(DAY 76/366) PAANO BA MAG MOVE ON!?


Napakadaling sabihin, pero habang tinatanggap ng tenga ‘ko ang mga salitang ‘yan mas lalong bumabalik sa’king isipan ang lahat ng masasayang araw namin. Ayokong mag-emo ngayon, pero ito na lang ang paraan ko para mabawasan ito. (pasensya na)

Ilang araw na rin akong hindi makakain (bukod sa wala akong pangkain lols). Mahigit isang linggo na rin akong di nakakatulog kakaisip ng kakaisip, at kasabay ng pag-iisip hindi pa rin mawala ang mga lingid ng luha sa mga mata ko.

Ilang araw na rin akong di pumapasok sa part time job ko sa Makati, pero pinilit kong pumasok ngayong araw para sabihin na ito na ang huling araw ko dito dahil kailangan kong bunuin ang isang buwan ko sa fulltime work ko sa Maynila kung saan hindi naman nila ako direktang tini-terminate at kusa na rin akong nagresign. Mayroon akong isang buwan para mag alsabalutan at isang buwan para makahanap sila ng hahalili sa’kin.

Noong araw kasi na sinabi n’ya sa’kin na mas makakabuting maging mag-kaibigan na lang kami (ewan ko, kung iyon yung sinabi n’ya pero parang ganun na rin. Gusto ko kasing magbingi-bingihan habang nagsasalita s’ya), hindi na natahimik ang utak ko kakaisip kaya nagka-leche-leche na ang mga gawa ko sa opisina. Oo, dahil sa’kin dalawang magkasunod na araw nawalan ng kopya ang dyaryo namin sa Visayas at Mindanao.

Hindi naman ako direktang napagalitan ng Presidente ng kumpanya, ang kaso yung manager ko naman ang nasabon at ang masakit hindi ako nagawang pagalitan ng manager ko, kaya iyon ang masakit, dahil sa sarili mo ay guilting-guilty ka sa pangyayari.

Late ko na kasing napapasa sa pre-press ang layout ko at syempre hindi naman mabubuo ang dyaryo kung wala itong pahinang 4 & 5 na hawak ko.

Napakasakit sa parte ko na naglaho sa’kin ang isa sa pinaka magandang pangarap na nakamit ko -ang makapagtrabaho sa Dyaryo, pero dahil hindi ko ito naalagaan at dahil na rin sa naapektuhan na nito ang pagkawala ng isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko… tila naparalisa ako, kaya hindi ako nakagalaw ng mabuti.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang mga ginagawa ko, may trabaho pa ako ngayon, paano na susunod na araw?, hindi ko kayang maghanap ng bagong trabaho dahil sa sitwasyon ko, isa pa hindi iyon ganoon kadali!

Sa ngayon, dahil laging kulang ako sa tulog kakaisip na mga walang kakwenta-kwentang bagay sa buhay ko, nakadarama ako ng madalas na pagsakit ng tiyan at ulo.

Kanina sa Jeep halos gusto kong maduwal sa biyahe at ngayon na lang uli nangyari sa’kin ito makalipas ang madaming taon. Epekto ito ng pagpapabaya sa sarili. Gusto ko ng magpaka-normal! gusto ko ng magsimula at bumalik sa umpisa! Pero bakit ang hirap!? Ang hirap pa ring tumawa at ngumiti dahil alam kong pagtalikod mo ay nakanguso ka na naman.

Isa pa sa dahilan kung bakit hirap na hirap akong maka move on dahil wala akong ni-isang kaibigan sa tabi ko, ni-isang kapamilya wala akong kasama sa tabi ko, ni-wala akong makausap bukod sa blog ko -Ang hirap!

Marami na rin akong nabasa ukol sa “kung paano makaka-move on” pero walang epekto e. Siguro mahirap lang talaga sa’kin dahil nagkasabay-sabay lang talaga ang problema ko.

Sana matapos na agad ang buwan kahit kakaumpisa palang nito, sa ganoon makapag pahinga muna ako bago sumabak sa mga job interviews na pupuntahan ko.

Nangangarap ako sa sarili na sana maabot ko din ang kalayaan ng utak ko, malayong-malayo sa napakasakit na nararamdaman ko ngayon.

Nauupos na talaga ako, sa isang sandali baka hindi ko na makayanan. (Puta! ayan na naman luha ko).

Tapusin na ‘to.

Sa huli, mapapatanong ka uli. Paano ba mag move on?

66 thoughts on “(DAY 76/366) PAANO BA MAG MOVE ON!?”

    1. mahirap ngang makaalpas ng biglaan sa mga ganyang sitwasyon subalit kung sa tingin mo ay madami ng masamang naidudulot..you really have to think on how to move forward (step by step) though it continuously hurts you a lot until everything will end up well…

    1. I just want to give you the assurance that there will always be people who who will be willing to listen to you – without passing any judgment. All you need to do is to take the first step of reaching out to them. Sometimes, the most crucial step is to admit that we need help and we need someone to help us through. Along with this admittance comes the need to reach out…

      I have not and will not say that you move on now… Not yet… When we come face to face with tribulations, sometimes it is best to face it head on. In this process we learn more about ourselves, we may gain true friends and most importantly we gain strength – only then would it be worthwhile to shake the dusts on our shoulders and move on… 🙂
      Healing is better this way, and when the circles of our own life and this trial meet again, we will be better equipped.

      God bless!

      1. wala na akong maidadagdag jan sa sinabi ni mark
        kaya makinig mabuti ah este basahin at pag nilayin….
        🙂

        MOve on??? hmmmm ako kahit papaano nagawa ko na after 5 months 🙂

      2. @CWW

        wow naman parekoy..

        ang gaganda talaga ng comments mo 🙂

        sabi ko nga aayos din ‘to..

        hirap lang talaga humagilap ng kaibigan sa mga ganitong mga panahon.. buti nga may blog e 🙂

  1. Gusto ko mahaba ang sermon ko pero baka exit interview din ang kauwian ko.

    Otoy Otep, malawak ang mundo, bawat pagbasak hindi mo ba kayang tumayo?
    Pag nagkamali ulit, pag inulit- sinasadya na yan.

    Kung gagawing gabay ang mali, mas tatayog ka, mas magkakaron ka ng linamnam sa paningin ng iba.

    1. sa unang pagkakataon, nagmahal ako ng sobra sobra, masyado ako nag expect at umasa, naniwala sa mga pangakong hindi na ako malulungkot. Ganoon pala talaga ang naniwala ka sa pangakong napako.. sobrang sakit.

      Siguro dahil mas pinaniwalaan n’ya ang isang tao kaysa sa’kin.

      aw.

      1. masakit parang unang ulos..maliban na lamang kung nagkukunwari lamang.

        Bakit masakit? Dahil nagbuhos ka ng pagmamahal? Bakit masakit? Dahil nong nagmahal ka ba, naghihintay ka ng kapalit? Makasarili ka kung ganon.

        Kapag nagmahal ka, todo-bigay pero minsan dapat pala may ititira kang pagmamahal sa sarili mo.

          1. Anong gusto mo magmamahal ka o ni minsan ay hindi mo mararamdaman ito?

            Wow hanep, kala mo naman si J.Kulisap ay umaapaw ang pagmamahal. Hehehe

            Mahirap mahalin ang baliw na J.Kulisap, duguang uuwi ang magkakamali.

            1. oo nga J.Kulisap parang damang dama mo post ko.

              NYahahahahhhhaaha

              yaan mo sila, pare-pareho lang ang mga nang-iiwan. toinks.

              bitter. Nyahahahahahhaaha

              hug* parekoy*

  2. hi otep….

    what you are feeling right now is but NORMAL… di nahihilom ang sugat ng isang tulog lang… its a process, and sometimes a lifelong process if you will allow it.

    nwei, thou sabi mo nga kahit anong basa mo ng about moving on at letting go eh parang wala pa rin still just wanna share you my posts on that:

    http://yhen1027.wordpress.com/2008/08/14/the-art-of-letting-go/

    http://yhen1027.wordpress.com/2008/05/09/time-to-go-time-to-let-go/

    ayan sna makatulong… 😉

    1. yhen yhen, ilang gabi pa ba ang ilalagi ko sa kama na hindi nababasa ang unan ko?

      ang tagal pala.

      sana nakukuha lang yun sa isang tulog o isang lagok ng beer 😦

  3. hmmm..hnd ko masabing move on kc alam ko kung gano yan kasakit..

    kaya eto, gawin mo to..(based on experience to ha kaya kung ako sau basahin mo to pag nasa bahay ka na ng mag-isa..)

    ilabas mo lahat ng saket, minahal mo siya tapos ginanyan ka nia..

    bket, kulang b lahat ng ginawa mo para sa kanya?

    iiyak mo yan..

    ngayon na, habang binabasa mo to..

    iyak pa..

    cge lng, hnd ka namin nakikita, iiyak mo..

    kung hindi pa sapat, kumuha ka ng papel @ bolpen, isulat mo lahat ng saket na nararamdaman mo…lahat ha.. siguruhin mong wala kang makakalimutan..

    tpos kumuha ka ng posporo or lighter sunugin mo ung papel.. tingnan mo un habang unti-unting nasusunog..hayaan mong maging abo ang lahat ng saket na nararamdaman mo…

    (pakana ko lang to pero in my experience, EPEKTIB!) hope ul b olryt..

    1. balde balde na nailuha ko at pag nakikita ko kasarili ko natatawa na lang ako dahil hindi bagay sa’kin Nyahahahaha

      pero one night try kong gawin yan..

      tapos idikit ko sa kurtina yung apoy.

      pero ilalock ko muna yung pinto tatapon ko yung susi sa labas..

      ayun kasama akong natupok ng apoy.

      tapos ang problema 😀

  4. naexperience ko na yan before..basta always remember, there’s no coincidence in this world. everything happens for a reason. hindi ako magaling magpayo pero kung gusto mo ng kausap, ym mo lang ako (pag hindi busy)..

    1. at maraming changes..

      pero mahal na mahal ko s’ya.

      nakakainis lang kasi parang ang dali lang sa kanya.

      kasi sya may kaibigan s’ya, mas pinakinggan nya yun, kaysa sa’kin at kung ano ang nararamdaman nya,

      yun ang nakakalungkot dun.

  5. halooww….

    Brod Otep, nakaka relate ako sa pinagdadaanan mo ngayon, dahil nangyari na rin sa akin yan. Akala ko wala ng pupuntahan ang buhay ko, akala ko katapusan ng ng mundo para sa akin. Pinabayaan ko sarili ko pati trabaho ko naapektuhan…..

    Mali pala ako….

    Hindi dun natatapos ang buhay natin, mayrun palang mas magandang buhay na naghihintay.

    Hwag mong sayangin ang magandang oportunidad na nasa iyo na, ang love darating ng kusa iyan, hindi mo alam nasa tabi mo lang pala. Minsan sa sobrang atensyon natin sa minamahal natin, hindi natin napapansin meron palang mas higit na nagmamahal sa atin na nasa paligid lang.

    Hindi ko alam kung ano na ang age mo pero sa tingin ko bata ka pa, marami pang darating sa buhay mo, may masaya syempre may malungkot. Experience teaches as to be a better person and not to make the same mistake.

    Sabi nga sa KungFu Panda:

    “Yesterday is History…
    Tomorrow is a Mystery….
    Today is a Gift…that is why it is called Present”

    1. wow, gustong -gusto ko ang mga comment na ganito

      tama tama!

      natatandaan ko din yan sa Kung Fu Panda

      saka yung:

      “There’s no accident…..”

      maraming salamat..

      oo tama ka daming naapektuhan 😦

  6. Ayos lang iyan tol
    Dumadating sa bawat tao ang mga bagay na ganyan sa kanilang buhay.

    Di din masamang ikwento ito. Kasi minsan kailangan din natin ng iba na tumulong sa atin at makausap natin.

    Magigising ka na lamang ng isang araw na hilom na ang mga sugat.

  7. ang masasabi ko lang..ahmmm wag mong pilitin ang sarili mo na mag move on agad..ganyan talaga after the break up asahan mong may emo moment na kasunod..dapat lang alam mo kung kelan ka dapat huminto..at wag mong kalimutan na hiram mo lang ang buhay mo..meaning dapat alagaan mo yan..

    walang masama sa pagmumukmok at pag iyak kung nakakatulong naman yun para maibsan kahit kaunti yung sakit na nararamdaman mo..ang mahalaga alam mong naging totoo ka sa sarili mo..

  8. teka, parang di ako makapag advise dahil kahit ako mababaliw na sa mga nangyayari sa buhay ko.

    mag m move on muna ako. teka, sabay tayong mag move on!

  9. I like the song, theme song ba talaga yan ng website mo…
    Pangarap ko nalng dati ang maka move on, nagin id ko pa nga ang “moveon” sa mga social networks, pero haband dumadami ung nakikilala ko dun nagsimula ang pag move on ko sa nasira kung pangarap.

  10. very sad…

    i feel for you otep…

    ganyan din nangyari sa utol ko noong nagwowork pa siya sa makati…

    rest assured na kasama ka sa mga dasal ko at hiling ko kay Bro na gabayan ka lagi.

    Hold on to God. Hindi ka niya pababayaan…

    God bless you otep…+

      1. back to school na utol ko ngayon. nabored kasi sa school kaya nagwork muna. narealize niya na gusto na nya bumalik sa school, kaya ayon nasa la salle araneta ngayon, second year college.

        hehehehe wag ka magbiro otep na magpari ka…seseryosohin kita…hehe. gusto mo ba magsearch-in (punta ng seminaryo, magmunimuni, mag-observe for one day)…FREE! libre snacks and meals.

        ballpen lang dadalhin…magsabi ka lang kung gusto mo magsoul searching…ngayong sunday din ibo-book kita…hehe.

      2. ganyan ganyan rin ung isa kong friend. gustong magpari dahil heartbroken. ok lang yan. parang katapusan na ng mundo ngaun. pero sa hinaharap, mas magiging masaya ka. merong dahilan ang lahat ng pangyayari.

        love is sweeter the second time around.

        nga pala.. nagse-search ako ng phil ghost stories at aksidenteng napunta ako sa blog mo… 😉

  11. padaan ah. perst taym ko dito. haha.

    ang hirap nga.
    parang nangyayari sken yan ngayon. pero hindi naman love ang dahilan.
    ang hirap nga magmove on. putek. haha. payat na nga ako, hindi pa ako nakakakain ng maayos. haha. maswerte ako andyan yung mga kaibigan ko. kahit hindi nila alam na may problema ako, pinapasaya nila ako. alam kong meron ka ring matatakbuhan jan. baka hindi mo lang napapansin. o ayaw mong pansinin. parehas tayo. malayo ako sa pamilya ko. hindi rin sapat yung binibigay na suporta ng mga kaibigan ko. mamaya, may session ulit kami ng guidance counselor ko. buti na lang libre to. 🙂 baka magmukha akong banal pero malaki yung tulong na naibigay sa akin ng pagdarasal. pramis.

    gusto ko na ring mabalik yung dating roger. (bakit ako ngayon yung naging senti? hahaha). well, tong comment na to, reminder sayo. andito ako, andito kami. hindi ka nag-iisa. kaya yan bro.

    anyways. daan ka sa blog ko. haha.
    http://karoger.wordpress.com

    1. gusto ko yung sinabi mo sa dulo.

      Mar Roxas kaw ba’yan? kulang na lang ng “Hindi kita iiwan, lalaban tayo!” makibaka.. NYahahhahahaha cute ng avatar ha, parang may rally sa blog mo.

      tama tama, kailangan hanapin ko muna yung mga taong iyon na kaya akong batukan. Nyahahahaha

      nice nice! salamat sa daan, daan lagi.. 😀

  12. unang dalaw ko dito. at itong post mo ang una kong napansin. haha

    KOREK! mahirap talagang mag-move on. kaya mas okay ata kung LET GO ang gagamitin. 🙂 kasi kung mahal mo naman talaga yung tao gusto mo siyang maging masaya. gusto mong mapunta siya sa taong makapagpapasaya sa kanya ng bonggang bongga! masakit nga lang, hindi siya sa’yo napunta. hindi talaga healthy ang magmahal tapos nasasaktan bigla. suskopo! haha. kaya mo yan! tira tira! 😀

    http://www.aiyshkriim.wordpress.com

  13. otep..

    kamusta na? hehe

    tama ka, mahirap talaga makamove on pag wala kang makausap. Sa kin din, nangyari na yan. Ako unang nagkagusto, siya unang nagsawa. Ayun, siya ang nang-iwan.

    Imagine, 3 months akong iyak ng iyak pag gabi tapos ung first two weeks ko after our break up, hindi ako makausap, kahit roomate ko dati, natakot sa akin.

    but anyway, time heals all wounds. Sa akin, nakatulong na hindi na kami nagkita EVER. Nung nalaman ko ung real reason ng pakikipagbreak niya sa ‘kin, kung tubig lang ang mura, isang drum yata ang napuno ko. Nakakatulong pag nagagalit ka, tipong inilalabas mo sa harap ng semento ang galit at lungkot mo, ung tipong susuntukin mo ang pader hanggang magdugo ang kamao mo.

    syempre, after nun,, iiyak ka na sa sakit ng kamao mo, hindi na sa kanya..
    hehehe

    kaya mo yan! After one year, may makikilala ka nang bago.
    Namiss ko na kayo ni Fil. Kita kits tayo,, gusto ko sa luneta, hindi pa ako nakakapunta dun eh..

    text ko si fil,, ung number mo, nawala sa akin eh..
    hingin ko na lang sa kanya ha.. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s