(DAY 82/366) SA BUBONG NG ISAROG


Nasusukat ang katuparan ng isang pangarap sa mga bagay na napagdaan nito. Maaaring nagsimula muna sa kabiguan, maari ding sa mabibigat o mahirap na kaganapan. Anu’t ano pa man iyon, wala nang ibang sasarap pa kapag alam mong naging dugo’t pawis ang iyong naging puhunan. (Literal). Haha.

Nasasakupan ng anim na lugar ang Mt. Isarog sa Bikol, isa dito ang lungsod ng Naga at lima pang munisipalidad ng Goa, Tigaon, Ocampo, Pili at Calabanga sa lalawigan ng Camarines Sur. May taas na humigit-kumulang 6,600 na talampakan o 2000 masl. May layo itong humigit-kumulang na 430 kilometro mula sa kamaynilaan na maaring mapuntahan gamit pambasaherong bus o eroplano byaheng Pili (Naga Airport).

Sinasabing ang Mt. Isarog ay isang nahihimbing na bulkan na hindi na naitala kung kailan ang huli nitong pagputok.

POST BIRTHDAY GIFT
Noong 2014, naging regalo ko sa sarili ang pag-akyat sa Mt. Pulag. Naging magandang alaala iyon para sakin. Manghang-mangha ako sa mga nakita ko doon. Kaya ngayong 2015, hindi man sakto, pinilit kong maging memorable ulit ito. Salamat kay Donny na nakilala ko noon sa Tarak Ridge at Instagram dahil naimbitahan ako dito.

Mahigit dalawang linggo ang naging preparasyon ko dito. Nakakatuwang hindi pa man kami magkakakilala sa personal pero parang close na kami sa isa’t isa dahil sa binuong chat group sa facebook.

Mabilis na nagdaan ang mga araw. Sa Araneta Bus Terminal ang naging una naming pagkikita. Naging magiliw naman sila na tila matagal na talaga kaming magkakakilala.

7:30 pm na noong nakaalis ang Bus. At 11:00 pm na nang makarating kami sa una naming stop over sa Quezon Province. Hindi ko na namalayan kung ilang beses kami huminto. Hindi man kumportable ang pagkakatulog, kinakailangan namin magpahinga para sa pagsabak namin kinabukasan.

Pasado ala-6 na nang marating namin Bicol Central Terminal. Doon hinintay namin ang isa pa naming kasamang si Vincent na nag eroplano. Pagkakataon din iyon para mag ayos pa ng ilang gamit at Makakain.

Mula sa Central Terminal muli kaming sumakay ng bus papuntang palengke ng Concoception. Doon kami sasakay ng tricycle papuntang entry point. Dito na rin kami bumili ng magiging hapunan namin sa campsite.

Mag aalas – 9:00 na ng makarating kami sa entry point, doon muli kaming nag-prepara. Ibigay na rin namin ang permit galing sa DENR na namamahala (kung hindi ko nagkakamali sa Kapitan iyon ng Barangay). Doon na rin namin nakilala ang aming magiging tour guide na si Kuya Roy.

Matapos namin humingi ng gabay sa pangunguna ni Aia, agad na rin kaming sumabak sa lakaran.

WEAKEST LINK
Pasulong agad ang naging entrada ng bundok. Inaasahan ko nang makadama ako ng pagkahapo.. sabi ko nga critical stage ko talaga ang first 15 minutes. Pero hindi ko talaga inasahan na ganun katagal akong makadarama ng pagkahilo. Tila nasusuka ako. Alam kong nabigla ako. Halos paakyat kasi lahat ng trail, malayung-malayo sa pangalan nitong “patag-patag”. Ganun din sa unang limang bundok na naakyat ko na malayu-layo munang lakaran bago umahon.

Hiyang-hiya ako sa pustura ko. Tila isa talaga akong “weakest link”. Para akong napag-iwanan ng grupo. Pero sa kabila noon, kahit alam kong nabigla din sila sa kalagayan ko ganoong nagsisimula palang kami. Hindi nila ako nagawang iwan kahit pinapauna ko na sila. Kinurot ang puso ko lol. #meganun?.

WALANG IWANAN.
Halos hatiin na nila ang gamit ko. Si Donny binuhat na ang bag ko. Kinuha na rin ni Aia ang dalawang litro ng tubig ko. Si Vincent naman ang assault bag ko na may lamang ilang pagkain na nabili namin sa Terminal. Pinagamit na rin ako ng trekking pole ni Ritz. Nakakahiya talaga. Pero mas nakakahiya kung ipagpapatuloy ko pa ang pagpapabebe ko. Damang-dama ko yung concern nila sakin. Hubarin ko na daw yung jacket ko. Para nila akong pinagtutulungan. Tila nasa kabaret ako habang naririnig ang mga parokyanong pinipilit akong paghubarin “Hubad!” Hubad!” “Hubad!”. Unti-unti ko iyong hinubad habang nanlilingid ang mga luha ko. Hahaha charot lang.

Nang makarating kami sa “kubo” kung saan may water source. Tila nahimasmasan na rin ako. Ang dami kong inaksayang oras.

12304125_1213006845379344_5403082872130353460_o
Natural Water (pwedeng inumin) 🙂

LIMATIK ATTACK!
Kilala ang Mt. Isarog sa mga notorious nitong nilalang -ang mga limatik. Isa itong uri ng linta na hayok sa dugo. Kung sususwertihin ka pa maaari itong pumasok sa mata mo. Dalawa sa mga kasamahan namin ang mapalad na naexperienced ito. #SayangWalangVideo. Lol.

12295301_1138842442794244_1365146041897394698_n
Famous Limatik

Nagpatuloy kami sa paglalakad, at sa isang lugar na tila isang campsite sa pagkakapatag nito ay sandali kaming nagpahinga. Doon namin naka face to face ang mga limatik. Magkakahalong mangha, kilabot, takot ganoon na rin ang saya na makilala sila. Sinagot nito ang mga tanong sa isip ko kung anong klaseng nilalang sila. Tila sila may magkabilang bibig na s’ya ding nagiging mga kamay at paa nila kaya mabilis silang nakakapag lipat-lipat ng lugar. Magugulat ka na lang napudpud ka na pala ng mga limatik sa buong katawan mo.

Habang naglalakad ka masasanay ka na rin katatanggal nito sa katawan mo kaya mawawala na rin ang hilakbot.

SA PUSO NG ISAROG.
Habang tumatagal, mararamdaman mo na tila isang bahagi ka na rin ng kagubatan. Ramdam mo na nasa kalooban na dito. Kumikipot na ang trail at kailangan nang makipagbuno sa mga punong nakatumba at mga halamang yayakap sayo.

12309639_1213010478712314_752846921648441561_o
Team Isarog!

Sasalubungin ka mga puno ng kawayan na tila pumapasok ka sa isang kuweba dahil sa lilim na nagagawa nito.

Nadadalas na rin ang pag-uulan na inasahan na rin dahil kitang-kita naman ang makapal na ulap nito noong nasa sasakyan palang kami.

Lalo pang lumakas noong makarating kami sa Camp 1.

Nagbalik sa alaala ko ang nangyari sa Mt. Pulag. mangiyak-ngiyak ako noon sa lamig pero dahil sa inasahan ko na iyon ngayon, inenjoy ko na lang. haha! 😀

TEAM DULO
Nagpatuloy kami sa paglalakad patungong campsite. Tinapos ko na rin ang pagpapanggap sa pangunguna. Hahaha. Mas gusto ko talaga sa bandang dulo hindi ako nai-stressed sa mga nasa likod ko, hindi ko naibubuhos ang lakas ko sa pagmamadali at mas nakakapag nature connection ako.

Sa pag dikit ko kay Donny, at Gerar naramdaman ko ang easy-easy. Nag eenjoy ako sa pinagku-kwentuhan nila na nakakatulong para hindi ko maisip na malayo pa kami. Sa totoo lang wala sa isip kong gaano ba kalayo o katagal kaming maglalakad. Parang go with the flow lang kasi ako.

Hindi kami nananghalian kaya hindi maiwasang makaramdam kami ng gutom.

Nagpagpasyahan muna naming kumain. Naglabas ng sardinas si Gerar. Nilabas naman namin ang mga tinapay. Ang sarap pala ng spicy sardinas sa tinapay. Yumyum!

Nabusog kami infairness! At muling nagpatuloy sa pakay.

NIGHTMARE kahit hindi pa NIGHT.
Isa sa pinaka mahirap labanan ang “Tamang Hinala” puro kasi tanong.

“Nasaan Sila?”

“Tama ba dinadaanan natin?”

“Malayo pa ba?”

“Bakit hindi sila sumasagot?”

Hindi ko alam kung dapat ba itong isisi sa spicy sardinas na pagkasarap-sarap o sa mga sarili namin. Haha

Lumayo ng husto ang pagitan namin sa kabilang grupo. Na kahit magkapiyok-piyok na ang pito ay walang sumasagot. Sadyang napakalayo ng Camp 1 sa Campsite.

Lalong humirap ang trail. Wala ka ng madaan na patag. Lahat pa-akyat.

May pagkakataon doon na halos tumigil ang puso ko. Sa isang parteng paahon, unang umakyat si Dhawny, sumunod ako at panghuli si Gerar. Sa isang pagkakataon bigla na lang nadulas si Gerar na tila magtutuloy-tuloy ito sa pagkakadausdos. Tila na i-slowmo ang pagkakataong iyon. Hindi ko alam kung anong irereact o tulong ang gagawin ko. Hindi ko rin alam kung gaaano pa ba kalayo ang mararating nya. Para akong nagpakaplastik sa tawa ko habang napapansin ko ang mga bubble talk sa ulo ko. Unti-unting nagsiputukan ang mga bubble talk nang malamang ayos na naman sya. Nakuha naman nya ‘yun sa take two. Hashtag #Haaay

BACKPAIN
Akala ko hindi na titigil ang sakit. Iniisip ko nga na iniisip nila na nagpapabebe lang ako, pero sobrang sakit ng likod ko. Hindi ko na mawari kung kaliwang kamay, balikat o ilalim ba ng bandang kilikili yung sumasakit. Basta sobrang sakit nya. Gusto ko nang umiyak. Doon ko napatunayan na walang mangyayari kung magpapanic ka. Sakaling mangyari sa inyo, -‘yon Timigil ka lang! at irelax ang ang sarili mo #HuwagUmarte. Siguro nakakasama yung madalas na pagkatanggal ng bag mo.

HEADLIGHT
Halatang nag-aalala na talaga si Donny. Nagsabi na sya na pagtungtong ng 4:30pm kung di pa namin sila maaabutan, ilalabas na talaga namin ang mga headlight namin. Nangyari iyon.

Magdidilim na nang mawala ang mga tinik sa dibdin namin. Narinig namin ang mga boses nila Vincent at Charlz. Hindi kami nawawala. Sadyang malayo lang talaga ang Campsite.

Nagpahinga lang kami sandali at nagpatuloy, halik na halik na kasi ang dilim sa kagubatan. Mare-realized mo na lang na hindi pala talaga dapat magpakakampante sa paglalakad. Sobrang hirap maglakad sa madalim. Pagod na pagod ako pero binuhos ko na lahat ng meron ako para makarating sa Campsite.

Headlight na lang ang liwanag namin nung mga oras na iyon. Agad-agad na rin namin pinagtulungan itayo ang tent kahit parang wala naman akong naitulong. Haha

Nakatutuwang maranasan yung ganun. Adventure talaga to!

HAMMOCK
Hightlight ng adventure na ito ang makagamit ng hammock. Hindi ko alam bakit hammock pa ang tinawag dyan e pwede namang duyan na lang haha. Inorder ko yan sa tulong ni Ritz.

Ilang beses ding pinag isipan kung saan ba pwedeng isabit yan. Alang-alang sa “experience” at sa tulong ng mga kasama ko nai-sabit naman sya. Sumayad nga lang. Hahaha!

12308463_1138843832794105_8466721816538594622_n
Charles, JK, Vincent & Ritz

SOCIAL
alas-8:00 na nang matapos ang mga mumunti naming usapan dahil sa kapaguran. Doon natapos ang makasaysayang paglalakbay sa tulad kong ordinaryong tao.

Hanggang sa muling bukang liwayway!

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s