(DAY 93/366) PAANO KO SASABIHIN?


Minsan may isang taong nakatayo sa loob ng bus, malayo man s’ya sa bintana pilit nyang tinatanaw ang nasa labas at pilit ding dinadama ang hangin, subalit gaano man n’ya itong kamitin hindi n’ya magawa dahil walang bakanteng upuan at siksikan.

Minsan may isang taong nakatayo sa loob ng tren, malayo din ang tingin, wala mang bulinggit na hangin s’yang madama, damang-dama naman n’ya ang lungkot sa kanyang mga mata. Mapupungay ito, at tila sa isang saglit ay puwedeng umagos ang naiipon emosyon yang dala.

Ano kaya ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang taong ito?

Minsan may isang taong gustong magwika ng mga bagay, subalit hindi n’ya magawa. Dinadaig pa nito ang pipi na may kakayahang makakaintindi sa papagitan nag pagkumpas at hindi sa pagdada.

Minsan may isang taong naghuhumiyaw sa tuwa, subalit sa kanyang tunay na nadarama ay isang kalungkutan na nagpapatuloy sa pagkakulong na walang nakakaalam kung kailan ang kanyang paglaya.

Ano kaya ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang taong ito?

Daming tanong ‘no? Wala namang kasagutan. O sadyang may kasagutan hindi lang alam kung paano ipaliwanag.

Ito na naman ako, naglalakad na walang patutunguhan, tiklop na naman ang mga palad at nakayuko kung maglakad. Ano na naman ba ang problema ko? Napakarami kong gustong ibulaslas pero wala naman. Ang mahirap pa, ang dami kong iniisip pero hindi ko alam kung ano ba iniisip ko? Kaparingang ba tawag dito?

Ang hirap sabihin, pero nasasaktan kasi ako. Sa madaling sabi.., nagmamahal kasi ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s