(DAY 84/366) PAANO KA MAKAKATULONG SA PAG MOVE-ON NG EX MO?


Marami sa atin ay dumaan na sa maraming kadramahan ng buhay. Nandoon yung mga pagkakataon lumulutang na tayo sa ulap tapos sa isang iglap mahuhulog na lang tayo sa lupa. Hindi natin alam kung ano nga ba ang dapat nating gawin para maibsan yung sakit na nararanasan natin, lalo na kung makikita mong hindi na apektado yung taong may dahilan kung bakit ka nagkakaganyan.

Marami nang naitatatala, nababasa at napapanood sa televisyon o pelikula  kung paano nga ba makaka-move ang isang tao mula sa masakit nitong karanasan sa pagibig. Halos lahat nang iyon ay tumutukoy lang sa sariling paghilom o paglimot. Katulad ng paghahanap ng rebound, pagbasura ng mga bagay na mag-papaalala sa kanya o kahit ang simpleng pag blocked mo lang sa facebook n’ya.

Pero hindi naman ganoon kadali ang lahat. May mga malalang kwento pa nga dyan na dahil sa phobia na masaktan s’ya muli ay hindi na nag-asawa. Ang iba pa nga daw  ay nagpari o nag-madre na lang. (Pero hindi din, baka calling lang talaga nila yun)

Ganoon pa man, wala naman sigurong tao na gustong makasakit ng kapwa nila. Lalo na kung dati mo namang minahan yung tao. Naniniwala naman akong mabubuti tayong lahat, kaya nga yung iba kapag makikipaghiwalay na, ay humihingi pa ng payo kung paano n’ya ito sasabihin sa magiging ex n’ya para maging katanggap-tanggap.

Sa tulad kong ilang beses na ring naiwanan at naloko (victim lang ang peg haha) Alam ko kung paano kahirap ang makapag move on. Siguro nasabi ko sa sarili ko na okay na ko matapos ang dalawang taon. 2 years yun men! Yung ilan naman sa ex ko ay naging kaibigan ko, yung tipong pati sex scene ng mga ng bago nila ay masaya pa naming napapag-usapan. Hahaha 😛

Pero yung isang ex ko, mukhang kasama ko ng dadalhin sa ilalim ng lupa sa sobrang sama ng loob ko.

Ang hirap noon di ba? Buong buhay mong dadalhin ang katotohanang may nagagalit sayo at hindi ka na magawang patawarin pa dahil alam mo sa sarili mo na hinayaan mo lang na mangyari yun. Nakuntento ka na lang sa salitang “Sorry” dahil hindi mo na talaga s’ya mahal.

Paano ka nga ba makakatulong sa pag move on ng ex mo? (ang ganda mo kasi e no!?)

ANG 3-MONTH RULE
Pamilyar di ba? Isa sa pinaka common na hiwalayan ay ang 3rd party. Malandi ka e! wala na tayong magagawa dun. Pero kung gusto mo ng maayos na hiwalayan. Huwag ka muna pumasok sa isang relasyon. Napakahirap tanggapin sa isang tao na napalitan o ipinagpalit sya sa oras na alam mong kapwa pa kayo “mag on”. Kung mahal n’yo ang isa’t isa (ng bago mo) mapapag-usapan nyo naman yun. Kung di talaga kaya, make sure na hindi kayo gagawa ng bakas na halos pagkalandakan n’yo na isang araw palang kayo hiwalay ng ex mo at may bago ka na. Saan n’yo kinukuha ang kakapalan ng mukha n’yo!?

TIME
Isa din sa common na hiwalayan ang isyu ng “time”. Busy sa work, busy sa study! busy! busy! busy! Hindi tanga ang future ex mo o ang ex mo na mismo. Panindigan mo ang dahilan kung bakit gusto mo ng makipaghiwalay. Kung oras talaga ang dahilan kung bakit ka nakipaghiwalay, huwag mo naman pagkalandakan na ngayong wala na kayo biglang dami ng time para sa mga bar, gimik, get together. Celebration lang!? Kakainsulto.

MONEY
Naaalala n’yo ba na minsan kayong nagplano sa isang bagay? Halimbawa magpunta sa isang lugar pero hindi kayo matuloy-tuloy dahil bukod sa time issue, at tipid mode ka o wala kang budget! Isama mo pa ang Financial issue ng pamilya mo katulad ng pagkawala ng trabaho ng magulang mo. Tapos isa o dalawang linggo palang kayo officially na hiwalay bigla ka na lang nakapag-boracay! Wow ha! another celebration lang? Huwag na huwag mong ipaparamdam na ayaw mo na talaga s’yang makasama noon pa man. Alam mo ba kung gaano kasakit yun? Tulad ng “Time issue” isaalang-alang mo ang mga naging alibi mo sa mga panahong hindi mo na s’ya mahal. Magmumukha kang luklukhan ng kasinungalingan.

HULING KAHILINGAN
Naalala ko nung nakikipaghiwalay na sya, sabi ko huwag na s’ya magpaparamdam kahit kailan kahit alam kong dadating at dating naman ang pagkakataon na magkikita din kami kung saan man. So kung may kahilingan man yung nasaktan mo katulad ng hindi mo pagpaparamdaman sa text o kahit saang paraang maaalala mo s;ya. Please ibigay mo yun. Malaking tulong yun sa pag-move on n’ya. Doon man lang maramdaman n’ya ang kaunting pampalubag loob na pwede mo pang gawin.

RESPETO
“Big Word” Kung ginagalang mo talaga ang ilang buwan, taon o mga panahon na pinagsamahan n’yo. Please isaalang-alang mo ang mga bagay na gusto sanang gawin ng ex mo kasama ka (kasama ng mga pangako mo, na hindi mo magawa dahil wala ka na ngang pagmamahal sa kanya). Minahal ka ng tao! Siguro na man sa pamamagitan ng pagrespeto sa nararamdanman o mararamdaman n’ya sa mga kinikilos mo, siguro naman deserve n’ya respeto mula sayo.

Hindi mahirap magpanggap ng ilang buwan na nakikiluksa ka sa sarili mong kamatayan sa puso nya.

Sa huli, tanggapin na lang natin na wala ng pagmamahal. Pero tandaan din natin na hindi tayo masasaktan kung hindi tayo nagmahal. Kung kasalanan ang magmahal, siguro marami na sa atin ngayon ang napapaso dahil sigurado akong marami sa atin hindi man bulgar pero nagmamahal pa rin ng lubusan.