(DAY 100/366) ZIGZAG


Ikalawang linggo noon ng November, sakay ako ng pampasaherong Dyip biyaheng pa-Alabang. Pabalik ako sa boarding house na tinutuluyan ko sa Pandacan, Manila mula sa mahigit isang linggong bakasyon sa Cavite matapos ang unang semester.

Hindi na iba sa atin ang makakita ng tulog sa loob ng sasakyan, madalas isa rin tayo sa nakakatulog dahil sa haba at nakaka-inip na biyahe. Noong araw na iyon, nagawa ko ang ganoong sitwasyon subalit sa nakakakilabot na pangyayari –isang panaginip naakalain mong totoong nangyayari. Sa parehong sitwasyon, sakay din daw ako ng pamapasaherong Dyip biyaheng Alabang nang magising ako sa lakas ng busina nito. Pagmulat ng aking mga mata isang Truck ang tumambad sa harap ng sasakyan namin. Sa taranta ng aming Driver iniliko n’ya ito, subalit sa sobrang kalituhan bumangaa kami sa mga halaman at madamong gilid ng karsada at tuluyang rumagasa pababa ng bangin. Nagpagulong-gulong kami kasabay ang mga nagsisigawang pasahero.

“arrrayyy.., tulongg…, saklolooo”

Nang mahipo ng Jeep ang mabasa-basa at mabatong ilalim ng bangin sinundan ito ng malakas na pagsabog. Ang pagsabog na iyon ang s’yang gumising sa’kin sa katotohanan na isa iyong bangungot. Pero tila napaka-hirap paniwalaan na hindi iyon totoo… ang mga sitwasyon…, at lugar ng pangyayari -parehong-pareho! Pawis na pawis ako noong mga oras na iyon tila imposibleng mangyari na lumatak ang mga pawis mo sa ganoong kadami lalo na’t madaling araw iyon at napaka-lamig ng hangin na pumapasok sa loob ng sasakyan. Hindi ako mapakali, natataranta ako kaya nagawa kong sumigaw ng napaka-lakas. Mas lalo na ng malaman ko na malapit na kami sa Zigzag -ang pinangyarihan.

“Manong para po!… Manong bababa ako!”

Huminto ang sasakyan at natatawang tinatanaw ako ng mga pasahero kabilang ang driver. Ang iba naman ay nagising sa kanilang pagkaka-iglip at nagbibigay na kani-kanilang reaksyon.

“Sino naman kaya bababain n’ya dito.., eh wala namang nakatira dito..?”

Hindi pa ako gaanong nakaka-baba sa jeep, nakita ko ang kapwa ko pasahero na mag-asawa kasama ang kanilang anak na umiiyak, kung hindi ako nagkakamali nasa pito hanggang siyam na buwan ang edad ng bata nang maibulaslas ko ang ganito..

“’te paki-usap bumaba na rin kayo”

Tila susunod naman sa’kin ang babae ng buhatin n’ya ang bata sa aktong tatayo. Pinigilan ito ng kanyang asawa.

“baliw ka ba?!.. Adik ‘yun..wag mong pansinin”

Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayri sa pagitan ng mag-asawa dahil humarurot na ang sasakyan.

Madilim ang parteng iyon ng zigzag na pinag-babaan ko, pero hindi ako natakot na baka may mangyari sa akin, ang mas kina-katakutan ko na baka magkatotoo ang panaginip.

Nanlalamig ang buo kong katawan na may kasamang panginginig. Hindi ko man nakikita pero nararamdaman kong namumutla ako sa takot.

Minuto din ang hinintay ko bago dumating ang sumunod na Dyip na biyaheng pa-Alabang din. Agad-agad akong sumakay sa sasakyan katabi ang Driver at isang pasahero nito sa harapan. Ilang sandali lang matapos lumiko ng pakanan ang sasakyan may pumarang mag-ina. Hindi ako nagkakamali na sila mismo ang nakasabay ko sa Dyip na sinabihan kong bumaba na.

Samantala, sa kasamaang palad hindi sila pinansin ng driver at nakasakay sa dyip sa kadahilanang punong-puno na ang loob ng sasakyan. Naawa ako sa mag-ina at na-guilty sa nagawakong kabalastugan. Kung hindi ko sila binulabog sana wala sila sa ganoong lugar.

Ganoon pa man, labis ang pagtataka ko kung bakit hindi nila kasamang bumaba ang asawa nito. Ganoon na ba kasama ang lalake para pabayaan ang kanyang mag-ina sa ganoong kadilim at kadilikadong lugar?

Hindi pa rin mawala ang bagabag sa’king dibdib noong mga oras na iyon. Habang binabagtas namin ang ma-kurbang daan.. isang malakas na pagsabog mula sa bangin ang gumuluntang sa’min. Tuluyan na nang umagos ang naiipong likido sa aking mga mata sa sobrang hilakbot.

Totoo ang panaginip! Totoo ang nasaksihan ko! Mga salitang sa isip ko lang isinisigaw habang tulala at habang naparalisa ang biyahe ng ilang saglit. Nais tumulong ng mga pasahero, ang masaklap lang hindi nila magawa sa kadahilanang malalim ang bangin. Ang truck naman na kapwa napahinto ay maya-maya ay umandar ang makina at lumayo.

Walang naka-saksi sa aksidente kung ano ang tunay na nangyari bukod sa truck na salarin at sa sarili kong panaginip.

Nakauwi naman ako ng matiwasay sa boarding house ni-walang paso o gasgas sa balat, taliwas sa nakaka-pangilabot kong napanginip. Noong araw na iyon pinilit kong huwag munang pumasok sa unang araw ng second semester.

Buong araw akong natulala at habang naghihintay ng balita sa telebisyon ukol sa aksidente.., ay nabalitaan kong ni-isa sa mga pasahero ay walang nabuhay o kahit naisugod man lang sa ospital. Ni-isa rin sa mga kamag-anak ko ay walang nag-alala na baka isa ako sa nadamay sa aksidente. Pero naiintindihan ko kung bakit dahil ugali ko nang mag-text pagkarating na pakarating ko pa lang sa Maynila.

Wala akong pinag-sabihan ng kuwentong ito bukod sa kausap ko sa panalangin dahil alam kong walang maniniwala.

Decembre ng muli akong umuwi sa Cavite para sa Christmas Vacation. Hindi ako makapaniwala na magpa-hanggang ngayon ay nabubuhay pa ako at nakaka-usap ko pa sila. Niyakap ko ng mahigpit si Mama pagkarating ko at nagpasalamat na may kasamang paghingi ng tawad. Nagtaka silang lahat dahil hindi iyon gawain ng estudyateng tulad ko.

“o.. bakit may nangyari ba?.. naku may lagnat ka ba?

-nangingiting winika ng mama ko. At sinabayan ng tawa ng mga kapatid kong first time akong nakita sa aktong iyon.

Enero nang bumalik ako sa Maynila. Sakay pa rin ng dyip dahil wala namang ibang sasakyan bukod doon. Sa ganoong araw pa rin ng lunes, papasok sa unang araw ng pasukan sa eskwela ngayong taon.

Dilat na dilat kong ibinayahe ang mga mata ko at tila may pobya na sa paghimbing sa loob ng Jeep. Papasok na kami sa zigzag noon malapit sa pinangyarihan ng aksidente nitong nakaraang taon. Nang makaramdam muli ako ng hilakbot na triple na ngayon.

May pumarang mag-ina sa sinasakyan naming Jeep pero tila ako lang ang nakakakita. Maluwag ang loob ng sasakyan, kasya ang walo hanggang sampung katao. Subalit hindi ito pinansin ng driver. Naiiyak ako noong mga oras na iyon at tila nais kong mabaliw, lumiko ang dyip at muli ko silang nakita, ayoko silang tingnan pero lubhang hinihikayat ang mukha ko palabas ng bintana para tanawin sila. Nakakatakot ang kanilang anyong duguan at humihingi ng tulong. Muling lumiko ang dyip pa-kanan at muli ko na-naman silang natanaw mas nakakatakot dahil inaagnas ito at patuloy na humihingi ng tulong, mas lalo na nang lumapit sila sa mukha ko pa mismo.

Wala akong magawa noong mga oras na iyon, hindi ko naman magawang ipikit ang mga mata ko dahil sa pobya na baka makatulog. Nang makalabas kami sa Zigzag abut-abot ang pasasalamat ko dahil kusa na silang nag-laho.

Sikat na ang araw ng makarating kami sa Alabang, pinilit kong magpaka-normal mahirap man magpatay malisya na parang walang nangyari.

Simula noon hindi na ako dumaan pa sa zigzag ng Governor’s Drive ng Cavite at mas pinilit na daanan ang mas malayo pauwi man o pabalik.

Hindi ko alam kung naging malas ang aking kakaibang karanasan o mapalad dahil sa pangalawang pagkakataon na ipinakaloob sa akin.

Siguro nga hindi ko pa oras, maswerte lang talaga ang mga taong tulad ko na nabibigyan ng pagkakataong humingi ng kapatawaran sa mga taong mahal at mga taong alam kong nasaktan ko. Kumpara sa mga taong binawian ng buhay sa hindi inaasahang pagkakataon na magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin natatahimik ang kanilang mga naliligaw na kaluluwa.

 

31 thoughts on “(DAY 100/366) ZIGZAG”

  1. life moving experience yan otep. labs ka ni papa jesus. ngapala, di pa ako nagpapasalamat for adding me up in ur blog roll. salamat [saka pa-update na din ako, hehe] na link na din kita.

  2. OteP AsTiG Ka TaLAGa
    LaHAT Na YatA Ng NA-PoSe Mo HeRe MAy CoMmEnT Na!!

    Proud Ako Na MaY clAsSMatE Ako N TuLaD MOoOoOh!!
    SaNa MagIng mAtaGumPaY KAng WriTeR SomEdaY!!

    KaYa MagBuNYi TayO FrIenDsHIp “OTEP”

    VivA La viE TUPian BlOggErS!!!

    +=* LIU XING *=+

  3. wow. this story creeped me out too. parang true philippine ghost stories. your subconscious actually projected a future event in your life, i think that happens to 1 in a billion people.

    it’s nice to have a second lease on life, and having the chance to say to your loved ones how much you cherish them.

  4. yes, i do believe your story. i think it was written with enough authenticity and the attention given to details was fantastic. pwede ka ngang writer, be it non-fiction or otherwise.

  5. maganda tlga..

    buti kpa n2pad mu na un isa sa mga achievement mu..

    kip up d gud work..

    at if ever kit kitz sa news center..ehehehhehe

  6. otep…di ko sinadyang mabasa ang iyong blog…
    at di ko inaasahang mababasa ko ito…
    naniniwala ako sa iyo…sa maraming kadahilanan…

    the way you made your blog…i really felt the essence of it…
    the truth behind it…tama ka mahirap ikwento ito sa mga taong hindi man lamang bukas ang pag iisip sa mga ganyang aspeto…
    we have common experience…i mean in such way na mahirap talagang ipaliwanag…your lucky bibihira lamang ang nabibigyan ng ganyang pagkakataon…your story creeps me…Good JOB! keep it up…

  7. jerah,

    jerah

    hehehehehehe.., nabanggit mo yung word na “kita-kits sa news center”
    masscomm kba?

    hehehehehehehhe

    natanong ko lang.

    -otep

  8. @Anjela at Toto,

    gaya nga ng sabi ko, hindi ko intensyon paniwalaan ako, kaya nga wala akong pinagsabihan dahil wala talagang maniniwala sa’kin.

    kung ayam n’yong maniwala, sana binaon n’yo man lang yung aral na naka-agapay dito..

    salamuch sa comment at visita..

    hehehe \m/

    -otep

  9. @rhaine,

    pag nagbabasa ka ng mga ganitong kwento, mahirap talagang paniwalaan,

    ganoon pa man, lagi mong isipin yung iniiwan ng kwento,
    lahat ng kwento may nais iparating at sana’y nakuha mo.
    may isa pa nga akong kwento..

    hehehe baka isipin mo may third eye ko, wala no..

    \m/

  10. ang hirap paniwalaan.nakakakilabot naman yan!ako din,marami akong karanasan pero hindi ganyan karanasan lang sa mga multo at kakilakilabot na pangyayari.ewan ko din kung bakit ako nakakakita nang multo.buti at alam kong hini ako nagiisa…………

  11. know what,,??,,to be honest,,hindi ko alam if maniniwala ba ko sa blog na tho o hindi,,,pero lam mo,,hanga ako sayo,,

    ,,sobrang matatakutin kac ako eh,,
    ,,baka mamatay ako kung sakin nangyari un,,hehehe,,

    ,,ang ganda nang story mo pero hindi ko masasabi na naniniwala nga ko pero parang ganun na nga,,haha,,peace..\/,,^_\\)…

    ,,nga pho pala,,
    ,,sang TUP ka pho bah nag-aaral??
    ,,sa dasma,,??

    ..tc ka nalang pho always,,

    ,,kuya pa add nalang pho fs ah,,hehe,,

    ,,elises_04@yahoo.com,,

  12. pare ‘ ok ung experience mo about katatakutan,parang final destination lang ah…pero thank ka parin ky God kasi naiwas ka nya sa ganung sakuna,at thankful ka kc nabigyan k ng second chance na humngi ng tawad sa lahat ng pagkakamaling nagawa mo..at thank you ibinahagi mong kwento ..sana nga maging magaling kang writer someday.. rr,,jay..

  13. hi poh! ang galing mong magwento ng katatakutan!!!!!…. sana poh hindi na kayo magbago ng ugali para hindi na kayo makaranas ng ganoong takot! ipagdasal mo na lang na matahimik na ang kaluluwa ng mga namatay sa aksidente!!!!!!!!!! SALAMAT AT GOD ALWAYS BLESS YOU!!!^_^

  14. nice! grabe nagz2han qoh poh ung qwen2 nyo!!

    & massv qoh tlagang mswerte k!

    bti knya m, qng aq yan nku bka nbliw n qoh! ahehe
    aq kxe ung typ ng tao n mhilig magbsa ng ktataqtan peo mtataqtin ahehe!

    ahm sna mbasa q ung lhat ng qwen2 m!

    bztah alwayz trust god! pag my ganyan ul8 n pangyayari magdsal k lng poh!un lng ingat!

    ahm add m nga poh aq! tnx a lot!

  15. hi! naghahanap kasi ako ng kwentong nakakatakot, at eto nahanap ko ang sayo. Ganda ng story mo… ako naniniwala kasi nakaranas na rin ako ng ganyan, ghost experience… sounds nga lang nga.

    sana meron pang iba.. mahilig ako sa ganito e. BRAVO!

  16. uie… dumaan ka pa daw ulit doon… tingnan natin if nandun pa sila… tapos i chika mo sa akin… ok lang buh sayo.? i i.m. mo lang sa akin if nandun pa sila… anilojaliesh_mfo… thanks.!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s