3

PULAG: KAPAGURANG GUGUSTUHIN MO


5Napapagod ka na ba? Yung pakiramdam na pwede mo namang iwaksi at iwasan ang isang bagay pero hindi pwede dahil kailangan? E, yung ‘pagod’ na kahit alam mong hirap na hirap ka na pero disidido ka pa ring tapusin ‘to dahil alam mong dito ka masaya?

Sigurado akong minsan mo ring naramdaman ‘to. Yung pagkakataong… pwede ba sa isang araw man lang ay makatakas tayo sa pagod at sa positibong pagkakataon naman ito maranasan?

Halos mag-iisang taon na rin noong maganap ang kakaibang karanasan kong ito. Pakiramdam ko ito na yung tinatawag na “nagpabuhay sa katawang-lupa ko”. Sa loob ng dalawang araw at tatlong gabi, nalayo ako sa problema ng syudad. Wala akong ibang naiisip kundi ang mga bagay kung paano ko malalagpasan at mapagtatagumpayan ang pakay kong maakyat ang pinaka mataas na bundok sa Luzon sa taas na 2,922 meters (above sea level), at pangatlo sa buong Pilipinas matapos ang bundok Dulang-dulang at Apo sa Mindanao.

‘Araw’ ko ang gabing iyon. At tulad ng marami sa atin, gusto nating maging kakaiba ang bawat pagdiriwang ng kapanganakan natin. Salamat na lang sa paanyaya ng mga dating kong mga kamag-aral sa kolehiyo kaya naging katangi-tangi talaga ang karanasan kong ito.

Maghahating gabi na noong umakyat kami sa Baguio at madaling araw na nang makarating dito. Malayo pa man kami sa pakay namin noong mga oras na iyon, pero umuusok na agad ang mga hininga namin dahil sa lamig ng Baguio. Para akong bata na nagpaulit-ulit na huminga para makitang lumalabas iyon sa bibig ko.😀 Napakatagal na kasi noong huli akong nakahinga ng ganun. haha.😛

Napatanong tuloy ako. Paano pa kaya sa pupuntahan namin?

Naghanda na rin kami para suotin ang mga panlamig namin. Hindi ko napangatawanan ang pagsa-sandals at shorts, kaya sinuot ko na ang ang makapal kong medyas at nagsapatos.

4

Naghanda na rin kami sa paglipat ng sasakyan papunta sa Bokod, DENR Office. Pero bago pa makarating doon, nag stop over muna kami sa isang kainan para sa aming heavy breakfast. Napakaganda ng lokasyon ng kainan na iyon. Sa likod noon ay mayroon napakalaking hanging bridge. (Inclusive iyon sa package, kaya maraming nagtatanong sa akin bakit hindi daw nila nakita iyon noong umakyat sila sa Pulag).

1

04

Matapos namin mag breakfast, bumalik na kami sa jeep. Sa pagkakataong ito mas pinili namin ng mga classmate ko na mag-topload! wooohooo!!

3

Pagkarating namin sa DENR Office, nagsimula na rin ang Seminar tungkol sa pag-akyat namin sa Pulag. Sa totoo lang, dahil sa matagal ko na talagang pinapangarap ang makarating dito, halos alam ko na rin ang nilalaman ng seminar dahil sa mga napapanood at nababasa ko.

Pero hindi ko pa rin lubos maisip yung mga kwento na may mga insidente na kinakailangan pagtulungang ibaba sa bundok ang ilang mountaineer dahil hindi nila kinakaya ang labis na lamig dito. Ayon din naman sa kwento, nabuhay pa naman daw sila. lels.😛

Magtatanghali na noong makarating kami sa Ranger Station. Doon, heavy lunch naman ang kinain namin. Kailangan talaga heavy lahat? haha.

Dito na nagsimula ang totoong adventure. Wala nang atrasan.

03

Noong mga unang sandali kinakaya ko pa. Marahil nakakatulong talaga ang ganda ng kapaligiran na nakikita mo, dahil sa bawat makita, hinto. picture! haha

6

May sandali pang parang kinakapos ka na nang hininga. Normal daw iyon. Critical stage daw ang first 15 minutes ng pag-akyat mo. (May ganun?)

02

Kung yung mga unang sandali ng paglalakad ay picture ang pahinga, dadating ka sa punto na literal na pahinga na talaga ang gagawin mo! Ayaw mo nang kumilos. Halos higupin mo lahat ng fog na madadaanan mo para makabawi ka ng lakas. Hindi na rin kinakaya ng lamig ng kapaligiran ang mga pawis na nilalabas ng katawan mo kaya kinakailangan na rin bawasan ang kapal ng suot mo. Wala pa ako sa Camp 1 pero isang litro na ng tubig agad ang nauubos ko. Pero sa totoo lang, ang laki nang naitutulong ng mahamog na kapaligiran. Para kang may oxygen na nakasuksok sa loob ng ilong mo para tulungan kang huminga. Swabe ang natural oxygen!

7

Pinili ko na lang na magpahuli talaga. At least, kahit alam kong nahuhuli ako, sigurado akong makakabalik pa ako sa Maynila. haha😀

Pakiramdam ko isang henerasyon na akong naglalakad. Para kasing walang katapusan. Hanggang makarating na rin ako sa Camp 1, na inabot din ng hindi bababa sa dalawang oras. Nakakainis na nakakatuwa kasi halos tapos na silang magpahinga noong nakarating ako doon, samantalang ako magsisimula pa lang maghabol ng hininga.

8 Ilang minuto lang din kami nagpahinga doon at muli na ring nagpatuloy sa paglalakbay. Damang-dama mo na pataas na kayo nang pataas. Wala namang mga obstacle sa mga madadaanan nyo pero napakalayo talaga ng apat hanggang limang oras na lakaran. Sabi nga nila ang Ambangeg trail, ay trail ng pang-artista. Para ka lang nag ka-cutwalk nang napakahaba. haha. Hindi mo kinakailangan yumakap sa mga lupa at ugat ng mga puno para makaakyat ka. Marami ring pagkakataon na para kang nilalamon ng makapal na habog na ikalulugod mo, dahil sobrang pambihira talaga ang halina nito.

Para kang nasa isang paraiso na may mga kakaibang nabubuhay sa paligid mo na doon mo lang talaga makikita. Napaka sarap langhapin ang mga naaamoy mo. Yung mga kaluskos, parang musika lang sa pandinig mo. Hindi ka man lang makaramdam ng takot sa paligid mo dahil sa ganda ng lugar, hindi mo iisiping may masamang nilalang na ninirahan dito. —heaven talaga! swear! lels.😛

Hapon na nang makarating kami sa Camp 2. Para akong nakawala sa pagkasarap-sarap na pagkakatinik sa mga napagdaanan ko.

9

HIWAGA! —yan ang salitang pwede kong ilarawan. Napaka-kapal ng ulap sa taas. Napakalamig. Umuulan. Halos mga higante ang mga anino sa likod ng mga ulap nito. Hindi ka makapaniwalang nahahawakan mo ang mga ulap kahit alam mong tagus-tagusan naman ito sa buong katawan mo. Hindi naman sa pagmamalabis pero para kang nasa loob ng isang panaginip. lumulutang at pawang puti lang ang nakikita.

Ang mga halaman o damo sa itaas ay tila perpekto sa pagkakapantay-patay sa pagkakatabas. Wala pa kami sa pinaka tuktok pero sulit-sulit na ang pagkakatungtong ko dito.

Pero gaya ng masayang panaginip, bangungot na ang mga sumunod. Ang malakas na ulan! hindi lang basta ulan! kundi malakas na ulan na tila wala nang katapusan. Ulan! at ulan! Agad-agad din kaming naghanap na mag pu-pwestuhan ng tent namin. Kinakailangan namin itong magawa kung gusto naming magkaroon ng matutulugan para magkaroon din lakas sa pag suong namin patungong summit ng Mt. Pulag bago magbukang-liwayway. Nagawa naman namin iyon. Pero sa kasawiang palad ay pinasok din kami. Halos nabasa ang lahat ng gamit ko. Ang suot ko. -Kalbaryo.😦

Kinagabihan, nawala naman ang ulan. unti-unti na ring lumalabas ang bituin na sobra mong kamamanghaan. Kumain kami ng hapunan. At doon, kahit hindi makatulog ng maayos dahil kinailangan naming mangapit-tent, (dahil hindi na talaga puwedeng matulugan ang na-Yolanda naming titirhan) natuto kaming mamaluktot sa wala ni-isang kumot.

Goodnight! huhu.

FB_IMG_1443808314360

Tulog muna, bukas na lang ang Part 2..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s