(DAY 92/366) PILIPINAS, Nginitian ng Jupiter, Venus at ng Buwan


OMG! – ito na lang ang lumabas sa mga labi ko habang pinagmamasdan ang napaka-laking ngiti na nabuo mula sa pagtutulungan ng buwan at dalawang planeta.

Sa totoo lang kinilabutan ako habang pinagmamasdan ito. Napaka pambihirang karanasan ang makasaksi ng ganito.

Ang mga planetang Jupiter at Venus ay nagmistulang mayuyuming matang nagkikislapan habang nagmistulang matamis na ngiti ang nabuo sa ika-apat na bahagi ng Buwan.

Ayun sa mga siyentipiko tinatawag itong “Earth Shine Phenomenon” kung bakit? hindi ko alam eh.. lols 😀 search nyo na lang.. hindi ko rin alam kung tuwing kailan ito nagaganap.. Pambihira!

Haaayy.. Sinasabi ng karamihan na tulad ng isang mailap ng bulalakaw ay maari ka ring humiling dito. lalo na’t sa malaking smile (ay mali hindi pala smile, kundi “ISSSSMAAAAAAAAAAAAAAAAYYL” ganun kalaki!) lols.

Sinasabi ring malaking s’werte ang hatid nito sa bawat isa, lalo na sa ating bansa, imagine nginitian tayo? o baka nangingiti lang ang mga bituin sa kalangitan dahil sa nangyayari sa ating bansa.

Ganoon pa man, gamitin sana natin itong positibong simbolo para sa mga darating pang mga araw sa bayan man o sa pansarili. di ba?

Smile naman d’yan! 😀

14 thoughts on “(DAY 92/366) PILIPINAS, Nginitian ng Jupiter, Venus at ng Buwan”

  1. waaaahh!
    i have this in my phone as well. hahaha!
    nakita ko to paglabas ko ng mall.
    hehehe.
    talagang i captured it. natuwa kasi ako.
    thanks for posting it. hehehe. 😀


    hindi ako sure ha, sinabi lang sakin ‘to. pero mauulit daw ito sa quarter moon uli sa December 30.. sana nga.. gusto ko uli makita..

  2. hehehe ayos! nai-connect mo naman ang phenomenon na yan sa kasalukuyang pangyayari sa bansa…which is good.

    i didn’t see it. my friends were texting me about it but when i went out, i didn’t see anything. i guess i was at the wrong side of the world hahaha

    nyahahahaha natawa naman ako dun wrong side of the world, san ka ba banda? kasi dito sa manila ang daming building.. kasa bibihira din ang magandang pwesto..

    ammp.. bigla lang pumasok sa’tin yung CHA-CHA.. kakaasar kasi inuusad na naman.. sa susunod hindi lang ngingiti ang buwan, tatawanan pa tayo.. pang asar kasi si GLORIA!, kailan kaya mawawala nunal nun?

  3. hehehe parang bat ung emo oh… sayang hndi ko nga un naabtan eh. nasabar kc ako nun mga oras n un eh. hndi nag babar ha. nag tratrabaho..


    hehehe sigurado ka? hehehehe.. baka maulit naman, at makita mo rin in person 😀

  4. pang ilan ka na ba na nagpost ng ganito?? hmmm andami niyo na.. bakit ako.. hindi ko nakita nung mismong araw na yun.. huhuhu pero nung sumunod na araw nakita ko siya kaya lang wala na yung excitement.. tsk tsk..

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com


    hehehe ayos lang yun, natawa nga ako, kasi sabi ko ang tawag ng mga seyentipiko dun ay EARTH SHINE PHENOMENON, kaso pag ang buwan ay napunta na sa taas ng mata (nuo) [dalawang planeta] iba na tawag ng mga seyentipiko dun, lam mo kung ano?

  5. I find it lazy to go outside that night. :)) Anyway, ganda ng kuha. Sobra. 🙂

    NO TO CHA-CHA! 🙂 I just wonder why they keep on pushing it in the middle of a big crisis. As if namang ‘yun lang ang solution for that. Tsk tsk. Pathetic Malacanang.

    umarangkada na naman ang pagiging politician mo, hehehe oo nga, asar na rin ako, ang daming alam! pero maka-GMA kasi ang nasa CAMARA eh..

  6. siyempre..,
    na sight ko rin iyan..!
    papasok ako noon sa…
    aking trabahong…
    pang gabi..!
    anyway..,
    namasyal na rin pala ako sa…
    blog mo..!
    nagustuhan ko naman dito..!
    may sense ka bata..!
    ipag patuloy mo ang…
    pag susulat..!
    ayos yan..!
    kita kita tayo muli..!
    bisita ka lang parati sa..,
    BOMBA!!! (strictly for adults only) 😉

  7. buti na lang nag-blog ka.. kahit diko napanuod sa TV nakita ko din yung pinag-uusapan nilang yan.. galing naman ng kinalabasan.

    wAah.. ang ganda talaga.. sayang talaga diko nakita..

    ngitian na tayo ng kalangitan! kailangan ko na rin sigurong ngumiti! wAah(eMo) ayun.. padaan lang

    nice blog

  8. so ganun pala ang naging hitsura non. tulog kc ako pag gabi kaya di ko naabutan (utot) ngayon matatahimik na ako at nakita ko na…pde na ako matulog ulet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s