PARA KAY B


Mag-iisang buwan na rin pala mula noong huli akong magsulat dito. At sa loob ng halos isang buwan na iyon nang hindi pagtipa ng mga letra sa keyboard ko, marami akong natuklasan. Nasasanay na akong… tanggapin na ang isang tao kapag nawala… kahit anong gawin mong pagtambling ay hindi ka na babalikan nito, pero nandoon pa rin ang pag-asa. Nasasanay na rin akong isipin s’ya palagi kahit ayaw ko. Palagi ko siyang naalala at nakikita saan ko man ilagi ang paningin ko kahit wala naman s’ya doon sa paligid. Naiinis ako sa nararamdaman ko pero natutuhan ko na rin itong tanggapin para hindi ako lalong mainis.

Tulad noong isang araw:

Napadpad na naman ako sa lugar kung saan ay minsan ko siyang hinintay. Sa pagitan ng mga librong nagsisigawan, nagtatakutan at mga nagpapalit-palit ng talsik ng laway. Nagulat na lang ako sa minsang pagbuklat ko ng isang libro at ‘di inaasahang nakita ko ang sarili kong akda na dawalang taon na ang nakalilipas mula ng ipinasa ko ito sa isang publication.

Masaya ko itong binalita sa kanya. At agad-agad kong pinapapunta kung saan ako nakatayo sa tabi ng mga nagtataasang patungan ng mga binibentang libro.

Nang dumating s’ya at muling nakita, muli ko na namang narinig ang kantang Close to you ng Carpenter na madalas n’yang kinakanta at minsang itinuro sa akin habang naghihintay ng masasakyang Dyip. Kaso wala naman talagang musika nag-aambisyon lang ako noong oras na iyon na tila sa isang pelikula.

Noong mga oras na iyon wala akong sapat na pera para bilhin ang librong iyon, kaya kahit wala din s’yang gaanong pera ay pinautang n’ya muna ako pero hindi ko na iyon binayaran sa kanya. -P85. hahah lol 😛

NANG MAKADAMA na ako ng lungkot sa kinatatayuan ko, naglakad na lang ako at pumunta sa isang hilera ng mga libro ni Bob Ong napakarami na n’yang akda. Napakarami na ring nakapagbasa ng libro n’ya kabilang ako.

Pagkatapos noon, tiningnan ko naman ang libro ng paborito kong manunulat na si Manny Garcia – “Kapeng Arabo”. Hindi ko alam pero pagpumupunta ako sa National Bookstore hindi ko makakalimutang tignan kung ilan na lang ang libro ni MG sa patungan nito. Mayroon doong tatlo pang natitira.

At pagkatapos, hinanap ko na ang libro ni Ricky Lee – “Trip to Quiapo” na nabasa ko lang sa isang blog post. kaso wala akong nakita doon bukod sa isa pa n’yang akda na may titulong “Para kay B”. Isang librong may isang taong tila tumalon, habang nagkalat ang maraming papel sa loob ng letrang B -ang pabalat.

Sabi ko. Kapag wala akong makitang “Trip to Quiapo” ito ang bibilhin ko. Pero nagbakasakali din akong mayroon pang natatago kaya nagtanong ako sa Customer Service. Sumagot naman ang babaeng may katabaan sa counter at tinuro sa pamagitan ng direksyon.

“Punta ka doon sa circle tapos kaliwa..” (may kumpas ng mga kamay)
“ay mali kanan pala, doon ‘yun nakalagay”. pagpapatuloy n’ya.

Sabay balik sa pakikipag tsismisan sa mga kasama n’ya. Humabol pa ito at ganito ang sabi n’ya.

“Kaya nung nabuntis ako hindi ako nalungkot dahil napatunayan kong hindi ako baog” (medyo nagtawan sila kahit korni).

Gusto kong magwika ng “wateber” na noong matapos kong mabasa ang libro paborito palang gamitin iyon ni Bessie.

Bumalik ako sa CS at sinabi kong wala talaga akong nakita. Tumayo s’ya at nag-tak..! tak..! tak..! sa keboard ng computer n’ya.

“Kaya wala pala kayong nakita kasi ubos na pala kuya.”

Nagmumura ako sa isip ko. “Puta ka!” “Efal ka!” “Pwede mo palang tingnan muna d’yan sa computer mo kung may stock pa ba o wala na bago mo ako pabalikin sa pinag-tignan ko kanina”. Pero hindi ko yun ginawa. hahaha.

“Okey” na lang ang nasagot ko sabay pila sa counter para bilhin ang alternatibong ipapalit ko sa Trip to Quiapo.

Umuwi ako sa bagay at nagsimulang magbasa. Medyo tinamad lang ako dahil puro babae ang bida.  Pero sa bawat pahina ay nagpatuloy ako sa pagbabasa hanggang abutin ako ng alas-singko ng umaga. Natapos ko s’yang basahin at doon ko nalaman ang sagot sa tanong na kung kabilang ba ako sa quota ng pag-ibig. At sa tanong na Kung Paano Dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin.

Maraming beses ako napangisi sa mga nabasa ko. Maraming beses din akong nagugulat sa nababasa ko. Maraming beses din akong nalibang sa istilo sa paglimbag na may akda dito, habang may mga naglalampungang pusa sa bubungan namin kaya dudungaw ako sa bintana at sasawayin ko sa pamamagitan ng “Shyuu!” “Shyuu!” na ibig sabihin ‘nun ay “doon kayo mag sex sa ibang bubungan wag dito”. At babalik muli sa pagkakahiga na walang pang-itaas at magkukumot.

Pagkatapos kong basahin ‘yon. Matagal muna bago ko pinikit ang naluluha kong mata sa antok at nanlalabong paningin dahil as 100watts na ilaw na ginamit ko sa kuwarto.

Sobrang lalim ng iniisip ko, at ini-isa-isa ang bawat karakter at pilit na idinidikit ang sarili ko kahit wala akong puwang dahil puro babae nga sila. Naalala ko si Lucas isa din sa mga karakter hindi ko masabi ko kung paano o bakit pero tulad n’ya gusto ko ding maging writer. At pag-nangyari ‘yun susulat ako ng isang nobela. Nobela ng Pag-ibig na itutukoy ko sa sariling kuwento.

Papabasa ko ito sa kanya kahit pabayaan o itapon pa n’ya ang manuscript ko. Gusto kong malaman n’ya na kahit anung gawin kong paglimot sa kanya ay hindi ko magawa.

At sa pamamagitan ng manuscript na iyon masasagot ko na rin ang tanong ko dahil sa daan-daang pahinang iyon, masasaad ko isa-isa lahat kung bakit ko nararamdaman ito at kung bakit hindi ako dalawin ng kalimot.

Hindi ko lang alam kung paano ko tatapusin ang nobela ko, sa love story with sad love ending ba? o sa love story with very very sad ending ba?

P.S.

Maraming salamat pala sa mga bumati noong birthday ko. lalung-lalo na kina Jerome at Leonard na hindi ako pinabayaang malugmok sa importanteng araw ko.

Hindi man lubos ang kasiyahan ko, sobra-sobra kong naramdaman na may kaibigan ako.

Hindi ko man nakuha ang pinakamagandang regalo mula sa simpleng pagbati mula sa kanya, kontento na ako sa pinagkaloob sa akin noong buong araw na iyon.

63 thoughts on “PARA KAY B”

  1. bakit di mo gawing happy ending ang storya..
    lagyan mo ng twist sa bandang dulo ng di naman ganun ka sad di ba..

    at di ka pa rin pala ganoon nakaka move on..ok lang yan..wag mong mamadaliin, darating din ang panahon para jan..

    kung anjan si trip to quiapo malamang na hindi mo nabasa yang para kay B.at di mo maiintindihan ang ibig sabihin ng pag-ibig ..
    at di mo mababasa ang quota ng pag-ibig..

    wag mo kasing iisipin na nag-iisa ka, may time lang na di mo napapansin ang ibang nasa paligid mo (suplado ka kasi) wag mong hilahin ka ng kalungkutan at pag-iisa kung meron namang kaibigan na handang samahan ka..

    Like

    1. naks. bakit nabasa mo na ba ang para kay B?

      at nalalaman mo ang quota ng pag-ibig?

      di naman ako suplado ha. hehehe

      gusto ko pa rin ng sad ending para emo. toinks hehehe

      Like

      1. di ko pa naman sya nababasa pero mukang trip ko sya bilin hehe..kasi di ko nabili ung ghost stories mo hehe..yay..

        ho sige na ikaw naman author ng libro na gagawin mo eh ..haha

        Like

  2. hay ganyan talaga ang pag-ibig… well, dude, moving on takes time… kasama sa cycle ng break up yung “begging” stage, yung bang magmakaawa ka na bumalik xa sa’yo… kung walang mangyari, dadating din ang panahon at makakalaya ka rin sa anino niya…

    fresh pa ata ang experience mo so hindi pa kita pwedeng yayain sa blog ko… di pa angkop sa’yo yung “I Remember the Girl” na blog post ko…

    anyway, good luck and god bless!

    Like

      1. oi, loko to… nagbabasa muna ko bago mag-comment. hehehe… walang akong nasabe masyado bout sa post, laseng ako nun binasa ko mag-3am na yata un kanina, kaya d n ko masyado nkapag-comment.

        wala bang party para sa pagbabalik mo? ahehehe 😀

        Like

  3. kung hindi ukol hindi bubukol. kaw tlga.
    ako naniniwala akong kaya mong kalimutan ang
    isang bahay kahit na sobrang hirap.
    oo, mahirap. hindi ko iyon itinatanggi
    pero ang sugat madaling maghilom kung hindi
    ito tinutuklap ng paulit ulit.

    Like

      1. naku naku! mga katwiran tlga oo. khit nga mga diabetic, gumagaling sugat e, basta may disiplina, tamang diet, exercise at ampalaya plus! ahahaha! 😀
        kaya ikaw, dapat ganun din. paghilumin mo yang sugat mo. 😉

        Like

          1. wag kang mawalan ng pag-asa otep. (tigas ng ulo mo ah!)
            pede pa yang heart transplant! ahehehe… kaylangan mo lng ng donor. di mo mahahanap un hanggang ganyan ka. 🙂

            Like

            1. hindi ko kailangan ng donor, kailangan ko true love. yung handang ibigay ang puso n’ya ng walang kapalit. yung hindi napilitan.

              kaso yung ibibigay nga pero mawawala din, kahit di na.

              mas gugustuhin ko pang manahan sa bayan ng Madiaga kung saan walang pag-ibig, tatanungin ko nga si Ricky lee e kung saan yung bayang walang pag-ibig.

              Like

              1. “yung handang ibigay ang puso n’ya ng walang kapalit” — exactly, kung di binigay sayo ang puso, di sya ang true love na para sayo, wag ipilit. ok? (naku, makukutusan na kita… ;))
                tumingin sa paligid, ung true love mo, hinihintay ka pero nasan ka? nagmumukmok. dalawa na kayong malungkot nyan. tsk tsk tsk…

                walang bayan na walang pag-ibig.

                Like

                1. meron nga sabi ni Ricky Lee, sa bayan ng Maldiaga. Kumuha ka ng Globo tapos paikutin mo tapos makikita mo dun ang isang bayan ng hugis papaya doon ang maldiaga.

                  e bakit ba, siya nga ang gusto ko kahit ayaw n’ya, tanggap ko na wala na, pero hindi ko naman pinipilit na bumalik s’ya. gusto ko lang malungkot. 😛

                  tama! nasa paligid lang ang true love ko, pero hindi nya ako hinihintay. haaay naku naman, bakit ba ang hirap intindihin ang mga pusong sawi?

                  Like

                  1. ok payn. matigas ka ha.
                    enjoyin mo yang kalungkutan mo. pakalunod ka. pagkatapos ano?
                    face the reality otep, wala na sya, di na babalik pa. cnong talo? sya? o ikaw? walang nanalo sa inyo, pareho kayo nahirapan for sure. pero anong balak mo? namnamin ang putik mula sa pagkakadapa? masarap ba? sa tingin ko ndi. mas masarap ang white forest ng red ribbon! kaya bumangon ka na dyan. ahahaha 🙂

                    Like

                    1. siraulo, nangengeelam ng avatar ng may avatar lols. nyahaahah..

                      sige! pagsigawan mo na wala na s’ya. pagkalat mo na di na s’ya babalik. mara mapuno na ng putik ang puso ko. tapos magkakabulate tapos uurin habang buto na lang ang matira. teka may buto ba ang puso? toinks.

                      oo naman mas masarap ang white forest pero mas masarap kung may ice cream kasama.. torneto hehehe..

                      Like

  4. epling buti namn may kasama ka nong ngbertday ka. atleast. di ba?
    kalokohan mo tlga.
    patuloy kang tumitingin sa kwalan ng bitwin eh samantalang may
    mga gasera ka namn hawak…

    Like

        1. naku naman.. kahit anong ilaw n’yo sa’kin hindi na magliliwanag puso ko. nakakulong na ito sa itim na tela. ayoko na lumabas sa publiko na masaya kahit hindi naman.. bigyan nyo man ako ng spot light ngingiti ako pero nakasimangot naman sa loob. naman…!

          Like

      1. haha, totoo yan… minsan, kapag wala ka ng makausap na matino, yung tipo bang makikinig lang sa’yo, yung sasang-ayon sa’yo, yung hindi magpapayo ng kung anu-ano…blog lang ang pwedeng makagawa nun…

        madalas nga, mas marami pang alam ang blog ko kesa family at friends ko…

        move on? wag muna… experience the pain muna, then you;ll get used to it eventually.

        Like

        1. hahaha natawa ako dun ha.. lahat na nang tao sa blog nagsabi mag move on ako, tapos ikaw pinipigilan mo ako. cool.. totoo yan mas masarap mafeel na malungkot at masakit. Kaya siguro maraming gustong maging emo sa mundo.

          Like

  5. Una, Happy birthday! Di man lang nagpakain 😀
    Pangalawa, huwag kang maniwala kay Ricky Lee dahil walang kota ang pag-ibig. Napapaisip nga ako kung ang pag-ibig na tinutukay nya sa libro ay yung pabahay ng gobyerno, dun kasi napakaraming kota at requirements kung paano magloan. 🙄

    Basta, para sa akin, taeness ang libro na yan. 😛

    Like

    1. hahaha.. negative pala ang review mo sa libro. sa totoo lang nagustuhan ko ang twist ng kuwento saka iba-iba naman kasi ang kuwento ng bawat karakter. yun nga lang may iba’t ibang paraan kung paano natin magugustusan ang libro hehehe..

      natawa ako dun tama PAGIBIG ni Kabayan yung tinutukoy dun. toinks!

      btw, mamats sa bati 🙂

      Like

  6. Di ko pa rin tapos basahin ‘to. Ewan ko ba. Pero ang dami na talagang nagsasabi na maganda daw ‘to. YAY. ANg loser ko. Hakhak. O kitamo. Time machine…Babalik ang oras, pati ikaw sa pagbblog. Hinay lang kasi sa pagbblog. Mamimiss mo din ‘to. 🙂

    Like

  7. labstory na naman? ilang beses ko bang sasabihin sa iyo otep na di uso yan… na ang bagay na yan sineseryoso nalang kapag matanda na tayo, na di dapat papa apekto sa anomang resulta nito sa atin, dahil kung totoong pag-ibig yan hindi ka magkakaganyan… naks… hehe…

    nwei, atlis nabuhay ka na uli… hehe pero nagtatampo parin ako dhail di niyo ko dinalaw ni leitot… 😉

    Like

  8. nabasa ko na ang librong ‘to at sa totoo lang natuwa ako sa kanyang pagkakasulat! may pagkamoderno na maypakaclassical. di ko ma-explain. basta ang cool. nakakatuwa din. at halos lahat na lang napakasad ng ending! nyahahah! ewan ko pero nalaptrip ako dun sa nabuhay mga karakters! amfufufu! apir!

    Like

      1. teka lang… irerecall… ang tagal ko na rin kasing nabasa ang libro eh. trip ko yung ano napunta siya sa ibang mundo. yung walang pakiramdam ata yun. yung lalake eh naging tulala na hanggang sa namatay hanggang si babae eh nakahanap na ata ng iba… yun yung gusto ko. hakhak! (naway nagets mo…)
        nawiwirdohan talaga ako dun sa katulong at dun sa babaeng bida. nakngtokwa. tibo? buti na lang at hindi happy ending!

        Like

  9. nakakapanghinayang ang panahon sa pagbabasa ng isang librong malinamnam nga pero wala namang sustansya.

    nakakapanghinayang din kung tutuusing may pangalan siya.

    kung binasa mo ang librong para kay b, mauunawaan mo.

    Like

Leave a comment