nasasaktan lang naman ako. Ang tanging hiling ko na lang ay huwag kong maramdaman o makita sa mga aksyon at aktibidad nya na masaya pa sya sa kinahinatnan ng relasyon nmin.

Hanggang narinig ko mula sa isa sa mga common friends namin na Nakapag-Pulag sya. #WTF! talaga.

Alam nyo ba kung gaano kasakit yun!?

Pakiramdam ko nabalewala lang lahat ng pagpunta ko sa Mindanao. Hindi pa pala ako nakakapag move on.

Ang sakit lang kasi, kinausap ko na sya tungkol doon.

Noong isang linggo palang kasi kami nagkakahiwalay nalaman kong nakapag Boracay sya. Oo, wala na kami, pero sana naman isanaalang- alang nya na sobra pa akong nasasaktan noon. Samantalang sya, masaya na nyang ini-enjoy agad ang pagiging single nya. Alam nya kaya kung gaano kasakit yun?

Kung sasabihin ng ilan na okay lang yun dahil hindi na naman kami. Mahirap bang humagilap ng kaunting respeto sa taong nasasaktan nya?

Tapos parang wala naman pala kaming pinag-usapan dahil matapos ang kulang-kulang dalawang buwan. Nakapag Pulag pa sya.

Tatlong buwan lang naman ang hinihingi ko😦

MAKIPAG-USAP

Wala daw bagay na hindi nakukuha sa magandang usapan, pero paano kung ayaw n’ya nang makipag usap?

(bad thing) Mabubwisit ka lalo.

(good thing) Dadating ka sa point, at mapapa isip ka na wala ka ng mapapala sa taong ito.

Isa rin daw sa pinaka magandang gawin kapag hindi ka pa rin makapag move ang makipag usap. Mas maganda kung sa hindi mo kilala (stranger). Kaibigan ng Ex mo. At doon sa taong alam mong naging masalimuot din ang buhay-pag-ibig.

Dahil sa kwento nila, maiisip at mararamdaman mo na hindi lang naman ikaw ang taong nakakaranasan ng ganoon .At masabi mo sa sarili na maswerte ka pa nga dahil hindi mo naranasan ang mga naranasan nilang iyon.

Screenshots mula sa isa sa mga nagkusang kausapin ako. #relate

1

2

3
Bibilang pa ng maraming araw bago tayo maka move on. Hindi ganoon kadali iyon, pero sigurado akong makaka move on din tayo.

Kaya nga tayo nagtatanong kasi alam natin may sagot.

Hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang blog post na ito. Ang gusto ko lang mangyari ay matapos na rin itong sakit na nararamdaman ko.

Anu’t ano pa man, makakamove on din talaga tayo.

#GroupHugs!

18 thoughts on “WHERE DO BROKEN HEARTS GO?”

  1. naks, iba na pala ang layout dito, ganda! tungkol naman sa nasasaktan mong puso (haha tagalog na tagalog lang eh), makaka-move on ka rin, hindi minamadali yan, ituloy mo lang ang mga pang-araw araw mong gawain, isipin ang pamilya at mga kaibigan na nagmamahal sa ‘yo, at ang iyong mga pangarap at pasasaan ba at makakalimot ka rin. moving on takes time, but it will happen, for sure. be strong Otep, God bless!🙂

  2. Saklap nman. I don’t want to share my side just like your friend just to give you the same sympathy. But one thing is for sure kahit you travel the world if your not gonna stop loving her and tell yourself na enough na, you will not move on. So stop stalking and stop asking about how is she. She is happy without you🙂

  3. nakakabawas ng sakit ang pagtingin sa bagay ng may positibong pananaw halimbawa, isipin mo na ang pagpunta niya sa masayang lugar ay paraan din niya para makamove on din o kaya paa makapagisip ng maayos dahil mas madaling magisip kapag masaya. hahahaha.. sa kahit papaano ang paraang ito ang nakakaluwag ng damdamin ko. dinadivert ang negative into positive…

  4. tindi ng hugot mo Otep na-miss ko ito ah at naalala ko ang libre lang mangarap mode mo….

    pinaka-like ko ang sinabi mo na …”Napaisip ako. Sa isang bansang mayroong isang daang milyong katao bakit sa iisang tao ako nagpapakalugmok ng ganito? ”

    ang sagot ay yun nga e. alangan naman magpakalugmok ka sa 100M na tao, ano ka presidente ? joke!

    wala akong mahugot na tip at ayoko magpaka-expert. pero maakiki-group hug na rin ako para sa iyo.

    #YakaMoYanPre

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s