award

MARAMI PA RING DAHILAN PARA MAGPASALAMAT


Nitong mga nakaraang buwan, dumaan ako sa isang malaking pagsubok ng artehan. haha.😛 Pakiramdam ko sinumpa ako ng pagkakataon. Hindi ko makontrol ang mga bagay-bagay, kaya tumigil na lang ako sa isang sulok at nag-abang ng mga himala. e, walang dumating. edi #nganga.

Dahil sa pag-aabang na yun, nagawa ko namang magmuni-muni. Mga plano ko sa buhay o kung ano bang dapat kong gawin sa mga desisyon kong kailangan talagang pagdesisyonan!

Hanggang kinailangan kong isakripisyo ang maraming bagay tulad ng trabaho at pag-aaral para mailigtas ko ang sarili sa tinatawag kong “artehan”.

Naramdaman nyo na ba yun? Yung mga katanungan… para kanino o para saan ka ba nabubuhay? dumating ako sa punto na ‘yun. Ang hirap pala mga dre! Mabibigla ka na lang sa isasagot mo na “oo nga no?”. Bigla na lang tumigil ang buhay ko na para bang gusto kong i-restart.

Matapos kong iwanan ang eskwela at isa pang trabaho, nangamba akong matanggal pa sa nag-iisa ko na lang na pinagkukunan ng pagkakakitaan. Muli akong napatanong. Paano na ang bahay? ang postpaid ko? ang mga credit cards? Para lang ako nagdagdag ng mga suliranin na mahirap nang sulusyonan.

Doon ko naisip na mahirap palang bumalik sa umpisa. Mahirap palang daanan ang mga daang nadaanan mo na. Lalo na’t alam mong sa mga daanang iyon ay may mga bagay kang iniwanan na kailangan mo din palang alisin para makatawid ka.

Hanggang isang gabi sa kalagitnaan ng trabaho ko, nakatanggap ako ng memo. Hindi lang basta memo kundi last na memo na! — matatanggal na ako.

Dahilan ng mga memo? Madalas kong pagkaka late sa trabaho o mga tardiness ko. Hindi ko naman masisi sa traffic dahil normal na naman ‘to. Ang totoo nyan, nawalan na kasi ako ng motivation sa trabaho. Wala akong inspirasyon o mga dahilan man lang para ganahan akong magtrabaho. Isabay mo pa d’yan ang environment ng opisina. Yung tipong yung taong dapat ay nagpapalakas ng loob ko, sya pang humihila sayo pababa. Pero ibang usapan na yun. haha😛

Sa kabila ng lahat, totoo pala ang sabi nila, may mga bagay pa rin talaga na dapat pasalamatan. Marami pa ring magandang pagkakataon na masusupresa ka na lang bigla.

Naganap ang Town Hall Meeting na quarterly kung ganapin sa company namin.

Hindi ko inaasahan, pero natawag ako sa awarding (na minsan lang may nakakakuha sa department namin) Tapos, tatlo pa ang natanggap ko. #EdiWow!😛

  • Elite-Wow Page Award
  • Elite-individual Award
  • Elite-Attendance Award (na nakakatawa kasi puro memo ako sa tardiness pero nakatanggap pa rin ako ng ganito. Doon ko nalaman na hindi lang naman kasi sa attendance ang qualification ng award na ‘to kundi kasama na rin ang productivity)

Laking pasasalamat ko, dahil nagkaroon ako ng dahilan para i-apela ang dismissal ko, na kahit madalas akong mahuhuli sa pagpasok ay hindi ko napapabayaan ang trabaho ko. Nagawa ko pa ngang lagpasan ang expectation nila. (Laki ulo). lol😛

Ngayong linggo, natanggap ko na ang hatol na kinalugod ko talaga. Na waived ang dismissal ko, na syang pinanghahawakan ko ngayon at katunayan na hindi lang ako ang may pasan ng mabigat na mundo!

Minsan kasi pakiramdam natin, tayo na ang pinaka malungkot na tao sa mundo. Na tayo na ang pinaka problematic na tao. na wala ng sulusyon sa mga problema natin. Na kailangan na nating sumuko na bahala na ang pagkakataon. Pero minsan kailangan din na’ting daanan ito para masabi na’tin na ganito pala talaga ang realidad ng buhay. Hindi tayo matututo hanggang hindi na’tin mararanasan o mauunawaan na mahirap pala talaga kapag biglang may mawala sa buhay natin dahil sa mga binitawang desisyon.

Ganito pala talaga ang buhay. Madalas nag-aasam kasi tayo ng instant. Madalas din tayo sumuko. Hindi natin nakikita yung mga maliliit na bagay na pwede din naman natin gawing inspirasyon o motivation para ganahan sa buhay.

Tandaan natin na marami pa rin talagang bagay at dahilan para magpasalamat sa buhay.🙂

Salamat!

3 thoughts on “MARAMI PA RING DAHILAN PARA MAGPASALAMAT”

  1. Tagal ko ng di nakadaan dito. Salamat sa post mo na to, napaisip ako, kailangan ko kasi mapatibay ang loob ko, akala ko ako na ang pinakamalungkot na tao sa mundo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s