(DAY 91/366) “NASASAKTAN KA KASI MAHAL MO!”


Bakit pag-nagmahal tayo ng isang tao, sandali lang masasabi na nating pagmamahal ito. Pero bakit hindi ganoon kadali pag-gusto na natin silang kalimutan?

Noon, pinangarap ko na balang araw magmamahal ako ng sobra ‘yung tipong kababaliwan ko dahil mahal na mahal ko nga s’ya! Ganoon din sa pangangarap na mamahalin n’ya din ako. Pero noon pa man, hindi ko pinangarap na malulugmok ako ng ganito.

Ang tagal-tagal na, pero bakit nasa ganito pa rin akong senaryo.

Durog na durog na ‘ko sa nararamdaman ko.

Nag-uumapaw na yung nararamdaman ko kaya nauuwi sa pagpapalabas ng mga namumuong emosyon sa mga mata ko.

Kilala n’yo naman ako dito, mahilig akong maglabas ng nararamdaman ko, pero hindi ko talaga ipinapakita sa personal dahil hanggang pangungusap lang naman ako. Pero kanina hindi ko na kinaya, yung mga nanlilingid at mga nagbabadyang emosyon -tumulo! Gusto kong magtatakbo dahil ayokong nakikita ako sa ganoong akto. Gusto ko magsisigaw sa nararamdaman kong pagkainis sa sarili ko, dahil alam ko may labis na nasusuklam sa’kin. Kung alam n’ya kung anong pakiramdam na ‘yun, siguro hindi nya magagawa sakin yun.

Ang sakit sakit na…

Ayaw ko syang nakikitang nahihirapan dahil sa pagkamuhi na ‘yun. Pero sa ganoon ko ito nararamdaman.

Kasalanan ko ang lahat, pero anong magagawa ko? nagmahal ako. Sa ngayon hindi ko alam kung ganoon din ang naramdaman n’ya sa’kin.

Kung nahihirapan s’ya ngayon. Paano pa kaya ako? Hindi ko alam kung saan o kanino ako tatawag ng saklolo pero wala talaga.

Ito nagsusulat na naman ako dito, dahil alam kong dito lang ako puwedeng magsalaysay at alam kong pinapakinggan ko ang sarili ko. Sa pamamagitan ng pagtatala nalalaman ko kung saan ako papunta o saan ako puwede lumagay sa mga nararamdaman ko.

Ngayon alam ko na kung bakit ganoon s’ya sakin. Nasasaktan ako pero kung sa ganoon s’ya nagiging malaya at masaya susunod na lang ako sa kagustuhan nya.

Alam n’yo kung saan ako labis na nasasaktan? Paglalaman kong gustung-gusto nya na akong mawala sa alala n’ya.

Gusto ko lang naman bumalik sa normal pero bakit hindi n’ya magawang ipamigay sakin ‘yun.

Hirap na hirap na kasi ako eh. Bukas makalawa hihinahon na ako. Pero bukas makalawa uli, babalik na naman ako sa pag-iisip sa kanya.

Sabik na sabik na kong nawala na’tong nararamdaman ko. Kung maari nga lang maaksidente ako tapos mawalan nang malay tapos sa pag-gising burado na lahat ng alaala ko mas gugustuhin ko pa ‘yun.

Kung alam lang ng taong nakapalibot sa kanya.., -itong nararamdaman ko, siguro hindi n’ya na iisiping makihalo o makisawsaw dahil pakiwari n’ya mauunawaan n’ya ito at mapaplantsa na yung gusot na naiwan namin. (ano daw!?)

Nakakaramdam ako ng inis sa totoo lang dahil pabalik-balik na lang ito.

Hanggang kailan ba ‘to?

Natatakot ako sa susunod kong gagawin pero mukhang ito na lang talaga ang paraan, bahala na.

Huli na para panghinayangan ang mga bagay na sa tingin mo’y inalagaan at pinag-kaingatan ka.

Tutal ganito na rin naman yung naiisip n’yang paraan, siguro hindi man namin tulungan ang isa’t isa tulungan na lang namin ang mga sarili namin.

Hindi na ako umaasa na bumalik sa normal. Ang akin na lang ay huwag akong kamuhian at matapos na ‘tong aking nararamdaman.

Mahal na mahal ko pa rin sya.

Hindi na isyu dito kung sino man sa’min ang may kasalanan. Ang isyu na lang ay kung paano ito wawakasan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s