(DAY 89/366) KAPENG ARABO


Kung naalala n’yo pa ang post ko ukol sa “Taguan sa Eyeball” marahil ito yung Part II. Pero kung iniisip n’yo na muli akong nakipag-EB, nagkakamali kayo. Tinagurian ko itong part II dahil ito ang mga sumunod na  pangyayari habang nagtatago. 😀kapeng arabo

… Dali-dali akong pumasok sa loob ng National Bookstore sa SM Manila. Nang pumasok din sa bungo kong wala nang laman, ang bagong librong di umano’y ilalabas na ngayong buwan ng Mayo –ang Kapitan Sino. Nalaman ko ito dahil miyembro ako ng isang grupong sumasamba sa mga librong naisulat at isusulat pa ng  talentadong si Bob Ong sa Friendster. (Friendster day pa ‘to WTF!) 😀

Pero magpahanggang sa ngayon ay di ko pa nababasa ang nasabing libro dahil pending pa rin ang reservation ko sa NBS.

Nanghihinayang naman akong bumili sa iba dahil sayang naman ang points na maaari kong  matamo  dahil may Laking National Card ako na may P20.00 ng laman. Yeebee! 😀

Samantala habang nakikipagtaguan ako at naghahanap ng bagong librong mapaglilibangan isang libro ang umagaw ng aking kukuryusidad –ang Kapeng Arabo ni Manny Garcia.

Dahil mahilig ako sa Kape, madaling nakuha ng librong ito ang atensyon ko at bilang mambabasa aalamin mo kung bakit Kapeng Arabo ang naging titulo nito.

Parang yung McArthur ni Bob Ong natapos ko na yung libro at kalaunan ko lang nalaman kung bakit iyon ang ipinamagat dito. (‘sensya slow lang).

Btw, dahil isa akong Layout Artist, nakakatuwang makakita ng ganitong uri ng layout ng libro, siguro sa iba ordinaryong layout lang ito pero hindi para sa akin. Akmang-akma sa nilalaman dahil kulay kape din ang font.

Sa bawat chapter din ay mayroong illustration na mas lalong nagpapagana sa aking pagbabasa.

At habang binabasa ko ito, hindi maiwasang pumasok kayo sa isip ko lalong-lalo na sina  Dencios, Rye, Bluguy  at iba pang mga kapwa pilipino at blogger na nasa kabilang ibayo.

Ganun ba talaga pag nasa ibang bansa? gagawa at gagawa ng mga pamamaraan para malibang ang sarili? Lalo kong naisip si Dencios -ang gym master ng WP noong hinaylayt dito ang pag gi-gym ng mga kababayan natin sa ibang bansa bilang paraan upang maging kapaki-pakinabang  ang kanilang libangan. Kaya iniisip ko na iyon rin marahil ang prinsipyo ni Dencio.

Mabuti rin palang gawing panuntunan ang prinsipyo ng fitness sa pagtupad ng mga pangarap -Manny Garcia

Gusto ko sanang kopyahin ang buong chapter 3 at i kuwento sa inyo dito pero dahil meron tayong tinatawag na copyright  na nasasaad sa libro at ayokong mabitay dahil sa pagkukuwento (wag naman po) at dahil gusto kong bumili din kayo nito para isabuhay hayaan n’yong ipaliwanag ko na lang ‘to sa sariling pagkakaintindi.

Anila, ang pag gi-gym ay maihahalintulad din na’tin sa pag-abot ng pangarap. kinakailangan na’ting mag tiyaga at magsumikap. At tulad sa pag gi-gym kinakailangan na’ting maging matiyaga upang makamtan natin ang inaasam na magandang katawan o sa pinaka-magandang baybay ang maayos na kalusugan.

Sa kabuuan, ang lahat ay pinagpapawisan, hindi agad ito nakukuha sa papetiks-petiks lang.

Ang pangarap at mithiin ay hindi natatapos at nananatili sa pag-iisip at panaginip lamang. Sa halip, isinasabuhay ito sa pamamagitan ng mahusay na pagpaplano, at pinagsisikapang matupad.” –Manny Garcia.

31 thoughts on “(DAY 89/366) KAPENG ARABO”

  1. makabili nga n’yan, ang kulit mo kasi sabi ko sa Pandayan o Power Books ka bumili ng kapitan sino, nanghinayang ka pa sa points mo, well sa panahon ngayon malaki ang naitutulong n’yan, for sure meron ka din advantage card noh… nyahahaha…

    bakit mo naman naalala si dencio, bluguy at si Rye? dahil nga lang ba nasa ibang bansa lang sila? nyahahaha, joke lang wag seryosohen.

    mangarap ka at tuparin mo, ang pangarap hindi yan maganda kung hanggang mamatay tayo ay pangarap pa rin ito….

    1. yeah bili ka, hindi s’ya boring.. madami ideas sa ibang bansa 🙂

      yeah kumpleto ako ng Card, NBS, SM, BENCH etc.. hehehe

      sige minsan aalalahanin din kita nyahahahaha 🙂 ayun e kung mag aabroad ka na.

      yeah right ganun nga.. maiksi lang ang buhay kaya kailangan pursigihin.

  2. kahit saan ka mapunta dapat may ginagawa kang kapakipakinabang sa sarili mo at susunod para na din sa bayan mo.

    hindi ko alam pero kasi ang tingin ko dyan, kapag ikaw ay may malusog na katawan at active syempre mag rereflect sa daily routine mo. yung energy hindi nauubos. mas ok ang performance.

    bukod dun kasabay nun e syempre maayos tayung tignan lalo na ang mga ibang lahi na pag nakakakita ng pinoy/pinay e talagang gusto nila kasi presentable at mababango (proven na yan, ang ibang lahi mababaho talga pramis) ang mga pilipino bukod syempre sa mga talento at sipag natin.

    pero symepre ang pinaka mahalaga dyan e iyung drive mo pra umahon at makatulong sa sarili, sa pamilya at sa bayan 😀

    1. kaya nga daw laging mag ENERVON para laging hep-i. 😀 Nyahahahahaha

      parekoy sinabi mo na lahat..

      nasa pangarap pa rin sa bayan ang kategorya mo.. nice!

      pero tama nga din naman, kung hindi tayo malakas wala din tayong lakas para abutin ang pangarap.

      puntos ka dun ha! 😀

  3. tama lang talaga na hanapin mo ang puwang ng isang malayang pagpapahayag kahit saan ka mapadpad…at dito ko nga natagpuan sa blogosperyo ito…
    siguro kung hindi sa akig pangungulila sa umpisa ng aking buhay dito sa italya di ko makahiligan si charice at ang kanyang pakikibaka sa buhay na ito…at di ko rin matatagpuan ang isang mundo na nakatago (blogosperyo)….at naging aking pahingahan at hingahan ng mga saloobin na matagal ng nakahimlay sa kawalan….

    1. huwaw naman parekoy may pagkamalalim ha.

      ako nga parekoy, hindi pa ako nalalayo sa pamilya pero tila nangungulila pa rin ako, kaya ito gumagawa at humahanap pa rin ng pagkalinga. mabuti na lang may mga bagay na tulad nito na katatagpuan mo ng maituturing mong kaibiga’t kapamilya.

      katuwa naman, akala ko ako lang nahihilig kay charice dito, kaw rin pala apir*

  4. Kapatid, alam mo bang I was able to finish reading this book while standing for several hours sa National Bookstore? Hehehe…

    Good book… Enticing illustartions at tama ka, akmang akma ang kulay ng text sa title… Hehe…

    In gist, work out your dreams… 😀

    1. nyahahahaha.. salbahe ka ha.. hahahaha 😀 kala mo ako hindi e no?
      sa NBS kasi madadamot sila lahat na ka plastik, kaya sa POWERBOOKS ako nagbabasa, pero matapos kong magbasa binibili ko pa rin yung Book magandang koleksyon kasi yun lalo na kung maganda yung nilalaman. at isa pa tulong ko na rin sa author para ganahan pa silang magsulat.

      yeah astif yung mga sketch no? hehehe astig talaga..

      \m/

    1. bakit nasaang planeta ka ba kumareng mumu?

      puwede ka namang umorder yata sa net, international naman mo ‘to.

      tapos tanong na’tin kay sir Manny kung san ang malapit..

  5. mahilig ka palang magbasa ng libro! sigurado akong maganda yang book na yan!

    kapeng arabo, probably isang ofw ang nagsulat niyan at sa saudi arabia siya ngayon! bakit kape, dahil malaki ang epekto ng caffeine sa isang tao. simpleng inumin pero magagawa nitong hindi ka patulugin ng ilang oras.

    nice post otep!

    1. yeah mahilig talaga 🙂

      wow naman ibig sabihin nabasa mo na s’ya e mas mahilig ka pala e..

      thanks naman at nice post pala ‘to heheheh 🙂

    1. talaga? epektib? salamat naman..

      sige sabihin ko, lahat ng bibili ng librong ‘to sasabihin ko may 20% akong kumisyon.. close naman kami ni Manny Garcia.. toinks! nyahahahaha joke lang.

      salamat pareng monmon.

  6. “Sa kabuuan, ang lahat ay pinagpapawisan, hindi agad ito nakukuha sa papetiks-petiks lang.”

    Tama ka sa iyong tinuran na ultimo kaliit litang bagay na iyong ginagawa ay kailangan mo paghirapan. Kahit nga ang pag inom ng kape ay kailangan mo ang pag eexert ng effort para maka inom ka ng isang masarap na kape. Nice post…

  7. uhmf. helpful ng site nio kuya !! ka astig kayo !!
    patuloy sana kayo magshare !! YOUR SITE ROCKS !!!!
    oyeah ! mabuhay ang pinoy hahaha mabuhay si lolo
    OTEP !! (https://otep.wordpress.com/) *wink*

    THANK YOU PO AGAIN AND AGAIN !! walang katapusang
    P A S A S A L A M A T ~ aweee – – – – hahahahahah

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s