(DAY 101/366) SILID NG KADILIMAN (DARKROOM)


Naranasan n’yo na bang makapasok sa isang darkroom? Nalalaman n’yo ba kung bakit madilim dito? Halina at samahan ninyo akong pasukin at tuklasin pa ang mas dumidilim pang mga karanasan sa loob ng isang darkroom.

Noong bata pa ako, madalas kong gustuhin na makita ang mga larawang kupas ng aking mga magulang kuha noong kapanahunan nila at mga panahong hindi pa ako ipinapanganak. Masaya ako kapag nakikita ko ang mga larawang iyon. Nagkakaroon ako ng mga ideya kung ano ang mayroon o wala sa kapanahunan nila kumpara sa panahon natin ngayon. Napakasayang isipin, na dahil sa mga larawang iyon mababakas at magugunita ang mga alaala at mga pangyayaring nagdaan. Minsan ko nang ikinumpara ang mga larawan noon sa mga larawan natin ngayon. Ibang-iba na talaga kung ihahambing mo. Makukulay na ang mga larawan ngayon kumpara dati na pawang mga black-and-white pa lamang. Malayo na talaga ang narating ng mabilis na pagtakbo ng teknolohiya. Mas lalo na ngayon, kapansin-pansin ang mga iba’t ibang uri o unit ng cellphone na naglalabasan na may camera, na puwede mong ipangkuha ng mga larawan kahit saan at kailan na kung saan maaari mo na rin itong maipa-print. Halos kasabay din ng paglabas ng mga di-kamerang mga cellphone ay ang paglabas ng mga kamerang hindi mo na kinakailangan lagyan pa ng film. At maaari mo na ring burahin ang mga larawan kung sakaling hindi mo maibigan ang mga kuha nito na hinding-hindi mo magagawa sa isang ordinaryong kamera. Karamihan din sa mga kamerang ito ay may kasamang video -ang mga video camera o mas kilala sa tawag na “digital” na nangangailangan lang lagyan ng baterya.

Subalit sa kabilang dako may mga taong hindi nasisiyahan sa mga pangyayaring dala ng mabilis na pagtakbo ng teknolohiya. Sila ang mga taong ikinabubuhay ay ang pagkuha ng larawan gamit ang kani-kanilang mga nakasanayan, luma at ordinaryong kamera na higit namang nangangailangan ng film. Isa ako sa mga taong nangangarap magkroon ng “digital” na mabibili sa napakataas na halaga. Kung tutuusin nga, ang presyo nito ay maaari ko nang ipang-matrikula sa aming paaralan ng semester. Pero kapalit naman ng mataas na presyo ay ang magagandang kuha nito. Hindi n’yo naitatanong, hilig ko rin kasi ang fotograpiya minsan na rin akong nangarap na maging isang sikat na litratista at magkaroon ng isang photo-exhibit na kinaka-tampukan ng mga kuha kong mga larawan. O dili kaya maging isang litratista sa isang sikat na pahayagan dito sa Pilipinas. Kaya nga, nang hindi ako makapasa sa isang sikat na pampublikong paaralan dito sa Maynila para kuhain ang kursong talaga namang gustung-gusto ko -ang BS Broadcasting Communication ay mas ninais ko nalang kuhain sa kolehiyo ang kursong may malaking kinalaman sa photography ang Graphic Arts and Printing Technology. Hindi n’yo rin kasi naitatanong malaking bahagi ng printing industry ang photography, tulad sa mga pahayagan, mga aklat, magazines, bill boards at marami pang iba at iyan marahin ang dahilan kung bakit npakahalaga ng photography sa araw-araw nating pamumuhay.

Maraming araw na rin akong napapadaan sa Luneta, walking distance lang kasi mula sa aming paaralan ang Technological University of the Philippines-Manila o mas kilala sa tawag na TUP.. nang sumagi sa aking isipan ang monumento ni Rizal angkop na angkop pala ito na kuhaan ng larawan para sa subject ko na “still life” para sa project ko naman sa general photography kaya naman agad akong dinala ng aking mga paa patungo doon. Maliban sa monumento ni Rizal marami pa akong nakitang mga rebulto tulad nila Lapu-lapu at marami pang iba. Agad ko itong kinuhaan ng larawan ayon sa tamang pagkuha gamit ng aking kamera. Matapos kong makumpleto ang pagkuha ng larawan, dinala naman ako ng aking mga mata sa mga magagandang tanawin pati na rin sa mga taong masasayang nagkukuhaan ng mga larawan. Agad ko ring napansin ang kani-kanilang mga kamera na may iba’t ibang modelo. Nakakainggit silang pagmasdan kaya pinilit kong inalisin ang paningin ko sa kanila at sa isipan ko na malabong magkaroon ako ng ganun sa ngayon. Kaya dinala ko na lang ang aking atensyon sa kapwa ko na may dala ring kamera -ang mga litatista ng parke na halos sundan at pilitin ang mga taong namamasyal na magpakuha sa kanila ng larawan. Naalala ko tuloy nung bata pa ako, noong namamasyal pa kami sa Luneta kami pa mismo ang lumapit sa isang photographer para magpakuha ng larawan. Ibang-iba sa mga nakikita kong sitwasyon ngayon, kabaliktaran na ng mga pangyayari. Marami tuloy tanong ang pumasok sa aking isipan. Kung bakit kabaliktaran na ang nangyayari ngayon? Napagisip-isip ko, marahin dahil sa halos karamihan sa mga tao ngayon ay may kamera na, kaya hindi na nila magawang magpakuha ng larawan sa mga litratista ng parke..

Malaking pakinabang at malaking kasiyahan ang dulot sa atin ng mga larawan bilang alaala at paggunita sa mga araw na nagdaan. Subalit sa kabila ng mga magagandang kuha ng mga larawang ito may mga taong hindi nagagandahan sa dulot ng mabilis na pag-usad ng teknolohiya.

Tulad ng mga litratista sa parke at sa mga estudyanteng tulad ko na minsan na ring nangarap ay umaasang huwag dumating ang araw na ang mumunting liwanag na dala na redlight sa kadiliman ng darkroom ay huwag kumurap at huwag humantong sa tuluyan nitong paglaon.

12 thoughts on “(DAY 101/366) SILID NG KADILIMAN (DARKROOM)”

  1. Joseph,

    Salamat sa suggestion at sa kuwento tungkol sa mga
    litratista. Napaisip din ako, dahil meron din ako
    dating film camera, na pinalitan ko na ng digital cam.

    howie

  2. hmmmm…. Aztig Bez! naiCp mo un….

    nwei,gya ni sir howie…napaiCp dn ako….kaso wala nman akong maiCp…hehehe…Joke lng!!!ano kaya noh?! iba n tlaga ngaun…

    high-tech na tlga…even cam…madalian nlang…di 2lad ng dati….

  3. nakakatuwa ka naman, pano kayo nagkakilala ni howie? ang galing naman at nakakatuwa sya dahil binibiista ka nya dito 🙂 pakilala mo naman ako lol!

  4. JOSEPH astig u talaga d q na imagine n u cn do dis!!!! pinahanga mo talaga me!!! kya nga pag nwala k nkaka miss!!!! wag n ung umalis hir s TUP pls..

  5. ei..ei…ei…

    bez..

    AztIG!

    ang galing ng Cnulat moH…

    Hmmmm… buti at NaiCp m p yan…

    actuallY, mejo limot n yan ng mga tao s ngaun…

    jz continue…

    malay natin… ikaw na ang susunod na HOWIE sa kapuso…

    keep it up…

    GOD BLESS!!!

  6. hmmmm……i dont know wat 2 say?!!!hehehehe…. astig ka talaga otep…ang ganda ng kwento mo ung sa darkroom,,,,hehehe keep up the good work!!!!!

  7. “sa loob ng isang madilim na darkroom”

    Alam nang lahat na ang darkroom ay isang silid na madilim. Hindi na kailangang gumamit ng salitang naglalarawan upang madama ng bumabasa ang gustong ipakita.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s