(DAY 151/366) GOODBYE CHICKEN FOR NOW, HELLO FISH FROM BONCHON


Puro chicken na lang tayo! fish fish fish naman pag may time! 

Buti na lang may mabait akong boss kaya nagpadeliver sya sa Bonchon. Ang natatanging alam kong fastfood na may fish sa menu.

Visit na lang kayo sa site nila, kung magkano.. basta masarap yung spicy!

http://bonchon.com.ph/food/main-menu/

(DAY 150/366) PATULOY ANG PANGARAP -ANGELINE QUINTO


Sabik na sabik akong umuwi ng Cavite nitong weekends hindi para makita ang mga pasaway kong nakakatandang kapatid, kundi para manawa ako kakapanood ng TV.

Wala kasing TV sa boarding house kaya ganun na lang ang sabik ko manood. 😛

Pagkauwing-pagkauwi ko palang ng sabado ng gabi naupo na ako agad sa malambot naming sofa at doon nanood na ng jessica soho, tv patrol, talentadong pinoy at kung anu-ano pa. Noon ko nga napagtanto na nahihilo na pala ang TV sakin. hoho

Hanggang nakatulog na lang ako sa upuan namin.

Kinabukasan, pagkagising na pagkagising ko pa lang binuksan ko na agad ang TV, tamang-tama basagan ng panga ang naabutan ko Montiel vs. Donaire. Ayun panalo agad si Donaire sa second round, kitang-kita ko kung paano nangisay yung kalaban ni Donaire. kewl.

Hanggang gabi na akong nagpatuloy kakapanood ng TV. (sawaan talaga)

Syempre inantabayanan ko ang Star Power, hindi ko man nasubaybayan ito sa TV nasusubaybayan ko naman ito sa Internet.

Ang totoo n’yan bet ko talagang manalo si Monica noong una., nakuha n’ya kasi ako sa kakangiti n’ya kahit umiiyak nakangiti pa din hoho. Pero nitong huli, naging bet ko na talaga si Angeline astig kasi ang talent n’ya, makabasag speaker ng TV set namin lols. -iyon ay technical difficulty lang naman daw ng programa. Pero kahit ganun ang nangyari astig talaga ang unang n’yang performance na “What kind of fool I’am”.

Sinunod namang kantahin ni Angeline ang Judges’ Song Choice “I dont wanna miss a thing”.. waaaaaaaaaa galing talaga! nakikita kong sumasapi sa kanya ang katawang lupa si Regine Velasquez. Naka-showdown s’ya si Monica n’on na bet ko nga.

kaso sabi ni Billy mas nanaig daw si Angeline kaysa kay Monica. hmmm okay. judge s’ay e (puwede namang wag na sabihin yun. finals naman).

Ay syempre nung tatlo na lang sila ni Angeline, Monica at Krissel sa final round, kinanta ni Angeline ang “Patuloy Ang Pangarap”.

Alam n’yo bagay na bagay talaga sa kanya ang kanta, kung paano sya nagsimula.., kung paano s’ya nangarap. Kaya naman ito ang nagpanalo sa kanya.

Isa na namang kungkretong patunay kung anong hiwaga meron ang pangarap basta maniniwala ka.

Kung aalamin nyo lang kung paano nagsimula sa Angeline sa buhay, kung anong pamumuhay meron s’ya, kung anong mga napagdaanan n’ya at kung paano s’ya nagtiyaga, hindi lang talento n’ya ang hahangaan mo sa kanya kundi ang buo n’yang pagkatao.

Kaya nga noong nalaman ko kung bakit maraming taong may gusto sa kanya hindi na ako nagtanong at naki-gusto na rin ako hoho..

Kung gusto n’yo palang mag download ng kanta nya lalung-lalo na ang “Patuloy Ang Pangarap” punta lang kayo sa http://www.starrecords.ph

o kung gusto n’yo ng sampol.. click n’yo ‘to.

Kungrats Angeline! 🙂

ITO YUNG LYRICS (lamlamin nyo ang nilalaman)

“Patuloy ang Pangarap” Lyrics
Composer: Jonathan Manalo
Performed by Angeline Quinto

‘Di pa rin makapaniwala Sa lahat ng nangyari
Pangarap parang kailan lang Sa panaginip ko’y nakita
Ngayon ay dumating ng bigla sa aking buhay
Di naubusan ng pagasa ako’y nanalis sa…

Chorus:

Isang Pangarap, ako’y naniniwala
Ako ay lilipad at ang lahat makakakita
Sa isang pangarap ako’y naniniwala
Hindi ako titigil hangga’t aking makakaya
Unti-unting mararating, tagumpay ko’y makikita
Patuloy ang pangarap pangarap…

‘Di pa makapaniwala sa aking nakikita
Lahat ng panalangin ko, ngayon may kasagutan
Lahat ng pinagdaanan at pinaghirapan
Nagbigay ng kalakasan upang marating ang..

Repeat Chorus

Kahit saan, kahit kailan
Alam kong ako’y patungo
Sa marami pang tagumpay

Repeat Chorus

Patuloy ang Pangarap…

NEWSPAPER LAYOUT DESIGN


“When everyday is a deadline”

Throwback layouting muna tayo, noong panahong sinakluban ako ng napakaraming konsepto.

Galing ako sa sa isang newspaper na national circulation noon, tapos naghanap ako ng raket kasi nga ang liit ng sahod.

So, natanggap naman ako. Pareho lang naman ang trabaho magdedesign o mag-le-layout ka lang naman. Ang pinagkaiba lang. Kung sa local newspaper isa o dalawang section lang ang gagawin mo halimbawa; classified ads at special features, dito lahat ikaw!

Nakaka-proud din minsan, kasi kung iisipin mo nga naman ikaw mismo gumawa concept ng newspaper mula logo, hanggang sa front page design, commentary pages at iba pang pahina. Biruin mo ako lang gumagawa noon lahat?

Nakasurvived naman ako siguro mga 30 issues din yun bago ako nagresign. Ang dami kong pagsubok. Pero sobrang dami ko rin natutuhan.

Narito ang ilan sa mga nagawa ko:


PinoyWatchDog.com 18th Issue

 

PinoyWatchDog.com 19th Issue

PinoyWatchDog.com 21st Issue

PinoyWatchDog.com 22nd Issue

 

(DAY 125/366) UNANG LIPAD


Noong bata pa tayo sino ang hindi nangarap makalipad o makasakay ng eroplano? siguro iilan lang sa atin, lalo na doon sa mga may phobia sa matataas. Sobrang dami nating tanong noon at isa sa mga nangingibabaw na tanong ay kung paano ito nakalilipad.

Noong nag-aral na tayo madami na rin tayong napapag-aralan hinggil o ukol sa pinagmulan at teorya nito. Sige nga sample “sino ang naka-imbento ng eroplano?” (comment your answer). lels

Akala ko noon, doon na matutuldukan ang pagtatanong natin matapos daanan ang elementary hanggang kolehiyo hindi pa pala. Isa sa mga tanong ngayon e kung saan napupunta ang dumi at ihi ng tao kapag inabutan ka ng tawag ng kalangitan (etse ng) kalikasan habang naglalakbay ka sa kaulapan?

Nagsisilbi ba itong bio-fuel na derecho sa fuel tank ng eroplano para maging enerhiya? at sa sitwasyong walang mapaglandingan ang eroplano at magpaikot ikot ito sa kaitaasan ay hinding hindi na maso-short sa gasolina dahil nga sapat na ang mga naiipong alternative fuel natin sa ating mga kapantugan?

Sa ibang banda, kaya ba minsa’y sa pag-ulan ay may malalasahan tayong maalat-alat dahil sa mga nagwiwiwi sa loob ng eroplano derecho palabas? O di kaya’y sa pagdumi sa isang pasahero ay sasabit na lang ito sa isa sa mga ulap? At dahil sa duming iyon ay nagkakaroon ng mistulang pataba ang isang ulap na nagiging sanhi upang mabuo ang nagbabanyang sigwa na tinatawag nating -kalamidad?

At sa sitwasyong patuloy na nga ang pagdagsa ng mga nagdadaang eroplano, patuloy din ang pagdagdag ng mga pupu na naiimpak sa mga kaulapan kaya naman ito’y bumibigat  at nahuhulog na lang? Salamat na lang at nagiging mistulang malinis na katya ang ating mga kaulapan kaya hindi ganoon kadumi at kabaho ang ulan.

Ahh basta! ang alam ko lang pangarap ko talagang makasakay ng eroplano. period.

Taon-taon sa pagpasok ng bagong buwan, nagsusulat talaga ako ng mga pangarap kong gustong matupad. Mahirap man matupad pero alam kong posible. Isa na nga dito ang makasakay ng eroplano kahit hindi ako alam kung saan.

Nitong Nobyempre, mapalad ko itong naisakatuparan at isa na nga ito sa hindi ko malilimutan 🙂

Salamat na lang sa tulong ng mga kaibigan kong blogger na naging daan para maisakatuparan ito.

Ika-apat ng nobyembre noon, wala pang tulog. Hindi dahil sa nag-aadik ako kundi dahil sa sobrang sabik at takot na baka maiwanan ng eroplano. Ayaw kong maiwanan no! isa ito sa highlights ng mga pangarap ko.

Maaga naman kaming nakarating sa NAIA 3 ni Kurog pero mas maaga sila Cuteberl, Xander, Kumagcow, Mark at Bino. Ay mali! mas maaga pala si Ro Anne lels.

Sa kasagsagan ng paghihintay sa pagtawag ng flight namin, nakaramdam ako ng tila pag-uudyok ng kubeta. Hindi na ako nagdalawang isip magpunta sa palikuran ng Airport (bago daw e). Pagpasok ko sa kubeta malinis naman at malalaki ang cubicle.. ibig sabihin malake din ang inidoro.. kala ko nga hindi magkakasya puwet ko.. sakto naman. lels. Tatagalan ko pa sana kaso yun  nga baka maiwanan ako ng eroplano.. Syempre nag flush ako.. nagulat ako kasi akala ko kasama ako sa mapa-flush sa lakas na current nito. lels.

Paglabas ko sa CR patay malisha ako,  kunwari nagwiwi lang pero ang totoo naglabas ako ng sama ng loob doon.

Nang biglang may tumawag sakin…

“otep..! otep..!” gulat much ako, kala ko umabot  na sa loob ng CR na paliparan ang kasikatan ko.

si Mark lang pala hindi ko namalayan katabi ko lang pala na nanalamin.. tatanungin ko sana.

“tumae ka din?” hahaha lels. hindi ko na pinagpatuloy kakahiya.

Mabilis na tumakbo ang oras at hindi ko namalayan na nasa loob na ako ng eroplano. Para akong nananaginip ng gising noong mga oras na ‘yon. (Ganoon ka OA! Promise).

Dahil sabay kami dumating ni Kurog malamang magkatabi kami sa eroplano.. tatandaan ko Seat No. 21-D ako, sya naman Seat No. 21-E.. Medyo kinabahan ako ng konte kasi baka ito na ang una’t huling sakay ko :'(..  21 din kasi ang birthday ko.. (lam mo yun… parang… 21 tapos.. 21 bday ko konek naman di ba? lels)

syempre picture-picture kahit pinapapatay na yung mga cellphones.. Akala ko nga may sasayaw din tulad sa mga balita, e sa Cebu Pacific lang pala yun.

Ang daming sinasabi sa eroplano di ko nakabisado.. isa lang natandaan ko sabi:

“Bawal maglaro ng eroplano sa loob ng eroplano” natawa ako syempre.. yung iba hindi parang KJ lang, nakakatawa kaya yun.

Ayun. pamahiin pala yun sa mga eroplano para maging soft din ang paglalakbay.. Imaginin nyo na lang yung eroplanong pinapalipad sa kamay ‘di ba sobrang wavy? ayun sana napaliwanag ko. hahaha.

Akala ko noong mga oras iyon… umaandar na ang eroplano at  lumilipad na kami. Hindi pa pala nasa kalupaan pa pala kami.. nahihilo na nga ako sa kakalakad ng eroplano.

“wala na bang ibibilis ‘to?” sabi ko. Mga men! bumubwelo lang pala!.. noong malayo na ang nararating namin.. maya-maya nag announce na yung  piloto.

Sabi…. ahh…  (hindi ko kabisado english e..) Basta pagkakaintindi ko ready to take-off na.

Kinabahan ako mag pre! pakiramdam ko pumapantay itlog ko kasabay ng pagkaipit nito sa dalawang hita ko. napapahawak ako sa hawakan ng upuan. Hindi ko alam kung ipipikit o didikit ko ang mga mata ko sa hindi ko matanaw-tanaw na labas ng bintana..

Kasabay ng medyo may kadilimang ilaw sa eroplano natanaw ko ang linawag sa labas!

“Men! This is it! I’m Flying! I can’t believe i Can fly!!!” -yun nagsisigaw sa isip ko yan habang damang dama kong umaangat kami ng wagas wagasan..

Nahimasmasan naman ako noong medyo panatag na ang eroplano kaso nawiwi yata ‘ko.. Namamaluktot ako kasi pakiramdam ko anytime puputok na pantog ko.. e bawal pa daw magtanggal ng sinturong pangkaligtasan o seat belt.. Sabi ko “isang oras lang naman ‘to, kaya mo yan otep!! 

Wala sa intensyon kong gumamit ng palikuran ng eroplano habang umaandar ito pero hindi ko na kaya. Kaya noong puwede ng tumayo ayun takbo agad sa dulo ng eroplano.

Nakaraos naman ako. Kaso mas leveling pala ang ang flush dito kamuntikan na akong higupin palabas ng eroplano.

Sobrang saya ko dahil nakaranas ako mag wiwi sa loob ng eroplano. Pero hindi ko nasagot ang tanong kung saan ba napupunta ang dumi ng isang taong tulad ko?

Ganoon pa man, ako’y umaasa na maging magandang bahagi ito ng nasa ibaba.

Nabitin ako sa biyahe! kasabay ng nagluluga kong pandinig!

Men! alam mo bang halos ma-dehydrate ako kakalunok ng sarili kong laway pero hindi pa rin mawala-wala ang barado kong tenga.

Heksayted kaming bumababa. Ay! ako lang pala.. gusto kong maglulundag at mag planking sa airport kaso baka nga magulungan ako! Ang sarap ng pakiramdam dahil sa unang pagkakataon bukod sa nakalipad ako e nakalabas ako ng Luzon!

hindi pa ako nakapunta sa ibang airport pero ang Airport ng Iloilo ay sadyang napaka linis! at napakaganda kumpara sa NAIA!

Sana marami pa akong masakyan ng eroplano kasabay ng mga bagong pangarap na nais kong marating 🙂

12/11/2011