OUT OF STOCK


Medyo busy-bisihan ang lolo Otep n’yo ngayon dahil sa tambak na trabaho sa opisina, kaya patawad kung hindi ako makasagot agad sa mga komento n’yo at makapagkumento din sa mga bahay n’yo. Pero dahil may kuwento ako ngayon ukol sa Plano ko, break time muna tayo sa trabaho, itatabi ko muna ang mga folder, envelope at mala-rim ng bondpaper sa kapal na ile-layout ko.

Kanina pumunta ako sa National Book Store para kuhain ang pinareserved kong Libro ni Stephenie Meyer na Twilight, pero bago ko muna nakuha ‘yan medyo nag-init ang dugo ko at parang gusto kong mangagat ng tao. At kung hindi ko nagawang magalit siguro hindi ko pa makukuha ‘tong Libro.

Dahil nga isa sa mga Plano ko ang pagtitipid ngayong taon. Nag-isip ako ng paraan upang makaiwas sa Mall, at ito nga ang bumili ng Libro para manatili na lang ako sa bagay tuwing weekend. Kaya ganun na lang ang pagmamadali kong makabili.

Hindi ko gusto ang magbasa ng english novel, at ganun din naman ang novel di rin nila gustong basahin ko sila. Marunong naman ako magbasa hindi ko nga lang naiintindihan 🙂

Sana pagdating ng mga araw kahiligan ko na ‘ito, tutal kinahiligan ko naman ang Twilight sa Sinehan at hanggang ngayon pagnaaalala ko ang mga scene kinikilig pa rin ako hehehe (hindi bagay sakin). Sana magkaroon din ako ng Silver Volvo.. at sana tulad rin ako ni Edward na palay na ang lumalapit sa manok para tukain. Sa totoo lang parang gusto kong pumuti tulad ni Edward, di ko lang alam kung paano ko sisimulan.

  • Kung lumaklak kaya ako ng Metathaione o Glutathaione?
  • Eh kung wag kaya akong lumabas ng bahay?
  • Maligo kaya ako sa suka?

Gusto ko ring maging kasing tangkad ni Edward di ko rin ‘lam kung paano sisimulan?

  • Lumaklak din kaya ako ng Premium Cherifer o kaya Gloxi?
  • Pabanat ko kaya buto ko?
  • Matulog ng one month?
  • Pakalunod sa Gatas?
  • o Magsuot na lang kaya ako ng sapatos na may taas na 5 inches?

Masyado na akong insecure kay Edward O pag mas lumala parang gusto ko na rin magpakagat kay Edward. lols. (nabading bigla) nyahahahhaa.

Ayun. senya na na Twilight fever lang ako..

Ayun. Edi nag pareserved na nga ako sa National Book Store

Sinulat ko ang Name ko, Tittle of Book, Tel. No.

Kahapon tumawag sakin ang isa sa isang staff nila.

  • “Sir, may arrival na po ng Book na pinareserved nyo, kailan n’yo po kukuhain? Hanggang bukas na lang po ‘to”
  • sabi ko: “sige po bukas na lang po blah.. blah..”

Maya-maya pa may tumawag uli sakin.

(ibang staff na) 8:30

  • “Sir, hanggang ngayon na lang po ‘tong pinareserved nyo kailangan na po naming i-release ngayong araw.”
  •  “huump.. e kanina lang po ako tinawagan na meron na po yung pinareserved ko”

Medyo nagtataas ng boses ang ate mo kaya tinaasan ko na rin ang boses ko.

“E miss sinabihan naman ako nung nakausap ko kanina na bukas ko kukuhain, e di kung sana kung di s’ya pumayag kahit sumaglit ako d’yan kanina nung maaga-aga pa, anong oras na kaya tingin mo aabot ako d’yan ngayon!?”

(gusto ko ng murahin)

“sir, kailangan na po kasing i release ‘to ngayong araw” (inulit pa)
“miss, alam mo ba ibig sabihin ng reserved? kaya nga reserved di ba, para hindi na makuha ng iba?
“o sige sir bukas ha.”

Daming alam, papayad din pala.

Ewan ko ba kung anong meron sa twilight kung bakit, nauubos ang mga stocks sa mga bookstore..

Sana magkaroon din ako ng book tapos gagawin ding movie, tapos pag-aawayan din ako ng staff saka customer.  In my dreams. lol. 😛

13 thoughts on “OUT OF STOCK”

  1. meron na kong twilight at new moon..may bundle promo dito sa KL. nabili ko ng rm50 lang yung dalawa. (rm1=php13.50) so medyo nakadiscount talaga ko.

    yung eclipse at new moon pinareserve ko pa lang.although meron na kong ebook ng 4 na to, iba pa rin pag libro talaga.

    enjoy reading parekoy. :p

    otep: wow..! sa totoo lang di naman ako palaba ng english book at hindi ko pa siya sinisimulang basahin..

    yung sa likod papalang..

    “about three things I was absolutely positive. Firts, Edward was a vampire. Second, there was a part of him- and I didn’t know how dominant that part might be that thirsted for my blood. And third, I was unconditionally and irrevocably in love with him”..

    nyahahahaha kinabisado..

    P.S Parekoy KL means? KUALA LUMPUR? sa Malaysia?

  2. sa awa ng diyos di ko pa siya nababasa, hihintayin ko na lang siya sa local library dahil kung ayaw mo guamstos aba eh lalo na ako! recession pa naman! pero ang kulit din ng sales lady ah! di naman siya napra- praning nyan eh no? hmp! ^^

    otep: nyahahaha natawa naman ako nun, ako naman kahit may book na hindi ko pa rin nababasa. gusto ko kasi isang upuan lang 500+pages 🙂

  3. wala ako masabi this time kasi hindi ako fan ng twaylayt. gayunpaman mag enjoy k alang pag naka kolekta kana ha?

    otep: hehehe.. ewan ko ba nakakaadik twilight, para kasi sa’kin hindi lang s’ya basta love story.. astig!

  4. ay sira ulo naman pala yung miss na yun.. sna binanatan mo na 😀 hahaha. ^^ try mo harry potter.. haha.. pambata pero okay lang.. hehe.. di xe ako mahilig sa love story… kea yun ang gs2 ko, mga tipong REALITY.. prang HARRY POTTER.. ahahah 😀 tae.. baliw.. ^^

    ge aun.. mgpakasaya ka sa pagbasa!

    –gudang!

  5. sana pinakuha mo yung staff ng dictionary saka mo pinabasa yung dscription ng reserve tapos pinaexpalin mo kung anu pagkakaintindi nia para natauhan.hehe

    di ko pa napanood yan di pa din nabasa.wala lang hehe..

    uhmmm add na kita sa broll ko para mas madali kitang madalaw huh..

  6. padaan ulit parekoy para sabihing:

    you were TAGGED whether you like it or you like it.haha. please visit my site and read my latest post. you’ll see what i’m saying. thanks. :p

  7. Agree ako kay theChaospilot. Nabasa ko na ung una at mahihiram ko na mamaya ung pangalawa. korni talaga ang storyline at walang appeal. puro pantasya ni meyer ang laman ng libro niya.

  8. wala naman akong sama ng loob sa twilight, un nga lang hindi ko nkahiligan gaya ng maraming tao. siguro, napapanahon siya kaya in-demand. tingnan mo at lilipas din yan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s