(DAY 70/366) SI MAMA AT ANG BUHAY PAG-IBIG NG KANYANG ANAK


Anila nabuhay tayo dahil sa pagmamahal. Inuulit ko! Nabuhay tayo hindi lang dahil sa libog kundi mayroon talagang pagmamahal. 😀

Maswerte akong nabuhay dahil doon at lumaking may kinikilalang magulang sa tabi ko. Marami mang pagkakataon na hindi kami nagkakasama dahil kailangang masakripisyo ang isa para mabuhay kaming may kinakain sa araw-araw, masasabi ko pa ring kami ay buo.

Kahit pa minsan na lang sa isang buwan magkita ang mga magulang ko noon, hindi nagawang magloko ang isa sa kanila. Naniniwala akong mayroon silang tiwala sa isa’t isa ganoon din ang obligasyon nila sa mga anak na palakihin ito (kahit hindi naman talaga ako lumaki. Hahaha) Ganoon pa man, kahit wala na ang erpat ko, hindi ko matandaan na pinagbuhatan ng kamay ng erpat ko si Mama. Proud ako doon! Dahil ang totoong lalake at totoong pagmamahal, hindi nananakit! Mapa-pisikal man o emosyonal.

Minsan nga nabanggit ko na rin kay mama na mag-asawa na lang uli ganoong 14 years na ring tegi si papa. Pero pabiro na lang kaming sasagutin nito ng “hay naku! Kukuha lang ako ng sakit ng ulo” pero sa lahat ng sagot na naririnig namin mula sa kanya sa tuwing bubuksan ang usaping pag-aasawang-muli ay ang mga katagang “Walang kapalit ang Papa mo!”. Sa ngayon, masayang nabubuhay-biyuda si Mama, Pero hindi din. Sumpa pa rin kaming mga anak nya sa kanya. Hahaha. 😛

Mahal na mahal ko ang Mama ko. Kung hahalungkatin ko ang lahat ng sakripisyong ibinigay nya sa akin ganoon din sa mga kapatid ko sasabog ang laptop ko sa daming memoryang ipapaloob ko dito.

Kaya minsan, kapag nakagagawa ako o gagawa na naman ng pauulit-ulit na kamalian at sakit ng ulo dahil hindi naman akong perpektong anak, nahihiya na rin ako. Pero sa lahat ng kahihiyang pwede kong gawin sa kanya ay ang katotohanang hindi na lang ako ang nanloloko sa kanya kundi ang iba. 😦

Madaming beses ko ng nai-status sa mga social media account ko na “Yung mas concern pa si mama sa lovelife ko kaysa sa’kin”. Totoo naman yun. Minsan nga yung inaakala kong pagkakataon na ako ang kakampihan nya sa tuwing magsusumbong ako sa kanya na may umaaway sakin, ako pa pala ang pagagalitan! Doon, imblis na mag emo ako, matatawa na lang ako. Hahaha. #epic!

Minsan totoo din pala yung kasabihan o yung naririnig natin na kung sino ang minamahal ng anak, ay syang mamahalin din ng magulang natin dahil ituturing na din nila ito bilang tunay anak nya. Ang sweet di ba? #FU!

Pero tang ina talaga! Kapag naalala ko ang pagkakataong sinabi nya sa magulang ko na mahal nya ako. At ngayo’y hindi na mapanindigan ito. Napapamura talaga ako at damang-dama ko yung sama ng loob kasama na doon ang  katotohanang hindi na lang ako ang niloko nya pati ang nag-iisa kong magulang!

Ayoko sanang sabihin ito, pero ano kayang mararamdaman nya sakaling nagkapalit naman kami ng pwesto? Pakiramdam ko talaga hindi na lang ako ang nababastos dito.

Sana maunawaan nya kung bakit may mga taong hangga’t maari ay ayaw munang iduktong ang personal na buhay-pagibig sa pamilya nito. Nakakahiya!, nakakapanlumo at nakakalungkot. Pero anong magagawa natin sa mga taong tanggap nya sa sarili na hindi nya na kayang labanan ang sarili nyang kahinaan, na sa kahinaan nya na iyon madami syang nasasaktan. Marami syang naloloko at patuloy na nadadagdag dahil sa isang malaking kahibangan.

Sa huli, anu’t ano man ang madaanan at maranasang kabiguaan ng isang anak patungkol sa buhay-pag-ibig nito, makasisiguro tayong mayroong isang magulang na kaya tayong damayan, na nandyan sa tabi natin, kahit isa na naman itong pagtatraydor, dahil alam ko at alam mo na hindi na naman tayo ang kakampihan nya! Hahaha.

Pero ang totoo, gusto lang nila na iparamdaman sa atin na matapang tayo! Na kahit walang kumampi sa atin, alam nating malalagpasan natin ito. Hindi lahat ng oras nasa tabi natin sila. Kaya matuto tayong maging Matapang sa lahat ng panloloko!

#MomKnowsBest #BitterLang.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s