(DAY 87/366) FAVORITE MOVIES


Sa mga nangyayari ngayon, kina-kailangan talaga nating manatili sa bahay para makaiwas at hindi na lumalala pa ang sitwasyon ngayon ng mundo. Napaisip tuloy ako, kung anu-ano bang movies o mga palabas na naging paborito ko dati. Baka may hindi pa kayo napapanood dito.

  • TIDAL WAVE

Haeundae_film_poster
TIDAL WAVE (SOKOR 2009)

Hinding-hindi ko makakalimutan ‘tong movie na ito. Katatapos lang noon ng Tsunami sa Japan kaya naging dahilan ito upang ipalabas ito sa Pilipinas -napapanahon kasi. Niyaya ko noon ang isang kaibigan para manood, sobrang nakakatakot na nakakatuwa lang kasi parang inupahan namin yung buong sinehan kasi kami lang yung tao dun. Last Full Show na kasi noon tapos weekdays pa nun kaya wala talagang nanonood. Naiblog ko pa iyon dati, click nyo dito.

  • ANAK

Anak the movie poster 2000
ANAK (2015)

Marami pang bukas na sinehan sa Recto bandang Avenida noong pinanood namin ito kasama ang ate ko at asawa n’ya. Naaalala ko na binilin sa akin ng ate ko na huwag na huwag ko daw sasabihin sa Mama namin na nanood kami kasi pagagalitan kami. Buntis kasi ate ko noon kaya malamang imblis na nag-iipon ng pera ay masyado pang gasturera ang ate ko. e nadulas ako kaya nasabi ko. Nagkataon kasing tortang talong ulam namin nun, naalala ko si claudine (Carla) sabi ko “Tortang Talong na naman ang ulam!?” tapos yun nakwento ko nung pinagsasampal ni Ate Vi si Claudine. Nagalit sakin ate ko at sana daw hindi na lang ako sinama. Kaya umiyak ako (ang drama lang) hahaha.

  • SHUTTER

Shutter poster
SHUTTER (THAI)

Isa sa pinaka fovorite movie ko itong Shutter, Naaalala ko noong nasa college ako sa loob ng darkroom habang nagdedevelop ng black & white film hindi ko talaga maalis sa isipan ko yung mga scene dito. Grabe kinikilabutan ako sa loob ng darkroom namin. Minsan nga sa sobrang pagmamadali madalas akong masunugan/masiraan ng photo paper sa sobrang agitation (o pag galaw ng tray na may kemikal para lumitaw yung picture sa papel). Pero nakakamiss pa rin minsan yun sorang challenging 🙂 Hanggang ngayon kapag sumasakit ang balikat ko biglang pumapasok sa akin ‘tong movie na ito baka kasi may nakapasan na sa akin. haha

  • DAWN OF THE DEAD

Dawn of the Dead poster 2004
DAWN OF THE DEAD ( USA 2014)

Sa movie namang ito nagsimula ang hilig ko sa mga zombie movie. Dito ko nga rin nakuha yung idea na sakaling magkaroon nga ng apedemya at nagkalat na ang mga zombies, magandang magpunta sa mall para kumpleto na lahat, pwede ka magpakasarap habang nagkakagulo sa labas. At least kapag nakain ka ng zombie nakapag libang ka muna. Pwede ka pa mag shopping One-to-Sawa! 😀 Napansin ko lang sa movie na ito na sobrang ang liliksi ng mga zombies at nakakatakbo pa. Naku wag naman sana maging ganito kabibilis ang mga walkers sa The Walking Dead! yay!

  • TITANIC

Titanic_poster
TITANIC (US 1997)

Naaalala ko na sa tuwing sumasagot ako ng slambook ito talaga ang nilalagay kong favourite movie. Paano ba naman kasi ilang beses ko na itong napanood. At ang una nga ay sa betamax pa na inarkila ng kabitbahay namin. Naaalala ko din na maka-ilang ulit na itong pinalabas sa TV na laging 2-part. Hanggang ngayon nga iniisip ko kung paanong posisyon ang ginawa nila Rose at Jack sa kotse. Pero may idea akong dog style yun! haha napahawak kasi sa salamin si Rose. haha di ba?

  • THE EYE

The-Eye-2002-poster
THE EYE (HK | THAI 2002)

Isa din ‘tong movie na ito na sobrang lakas ng impact ang nagawa sa akin. Hindi nawawala ang takot ko sa elevator mapag-isa kahit anong tapang ko, pakiramdam ko kasi nasa side lang si manong na lumulutang na kalahati lang ang mukha! waaaaaaaaaaa. Bukod doon, napakaganda din naman kasi ng movie na ‘to ay may aral pa sa dulo, yung tipong parang mapapaisip ka kung ikaw naman talaga nasa kalagayan nya parang mas gugustuhin mo na lang talagang di makakita.

  • MY SASSY GIRL

My_Sassy_Girl_Movie_Poster
MY SASSY GIRL (SOKOR 2001)

Bukod sa gustung-gusto ko ang movie na ito, gustung-gusto ko din ang theme song nito noong tinagalog na. Ewan ko pero nakokornihan ang marami sa kantang “I Believe” ni Jimmy Bondoc, siguro dahil taglish. Pero kung pakikinggan mo naman yung lyrics ang ganda ng message. Tungkol sa isang pangako, paghihintay, pagmamahal basta! haha. Sa pagkakaalam ko ni remake ito ng US kaso hindi ko pa napapanood.

  • UP

UP
UP (US 2009)
  • HUNGER GAMES

Hunger games 2012
Hunger games (USA 2012)
  • SIGNS

The_Signs_movie
SIGN (US 2002)

Isa rin sa mga gusto kong panoorin yung mga sci-fi movie lalo na yung mga UFO at Aliens. At ito nga yung pinaka magandang halimbawa. Minsan kasi mapapatanong ka paano nga kung meron tapos bababa na sila sa lupa! yay! Tapos sinabayan pa ng mga crop cicrles, alam nyo yun? batsa yun yung mga sign daw na gawa ng mga aliens na ayon sa sabi-sabi ay bababaan daw ng kanilang mga mothership. Natuwa nga ako sa ending e kasi takot sila sa tubig, nagandahan ako sa ending kasi nga di ba sa modernong panahon ngayon naghahanap na tayo ng planetang pwedeng lipatan ng mga tao sa earth. Ibig sabihin, parang natatanging mundo lang ang meron noon kaya tingnan mo yung mga elyen sa moving ito parang asedo sa kanila ang tubig, Wahahaa sana na gets nyo. lels.

  • KNOWING

Knowingposter08
KNOWING  (US/UK 2009)

Aside sa mga elyen gusto ko din pinapanood yung mga tradegy at pagkagunaw ng mundo. 5 times ko na atang napapanood ito pero amaze na amaze pa rin ako sa pagbagsak ng eroplano. Ganoon din sa mga angles o wispherer ganoon pala ang itsura nila 😀 Napansin ko lang kasi yung bata parang salbahe sa tatay nya (nicolas cage) pero naligtas pa rin sya.

  • 10,000 BC

Ten_thousand_b_c
10,000 B.C. (U.S.A. 2008)

Sobrang astig na astig ako sa movie na ito. Kahit kasi fantacy adventure yung theme nya ay napaka pre-historic naman. Nandoon yung mga scene kung paano ginagawang slave  yung mga tao para matayo lang ang mga great pyramids. Kamuntikan na nga akong manilawala na noong unang panahon ay ganoon talaga kalalaki ang mga hayop.

  • 2012

2012_Poster
2012 (USA 2012)
  • MADAGASCAR II

Madagascar_Theatrical_Poster
MADAGASCAR (USA 2012)
  • ORPHAN

Orphanposter
ORPHAN 2009 ( US, CANADA)
  • CRAZY LITTLE THINGS CALLED LOVE (THAI)

First_Love_-_from_Commons
CRAZY LITTLE THINGS CALLED LOVE (FIRST LOVE 2010)
  • WALL-E

WALL-Eposter
WALL-E (USA 2008)
  • IF ONLY

If_Only_movie_poster
IF ONLY

Hindi ko na binigyan ng discription yung iba, basta magaganda lahat yan 🙂 Enjoy your movie marathon.