(DAY 123/366) TAGUAN SA EYEBALL


Saganang akin, ang pakikipag date ay maituturing kong isang libangan at pagsusunog ng oras sa kapaki-pakinabang na pagkakataon. Dahil kahit sabihin mong pang mukha paa ang kikitain mo ay tiyak na may matutuhan ka naman sa kanya. O sa masaklat na katotohanan, ang pakikipag date ay maituturing din na isang pagkakataon na maglulustay ka ng pera, lalo na sa aming mga kalalakihan. Maliban na lang kung sabaw ang makakadate mo, na kahit maubos ang cash mo mula sa ATM o kahit pa mabaon ka sa utang dahil sa credit card mo ay ayos lang.

Bakit ko nga ba ito naikukwento? Kamakailan kasi, nagawa kong makipag EB (eyeball) hindi SEB (sexeye ball) ha. Bad yun.

At dahil nagkataon lang na nagtext s’ya at nagkataon ding nasa SM Manila ako, at wala namang magawa. Nakuha ko s’yang papuntahin doon.

FYI, hindi ko pa s’ya nakikita I mean, kahit sa picture sa internet ay hindi ko s’ya naa-aninag. In short, wala pa talaga akong idea sa pagmumukha n’ya. Isa pa kailan lang naman s’ya nagtext sa’kin. Nakuha n’ya daw number ko kung saan.

“expect the unexpected” – ‘yan na lang ang lagi kong sinasabi.

At makipag-meet nga ako, iniisip ko na lang na luklukan ng kapangitan ang makikita ko.. yung tipong “s’ya na ang pinaka-pangit na nilalang makikilala ko ever!” Para hindi na ko magpantasya ng kung anu-ano.

Kaya kahit maging sino man s’ya, ay kakausapin ko pa rin s’ya kahit mukha pa s’yang talampakan.

BTW, medyo matagal din akong naghintay, dahil maliligo pa daw s’ya.

Ako naman itong si walang magawa kaya hintay talaga ako.

Noong nandun na daw s’ya, sinabi ko ang suot ko. Naka  blue t-shirt na naka skinny jeans at tsinelas.

s’yempre tinanong ko din s’ya. pero ayaw sabihin kung ano suot n’ya kahit nakailang ulit na akong tanong.. sa sobrang inis ko, nagawa kong umalis sa puwesto. Hindi naman sa pagtatago ang ginawa ko, pero ganoon na nga ang ginawa ko. Nyahahahah 😀

Muli s’yang nagtext at tinatanong kung saan daw ako dahil hindi n’ya daw ako makita.

Nasusulyapan ko pa rin naman ang puwesto ko kung saan doon kami magtatagpo pero wala naman akong nakikita doon. Siguro naasar din kaya pumasok na lang daw s’ya sa odyssey.

Sabi ko ako na lang pupunta doon.

Aba, luklukan ng adik yung babaitang yun dahil wala pa rin akong makita. Akala naman n’ya maiisahan n’ya ko, kaya muli akong nagtago.

sa sobrang tagal naming naggagaguhan nagtataguan. Sinabi n’ya na rin sa wakas ang suot n’ya. -naka-brown daw s’ya.

Hmmmm. may natanaw naman akong mga tao, pero ni isa sa kanina ay walang  naka-brown..

Naramdaman kong ginagago tinataguan na ako nito, at mukhang gusto n’ya muna ako makita kung gaano ako ka-guwapo.. amp. ka cute lang pala. hehehe bago s’ya magpakita.

Ayun. naisip ko na lang na tawagan s’ya at sa oras na may mag-angat ng phone ibig sabihin s’ya na yun.

Nag-ring!… at ang tagal bago sagutin.  may nakita akong palingon lingon na tao pero hindi ko iniisip na s’ya yun. Isa pa hindi s’ya naka brown.

Tae na nagulat ako sa nakita ko na s’ya ang sumagot ng phone.

Hindi ko naisip na s’ya pala yun Luklukan ng kasinungalingan.

Hindi po s’ya naka Brown at mas lalong hindi siya tao.

Amp. baka sabihin n’yo napaka judgmental ko. Pero ganun talaga ako sa mga sinungaling na tao. Asar!!

Dahil sa taranta na makita n’ya ‘ko.. agad-agad akong naglakad paalis dun at baka makita n’ya ako.

Haaaaayyy.. Aral na lang siguro ito, hindi para sa’kin kundi sa mga taong mahilig magtago at magsinungaling.

‘buti nga sa kanya (belat) 😛 dahil nag-aksaya s’ya ng oras na makita ako pero hindi n’ya ako nakita.

Nakakagutom ang mga oras na’yun, kung di s’ya nag inarte edi sana nakain ko s’ya (este) nagkainan kami (este uli) kumain sana kami at nailibre ko s’ya. Nyahahahahaha.

Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit ako nakikipag meet ay upang matupad ang pangarap kong makakilala ng isang taong mamahalin ako bilang isang tunay na kaibigan.

Pero sa ngayon, habang may mga taong maiilap at ubod ng kasinungalingan ay malabo ko pa rin iyong matupad.

Mabuti pa ang mga kaibigan ko dito sa blog (ikaw iyon) hindi ko man nakikita alam ko at nararamdam kong tunay sila.

Dahil sa pangyayaring iyon, naniniwalan akong: ang pakikipagkaibigan ay hindi lang sa personal nagaganap. Sapat na sa’kin ang nararamdaman ko s’ya kahit sa mga simpleng letra lang. 😀

29 thoughts on “(DAY 123/366) TAGUAN SA EYEBALL”

  1. hahahha…tama ka…minsan nasubukan ko ring makipag-eb..matagal na yun mga 5 years ago..katuwaan lang at gusto ko ring maranasan ang mga ganun….e kaso….nagkalituhan…SM…daw….siya sa Manila ako sa Megamall…doon nagwakas ang lahat…hahahahhaah!
    dito sa blogosperyo…maraming walang mukha katulad ko…kasi dito di nman ang mukha ang kailangan…kundi ang malayang makapag-express ng kamalayan at makipagkaibigan sa pamamagitang ng letra (sabi mo!).

    1. yeah.. mabuti naman nakisang-ayon ka sa sinabi ko. nyahahaha..

      pero natawa ako doon ha.. hekhekhek.. Dami kasing SM e..

      buti hindi SM Cebu Nyahahahaha..

  2. @kuya blu – natawa q sa comment mu..
    “siya sa Manila ako sa Megamall…doon nagwakas ang lahat”
    ahaha…..anu pa nga ba,,,enweiz atleast na experience mo mkipag eb.. 😛

    @otep – belat nga yung gelay na yun,,,buti na lang at mas magaling ka makipagtaguan sa kanya,,hehehe

    di ko pa nasubukan makapag eb ng mag isa lang,,,,exciting nga cguro yan,,,yun tipong ni anino nya sa f.s di mo pa nakikita,,hehe

    -balitaan mo kame sa mga susunod mo pang makaka eb 😛

    1. uu.. ako din natawa kay blugoy..

      sana matry ko din yun.. nyahahahaha..

      Yeah. uu naman doctoral na yata ako sa Taguan.. hehehe

      sige sige balitaan kita sa next EB ko 😀

  3. haha.. nakakatuwa naman itong EB nyo.. naging taguan!

    dito sa blogosperyo.. ang kalooban ang nakikita hindi ang panglabas na anyo 🙂

    1. yeah.. tama tama.. dito walang plastikan at marami ka pang matutuhan.

      kaya kaw kuya sandi.. wag ka makikipag taguan ha. nyahahaha 😀

  4. hay naku nasubukan ko na din makipag eyeball sa taong di ko pa nakikita o talagang nakikilala pero hindi maganda ang napala ko kaya nasabi ko sa sarili ko na di na ako makikipag eyeball sa taong di ko alam kung ano ang intentins,hay naku, buti nga sa naka eb mo! sama niya ah!! sayang sana ako na lang yun!! hehe! joke!! i wish!!

    1. oo tama.. mga kupals ang mga taong may masamang “intentins” 😀

      oo nga.. sana ako na lang sige EB tayo d’yan sa DAKOTA Nyahahahaaha:D

      papakita ako sa’yo, pakita ka din ha 😀 apir*

  5. ayan ha e di natuto ka. ako e, natatawa sayo at sa mga comment ng mga kaibigan natin. nextime kung makikipag eb ka make sure nakita mo man lang ang picture nya. isa pa mutual dapat, kung nagsabi ka ng suot dapat ganun din siya.

    wala namang problema kung mukang paa. dapat lang siguro yung malinaw ang usapan. kasi eb lang naman yun. wala naman kayong gagawin. mag ngingitian lang kayo.

    e ako nga lahat ng naka EB ko gusto na ko iuwi at gagawin daw akong boy sa bahay nila. aba ginawa pa akong chimoy! haha

    1. Nyahahaha grabe ka parekoy, pag ako naka EB mo.. iuuwi talaga kita gagawin kitang MASTER! Nyahahaha..

      oo nga parekoy, hindi ko alam kung bakit ganun yun? kala n’ya kasi mukha akong tipaklong kaya naninigurado.. ayan tuloy kupel s’ya.. nilayasan ko nga 😀

    1. Nyahahaha napataob mo ko dun ha.. hehehe

      EB ka naman lagi sa work mo 🙂

      goodluck na lang sa’tin parekoy..

      alam ko d’yan ka lang lagi sa tabi-tabi..

      alam ko namang dadating ang panahon na may Grand EB ang mga bloggers 😀

    1. nabitin ka ba? hehehe..

      ummm.. basta chubby s’ya.. medyo may tigyawat yata.. hindi ko kasi nalapitan pero natanaw ko s’ya..:D

      yun lang hehehehe..

      basta sinungaling s’ya 😦

    1. kaso parekoy pag EB baka mauwi naman sa Orgy.. Nyahahahah (YUCKS) sensya green ako.. hehehee

      sa bagay may point ka..

      tara samahan mo akong makipag GROUP EB.. 😀

      ..saka tama ka uli, para safe. mamaya bukod sa sinangaling holdaper pa makaka EB mo. (wag naman) 😀

      salamat sa bisita parekoy

  6. ang mga nagtatago lang nman sa eb ay yong mga hindi honest..hehehe

    na-try ko na rin group eb. dun sa malate at na-occupy ng balik bayan na moderator ng e-group namin yong isang bar dun. pang morningan talaga ang inuman!

    1. mabuti na lang di sinungaling mga naka-EB mo..

      kakatuwa naman yun.

      inuman to the max. gusto ko din yun,

      pero ako lang tagatagay 😀

      1. naku maganda kase may galing pa ng davao. sa e-group yun na tambayan natin.
        talagang parang matagal ng magkakakilala nung nagmeet kami.

        na-nominate nga pala kita sa top 10 influential blogger. hehe

  7. ako, natatakot ako makipag meet. er, yung meet-up na sort of blind date! hindi malakas ang loob ko diyan. siguro kung grupo na puro wikipedians, eh okay lang!

    ayos ka pala. gusto mo makita yung taong mamahalin mo bilang isang tunay na kaibigan! hehe. ako, gusto ko rin ma-meet yun. although ang problema sa akin ‘i don’t take risk.’ takot akong tao.

    anyways, siya na lang ang maghanap sa akin!

    ang galing mo pala magtago! at, nakakadisappoint nga pag sinungaling ang isang tao! 🙂 sana ma meet mo na ‘siya!’

    1. yeah.. sabi ko nga mas okay na ako dito sa WP dami friends hehehehe..

      mga kupal lang talaga ang mga nagtatago.. ibig sabihin, kupal din ako. Nyahahhaha 😀

  8. madamdamin ang bandang huli mo ah. hehehe

    na-try ko na rin ito once… pero ang siste kasi late yung ka-eyeball ko at may next pa akong lakad. eh yung unang umupo sa tabi ko natakot ako. sabi ko sa kanya… in five minutes kapag wala pa sya alis na ako.

    kung hindi ako nagkakamali… nakita ko siya pero ako hindi. hehehe. galit na galit siya sa akin. minahal na raw niya ako kahit sa boses pa lang. na hindi at never kong paniniwalaan.

    mula noon , hindi na ako pumapatol sa eyeball. hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s