UMI-EFFECT DIN PALA ANG PAGPAPARINIG!


Naging maguluhan, I mean makahulugan ang nakaraang linggo sa akin. Hindi ko alam pero… para akong nag-around the world para kitain ang pinaka-mamahal kong mga kaibigan na may kanya-kanya na ring buhay ngayon. Dumating pa ako sa punto na akala ko iisang tao lang ang dalawang taong kausap ko. Mabuti na lang magkaiba sila ng oras hahaha.

Tila hindi kami maubusan ng kuwento habang ako nama’y paulit-ulit na kinukwento ang mga kaganapan ko sa buhay.

SI TANTAN AT ANG KANYANG JUNAKIS

67521121_2324696561124611_191310011006189568_n
Otep, Chachi and Tantan

Wala pang anak ‘tong si tantan kilala ko na ‘to. Ito ang takbuhan ko kapag nauubusan na ko na budget hahahaha. Sobrang namiss ko ‘to. Ngayon may Junakis ns s’ya na inaanak ko daw. Saka na ko babawi sa Debut mo. hahaha. Mahirap ninong mo eh!

SI ROBIE: ANG TEXTMATE NI MAMA

67568421_434489477281140_5523412523446960128_n
Robie and Otep

Hindi ko alam kung ano pinag-uusapan nila, pero laging bukang bibig sakin ‘to ni Mama. Feeling ko bina-backstab nila kong dalawa hahaha. 😀

Si Robie ay naging classmate ko nung kumukuha ako ng Technical Education course sa TUP Manila. Proud ako sa ka-batch ko kasi nakapasa sila lahat. (Kasi last batch na daw yun kaya pinasa silang lahat hahaha lol.) 😛

SI JASON HAMSTER: ANG TAKBUHAN

67604244_801011896967639_8521181292396544000_n
Otep and Jason Hamster

Si Jason Hamster – sikat na blogger, inamag na ng panahon ang pagkakaibigan namin nito. Feeling ko nga kami ang pioneer ng mga wordpress bloggers sa sobrang tagal na namin magkakilala hahaha.. sayang hindi na active yung mga peeps blogger namin. Namimiss ko na rin sila 😦

Ang tanging masasabi ko lang.., ang tunay na kaibigan – nagpapautang! Thank you boss sa pagbabahagi ng yaman hahahaha.

SI LESTER: LAKAS NG TAMA!

67677132_908248929509718_5717451676932112384_n
Lester and Otep

Sa lahat ng nakilala kong tao, ito yung hindi ko ma psycho ang pag-uugali. Galante ‘to taong to. Pero mabilis din mag mind changing. Nakakabadtrip! May sense naman kausap, yun nga lang madalas hindi ko talaga masense mga iniisip nya hahaha. Ganun naman ang mga kaibigan kanya-kanyang attitude lang yan. Nacha-challenge ako sa taong ito. Salamat sa oras!

ANG WALONG MANLALAKBAY, BAKIT NAGING LIMA NA LANG!? LOL 😛

67567876_2550991758286843_6792695000023957504_n
Renz, Bern, Joan, Norven & Otep

Sa wakas! Matapos ang mahabang panahon, muli na naman kami nagkita-kita. May mga nakakagulat nga lang na mga kaganapan na hindi ko inaasahang malaman. Well, ganun talaga ang buhay hindi natin maiiba ang nakasulat sa kanya-kanya nating tadhana. Kaya natin yan!

Namiss ko kayo mga baktol! Asensado na tayo! dati Starbucks lang tayo ngayon ibang coffee shops na!

Maraming salamat mga baktol! Kahit tatlong beses ko na napanood ang “Hello, I love you, Goodbye” hahaha

Walang forever! LOL.

Salamat mga baktol! sa susunod uli!

Ito ang patunay na tuluyan na nga akong nilubayan ng sakit ko dahil nameet ko na kayong lahat, sa mga hindi ko pa namimeet next na kayo 😀

Namiss ko kayo!! ❤

2 thoughts on “UMI-EFFECT DIN PALA ANG PAGPAPARINIG!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s