BUTAS


Magandang buhay Kapangarap!

As usual wala na naman akong magawa. Kaya naman napag-tripan ko na namang butasin muli ang tenga kong halos tatlong taon ding nakasara. Wala lang…, trip lang! Para may magawa.

Sa tulong ng mga Ate ko, pinagtulungan nilang butasin muli ang magkabelang tenga ko. Tae! sobrang sakit! 😦

Napaisip tuloy ako.., noong naospital nga ako hindi ko man naramdaman yung sakit ng pagkakahati ng dila ko sa pagkakagat nito. Ganoon din ang mga injections na itinuturok sakin, iba pa yung sa suwero. Tapos hikaw lang halos magsisigaw ako? hahaha! 😀

BAKIT NGA BA AKO NAGHIKAW?

Naalala ko noon ang pakawari ko; masyado na kasi akong nasasaktan sa kaibuturan ko. Yung tipong halos isuko ko na ang buhay ko sa mundo para makatakas sa mga nararamdaman ko pero wala pa rin -emo. Yung pagkakataong napapatanong ka rin kung bakit puro puso, utak at kung anu-anong pang laman-loob ang nasasaktan! napaka-unfair! sabi ko ibang part naman ng katawan, para fair -yung pisikal na sakit! ‘Yun nga.., nagawa kong pasakitan ang sarili ko! -magpa-butas!

Sana ‘sing bilis lang ng pagpapahilom ang pagpapabutas ng tenga kumpara sa ibang sakit na nararamdaman natin sa buhay. Yung tipong kahit alam mong magkakaroon ito ng butas, maghihilom at maghihilom pa rin ito. Sa ibang salita, manaliti man itong butas sa mahabang panahon, alam mong wala na itong dulot na sakit dahil ito ay tuluyan nang naghilom.

Bakit ba kasi may mga bagay na hindi tinatablan ng mga tableta!? Bakit ba may mga bagay na kahit anong gawin mong pagpapahilom ay wala pa rin itong sulusyon kundi tanggapin ang katatohanang hanggang pangarap ka na lang talaga.

Masakit! Sobrang sakit! Ang sakit-sakit na basha!! lol 😛

Ganun pa man, tuloy pa rin ang pangarap. Tulad ng mundo na umiikot, bilog din ang butas pwede pa rin itong umikot. Baka mula sa pagkakalugmok natin mula sa ilalim, ay nasa ibabaw naman tayo bukas.

***

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s