(DAY 71/366) RECIPE: ADOBONG MANOK


Muli na naman akong nautusan para magluto ng Adobo. Pero sa pagkakataong ito hindi na Adobong Isda kundi Adobong Manok na. Sisiguraduhin kong hindi na sila maglalasang paksiw. haha 😀

Bago ang Lahat ihanda muna natin ang mga ingredients.

    • Bawang
    • Sibuyas
    • Mantika
    • Toyo
    • Suka
    • Laurel
    • Asukal
    • Itlog
    • Masig Sarap – Mix
    • Manok (syempre) 8 na leg-part.
  1.  Una, ilaga muna natin ang mga itlog,(yung iba sinasama na nila habang niluluto yung adobo na may balat.)
  2. Habang nilalaga ang mga itlog, simulan ng hiwain ang mga bawang at sibuyas.

    89605640_206043867314672_6691020264995553280_n
    Mga sangkap ng Adobong Manok
  3. Ihanda ang kaldero/kawali, ilagay ang mantika at magsimulang igisa ang bawang at sibuyas.
  4. Matapos igisa ang bawang at sibuyas, maaari nang ilagay ang mga manok. Haluin ang mga rekado sa manok. Maari na ring ilagay ang dahon ng laurel at paminta.
  5. Pagkatapos gisahin ang mga manok, maari nang ilagay ang toyo at suka. Siguraduhing Mas marami ang toyo kaysa sa suka.
  6. Pakuluin ito hanggang lumambot at maluto ang mga manok.
  7. Sa sandaling malambot na ang karne ng manok, maari na ring maglagay ng asukal para mabalanse ang alat at asim. Maaari na ring maglagay ng seasonings.
  8. Pakuluin ito ng ilang minuto.
  9. Habang nagpapakulo. Maari ng balatan ang mga itlog na inilaga. Isama na ito sa kumukulong suka at toyo para kumapit din ang lasa sa mga itlog.
  10. Pagkatapos ng limang minuto, luto na ang adobong manok mo!
Adobong manok
Adobong Manok ni Otep with Egg.

Hanggang sa susunod kong recipe!

Masarap man o hindi, libre pa ring mangarap na magugustuhan din nila mga luto natin! hahahaha. 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s