20160821_103202

ANG MT. UGO AT ANG BAON KONG HOPIA


mt-ugo
Elevation: 2,150 masl; Coordinates: LLA: 16.31916°N, 120.80166°E | Trail: Kayapa, N. Viscaya; Tinongdan, Itogon, Benguet | Difficulty: 5/9

ITOGON, BENGUET — Kalahating taon na rin noong huling ahon ko sa isang bundok. At para sa kaalaman ng lahat, mapalad akong isa sa mga huling umakyat sa Mt. Apo bago ito masunog. Nakakalungkot na marami pang taon ang hihintayin bago ito maakyat muli.

Nakakapanabik na may kasamang takot na sa wakas, muli na naman akong sasabak sa mahaba-habang lakaran. Ayaw ko nang maulit yung nangyari sa akin sa Mt. Isarog, kaya natatakot talaga ako. Akala ko talaga hindi ko na iyon kakayanin. Mangiyak-ngiyak akong inakyat iyon. Tila tinaydor kasi ako ng lahat ng kasu-kasuhan ko sa pananakit: paa, tuhod, hita, balikat at isama mo na rin ang mga baga ko. Iba pa yun sa nararamdaman ng Puso ko (mas masakit yun. lol).😛

Wala akong practice bukod sa paglalakad ng apat na kilometro araw-araw bago ang pag-akyat na ito. Kaya matinding mentalidad lang ang baon ko at tiwala na kahit anong mangyari ay kakayanin ko ito. Mabuti na lang talaga at sanay akong magtiwala. Pinagkatiwalaan nga kita noon e, sarili ko pa kaya?😛

Espesyal sakin ang Mt. Ugo, noon pa man bukang-bibig ko na ito. Hindi ko alam, pero siguro namisteryohan lang ako sa kuwento ng ‘karas’ ko kung bakit niya ito paborito. O siguro, gusto ko lang talagang ipagduldulan sarili ko sa kanya… na gusto ko sya, na gusto ko syang makasama isang araw. Kaso sa social media palang rejected na ‘ko. Nagawa n’ya akong i-blocked sa twitter e. Sakit besh! Kasalan bang i-like lahat ng post nya? Nagmukha akong stalker! Kaya hindi ko rin sya masisi sa ginawa n’yang iyon. Hindi ako maka move on kaya nagawa ko naman syang i-blocked sa facebook. haha (lakas maka estudyante).😀

Ngayon, mas naiintindihan ko na kung bakit gusto kong makapunta sa Mt. Ugo hindi dahil sa namimisteryohan lang talaga ako dito. Kundi, gusto kong pagkwentuhan ang mga naging karanasan mo, sa mga naging karanasan ko dito. Pero hindi din, gusto ko lang talagang mag kwento.

Dear KT,

Musta? Nakarating na pala ako sa Mt Ugo, totoo nga the best dun! Sigurado akong minsan sa paglalakad ko sa trail ay nagawa ko ring apakan ang mga naapakan mo. Ang chessy nun! kaso bigla akong napasimangot, naalala ko kasi na minsan sa buhay ko  ay naging hopia ako sa tulad mo, pero hindi din.. lagi naman.

Idol si Doraemon,
Otep

Puyat man dahil galing sa trabaho, tiwala lang talaga na hindi ako aantukin. Isa ito sa mga sakripisyo ng mga panggabi, kumikita ka ng maayos pero maraming bagay ang hindi mo mai-enjoy kung itutulog mo lang ang mga libreng araw mo.

Alas-11 ng gabi nang bumayahe kami pa-norte sakay ng Victory liner sa Kamuning, Quezon City. Akala ko makakatulog pa ko pero nagpipintig ang sintido ko na gustong kumawala at mag-ingay habang nagsisigaw na “Hindi ka pwedeng matulog!!”. Paskyet talaga gusto ko syang ibato sa bintana kung pwede lang.

20160820_054310
Aritao, Nueva Viscaya bus terminal. Unknown mountain at the backround.

Madilim pa noong makarating kami sa bus terminal ng Aritao, Nueva Viscaya. Doon namin hinintay ang Jeep na magdadala samin sa bayan ng Kayapa kung saan naroon ang jump-off paakyat ng Mt Ugo. Dahil bida-bida ako, at sobrang namiss ko ang topload, ginawa ko iyon. Tang-ina ang lamig!.

Isang oras na byahe din yun sa taas ng Jeep.

20160820_061501
Topload

Pangalan pa lang ng lugar hindi mo alam kung naghahamon o nang-aasar – Kayapa?

20160820_073415
Donny and I infront of Kayapa Town Hall

Napakasimple lang ng lugar, simple man may mga bagay na dapat igalang at obserbahan. Bawal po namigarilyo sa Kayapa kung ayaw mong mamultahan.

Maraming kainan sa Kayapa Public Market, doon na kami kumain ng almusal. Sayang nga di ko nagawang magpabalot, masarap sana ang naging tanghalian ko.

20160820_073827
Selfie at Kayapa Public Market

Alas-9 na ng umaga nang magsimula kaming maglakad paakyat. Gaya ng mga una kong ahon sa ibang bundok, magandang kilalanin mo muna ang sarili mong kakayanan. Mahirap magbida-bida sa trail. Medyo kilala ko na naman sya.😛 lels, critical time ko talaga ang first 15-20 minutes. Huwag pilitin kung sobrang naghahabol ka na ng hininga dahil sigurado akong magpipintig na naman sintido ko at makakaramdam ng pagsusuka.

20160820_102515
Pine trees after hours of walking.

Walang warm up ang trail papuntang Ugo, I mean, walang mahabang lakaran sa patag bago ang mga paakyat katulad sa Mt Pulag.

Isa sa kagandahan ng Mt Ugo traverse maraming water source! mabuti na lang dahil sobrang pait ng tubig ko mula sa bago kong water bladder. Pero mas mapait pa rin ang feeling ko sayo. Hindi pala uubra ang simpleng hugas at babad ng tubig dun. Isang aral na naman ng ang natutuhan ko sa pamumundok. Bawal mag assume.

Matapos ang apat na oras na paglalakad at pagpapabebe. Narating namin ang kumunidad kung saan kami nananghalian. May tindahan dito, may softdrinks at pwede ka rin maglabas ng galit mo dahil may toilet.

Kulang-kulang isang oras din ata kami nanatili dun bago magpatuloy.

Makabunot-tinik sa dibdib ang sumunod na trail. Tamang-tama sa busog naming tiyan. Pang-alay lakad lang ang peg. Isang mahabang lakaran sa patag na daan. Kung hindi ako nagkakamali, dini-develop na ito para maging kalsada. Iniisip ko nga, sakaling ma-sementuhan na ito, parang mawawalan na ng thrill ang pag-akyat. Sabi naman ni kuya Noel na guide namin, sakaling mangyari naman iyon ay magbubukas na sila ng bagong trail. Nayz!

20160820_124434
Groupie: Jason, Vthel, Criz, Sam and I.

20160820_141013

Inukang kalsada sa mga gilid ng kabundukan ang dinadaanan namin. Kitang-kita ang kalawakan nito kahit saan. Napakasarap singhutin ng hangin. Nakaka-high! Habang papalayo nang papalayo, paiba-iba na rin ang nagiging timpla ng mga nakikita mo, para syang computer games na habang tumataas ang level mas gumaganda ang laban pero mas humihirap. Sobrang ganda ng mga kabundukan! parang sila-sila nag ti-team effort kasama ng mga ulap para magpasikat sa kagandahan nila.

20160820_141032

20160820_141029

20160820_134939

Tama nga sabi ni Aia (malupet na bundukero na limang beses ko na atang nakasama sa pamumundok) mas maganda pa ang makikita namin kapag nakarating kami sa junction.

20160820_142946
Aia and I with Criz. “Walang himala noh!”
20160820_143024
Me @ Junction.

Nang makarating kami dun, ibang parte naman ng mga kabundukan ang nakita namin. Shet ang ganda nga! Mas buhay ang kulay ng mga bundok dito. Mayroon din ditong waiting shed at tindahan kung saan makakabili ng mainit at native na kape. (Starbucks junction branch ika nga).

Isa na namang mahabang lakaran papuntang last water source bago mag campsite.

20160820_152031

Matapos ang derechong lakaraan, kinailangan naming bumaba sa isang guho ng lupa. Nagsimula nang umulan. Pasakit kung tutuusin dahil kailangang magsuot ng poncho. Mainit yun kung pinagpapawisan ka.

Agad din akong nagrefill ng tubig pag dating doon. Dalawang litro para share ko sa pagluluto (na hindi naman nagamit) at dalawang litro para sa water bladder ko. iba pa yun sa isang litrong orange juice. Habang sinusulat ko ito, ngayon ko lang nalaman na limang litro pala ang dala ko. edi wow!

Isang kumunidad muli ang narating namin. Mayroon doong waiting shed. Bahagya kaming nagpahinga nang may naramdaman akong kakaiba sa kamao ko. Shet isang Limatik! busog na sya sa dugo ko ng makita sya. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil may limatik din pala dito. Napabulong na lang ako “Welcome ko AIDS world! Wahahhaha” lels. joke lang virgin pa ko.

Sa muli naming paglalakad, damang-dama ko na ang pananakit ng paa ko. Puro paahon na kasi, sumasabay pa ang ulan. Nagiging maulap na. May pagkakataong halos di mo na makita ang dulo ng pupuntahan mo dahil dito.

Gusto kong marinig sa guide namin na “Malapit na” pero hindi. S’ya na yata ang pinaka honest na guide na nakilala ko. May pagkakataon na dini-discribe pa nya ang campsite “Nakikita nyo yung patay na puno na yun? sa likod noon, doon ang campsite.” e mukhang apat na bundok pa yun. Taragis talaga! hahaha gusto ko na lang maupo sa ugat ng puno at sabihing.. “dito na lang ako please” pero hindi pwede. Infairness kay kuya Noel, ayaw nya talagang umalis sa likod namin. (ganun naman talaga ang guide, dapat meron sa unahan at likod).

Marami kang makikitang patay na puno sa Mt Ugo. Kung tutuusin nagiging trade mark na nga yun bundok kung maghahanap ka ng litrato sa internet. Ayon sa guide namin, namamatay daw iyon dahil sa mga tumatamang kidlat. Napuputol.., Nasusunog. Kaya nakakatakot din palang pumunta dito kapag tag-ulan. Pero may mga puno doong mukhang wala namang sunog pero patay na. Baka namatay sa lungkot. aw.😦

Tila hindi kami lumalapit sa campsite, parang palayo pa nga kami ng palayo. Hanggang marating namin ang isang lugar na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa diwa ko. Ang mga ulap na tumatawid sa kabilang bundok habang nasa gitna ka nito. Ang mga pine trees na sinasagian nito na biglang mawawala tapos bigla muling lilitaw. Paulit-ulit lang sila sa ganoong senaryo na nagpapahanga sakin habang sinasampal ka ng malamig na hangin na tila sinasabing “Hindi ka nanaginip! Totoo ang lahat ng ito”. Ang galing!

Sayang talaga. Kung hindi lang maulan baka nalabas ko pa ang cellphone ko. Pero hindi naman sa sinisisi ko ang ulan. Gusto ko pa nga siyang pasalamatan, dahil kung hindi nu’n umulan baka hindi ko rin yun nakita sa ganoong akto.

Minsan pala talaga, mararamdaman mo ang pinaka magandang karanasan sa pinaka-panget na pagkakataon na iniisip mo. Mapapahiya ka na lang din sa sarili mo. ehe!

Isang paahon na lang! May isa pa pala! at meron pa palang isa! Hanggang marating ko ang campsite. Para akong last finisher sa isang funrun tapos uwian na. 9 hours yun be! 9 hours!!
Mabilis kong naitayo ang bago kong tent sa tulong ni Kuya Noel. Bahagyang nag ayos sa loob, at bigla na ding nakatulog.

Wala akong kain-kain. Mas masarap matulog kaysa kumain noong mga oras na yun. Ako na ang may 48 hours na gising.

Nagising na lang ako nang hating gabi para umihi. Wala ng ulan. At nakakamanghang sobrang liwanag ng buwan. Sapat na nga ang liwanag para maaninag mo ang loob ng tent.

Sakto namang tapos na silang mag social. wala na rin dahilan para manatili sa labas na nakapaka lamig, kaya agad din akong bumalik sa tent at muling nakatulog.

DAY 2

20160821_053751
Sunrise

May kaunti na ring liwanag nang lumabas ako. Nakakamangha ang campsite na hindi ko man nakamusta noong naka finisher ako kahapon. bida-bida pa rin ang patay na puno sa campsite kaya pinuntahan ko “Ikaw pala yung nakikita ko lagi sa picture sabi ko sa isip ko. Sabay sariling sikap na lang mag picture-picture.

20160821_082016
and yes! May aso nga sa campsite.

20160821_080811

20160821_075247

Nakakainggit sila na kanya-kanyang grupo. Hindi mo masabing “pasali” hahaha.

20160821_080805

Matapos kumain, nag break camp na rin kami agad. At nagsimulang umakyat ng summit sa ganap na alas-8.

Kaya itong akyatin ng 15 minutes. Wala namang kakaiba sa summit bukod sa kakaibang pakiramdam na may natuntungan ka na naman na bagong bundok. Pero hindi din, nakaramdam lang din ako ng inggit sa mag jowang ka grupo ko. Shet. Nikikilig ako. hahaha.

20160821_091744

20160821_092128
Summit
20160821_091323
Wala na ang marker sa summit, kaya ito na lang,

20160821_091849

20160821_091147
Maraming nag-iisip na kapag narating mo na ang summit, doon na natatapos ang lahat. Hindi pala! dahil ang pagbaba ang totoong magpapabusog sa mga mata mo.

Kung ang Mt. Pulag may sea of clouds, ang Apo may boulders, ang G2 may Knife edge, ang Isarog at iba pa ay may mga mossy forest. Ang Ugo talaga ay isa, sa may pinaka magandang Trail.

Sya! hanggang sa susunod, enjoy the trail mula!🙂

20160821_102637

20160821_102702

20160821_110723

20160821_103900

20160821_103202

20160821_103036

20160821_110631

20160821_102806

20160821_102801

20160821_100956

20160821_100426

20160821_095300

20160821_094642

20160821_094634
Pasasalamat: Sir Bench and “Team Ugo – Traverse Part 6

14047343_1411187092231656_1083832563031590055_o
Photo not mine, credits to the owner.

 

One thought on “ANG MT. UGO AT ANG BAON KONG HOPIA”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s