glenn

BAKIT KAILANGAN MO PANG MABUHAY!?


Katatapos lang ng araw ng Mga Kaluluwa, pero hindi ito blog post hinggil dito, sadyang napapaisip lang talaga ako.

Ilang linggo na rin ang nakararaan nang nabalitaan ko ang pagpanaw ng celebrity chef na si Hasset Go. Sa totoo lang hindi ko sya kilala noon, ni-hindi ko nga sya napapanood sa mga cooking shows o pina-follow man lang sa mga social media sites. Hanggang mapansin ko ang mga facebook posts tungkol sa kanya. Na curious ako sa kung ano ba ang naging sanhi ng pagpanaw n’ya ganoong napaka bata pa n’ya para mawala. Kaya pinanood ko ang episode ng Kapuso mo, Jessica Soho sa Youtube kung saan, nakuha ko lahat ng impormasyon tungkol sa kanya. Napabilang lang ako sa mga nanghinayang sa pagkawala n’ya. Pumanaw pala sya sa sakit na liver cancer. Sa katulad na dahilan kung bakit pumanaw ang kanyang nakatatandang kapatid na naging viral pa noon matapos magpakasal sa loob ng ospital, ay binawian na rin agad ng buhay.

Kung iisipin, napakahirap ng dinadala ng pamilya Go sa magkasunod na pangyayaring ito sa buhay nila. Mapapatanong ka na rin kung bakit ‘kung sino pa yung taong may maiaambag pa sa mundo at kung sino pa ang mga pilit-lumalaban para mabuhay, sila pa yung kinukuha agad.’

Nadagdagan pa lalo lungkot ko noong mapanood ko ang season 6, episode 3 ng The Walking Dead. Yung … kahit alam mong tv series lang ito na hango sa comic book at hindi naman makatotohanan, nagiging apektado ka pa rin ng mga pangyayari. Namatay na rin kasi si Glenn Rhee (isa sa mga main character) kahit wala pa rin naman kasiguraduhan kung namatay nga ba sya. Pero mukhang sa scene na yun!!!… (hindi ko pa rin matanggap! ) parang.., parang hindi na talaga sya makakaligtas.😦

Naisip ko si Maggie! Kung yung iwanan ka nga ng mahal mo ang sakit-sakit na, paano pa kaya yung tuluyang pagkawala nila. #Hugot.

Hindi tamang ipagsunod ko ang kwento ng pagpanaw ni Glenn at Hasset Go pero tulad ng dalawang kwento, lumaban sila para mabuhay. Samantalang tayo, lalung-lalo ako! madalas kong tinatanong kung bakit ba ako nabubuhay at kung ano ba talaga ang silbi ko sa lipunan.

Hindi ko alam kung tama bang sabihin na nai-inspired ako sa pagkawala nila o sadyang napaisip lang talaga ako. Tulad ni Hasset Go na sa murang edad nagawa naman nyang mag bahagi ng talento, nagkaroon ng pagkilala sa husay nya at naging matagumpay sa larangan ng negosyo. Si Glenn na mawala o nawala man ay naging malaking parte ng grupo. Nagawa nyang magmahal. Nakuha nyang magtiwala at pagkatiwalaan. At tulad ko, siguradong nagawa syang panghinayangan.

E ikaw kaya kapag nawala? may manghihinayang? Huwag tayong makuntentong maalala lang tayo dahil naging mabait tayo sa kanila o dahil namatay tayo sa murang edad. Naniniwala akong marami pa rin tayong pwedeng gawin sa mundo kahit hindi pa natin alam kung ano nga ba yun.

Marami pa namang araw para unti-untiing isipin kung anu-ano nga ba yun. Lahat naman nag uumpisa sa katiting di ba? Kaya simulan natin sa kapiranggot na pangarap.

Sabi nga nila, “Hindi mo kasalanan kung pinanganak kang mahirap. Pero kung mamatay ka ng mahirap pa rin, kasalanan mo na daw yun!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s