(DAY 80/366) MT PULAG VIA AKIKI: PILITIN MONG MABUHAY!


mt-pulag-akiki
Elevation: 2,922+ masl; Coordinates: LLA: 16°34’58″N, 120°53’15’E | Trail: Akiki, Brgy. Doacan, Kabayan – Ambangeg, Kabayan | Difficulty: 7/9

KABAYAN, BUENGUET — Noong unang umakyat ako sa Mt Pulag via Ambangueg trail, mahigit dalawang taon na rin ang nakararaan sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko itong panata taun-taon. Mahirap palang mangyari yun, lalo na kung wala kang pera. lels.

Kaya ngayong nagkaroon ng chance na makabalik, grab agad!. Hindi ko lang alam kung bakit sa kabila ng hirap na naranasan ko noon dulot ng pagod, sakit ng katawan at nakanonoot na lamig ay nais ko paring balik-balikan iyon. Siguro gusto ko lang mag-revenge (na hindi dapat ginagamit na termino dahil wala naman ginagawa sayo ang bundok), o siguro gusto kong maranasan yung kumportableng pagkakataon na hindi ko naranasaan dahil wala pa akong kagamit-gamit noon.

Hindi ko lang inasahan na sa muli kong pagbabalik mas malalang pagkakataon pala ang naghihintay sakin. Mas malayong lakaran (na halos abutin ng 13 hours, hindi pa umabot ng Saddle), mas malamig, mas mahirap, mas challenging pero mas maginhawa.

Binansagan bilang “killer trail” ang Akiki sa pinaka mahirap na daan papuntang summit ng Mt. Pulag. Sa tulad kong hindi na bago sa mahabang lakaran pakiramdam ko hindi naman ako papatayin ng Akiki sa mga assault kundi sa lamig na tinatayang pumapalo sa 2 degrees sa mga panahong ito.

PENNY’S GROUP

Naging meeting place namin ang KFC sa Cubao, Telus. bilang kabayaran sa pag papa-stay samin doon at hindi pagpapataboy, hayaan nyong i-indorse ko sila. Kain po kayo dito lels.

Mula sa orihinal na 15 katao sana sa grupo, nauwi ito sa labing tatlo. At ako nga ang maswerteng pang 13th salamat sa nag backout. lol

  • Abdulnaem
  • Alexa
  • Alphabert
  • Bren
  • Carlos Miguel
  • Chrty
  • Donny
  • Jemuel
  • Jimmar
  • Penny
  • Pinky
  • Philip
  • Otep
img_3474

Pasado alas-9:30 na, nang maakalis kami sa KFC sakay ng Van na nirentahn namin Manila-Baguio (vice versa) { see below for contact and price}

At dahil maaga kaming nakaalis sa Cubao, maaga din kaming nakarating sa Baguio City. Mula dito, sasakay naman kami ng Monster Jeep na maghahatid samin jump off ng Akiki at magsusundo sa Jumpoff sa Ambangueg.

img_3491

Mag aala-6 na ng marating kami sa isang kainan kung saan kami mag aagahan. Tirik pa rin ang buwan, tila isang magandang senyales na magiging maganda ang panahon sa paglalakbay na ito.

img_3511

Matapos kumain, at magpabalot ang iba sa kanilang magiging tanghalian (packed lunch), muli na kaming bumalik sa monster jeep para ipagpatuloy ang paglalakbay papumunta jump off.

Sayang nga lang dahil ipinagbabawal na daw ang topload kaya pinagtyagaan ko na lang ang pagakyat sa bubong ng jeep at magpicture.

img_3530
img_3518
img_3500

Halos isang oras ding kaming nanatili doon bago kami magpatuloy sa paglalakbay.

Habang binabagtas namin ang napakaraming zigzag na daan, animo’y bumaba na ang langit sa lupa sa napakaraming hamog at ulap ang makikita sa paligid.

AKIKI RANGER STATION

Makalipas ang isang oras, narating na namin ang jump off. Hindi ko inasahan na ganun pla ang itsura nun. Isang kongretong hagdan na may mga karatulang nagbibigay babala na hindi magiging madali ang pag-akyat dito.

img_3568
img_3579
img_3584

Bago kami umakyat papuntang Ranger Station o Visitors’ Center, pinangunahan muna ni Alexa ang isang panalangin.

Ilang mga hakbang palang ang nagagawa namin pero tila kakapusin ka na agad ng hininga. Mainam na magdahan-dahan muna.
img_3590
Matapos ang ilang minuto, narating namin ang visitors’ office kung saan ipapasa ang medical certificate (mandatory), magpapatala, magbabayad ng mga fees (see below) at kung saan na rin namin makikilala ang magiging guide namin.
img_3680
img_3601
Dito palang sa Ranger Station, mabubusog ka na agad sa magandang tanawin.
img_3607
img_3608
img_3610
Matapos mag group picture na kailangan daw bilang documentation (Kung napanood nyo na ang pelikulang Everest, malamang  malalaman nyo kung para saan yun, lels), agad na rin kaming nagpatuloy sa pag-akyat sa ganap na 9:00.
Ilang hakbang lang mararating n’yo na ang isang paaralan.
At matapos ang mahigit 30 minuto na pagakyat, mararating na agad ang isang waiting shed/Resting Area. Magandang tanawin na agad ang makikita dito.
img_3714
AMBAGIYAWAN TO EDDET RIVER
Mula dito, bibilang pa ng ilang oras para makarating sa next stop — ang Eddet River. Pero bago pa iyon marami muna kayong madadaan na magpapabusog sa mga mata nyo. Ganoon na rin ang kaunting kaba ng madaan ang  Manenchen Burial Cave.
img_3759
img_3728
img_3732
img_3734
img_3743
img_3751
img_3778
Kumpara sa  pag-akyat mula ang ranger station, mas di hamak na mas madali ang naging paglalakad papuntang Eddet river sa kahabaan ng Pine Forest, iilan ang masasabing assault dahil karamihan at pababa na.
  • Transpo: -Van: Php925 -Monster Jeep: Php580 -Food: 150 (Breakfast and Dinner)
  • Guide fee: -Php 185 (Php1800 for 7pax, plus Php100/head excess)
  • DENR -Entrance: Php175 -Camping: Php50
  • Environmental fee: Php150 For 13 pax
  • Guide fee Php2,400 lahat divide by 13 pax

(Hindi ko na natapos ang kwento na ‘to dahil nagkasakit ako, ganoon pa man, masaya akong may naitala pa pala akong ganitong kwento. ngayon ko lang na post. Naka-survived namana ko. hahaha)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s