(DAY 74/366) CLASSMATE KO ‘YAN! (WALANG UMAANGKIN!!) HAHA


November 07, 2007 – Sinong hindi nakakaalala sa araw na ito? araw lang naman ito ng concert Beyonce dito sa Manila., Pero hindi iyon ang pinaka-aantabay ko sa araw na ‘to, kung hindi ang awarding ng 4th Shell National Student Art Competition na ginanap sa Ayala Museum..

untitled-1.jpg
Clip from Manila Bulletin Nov. 14, 2007

Isa lang naman ang classmate ko na si Norven L. Valenzuela sa 100 Finalist na napili at kabilang sa 63 finalists mula sa Oil/Acrylic Category.

At ang maganda pa dito dinala n’ya ang karangalan ng Technological University of Philippines-Manila lalo na ang aming kurso na Graphic Arts and Printing Technology nang mai-uwi niya ang honorable mention sa nasabing kategorya.. wooo hooo…!!!

1fff.jpg
Our Supportive Teachers: Mr Alexander Marfil, Mr. Noel Bulawan, Norven Valenzuela and Ms. Sumagaysay

 

Ang nasabing painting sa wari ko ay patungkol sa mga nagmamahalan subalit dahil sa mapaglarong tadhana ay napaghiwalay/pinaghiwalay sila. Patungkol din ito sa mga taong nangingibang bansa upang itaguyod ang kanilang mga minamahal na naiwan at iniwanan dito sa ‘Pinas. kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit “Wish you Were Here” ang titulo nito.

ot2
Norven Valenzuela while receiving his award.
ot44.jpg
“Wish You Were Here”
36”x36”
Oil on Canvass

 

ot3.jpg
Si Norven at ang kanyang Winning Painting

Ayon naman sa kanya:

“Ito ay patungkol sa mga taong naiwan ng kanilang minamahal para mag-abroad, gaano nga ba nila ito nami-miss at laging hinahangad na sana, nasa tabi nila.”

4 thoughts on “(DAY 74/366) CLASSMATE KO ‘YAN! (WALANG UMAANGKIN!!) HAHA”

  1. @wink..
    uu nga galing ng GAPT..
    bakit mo naging studyante si Norven?
    ibig estudyante n’yo rin ako..
    Nyahahahahaha!!

    wait n’yo winner piece ko… nyahahahahah!!! (“,)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s