cover

MT APO: LEAVE NOTHING BUT FOOTPRINTS (Part I)


mt apo
Elevation: 2,954 masl  (official) Coordinates: 6°59′15″N 125°16′15″E [1] Trail: Sta Cruz | Mountain type: Stratovolcano |  Listing: Country’s high point Ultra prominent peaks
DAVAO CITY — Sa taas na 10,311 talampakan, itinuturing na pinakamataas na bundok ang Apo. Matatagpuan ito sa lalawigan ng Davao del Sur, isla ng Mindanao.

Dahil sa taas na katangian nito, kinakailangang mong maging physically at mentally fit bago umakyat dito. Isa sa mga iminumungkahing paghahanda ay ang pagka-cardio o pagja-jogging araw-araw dalawang linggo bago ang pagsuong dito. Syempre mas mainam kung may ibang mga bundok ka munang naakyat bago ang Apo.

Bukod sa paghahandang pisikalan,  kinakailangan mo din syempreng paghandaan ang budget o gastusin para sa paglalakbay na ‘to. Sa halagang P5,500 na all-in package (maliban sa airfare-balikan mula sa Maynila) puwede ka nang makarating dito. Mahal man s’ya kung tutuusin, wala namang katumbas na halaga ang pakiramdam na makatungtong sa tuktok nito. Sa kabuuang budget, hindi bababa sa P10,000 ang nagastos ko. Kaya mas mabuting makakuha ka muna ng murang airfare promo para maka menus.

DAY 0

Sa Davao International Airport na kami nagkita-kita ng mga kasama ko. Labing isa kami sa grupo. Tatlo sa kanila ay nakasama ko na sa Mt Pulag (pangatlo sa pinaka-mataas). Dahil nga sa 11 kami, siguradong hindi bababa sa apat na taxi ang kakailanganin papunta sa tutuluyan namin. Mabuti na lang may mga van sa airport na nag o-offer ng service sa halagang P500.00. Nakatipid kami kung tutuusin, nagkasabay-sabay pa kami.

Sa unang gabi namin sa Davao, tumuloy kami sa Green Windows Dormitel. Sa totoo lang, wala akong ideya sa tutuluyan namin. Akala ko transient house lang sya kaya sobrang natuwa ako nang sa isang mataas na gusali pala kami sa Davao magpapalipas ng gabi. May 8 double decker ang isang kuwarto na kakasya ang 16 na katao. Nakuha namin iyon sa humigit kumulang P3,000 lang.

DAY 1

Ala-5:00 ng umaga ang call time namin. Sa Dormitel na kami sinundo ng aming mga guide.

Mula sa tinuluyan namin, dalawang oras pa ang byahe sakay ng dalawang van papunta sa Lungsod Digos, Barangay Kapatagan. Doon na kami nag-agahan, bumili ng baon para sa tanghalian, nag-ayos pa ng ilang gamit at nag-orientation.

kapatagan
Kapatagan Public Market

Nagawa pa naming magpabawas at magpaiwan ng mga gamit. Katulad ng mga damit at iba pa na gagamitin sa sidetrip sa Samal Islands.

Alas-9:30 na nang magsimula ang 30-minute travel time papuntang jumpoff ng Sta Cruz trail sakay ng 4×4 truck.

Noong una, hindi ako makapaniwalang doon kami sasakay. Akala ko sa mga gamit lang. Labing lima kaming nagsiksikan doon kasama pa ang aming mga dala. Sumabit na nga lang ang mga guide.

truck
Sardinas mode.

Wala pa man sa totoong adventure, pero maituturing mo na talaga itong isang makalaglag-pusong adventure. Masakit sa balat ang init ng araw. Nakakatakot ang matatarik na paakyat-babang mga daan. Marami namang sementado pero marami pa ring lupang lubak-lubak at mababato. Masakit sa puwet ang maupo sa sahig ng truck. Nakaka manhid pa ng mga paa ang maipit nang mga kapwa mo nakasampa. Kung tutuusin mas gugustuhin mo na lang maglakad sana. Pero sabi ko nga, “Ginusto ko to e!” Hahaha Astig yun!😛

Saganang akin, hindi naman ganun kaganda ang Mt. Apo sa unang tanaw. Para lang syang ordinaryong bundok na kakikitaan mo ng kalbo at mabatong bahagi sa itaas nito. Kung titignan nga, para lang syang abot-kamay sa lapit, na parang…. wala lang! Gugustuhin mo lang s’yang akyatin kasi s’ya ang pinaka mataas dito. Parang pang day-hike nga lang. lol😛 Pero tatlong araw at dalawang gabi pala kayo mananalagi dito hanggang makumpleto n’yo ang paglalakbay. Pero lahat ng pananaw kong iyon nabago nang maranasan ko ito:

JUMPOFF

jumopoff
Jumpoff

Sa nag-iisa at natatanging tubig na nadaanan namin sa jumpoff, nakakatawang hirap na hirap na agad akong tawirin ito. Mahirap ng ma out of balance at mabasa ang sapatos ko! nagsisimula palang kaya kami!

Medyo paahon agad ang jumpoff. Para s’yang isang mataas na burol na pinahaba ang trail para hindi sya ganoon kahirap akyatin. Sa taas noon ay mayroong munting pamayanan.

_RMA0548
Sa mga sitwasyong halos tabunan ka ng alikabok, mas okay maging #TeamDulo.

Maalikabok ang trail. Literal na kumain kami ng alikabok! Marahil bibihirang makatikim ang ulan ng Mindanao sa mga panahong ito.

Matapos ang 45 minuto. Narating namin ang Sitio Cunan. Ito yung tinutukoy kong pamayanan sa tuktok matapos ang jumpoff. Dito kami unang nagpahinga. Halos 30 minuto din siguro kaming nanalagi dito.

culan
Munting Paaralan ng Culan.

Magtatanghali na nang marating namin ang Sitio Tumpis. Mula dito ayon sa signage ay 10.07 kilometro pa ang layo  namin sa summit. Dito naman namin kinain ang nabili naming tanghalian sa Kapatagan. Dito na rin ang unang water source, ang susunod na water source ay sa Campsite 1 pa. At dito na rin pala nawala ang cellphone ng kasama naming sir Ronnel.#PicturePaMore! Lol.😛

Tinuloy-tuloy na rin namin ang paglalakad matapos mag tanghalian papuntang (pinaka) paanan ng bundok. Mga bukid ang dinaanan namin na pawang mga Carrots ang nakatanim. Isang malupit na ahon ang ginawa namin matapos nun.

Plant4
Dito ko nauunawaan kung bakit itinatanim o itinatali ang mga orchids sa mga sanga ng puno, sa mga bakuran natin. Ganoon pala ang natural habitat ng mga orchids sa bundok. kewl.

Matapos makalabas sa gubat, tila isang kapatagan ang bumulaga sa amin. Dito ang best view ng Apo para sakin. Pagkatapos ng maalikabok na jumpoff at paahon na bundok, matataas na damo naman ang sinuong namin. Napapabulong na nga lang ako. “Buti pa tong mga damo matatangkad” lol.😛

best view
Ferns everywhere! Best part of the trail.

Literal na hawi ang gagawin mo sa mga damo para makita mo ang trail.  Natatangi ito sa mga nasuong ko nang bundok.

hawi
Hawi pa more!!

Sakaling malagpasan mo na ang matataas na damo, Isang gubat muli ang papasukan nyo. Dito na ang tipikal na trail sa loob ng bundok. Hindi mo alam kung magpapasalamat ka dahil nakatakas ka na sa init ng araw at alikabok, o isusumpa mo na ito dahil sa mga paahong parte.

assault
Halos isang oras din ata ang puro paahon.
Arrow Marking
THIS WAY.

Hindi naman nakakaligaw ang trail dahil tadtad ito ng dilaw na ribbon bilang marking o palatandaan, susundan mo na lang. Mababakas pa rin dito ang arrow marking na gawa sa yero/lata na niluma na rin ng panahon.

tarzan
ohhhh Woaaaahh!! Tarzan mode.

Jungle na jungle kung ilalarawan ko ang gubat, ito na siguro yung sinasabi nilang pwede ka na maglambitin sa mga baging mala-Tarzan. Pero hindi ko ginawa mahirap na.😀

Plant2
Hindi nawawalan ng bulaklak sa paligid ang Apo.
Plant3
Ito pa.
Plant 1
Ito pa.

Inabot kami ng halos 6 na oras bago kami makarating sa Tinikaran Campsite 1. Apat na oras dito ang sa loob ng kagubatan. Laking panghihinayang ko nga dahil hindi ko dinala ang hammock ko. Ayos na ayos pa naman sana itong paglagyan dahil mapuno dito. Sobrang lamig nga lang.

campsite 1
Tinikaran Campsite 1: Sobrang okay mag Hammock sana dito.

Kasama sa package namin ang tent at mga sleeping bags. Pero hindi ko naisip na kasama din pala sa package ang pagtatayo nila dito. Kewl. Kumbaga sa hotel, matutulog ka na lang sir!

Tent Otep
Pangdalawahan at Pangtatluhang tao ang provided na tent sa amin.

Sa Campsite 1 ang huling water source hanggang makarating ng summit (kaya tipid-tipid din). Hindi ganun kaaya-aya ang water source. Isa lang syang bukal sa ilalim ng malaking bato, na may mga gumagalaw pang insekto sa ilalim. Sakaling kawkawin mo nga, lalabo agad ito. Wala namang sumakit na tiyan sa amin. Sa katunayan, yun din ang ginamit sa pang saing.

Bukal
Nag-iisang water source sa Campsite 1.

Sa mga maselan ang tiyan, mabuting magdala ng sapat na tubig-inumin.

Nakakalungkot nga lang, sobrang kalat ng lugar. Mga lata, bote, plastik pati dumi ng tao na hindi man ibinaon sa lupa. Kung hindi ko nga nalamang may clean-up drive naman twice a year ikalulungkot mo talaga ng husto yun.

Kinagabihan, masarap na Sinigang na Baboy ang kinain namin. Pop na Pop sakin yun!

Sa kaunting social habang kumakain at paglalaro ng baraha, natapos ang unang araw at gabi namin sa puso ng Bundok Apo.

Bukas uli!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s