(DAY 92/366) HOW TO KEEP MY LOVE?


Minsan sa buhay ko may isang taong umuusig sa akin para panoorin ang pelikulang “How to keep my Love” ni Aja-aja yung babaeng nasa Lovers in Paris. Pinanood ko naman baka kasi makuha ko yung sagot kung bakit ganoon ang pakikitungo sakin nung taong tinutukoy ko.

Syempre nadala ako sa kwento, yung tipong mailalagay mo yung sarili mo sa isa sa mga karakter habang naiinis ka rin sa isa pang karakter na kala mo nasa pareho kayong sitwasyon. Tapos kapag umiiyak yung bida naiiyak ka rin. Ang drama talaga.

Sana tulad na lang sa pelikula ang buhay. Yung tipong happy ending o kung hindi naman happy, sad ending yung isa o kaya yung dawang karakter mamamatay. Haha joke lang.

Pero seryoso ‘tong ikukwento ko, lately talaga pakiramdam ko isang oras maglalaho na ko sa mundo. Minsan nga parang gusto ko na gumawa ng last testiment o kaya huling pahimakas ‘ala multimo a diyos. Sabayan pa ng mga aksidente sa daan kaya nasasabi kong malapit na talaga.

Doon mas lalakas loob ko para magpatawad sa mga taong alam kong may ginawa saking pagpapahirap sa loob ko.

Mas lalong inuusig ko ang sarili ko para mahanap ang tamang sagot sa kung paano ba maging masaya.

Kaso wala pa din e. May mga taong nakikisawsaw pa, lalo na doon sa mga taong marami na daw s’yang kaibigan pero pilit na nanghihimasok sa buhay-kaibigan ng may buhay-kaibigan. (ano daw?) basta.

Alam n’yo pag-namatay talaga ako sisiguraduhin kong papasukin ko lagi panaginip n’ya at uusigin ko ang konsenya n’ya kung meron ba s’ya noon.

Naalala ko tuloy sabi nung taong (ewan ko ba kung anong relasyon sa buhay ko, basta tao) sabi nya: “Lahat daw ng mabigat para gumaan binibitawan” Sabi ko naman “Kapag binitawan mo ang mabigat na bagay.., hindi gagaan ‘yon, kundi mawawala kasi nga binitawan mo!”

“Wala ka ng hawak. di ba?” -patuloy ko.

Siguro nga, kaya hindi ko na rin pinapansin yung mga taong kaibigan ko daw pero pinaplastik din naman pala ako. Ang lungkot lang. Pero sabagay, kaya daw ako nawawalan ng kaibigan kasi ako din daw ang nagtataboy.

Sa huli, malalaman din natin kung paano humawak ng isang relasyon, kung saan wala nang taong masasaktan.

Basta tandaan lang natin na kaya tayo nasasaktan, kasi nagmamahal lang tayo. Sapat na yun para maintindihan natin na ang pagmamahal ay isang pakiramdam na tumatagos hanggang kaibuturan.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s